TASHA "Hi, my dear wife." Ang tila nang-aasar na naman na bungad nito sa akin kinagabihan. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa hamba ng pintuan. Habang may ngisi sa labing nakatingin sa akin. Bahagya ko lamang itong nilingon at ibinalik din agad ang pansin sa mga tinutupi kong mga damit ng kambal. Umalis ito kanina pang umaga para mag-attend sa isang morning talk show for interview. "Kumain ka na ba?" Ang simple kong tanong sa kan'ya. Habang maingat kong pinagpatong-patong ang ilang mga damit na natupi ko na. Ipinagluto ko ito ng paborito niyang adobo. Akala ko kase ay makakauwi ito bago maghapunan. Normally naman kapag maaga itong naalis ng mansyon ay narito na ito bago pa maghapunan. At kung 'di man ay hindi rin nito nakakaligtaan akong sabihan na hindi makakauwi ito ng maaga.

