TASHA Pinili kong magpakahinahon. Wala rin naman kasing mangyayari kung magagalit ako. Walang mangyayari kung aawayin ko siya at piliting pakawalan na ako. Ang maari ko lamang gawin ay makiusap sa kan'ya na sabihin sa akin kung ano nga ba talaga ang nangyayari. At ang assurance na nasa mabuting kalagayan ang mga magulang at mga kapatid ko. At siguro, maari ko siyang pakiusapan. Pakiusapan na ipahanap si Reynald. Dahil hindi ko kayang basta na lamang baliwalain ang tungkol sa kanya. Magkaibigan kami. Magkababata. Marami kaming pinagsamahan. Siya ang laging takbuhan ko noon kapag kailangan ko ng tulong. Malapit rin na magkakaibigan ang mga magulang namin. Parang nakakatandang kapatid na ang turing ko sa kan'ya. Napaangat ang mukha ko nang maramdaman ko ang presensya niya

