THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 36 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “NAGHIWALAY NA ba kayong dalawa ni Fidel?” tanong sa akin ng aking kapatid na si Mia. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Sabado ngayon at ako lang ang mag-isa sa bahay dahil may out of town ngayon ang aking mga magulang. Si Kuya naman ay nasa Manila rin ngayon kaya ako lang mag-isa sa bahay. Malayang makakapunta dito si Mia dahil wala si Mommy kaya tinawagan ko kaagad siya. Wala kasi akong ibang mapupuntahan dahil hindi pa rin kami nag-uusap ni Emilio. Hindi ko nga alam kung kami pang dalawa eh. Gusto ko siyang kausapin, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Napatingin ako kay Mia at malungkot akong ngumit sa kanya at nagsasalita ako. “H-Hindi ko alam, Mia. Hindi pa kasi kami muling nagkausap ni Emilio

