TASHA Pagod man at mahapdi ang balat ay nagawa ko pa rin maglinis ng katawan. Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na muling nadatnan si Zat sa kuwarto. Pero narinig ko naman ang boses nito sa may sala. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay umalis na naman ito. May kausap siya sa cellphone. Pagod ako at ramdam ko pa ang pangangatal ng katawan. Hindi ko na namalayan nang hilahin ako ng antok papunta sa karimlan. Madaling araw na nang maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Nakatagilid ako ng higa at nakatalikod sa kan'ya. Niyapos niya ako at hinalikan sa gilid ng aking leeg. Dumampi rin ang labi niya sa ibabaw ng aking buhok. Nasamyo ko ang alak na ininom niya. Lasing siya alam ko. Nanatili ako sa aking posesyon. Pigil ko ang aking paghinga. "Happy birthday, Irog ko...Mahal

