Clinic Naging busy kami sa school papers. I mean sila, kasi ako, nangongopya lang naman ako kay Yashin at minsan ay inaasa ko pa iyong assigments ko sa kanya. Nagg-group studies kami pag malapit na ang exam kaya nakikisabay narin ako sa pagb-brainstorming dahil mahirap mangopya pag exam na. "Gusto ko nalang mag kodigo." Sumimangot ako nang makita ko ang handouts ni Yashin. Ang haba noon. Marami siyang pinagsusulat na maaari raw lumabas sa exam. Humalakhak si Troy. "Remember when we're first year? You were caught cheating in the middle of examination." Pinaalala pa talaga ng tukmol! It's because tinamad akong mag-aral noon at iniasa nalang sa mga kaibigan ang mga sagot. But it turns out na strict iyong teacher at pinalagay lahat ng phone sa desk niya! Nandoon pa naman sana ang answers.

