THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 18
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
INAANTOK PA RIN ako ngayon, pero kailangan kong pumasok sa klase dahil may importante kaming quiz na sasagutan at hindi ako pwede na hindi maka-take ng quiz dahil magagalit sa amin ang professor namin. Hindi na kasi ako nakatulog ulit ng ihatid ko si Emilio sa labas ng bahay namin para makauwi siya sa kanila. May oras pa naman sana ako para matulog ulit, pero hindi mawala sa utak ko ang malumanay niyang boses habang kausap ako at ang ngiti niya sa akin.
At ang pagtawag niya sa akin ng Ali ulit! Siya lang talaga ang tumatawag ng Ali sa akin at nakakamiss na tawagin niya akong ganun. Nang dahil sa kilig na nararamdaman ko kay Emilio, hindi na ako nakatulog ulit at puyat at inabot ko.
“Anak, okay ka lang ba?”
Nag angat ako ng tingin ng marinig ko na magsalita si Mommy. Nandito kami ngayon sa hapag kainan, kumakain ng aming breakfast. Kumpleto kami ngayon, nandito si Dad at si Kuya Hugo. Pero alam ko na bukas ay wala na naman sila, kami na naman ni Mommy ang maiiwan dito sa malaking bahay namin.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatango ako at pinilit kong ngumiti kay Mommy ngayon bago ako muling magsalita.
“Yes po, Mommy. Sorry po, nakakaramdam pa kasi ako ng antok,” mahina kong sabi at muli akong bumalik sa aking pagkain.
“Lumabas ka ba ng bahay kaninang madaling araw, anak?”
Bigla akong kinabahan ng itanong iyon sa akin ni Daddy. Parang biglang nanlamig ang buo kong katawan ng itanong niya iyon sa akin. Wait lang, may nakakita ba sa amin kanina ni Emilio? Pero naging maingat kami! Umiwas din kami sa mga CCTV cameras, kung saan mahahagip ang cameras.
“H-Hindi po, Dad. Bakit po?” mahina kong sabi kay Dad.
Napailing siya at bahagyang ngumiti sa akin. “May nasabi lang sa akin ang guard na parang may nakita siyang kamukha mo kagabi sa labas ng bahay. Baka namamalikmata lang siya, o hindi naman ay nag hallucinate,” wika ni Dad.
Napatango-tango ako at pinilit kong tumawa at nagsalita. “B-Baka nga po nag hallucinate lang ‘yung guard, Dad. Takot po ako sa dilim, hindi ko kayang lumabas ng madaling araw sa bahay,” sabi ko at muling ngumiti.
Sumang-ayon din si Mommy sa sinabi ko. Napatingin ako sa aking kapatid at hinihintay ko na umangal siya sa sinabi ko, pero tahimik lang si Kuya Hugo at hindi siya nangialam sa usapan ngayon na para bang hindi kami nag exist sa kanyang mundo.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain. Sabay na umalis si Mommy at Daddy dahil pupunta sila sa munisipyo ngayon dahil may flag ceremony sila ngayon. Si Kuya Hugo naman ay muling bumalik sa kanyang kwarto. Kanina pa siya tahimik at mukhang wala siyang plano na makipag-usap sa ibang tao at gusto niya lang magkulong sa kanyang kwarto. Mas okay na rin ‘to kaysa awayin niya lang ako lagi.
Nang makaalis ang mga magulang ko ay iyon din ang pagdating ni Mia dito sa bahay. Nang makita ko siya ay agad ko siyang niyakap at siya naman ay niyakap ako pabalik.
“Good morning, Aubrielle! Oh, bakit parang mugto ang mata mo? Umiyak ka ba galing?” nagtataka na tanong ni Mia sa akin habang nakatingin siya sa aking mukha.
Napahawak ako sa aking mukha ngayon at kinuha ko muna ang phone ko at tiningnan ang reflection ko dito at nakita ko na mugto nga talaga ang mga mata ko ngayon. Pero hindi dahil sa pag-iyak, pero dahil sa kulang sa tulog.
“Kulang lang ako sa tulog, Mia. Hindi ‘to galing sa pag-iyak dahil hindi naman ako umiyak kagabi,” sabi ko sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata niya na para bang may naalala siya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at hinila niya ako papunta sa gilid at napatingin siya sa paligid at nang makita niyang walang tao ay muli siyang humarap sa akin at nagsalita siya.
“Oo na pala, kumusta iyong pagpunta ni Fidel dito? Hindi ba kayo na buko ng mga magulang mo? Paano siya nakauwi sa kanila?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napa buntong hininga ako at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at nginitian ko siya at nagsalita ako.
“Hindi kami nakita nila Dad, Mia. Naitago ko si Emilio whole day sa kwarto ko,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“Wow! Really? Ang galing mo naman! So paano siya nakauwi sa kanila?” tanong niya muli sa akin.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at muli kong naalala ang sinabi niya kanina sa akin na dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ulit.
“Ali, sige na, pumasok na sa loob…”
“See you mamaya sa klase.”
See you mamaya sa klase! Argh! Magkikita ulit kami mamaya.
“Hoy! Earth to Aubrielle!”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Mia. Natulala na pala ako at nakangiti ako ngayon.
Nang mapatingin ako sa aking kapatid ay nakangisi na siya ngayon. Alam ko na, aasarin na naman niya ako.
“Hmm, mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Fidel, huh?” nakangisi niyang sabi sa akin.
“Sino ang nagkakamabutihan?”
Pareho kaming nagulat ni Mia nang marinig namin ang boses ni Kuya Hugo. Bigla akong namutla at kinabahan ako ng sobra ngayon ng makita ko siya na pababa na ng hagdan. Nakatingin siya sa akin at seryoso ang kanyang tingin sa akin ngayon.
Fuck! Narinig niya ba ang pinag-usapan namin ni Mia? Dapat hindi na namin pinag-usapan dito sa bahay ang tungkol doon kay Emilio eh! Baka malaman ni Kuya Hugo. Patay talaga ako nito!
“K-Kuya Hugo…” mahina kong sabi.
Unti-unti na siyang lumalapit sa amin ngayon. Si Mia naman ay napayuko na rin, halatang takot na takot din siya kay Kuya Hugo ngayon kagaya ko.
Napalunok ako sa aking laway at nag lakas loob ako ng tumingin sa kanya ngayon.
“May boyfriend ka na ba, Aubrielle Allison Caballero?” malamig na tanong ni Kuya sa akin ng makalapit siya.
Mabilis akong napailing-iling at sinagot ko ang kanyang tanong.
“W-Wala po akong boyfriend, Kuya Hugo!” sagot ko sa kanyang tanong kahit na sobrang lakas na ng t***k ng aking puso ngayon sa kaba.
Napataas siya sa kanyang kilay at humakbang pa siya lalo sa amin kung saan kami nakatayo ni Mia. Tinignan niya naman si Mia bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita.
“Hinahawaan ka ba sa pagiging malandi ng babaeng ‘to, Aubrielle?” sabi ni Kuya Hugo habang nakaturo siya kay Mia.
Nanlalaki naman ang mga mata ko sa gulat sa tinawag niya kay Mia ngayon. Nang mapatingin ako kay Mia ay nakayuko pa rin siya, ayaw niyang tumingin kay Kuya Hugo. Seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha na para bang sanay na siya sa tinatawag ni Kuya Hugo sa kanya na malandi.
“K-Kuya, hindi po. Hindi naman po malandi si Mia—”
“Wala akong pakialam sa pinaglalaban mo, Aubrielle! Ang akin lang, hindi ka pwedeng magkaroon ng boyfriend na taga Andalucia, maliwanag? Puro mahihirap ang nandito sa lugar na ‘to! Ayokong may hampaslupang maging parte ng pamilya Caballero, okay?!” madiin at masungit na sabi ni Kuya Hugo sa akin habang nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Sa takot na nararamdaman ko sa aking kapatid ay sunod-sunod akong napatango at agad na sumang-ayon sa kanyang sinabi.
“M-Maliwanag po, Kuya Hugo…” mahina kong sabi at bahagya akong napayuko. Pinipigilan ko na ngayon ang mga luha ko na pumatak sa aking mga mata ngayon. Naiiyak na rin ako ngayon.
“Lalo na sa pamilya Valencia, Aubrielle. Tandaan mo ang apelyido na iyan, bawal ‘yan sa pamilya natin.”
Nang mabanggit ni Kuya Hugo ang apilkyedo ni Emilio ay muli akong napatingin sa aking kapatid at kitang-kita ko na ang galit sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin.
“B-Bakit po?” mahina kong tanong sa kanya. Nagbabakasakali lang ako na sagutin niya ang tanong ko, kung bakit bawal ang mga Valencia sa pamilya namin.
“Dahil sila ang sumira sa buhay natin—sa buhay mo, Aubrielle. ‘Yan ang itatak mo sa kukuti mo!” madiin na sabi ni Kuya Hugo at umalis na siya sa harapan ko ngayon at naiwan ako na tulala.
Nang tuluyan ng makaalis si Kuya Hugo ay iyon din ang pagpatak ng aking mga luha.
“Aubrielle…” mahinang sabi ni Mia at hinawakan niya ang aking braso kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang malungkot niyang pagngiti sa akin at siya na rin ang nagpunas ng mga luhang pumatak sa aking mga mata ngayon at nagkalat sa aking mukha.
“Huwag mo nang isipin ang sinabi ng kapatid mo, Aubrielle. Tinatakot ka lang niya. Halika na, pumunta na tayo ng campus?” malumanay na sabi ni Mia sa akin at inalalayan na niya akong makalabas ng bahay namin.
Bilib ako kay Mia. Pinagsalitaan na siya ng masama kanina ng kapatid ko, pero ngayon ay nagawa niya pa rin na ngumiti sa akin at alalayan ako kahit na nasasaktan siya.
Tahimik lang ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Hugo sa akin—sa pananakot niya tungkol sa mga Valencia.
Paano nila sinira ang buhay ko?
“Aubrielle?”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng tawagin ako ni Mia.
Huminga ako ng malalim at pinilit ko na ngumiti sa kanya.
“S-Sorry pala sa inasal ni Kuya Hugo sayo, Mia,” mahina kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay at muli siyang nagsalita.
“It’s okay, Brielle. Sanay na ako sa bunganga ng kapatid mo. Don’t worry about me, ikaw, mukhang malalim ang iniisip mo ngayon. Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ni Hugo sayo?” alala na tanong sa akin ni Mia.
Napa buntong hininga ulit ako at mahina akong napatango at nagsalita ako.
“May alam ka ba sa sinabi ni Kuya Hugo, Mia? Ano ‘yung sinasabi niyang sinira ng mga Valencia ang buhay ko?” mahina at naguguluhan ko na tanong sa kanya ngayon.
Napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata na para bang nag-iisip siya sa naging tanong ko sa kanya. Napa buntong hininga si Mia at malungkot siyang tumingin sa akin muli at nagsalita siya.
“I don’t have an idea kung ano ang tinutukoy ni Hugo kanina sayo, Aubrielle. Pero baka may koneksyon lang ‘to sa away ng pamilya niyo at sa mga Valencia, iyon ata ang ibig niyang sabihin,” seryoso na sabi ni Mia sa akin.
Napahagod naman ako sa aking buhok at napatango-tango ako.
“S-Siguro nga ay ganun lang ang ibig niyang sabihin, Mia. Masyado lang siguro ako nag overthink,” mahina kong sabi at ngumiti sa kanya.
Tumango si Mia sa aking sinabi at hinawakan niya ang aking kamay. Nagpapasalamat din talaga ako na nandito si Mia for me, na hindi niya ako iniwan. Na kahit hindi kami okay ni Kuya Hugo, may isa naman akong kapatid na masasabi kong kakampi ko—na mapagsasabihan ko ng mga problema ko at alam ko na nandiyan para sa akin.
Nang makarating kami sa Andalucia Community College ay nagsimula na naman akong makaramdam ng kaba dahil makikita ko na ulit si Emilio. Parang kanina lang naman kami magkasama… pero hindi ko pa rin makakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina—ang pagtawag niya sa akin ulit ng Ali, ang tawag niya sa akin ng hindi niya pa alam na isa akong Caballero.
Pagpasok ko sa loob ng classroom namin ay agad akong napatingin kung saan nakaupo si Emilio, at bigla na lang nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang nakasandal ngayon sa balikat ni Irish habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Napatingin sa akin si Irish at tinaasan niya ako ng kanyang kilay at ngumisi siya sabay hawak niya sa pisngi ni Emilio na para bang nang-iinggit siya sa akin ngayon na ang lapit nila sa isa’t isa ni Emilio.
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanila at nagmamadali akong umalis at pumunta sa pwesto ko sa likuran. Nang makaupo ako sa upuan ko, mas lalo akong nainis dahil kitang-kita ko mula sa aking kinauupuan ang posisyon ni Emilio ngayon at ni Irish.
Fuck!
Bakit naiinis ako? Nagseselos ba ako sa kanila?
Ay, ewan! Bahala sila.
Ipinikit ko na lang din ang aking mga mata habang wala pa ang professor namin at pinilit ko ang sarili ko na umidlip muna para makapag pahinga, pero alam ko na hindi iyon ang rason kundi ang nakikita ko sa harapan ko ngayon.
TO BE CONTINUED...