HOPE Sa mahimbing kong tulog ay binalot ako ng malamig na ihip ng hangin. I curled up and hugged myself, did I leave the sliding door open from the veranda of my room? Baka nakalimutan ko na namang isara. Pero bakit gano'n ang nararamdaman ko, para bang may iba akong kasama sa loob ng aking silid. Nanaginip lang ba ako? Kinapa ko ang kumot sa aking paanan. Wala akong makapa. Tumitindi ang lamig sa balat ko. Umihip muli ang malakas na hangin. May kaluskos akong narinig. Dumaing ako at napabaliwas ng bangon. Agad akong tumingin sa paligid ng kuwarto ko. Hinihingal. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang mabilis na t***k ng puso ko. Napahilot ako sa tapat ng aking dibdib. Nilingon ko ang slidding door ng veranda. Bukas iyon at tinatangay ng malakas na hangin an

