THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 7
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mia noong nasa mall kaming dalawa, iyong time na nakita namin sa mall si Emilio. Natatakot ako… natatakot ako na malaman niyang isa akong Caballero—lalo na’t magiging magkaklase kaming dalawa ngayon sa new school ko.
“Kaya habang maaga pa, mag move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero.”
Naalala ko na naman ang eksaktong mga sinabi sa akin ng aking kapatid na si Mia tungkol kay Emilio. Natatakot ako na makita siyang magalit sa akin. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na ‘yun.
“Aubrielle anak?”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Mommy. Napalingon ako at nakita ko siya na nakasilip ngayon sa labas ng aking kwarto habang nakangiti.
“Can I come inside?” tanong niya sa akin.
Nginitian ko naman si Mommy at tumango ako.
“Yes po, Mom.”
Nang sabihin ko ‘yun sa kanya ay pumasok na rin siya sa loob ng aking kwarto. Nakita ko na nakasuot na ngayon ng Modern Filipiniana Dress si Mommy at nakaayos na rin ang kanyang mukha at buhok ngayon. Oo nga pala, monday ngayon kaya may flag ceremony sila sa municipality at kailangan nilang magsuot ng mga Filipiniana sa girls at sa boys naman ay mga Barong.
“Ready ka na ba sa classes mo ngayon, anak?” malambing na tanong sa akin ni Mommy at lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking balikat.
Nasa harapan ako ngayon ng salamin kaya nang hawakan ni Mom ang aking balikat ay pareho kaming napatingin sa repleksyon namin sa salamin. Ngumiti muli sa akin si Mommy at bahagya niyang hinagod ang aking balikat at nagsalita siya muli.
“Ang laki mo na talaga, Anak. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nandito ka na, Aubrielle,” malambing na sabi ni Mommy sa akin ngayon. Nagiging emosyonal na rin siya ngayon.
Humarap ako kay Mommy at hinawakan ko ang kanyang kamay at nagsalita ako.
“Thank you, Mommy. Don’t worry, gagalingan ko po sa pag-aaral ko, para po in the future ay matulungan ko rin kayo,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Hinawakan ni Mommy ang aking pisngi at nagsalita siya muli.
“Just enjoy your school year, anak. Hindi naman kita pini-pressure. Ayokong dumagdag pa ako sa pressure na binibigay ng Dad mo sayo. Ang akin lang ay maging masaya ka, at sana ay makahanap ka ng mga kaibigan sa new school mo,” sabi ni Mommy sa akin.
Ngumiti ulit ako sa kanya at tumango.
“Don’t worry, Mom. Hindi naman ako nag-iisa. Nandiyan naman po ang kapatid ko na si Mia,” sabi ko sa kanya.
Nang mabanggit ko ang pangalan ni Mia ay unti-unting nawawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng seryosong ekspresyon sa mukha. Hinawakan ni Mommy ang magkabila kong kamay at tinitigan niya ako sa aking mga mata at nagsalita siya muli.
“Anak, she’s not your sister. Huwag mo siyang ituring na kapatid mo. Si Hugo lang ang kapatid mo at wala nang iba. Naintindihan mo ba ako, Aubrielle Allison Caballero?” seryoso na sabi ni Mommy sa akin ngayon.
Napalunok ako sa aking laway at wala akong magawa kundi ang tumango at pumayag sa kagustuhan ni Mom. Ayoko nang makipag sagutan pa kay Mommy dahil baka magalit pa siya sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya matanggap si Mia eh. Bago niya lang nalaman na may anak pala sa labas si Dad kaya alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ang Mom ko.
Nang matapos na kaming mag-usap ni Mom, at tapos na rin akong makapag bihis at mag ayos, sabay na kaming lumabas ng aking kwarto at dala ko na rin ngayon ang aking bag. Isang simpleng pink dress lang ang suot ko ngayon dahil wala pa akong uniform. Hindi pa kasi ako nakakapa-size para magawan na ako ng uniform eh. Pero next week ay magagawa na raw iyong uniform ko.
Pagbaba namin sa hagdan ay agad kong nakita sa baba si Mia na naghihintay sa akin. Nakasuot na siya ng kanyang uniform at ng makita niya kaming dalawa ni Mommy na magkasama ay agad siyang napatayo at bahagya siyang yumuko at bumati.
“Magandang araw po sa inyo, Ma’am Aubrielle at Vice Mayor Audrey,” pormal na bati ni Mia sa amin ni Mommy.
Ngumiti ako kay Mia at binati ko siya pabalik. “Good morning, Mia!”
Nang mapatingin ako kay Mom ay malamig lang ang tingin niya kay Mia at nagsalita siya ngayon.
“Mia, alam mo na ang kailangan mong gawin. Pagsilbihan mo si Aubrielle. At kahit anong mangyari, dapat nandyan ka lagi para sa anak ko. Maliwanag ba?” seryoso na sabi ni Mom ngayon kay Mia.
Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi, pero bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Mia kaya napatingin ako sa kanya.
“Noted po, Vice Mayor. Makakaasa po kayo sa akin. Gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko,” pormal na sabi ni Mia at muli siyang yumuko.
Nakaramdam ako ng konting awa ngayon sa aking kapatid. Hindi siya dapat ganito eh… dapat tinuturing din siya namin na pamilya dahil anak siya ni Dad—kapatid ko siya.
Muling humarap sa akin si Mom kaya napangiti na ako sa kanya. Hinawakan ni Mom ang aking pisngi at nagsalita siya. “Uuna na ako sa inyo, anak, okay? Alam ko na hindi ka pa kumakain. Kailangan ko ng umalis dahil mala-late na ako,” malambing na sabi ni Mom sa akin at hinalikan niya ako sa aking pisngi.
Nang makapagpaalam na si Mom sa akin ay umalis na rin siya. Pagkaalis ni Mom ay humarap ako kay Mia at lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng hawakan ko ang kanyang kamay at agad niya naman itong inalis at napatingin siya sa paligid.
“Brielle, baka may makakita. Baka makita ni Mayor at ng Kuya mo,” mahinang sabi ni Mia sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. “Ano naman kung makita nila? You’re my sister, Mia. And don’t worry, wala sila rito. Halika, samahan mo na muna ako kumain,” sabi ko sa kanya at hinila ko na siya.
Wala nang magawa si Mia kundi ang sumama sa akin sa pagkain ngayon ng breakfast. Habang kumakain kami ngayon ay sinasabi na ni Mia ang mga kailangan kong ma-expect sa Andalucia Community College.
“Aubrielle, baka magulat ka bigla kapag nakarating ka sa campus natin. Maliit lang ang campus natin at konti lang din ang mga classrooms kaya half day lang tayo lagi. At isa pa, maraming mga bullies doon.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mia.
“Maraming bullies? What do you mean, Mia?”
Bumuntong hininga siya bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita.
“Maraming galit sa pamilya mo, diba? Hindi naman ata bago ‘yan sayo. Lahat ng nag-aaral sa Andalucia Community College ay galit sa mga Caballero. At kapag nalaman nila na anak ka ng dalawang corrupt politicians, pahihirapan nila ang buhay mo. Pero ‘wag kang mag-alala, nandito naman ako para tulungan ka kahit hindi tayo magkaklase,” sabi ni Mia sa akin at nginitian niya ako.
Napalunok ako sa aking laway at kinabahan ako bigla. Napatango na lang din ako at hindi na ulit ako nagsalita pa.
Nang matapos na kaming kumain ay umalis na rin kaagad kami ni Mia. Si Kuya Edgar ang naghatid sa amin ni Mia sa campus at nang makarating kami at makalabas na sa car ay nakatingin sa akin ang halos lahat ng mga estudyante kaya hindi ko mapigilan na mailang at magtaka.
“Bakit sila nakatingin sa akin?” naguguluhan ko na tanong kay Mia.
Bumuntong hininga siya at nagsalita. “Bago ka kasi sa mga mata nila, Aubrielle. Tapos ang ganda mo pa! Masanay ka na sa mga taong ‘yan, hindi ka naman nila kakainin ng buhay,” sabi niya at nagsimula na siyang maglakad kaya sumama na rin ako kay Mia.
Ihahatid niya daw muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa classroom nila. Habang naghahanap kami sa classroom ko, narinig ko ang boses ni Emilio kaya nagulat ako.
“E-Emilio…”
Tumakbo siya palapit sa amin ni Mia. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Mia ng makita si Emilio. Nakangiti siya sa amin ngayon ng makalapit siya sa amin.
“Papunta ka na ba sa classroom, Ali?” tanong sa akin ni Emilio. Nakatingin lang siya sa akin ngayon.
Napalunok ako sa aking laway at napatango ako.
“Y-Yes.”
“Sabay na lang tayo! Tutal, magkaklase naman tayong dalawa eh,” sabi ni Emilio sa akin habang nakatingin pa rin siya sa aking mga mata. Kinabahan naman ako bigla.
“Uhm, sasamahan ko si Aubrielle, Fidel,” seryoso na sabi ni Mia sa kanya. Napatingin na rin si Emilio ngayon kay Mia at sumeryoso na rin ang kanyang mukha.
“Diba mala-late ka na, Mia? Ako na ang bahala kay Ali. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya pababayaan,” sabi ni Emilio ngayon sa aking kapatid.
Napatingin naman ako kay Mia at nakita ko siya na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagsalita ako. “Don’t worry, okay lang ako. Tawagan na lang kita kapag may problema, Mia,” nakangiti ko na sabi kay Mia.
Bumuntong hininga siya at tumango.
“Okay, Brielle. Mag-ingat ka,” sabi sa akin ni Mia. Lumapit sa akin si Mia at niyakap niya ako. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko rin siya pabalik.
Nang makaalis na si Mia ay humarap na ako kay Emilio at ngumiti ako sa kanya.
“Let’s go?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako at sabay na kaming naglakad ngayon papunta sa classroom namin.
Habang naglalakad kami ngayon sa hallway, maraming nakatingin na babae kay Emilio at kinikilig sila. Halata naman na maraming nagkakagusto sa kanya eh. Ang gwapo rin kasi ni Emilio at ang tangkad niya pang lalaki. Kung ako nga ay nagkakagusto na rin sa kanya, paano pa ang ibang babae?
Pagkarating namin sa classroom ay natahimik ang mga tao sa loob ng pumasok kami sa loob. Nanlalaki ang mga mata nila ng makita nila kami na magkasabay na pumasok sa loob ng classroom ni Emilio.
May lumapit kay Emilio ngayon na babae at nagsalita siya.
“Sino ‘yang kasama mo, Fidel?” tanong ng babae sa kanya at ng mapatingin siya sa akin ay masama ang kanyang tingin kaya hindi ko mapigilan na matakot.
“She’s our new classmate, Irish. Be nice to her,” seryoso na sabi ni Emilio sa babae na may pangalan na Irish.
Muling tumingin sa akin si Irish at tinaasan niya ako ng kilay. Tinignan niya ako mila ulo hanggang paa bago siya muling magsalita habang nakatingin sa akin.
“Mukhang anak mayaman ang isang ‘to. Sigurado ka bang hindi anak ‘to ng isang corrupt politician? Anong pangalan mo?” mataray na tanong sa akin ni Irish.
Napalunok ako sa aking laway at napa kurap kurap ako sa aking mga mata. Nakatingin na silang lahat sa akin ngayon at naghihintay sa aking sagot.
“I-I’m Aubrielle…” mahina kong sabi sa kanila.
Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko ngayon at hindi ko na alam kung ano pa ang susunod kong gagawin. Buti na lang talaga at iniligtas ako ngayon ni Emilio ng lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay at nagsalita siya.
“Stop scaring her, Irish. Magpapakilala rin siya mamaya sa harapan ng klase,” sabi ni Emilio at hinila na niya ako ngayon at umupo kami sa likod na bahagi ng classroom at magkatabi rin kaming dalawa.
Nang makaupo na ako sa aking upuan ngayon ay inayos ko na muna ang aking sarili at huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.
“Ali, okay ka lang ba?”
Napatingin ako kay Emilio ng magsalita siya. Sunod-sunod naman akong tumango at ngumiti ako sa kanya.
“Y-Yes, Lio. Okay lang ako. Thank you pala,” mahina kong sabi sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na professor namin at nagulat ako ng makita ko na pamilyar ang mukha nito. Nakapunta na ito sa bahay namin dati kaya namumukhaan ko siya. Napatingin sa akin si Sir at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng makita ako.
“Oh! Miss Caballero, nandito ka pala?”
Fuck.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kaklase ko at napatingin na rin silang lahat sa akin. Nang mapatingin ako kay Emilio ay seryoso na ang kanyang ekspresyon sa mukha ngayon habang nakatingin sa akin. Nakakunot din ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Miss Caballero, kumusta ang mga magulang mo? Sila ba ang nagpapasok sayo dito sa Andalucia Community College?” tanong muli sa akin ni Sir at nakatingin lang siya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at nanginginig na ako sa takot ngayon lalo na’t ang tahimik ng paligid at nakatingin lang sila sa akin ngayon—naghihintay sa sagot ko.
“O-Okay lang naman po sila…” mahina kong sabi kay Sir.
Napasinghap sila ng sabihin ko ‘yun.
“Oh my! Isa siyang Caballero?
“I knew it! May masama talaga akong nararamdaman sa babaeng ‘yan.
“Bakit sila magkasama ni Fidel kanina?
“Hala! Isa siyang Caballero?”
Kung anu-ano na lang ang naririnig ko ngayon sa mga kaklase ko ngayon at naiiyak na rin ako. Nang mapatingin ako ulit kay Emilio ay nakita kong masama na ang kanyang tingin sa akin ngayon kaya mas lalo akong naging emosyonal.
“E-Emilio—”
“Isa kang Caballero?” malamig niyang tanong sa akin.
Napaawang ang bibig ko sa kanyang tanong sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na ang aming professor ngayon.
“Everyone, let’s welcome the daughter of our beloved mayor and vice mayor, Aubrielle Allison Caballero!” pagpapakilala ng professor namin sa akin.
Tuluyan na akong napaluha ngayon habang nakatingin kay Emilio ng makita ko ang pandidiri sa kanyang mga mata at labis na galit habang nakatingin sa akin.
“Manloloko ka. You’re disgusting, Aubrielle Allison Caballero.”
TO BE CONTINUED...