HOPE Pawisan habang hinahabol ang paghinga ko dahil sa pagod mula sa walang humpay na pagtakbo. Dalangin ko lang na wala sanang nakapansin sa akin kung saan ako nanggaling. Nanginginig pa rin ang tuhod ko nang makarating ng mansyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan. Parang sasabog ang dibdib ko. Gusto kong umiyak sa takot. Sa tinagal-tagal ko sa isla ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong klasing karahasan. Tanging away lamang ni Papa at Kuya Sinister ang nasasaksihan ko sa islang ito o 'di kaya'y ang galit ni Kuya sa mga tauhan nito kung may utos itong hindi nasunod or may mga pinagbabawal na nalabag. Ayaw pa rin humupa ang karera sa loob ng dibdib ko. Napapikit ako at parang gustong tumalon ng puso ko sa matinding gulat at takot. "No! Don't!" ang sigaw ko n

