Introduction

219 Words
Si Aubrielle Allison Caballero ay anak ng isang politiko. Ang kanyang ama ay ang Mayor ng kanilang lungsod, ang kanyang ina ay ang Gobernador, at ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki ang congressman sa kanilang lugar. Pero kahit na nakapalibot siya sa politika ay hinding-hindi siya tutulad sa kanyang pamilya-lalo na sa mga masasamang ginagawa nito. Maraming galit sa Pamilya Caballero dahil sa pagiging corrupt nito. Marami na rin na pinatay ang mga Caballero, pero hindi sila makulong-kulong dahil makapangyarihan sila at kahit na marami silang masamang ginagawa ay lagi pa rin silang nananalo sa eleksyon. Nang dahil sa ginagawa ng pamilya niya, marami na rin ang galit kay Aubrielle-kabilang na rito ang lalaking matagal na niyang gusto, si Fidel Emilio Valencia. Isa ang mga Valencia sa galit sa pamilya ng Caballero dahil namatay ang ina ni Emilio sa kamay ng mga Caballero at kahit ilang ulit nilang kasuhan ang mga ito ay nababasura lang ang kaso. Kaya ayaw na ayaw ni Emilio ang pamilya Caballero at ayaw niya kay Aubrielle dahil kamukhang-kamukha ito ng Demonyong Mayor nila na si Ramon Caballero. Magbabago pa kaya ang tingin ni Emilio kay Aubrielle kahit na wala naman siyang kinalaman sa kasamaan ng pamilya niya? Ipagpapatuloy pa rin kaya ni Aubrielle ang nararamdaman niya sa lalaki kahit na galit ito sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD