ZATURNINO Lumipas ang mahigit 3 taon na nanatiling mailap sa publiko si Delgado. Halos mawalan na rin ako ng pag-asa na makakalapit pa sa Delgado na iyon. O, makakuha lamang ng kahit konting impormasyon tungkol sa aking, Irog. May pagkakataon na gabi-gabi akong nagpapakalulong sa alak. Madalas rin naman akong samahan nila Red at Storm. Lalo na kapag nakakaramdam ako ng matinding lungkot at sa tuwing mailap ang tulog sa akin. Simula 'ata ng magkahiwalay kami ay hindi na ako nakatulog pa ng mahimbing. Ilang taon na ngunit hindi ko pa rin matanggap ang pag-iwan niya sa akin. Parang kailan lamang ng magkasama pa kami... Parang masarap na panaginip kong binalikan ang pagsasama namin. Dôon na lamang ako nabubuhay ngayon, sa matamis naming ala-ala. Malalakas na katok ang nagpamulat

