TMSA: 8

1164 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 8 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “MANLOLOKO KA. You’re disgusting, Aubrielle Allison Caballero.” Sobrang sakit na marinig ‘yun galing kay Emilio. Alam na niya na isa akong Caballero. Alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit nagalit siya dahil hindi ko sinabi sa kanya noong una kaming nagkita na isa akong Caballero. Tapos kanina ay ipinagtanggol niya pa ako sa kaklase namin na si Irish. It turns out na tama pala sila… na isa akong anak ng corrupt politician. “E-Emilio, sandali!” hinabol ko si Emilio sa labas ng matapos na ang klase namin. Agad siyang lumabas ng classroom ng hindi nagsasalita at hinabol ko kaagad siya. Ang bilis ng paglalakad ngayon ni Emilio at pinagtitinginan na rin kami ngayon. Pero gusto ko siyang makausap. Gusto kong mag sorry sa kanya. “Emilio—” Napatigil ako sa aking pagtawag sa kanya at paglalakad ng humarap sa akin si Emilio at tinignan niya ako ng malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. Kinabahan ako bigla at ang lakas ng t***k ng aking puso ngayon. “E-Emilio…” Lumapit sa akin si Emilio at hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila. Dinala ako ni Emilio ngayon sa isang classroom na walang katao-tao sa loob at agad niyang nilock ang pinto at sinandal niya ako sa pader. Nagulat ako sa ginawa ni Emilio at nanlalaki an rin ang aking mga mata ngayon ng pumunta siya sa aking harapan at ikinulong niya ako sa kanyang braso. “L-Lio… I’m so sorry,” mahina kong sabi sa kanya at naiiyak na rin ako ngayon. Masama ang tingin niya sa akin ngayon hanggang sa nagsalita siya. “Sabihin mo na hindi totoo ‘yun, na hindi ka isang Caballero,” mahina niyang sabi sa akin na mas lalo kong ikinalungkot. Nagbabakasakali pa rin pala siya na hindi totoo ‘yun… na hindi ako isang Caballero. Napakagat ako sa aking labi at naluluha na rin talaga ako ngayon. “I-I’m so sorry, Emilio. Ayokong magsinungaling sayo, pero natatakot ako na baka hindi mo ako magustuhan. Maniwala ka sa akin, hindi ako kagaya nila—” “So you’re a Caballero?” pagputol niya sa aking pagsasalita. Nakatitig lang sa akin ngayon si Emilio habang ako ngayon ay nagpipigil sa aking luha. Pero hindi ko na nakayanan, tuluyan na akong napaiyak at mahina akong napatango at nagsalita ako. “Y-Yes, isa akong Caballero. Ako ang bunsong anak ng mga Caballero,” mahina kong sabi kay Emilio habang patuloy ako sa aking pag-iyak ngayon. Nang mapatingin ako muli kay Emilio ay nakita ko ang lungkot at galit sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Umiling-iling siya at bahagya siyang lumayo sa akin habang masama ang tingin niya sa akin ngayon. “L-Lio, maniwala ka… hindi ako kagaya ng mga magulang ko. Hindi ako masamang tao!” sabi ko sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay, pero mabilis niya itong iniwas at tinignan niya ako ng masama at nagsalita siya. “Huwag na huwag mo na akong lapitan ulit, Aubrielle. Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga kagaya niyong Caballero!” galit niyang sabi sa akin at lumabas na siya ng classroom. Nang makalabas na si Emilio at naiwan akong mag-isa, hina akong napaupo sa sahig at napatakip ako sa aking bibig at napaiyak ako ng malakas. Ang sakit… sobrang sakit na makitang galit ang taong nagugustuhan mo. Akala ko ay pwede pa, pero hindi na talaga. Malaki ang galit ni Emilio sa mga Caballero. At dahil isa akong Caballero, galit na rin siya sa akin. At hindi na niya ako tinatawag na Ali… Aubrielle na ang tawag niya sa akin ngayon. “BAKIT NAMUMULA ang mga mata mo, Aubrielle?!” gulat na tanong ni Mia ng makapasok na kami ngayon sa sasakyan. Nauna na akong pumunta dito sa kotse at hindi na ako bumalik sa classroom dahil nasasaktan pa rin ako sa nangyari kanina. At baka kapag makita ko ulit si Emilio ay baka umiyak na naman ako. Sinabi ko na lang kay Kuya Edgar na hintayin na lang namin na matapos ang classes ni Mia bago kami umalis at bumalik ng bahay. “May umaway ba sayo doon sa classroom niyo? Sabihin mo lang sa akin, Aubrielle!” alala na tanong sa akin ni Mia at hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Bahagya akong ngumiti kay Mia ngayon kahit na sobrang nalulungkot pa rin ako at nanghihina. “Alam na ni Emilio na isa akong Caballero, Mia…” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng aking luha ngayon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahan niyang pinunasan ang mga luha na pumatak sa aking mukha ngayon at nagsalita siya. “Diba sinabi ko naman sayo… malaki talaga ang galit niya sa mga Caballero, Brielle. Hindi mo na mababago si Fidel kahit anong mangyari. Gusto mo bang lumipat na lang ako ng course? Samahan kita,” seryoso na sabi ni Mia sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti ako sa aking kapatid at nagsalita muli ako. “I’m okay, Mia. Hindi mo kailangan na lumipat ng course para sa akin. Kaya ko ang sarili ko. Ayoko na bigyan ka pa ng problema,” mahina kong sabi sa kanya. Habang nakatingin sa akin si Mia ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang awa niya sa akin. Lumapit siya sa akin ngayon at niyakap niya ako. Nang yakapin ako ng aking kapatid ay hindi ko na mapigilan na mapapaiyak ulit at napayakap na rin ako sa kanya pabalik. Hinagod hagod ni Mia ang aking likod ngayon at nagsalita siya. “Makakahanap ka rin ng lalaking tatanggapin ka ng buong puso, Aubrielle. Tanggapin mo na lang na hindi talaga kayo para sa isa’t isa ni Fidel. Kalaban ang turing niya sa pamilya niyo, at hindi mo na mababago ang tungkol doon.” Habang sinasabi iyon ni Mia sa akin ay mas lalo lang naninikip ang aking dibdib sa sobrang sakit. Ngayon ko lang ‘to nararamdaman sa iisang lalaki—kay Emilio lang. Totoo siguro ang love at first sight dahil iyon talaga exactly ang naramdaman ko ng makita ko si Emilio. At nang malaman ko na malaki ang galit niya sa mga Caballero ay sobra akong nasaktan. At ngayon ay alam na niyang isa akong Caballero. Ayaw na niya sa akin. Ayaw na niyang lumapit sa akin. Ayaw na niya akong kausapin—kinamumuhian na niya ako. Hindi ko alam kung paano ako mag mo-move on kay Emilio, pero kakayanin ko. Tama naman si Mia, marami pang lalaki. Makakahanap pa ako ng lalaki na handa akong tanggapin kung ano pa ako. Pero hanggang kailan? Sa ngayon ay ang iisipin ko muna ay kung paano ko maalis itong nararamdaman ko para kay Emilio upang hindi na ako masaktan pa. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD