TASHA Inantay ko siya hanggang madaling araw. Kahit pa nga sobrang hapdi na ng mata ko dahil sa pag-iyak. Pinaglabanan ko ang antok. Pero hindi siya umuwi. Naiinis ako sa kan'ya dahil ayaw muna niyang makinig sa akin. Mas pinairal niya 'yong selos niya. Pero sa kabilang banda, alam kong kasalanan ko. Sa sobrang pagkataranta ko, kung ano- ano na ang nasabi ko roon. Gusto ko lamang din na makinig sa akin si Reynald! Pinagseselosan na niya si Reynald noon. Then, nabasa niya 'yong mga message na 'yon! So, ano pa nga ba aasahan ko? Sa isang Zaturnino na ubod ng seloso at pagiging possessive? Nakita ko ang matinding sakit na bumalatay sa mukha niya. Nang sabihin kong huwag na siyang magpakita sa akin , kapag nakuha na niya ang gusto niya. Nakita ko kung paano siya natigilan, at

