Di ako magpipigil Nakatitig ako sa mukha ni Tres na natutulog at hindi man lang magawang isara iyong mga mata ko. His palm was still covering my mouth, na sinisigurado niyang hindi talaga ako mag-iingay ngayon. And how can I frigging sleep right now kung nakikisalo siya sa sarili kong kama at inagaw pa ang ulan ko! I badly want to get up and sleep on the other bed instead. Kaso ang hirap bumangon. Ngayon ko lang naappreciate ang pilikmata niya, ang sobrang itim at makapal niyang kilay. Para iyong minimaintain ng isang bakla sa salon kaya ganoon nalang kaperpekto ang hugis. Para bang nakatadhana talaga sa kanyang mukha ang pagiging perpekto at walang kapintasan. Biglang bumukas ang kanyang mga mata kaya mabilis ko ring naipikit ang akin. "Pagtulog ba ang ipinunta mo dito o titigan a

