Nang makapasok ako sa office niya, mayroon siyang kinakausap sa telepono niya. Napangiti ako sa bawat galaw niya. Parang mas tumangkad si Rome ah?
Nang maibaba niya ito, tumayo siya at inayos ang suot niya. Hindi mawala-wala ang sama ng tingin niya sa akin kaya hindi maiwasan ang magsimulang kabahan.
“The interviewer noted that, in contrast to you, the new secretary seems to have a great deal of experience and talent. You have to come work as a maid at my place,” sambit niya at naupo sa mesa. “Since the agreement you signed will remain in effect and you will be residing at my house, you are not permitted to leave until I give my approval,” matinis niyang sabi at pagalit na huminga.
Alam kong naiirita sa pagmumukha ko base sa ipinapakita niyang reaksyon.
“Sure ka ba? Hindi ka nagjojoke?”
Nangasim bigla ang mukha niya. “Oo, nagjojoke ako. Tumawa ka nga,” pilosopo niyang tugon kaya't naitikom ko na lang ang bibig ko.
Stupid question 'yun, Faye.
“Inaalala lang naman kita. Alam ko naman na maiinis ka araw-araw sa akin,” mapurol kong sabi. “Kaya nagtatanong lang ako.”
“Mabuti na alam mong nakakainis ka?” sikmat niya kasabay ang pang-angat ng dalawa niyang kilay.
“Kailan ako magsisimula—”
“Now, of course,” putol niya sa sinasabi ko. “Follow me, I’ll give you the rules and instructions. I am telling you this, you need to lend your ears to my words so that you understand it properly,” pagtuloy niya.
Nakapamulsa siyang lumabas sa office niya kaya’t sumunod ako sa likuran niya. Pinagtitinginan kami ng mga nadadaanan namin kaya’t medyo yumuko ako.
“Take her home, Gen. I really don’t want her skin to come into contact with my luxury car. She may sully it,” ngumiti siya ng malapad.
Argh! Nakakapikon talaga siya! Pero I have to deal with him. Napanguso na lamang ako.
At saka hindi ko naman dudumihan ang kotse niya... grabe siya.
Pinanood ko siyang paandarin ang kotse niya at mabilis na hinarurot ito. Noong dati lang naghahangad lang siya ng kotse, ngayon mayroon na siyang sarili. Nabibili na rin lahat ang gusto niya.
Sobrang saya ko para sa kanya. Sana huwag nang mahulog lahat ng swerteng napunta sa kanya sa loob ng ilang taon, he deserves it.
Parang dati lang pinangako namin sa isa’t isa na sabay kaming mag-go-grow bilang mayaman, lahat ‘yon alaala na lang.
Halos mahulog ang panga ko nang pagmasdan ko kung gaano kalawak at kataas ang mansion ni Rome. Puti ang pintura, may dalawang palapag, kulay itim ang kanyang bubong, at maraming mga halaman at bulaklak na nakapalibot sa buong bahay. Mayroon ding pool sa harap na napakalaki. Ang simoy ng hangin ay napakalamig at napakasariwa.
Gate pa lang hindi ko na masukat kung gaano kataas ito. Nakahilera rin ang kanyang iba’t ibang kotse sa parking lot niya sa loob ng lote.
Mayroon ring mataas na fence kung saan iyon ang garden. May mga gulay at prutas pa akong nakita roon.
“Wow!”
Mukha na akong tanga kakamasid sa mga bagay-bagay sa labas ng mansyon niya.
Sa magkabilang gilid ng pool ay may dalawang fountain sa pagitan lang ng tig-aapat na mga tiles.
May mga motor din siyang nakapark sa harap ng mga kotse.
May mga rabbit din siyang patakbo-takbo sa loob ng malawak na kulungan nang mapalingon ako r’on.
“Hala, ang cute!” gusto ko silang lapitan pero baka bawal.
“Tara na sa loob,” aya nung naghatid sa akin. Nangunguna siya papasok sa mansyon. Nakakahiyang hawakan pati ang doorknob, ang kintab-kintab.
Lumabas ang isang nakasuot na pang-maid. Mukhang may edad na siya, nagpapaypay habang papalapit sa gawi ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay.
“Ikaw ba ‘yung bago?” tanong niya at tinanggal pa ang salaming suot at ibinalik din iyon. Tumango ako bilang tugon. “Sundan mo ako,” utos niya kaya’t nagpaalam na ako sa nanghatid sa akin at nagpasalamat.
Hindi makawala sa paningin ko ang mga pictures ni Rome. Mayroon pa siyang portrait sa sala na nakatopless pa. Ang ganda na ng katawan niya kumpara dati.
Napakagat ako ng labi nang maramdaman kong na-miss ko na naman siya.
“Eyes in the house, not to Sir Rome. Uhm uhm.” Umiling siya habang iwinawagayway ang kanyang hintuturo.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtawa ko.
Parang dati lang n’ong pagmamay-ari ko pa siya, nahahawakan ko lahat ng tungkol sa kanya, ngayon kahit paglapit ko ayaw na niya.
Dati walang araw na hindi ko nililingkisan si Rome. Kinakagat-kagat ko pa.
“Ito ang kusina,” turo niya sa isang kusina na ang linis at ang kintab tingnan. Lalaking-lalaki ang style ng pagkakadesign ng sala. Parang singlaki lang ng bahay namin ang kusina niya.
Lahat gawa sa tiles. Ang dami ring pagkain na nakahilera sa taas. Ang mga de-lata niya ay hindi basta-basta, mukhang galing pa sa ibang bansa.
Kumalam bigla ang tiyan ko dahil sa nakita ko. Wala pa pala akong kain.
“Dito, bawal ang tatamad-tamad, uupo-upo, pacellphone-cellphone at higit sa lahat ang lapitan ang amo kung hindi ka naman inutusan o pinapalapit, naiintindihan?” May otoridad ang boses nito. Tumango ako ng ilang beses. Ganun naman talaga kapag maid. “Kung may nais kang itanong o sabihin sa kanya, sabihin mo muna sa akin upang iparating ko sa kanya,” dagdag pa niyang paliwanag. Buong tango ang naibigay ko hudyat na naiintindihan ko bawat detalye. “Hindi sa pagmamayabang iha, ako lang kasi ang gusto niyang makausap regarding sa mga kapwa-katulong ko kasi twenty-seven years na akong naninilbihan sa pamilyang ‘to at parang anak ko na rin si Sir Rome.”
Napaawang bahagya ang bibig ko habang tumatango sa paliwanag niya. “May isusuot na po ba ako?” tanong ko.
“Oo, pero bago ‘yon, gusto ko munang malaman mo na overall ang pagtatrabaho dito. Kung ano ang dapat linisin, lilinisin, naiintindihan? Kung nakikita mong mayroon na dapat labada ay lalabhan na kaagad bago maamoy o makita ng amo.”
“Opo,” sagot ko habang sinusundan siya. Ang kintab ng sahig, ang linis din ng pader, tapos bawat mesa na nakikita ko, maliit man o malaki, gawa sa babasagin.
“May mga alaga si Sir Rome na dapat pakainin. Mayroon siyang kabayo at mayroon siyang mga aso at pusa sa likuran ng mansyon, at iba pang mga hayop. Makikita mo naman ang lahat ng ‘yon kapag naturo ko na sa ‘yo ang buong lupa. Huwag kang mag-alala, mayroong food holder ang mga iyon kaya’t hindi ka makakagat. Isa pa, bawal ang kupad-kupad dito, once na nag-utos ang amo, kung ayaw mong matanggal, huwag mabagal ang kilos, dapat palaging alerto,” dugtong niya pa, tumatango lang ako bilang tugon. “Marami naman tayong mga servants dito kaya huwag kang masyadong ma-pressure. Hindi naman sa ‘yo lahat mapupunta ang lahat ng trabaho.”
Ganun ba ka-istrikto si Rome pagdating dito? Ewan ko ba, na-attract ako bigla lalo. Ganyan kasi ‘yung mga tipo ko. Actually siya lang pala ang tipo ko.
Oplan: Paibigin at angkinin ulit si Rome Wilson.
“Nay, pinapatawag ni Sir Rome ang bagong katulong,” banggit nang bagong dating, katulong din. Ngumiti siya sa akin at mukhang wini-welcome ako base sa mga mata niya.
Nginitian ko siya pabalik at yumuko pa ng bahagya. Nase-sense ko na mabait siya. Sana maging kaibigan ko siya kapag nagtagal na ako rito.
“Siya nga pala. Ako si Sonya Furtado, ang senior maid. Tinatawag nila akong Nanay dito. Tawagin mo na lang akong ‘Nay o kung saan ka komportable. Hindi ako gumagalaw dito o naglilinis ngunit ako ang nagmomonitor sa inyo para iparating kay Sir Rome ang performance ninyo. Ako rin ang nagpapasweldo minsan kapag hindi busy si Sir Rome,” pagpapakilala niya.
“Nice naman po,” komento ko. Pinatunog niya ang dila niya.
“Puntahan mo na siya, ayaw niyang pinaghihintay. Ipapaliwanag niya ang iba pang detalye. Ituturo ni Lisa ang kwarto niya kaya sige hatid mo na siya,” utos ni Nanay kay Lisa na tinawag.
“Tara?” tumango ako at sumunod sa kanya. Medyo napagod ako sa pag-akyat sa hagdan dahil napakataas nito.
Ang kintab ng hagdan, grabe! Nakakahiyang hawakan. Tiles pa naman tapos kahoy ang hagdanan. Wala man lang mati-trace na alikabok. Ang sisipag naman ng mga kasambahay rito.
“Wuoh!” hindi mapigilang sambit ko habang humihinga ng malalim. Tumawa naman si Lisa.
“Ganyan din ako noong una, nasanay na lang din. Ayan nga pala ‘yung kwarto ni Sir Rome. Katok ka muna tapos hintayin mong bigyan ka niyang permisong pumasok. Good luck, ahm…” itinaas niya ang kanyang dalawang kilay.
“Faye,” nilahad ko ang kamay ko.
“Okay, Faye, ako si Lisa,” pagkilala niya rin at kinamayan ako. “Sige na, may gagawin pa ako,” paalam niya at nauna nang bumaba.
Huminga muna ako ng malalim. Akmang kakatok na ako nang bigla itong bumukas. Lumantad si Rome na nakalugay ang buhok, kunot ang noo habang nakanguso ang mga mapupula niyang labi. Ang cute niya.
“Gosh, you stink,” komento niya nang maamoy niya ako. Inipit niya ang ilong niya gamit ng kanyang hintuturo at hinalalaking daliri. Patago kong inamoy ang sarili ko. Amoy pawis na nga, kay-aga aga. Pero hindi naman ako sobrang baho! Napaka-OA ni Rome. Wala naman akong putok e.
Pero nakakahiya pa rin kay Rome! Turn off na tuloy ‘yung asawa ko, hala.
“Sorry, sir,” pagyuko ko. Madali kasi akong mapawis tapos usok pa ng mga sasakyan sa biyahe. Naghalo-halo na yata.
“Tch, don’t bother. Since I have to go, let’s get this done quickly. Your uniform is now on Nay Sonya. For your information, I disdain indolent people, and I will immediately reduce your pay if I see you taking a nap during working hours. Do you get it?” tumango ako ng mabilis. “Ibang tao ka pa naman at baka kung ano-ano ang gawin mo sa bahay ko.”
Kahit hindi niya direct to the point sinabi ay iniisip niyang magnanakaw ako.
Napalunok ako at hindi sumagot, iniiwasan ko rin ang mata niya dahil natatakot ako sa kanya. Natatakot ako na masabihan ng masakit.
Napatango na lang ako nang walang salita ang nagtangkang lumabas sa bibig ko. Hindi ako makatingin ng diretso dahil alam kong masasaktan lang ako sa paraang titig na ipinupukol niya sa akin kaya’t pabaling-baling ako. ‘Yung tingin nang pagmamaliit, ganun ang nakikita ko.
Nagbago na nga siya. Hindi naman siya ganyan eh. Hindi na siya ‘yung Rome na never nananakit ng babae…at alam kong kasalanan ko. Hindi rin siya nanlalait sa buhay ng ibang tao, pero anong nangyari ngayon, Rome?
“I told them that you would be sleeping in the only room located in the backyard, where the animals are. Para madali mo na lang silang mapakain, siyempre, ano pa bang silbi mo kung hindi mo rin pagagalawan ‘yang katawan mo, ‘di ba? At linisin mo ‘yong kwarto na maliit doon dahil walang maglilinis doon para sa ‘yo. Isa pa, ibigay mo ang cellphone number mo sa akin para hindi na ako tawag nang tawag ng maid para mangutos na ipatawag ka,” aniya na ikinakagat ko ng ibabang labi.
“Opo, sir.” Nalungkot ako nang marinig kong patutulugin niya ako sa nag-iisang kwarto na nakita ko kanina. Mukhang bodega naman ‘yon tapos medyo maliit lang siya.
“Bawal kang magdala ng lalaki rito,” madiing dagdag pa niya. Dahan-dahan akong tumango. “Itabi mo muna ang kalandian mo.” Napanguso ako.
“Hindi naman ako—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ito.
“Hintayin mong magsawa ako sa mukha mo at ipatikim sa ‘yo ang naging karanasan ko bago kita pakawalan sa puder ko, naiintindihan mo?” naging malamig pa sa yelo na ang boses niya. Wala na rin akong ibang ginawa kundi tumango nang tumango. “Gagawin kong impyerno ang buhay mo tulad ng naranasan ko n’ong ipagpalit mo ako,” may hinanakit niyang dugtong.
“Pero, Sir, gusto ko lang iklaro sa ‘yo n-na…” mukhang naghintay pa siya sa ibang sasabihin ko, “...na hindi ako malandi.”
Tumawa naman siya na parang nagbiro lang ako. “Nagpapatawa ka ba? huwag mo akong lokohin. Hindi ba kalandian ang sumama sa iba kahit na kasal ka?”
“Rome, gusto kong magpaliwanag, may dahilan ako,” hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit sa harap niya. “Kaya nga nandito ako para sabihin sa ‘yo ang totoo.”
Napadaing ako ng marahas niyang hawakan ang panga ko. “I told you not to say my name because we are not close enough! At ano pang paliwanag ang sasabihin mo? Na uminit ka lang at nakaramdam ng tukso kaya ka sumama sa iba? ‘Yon ba ang gusto mong ipaliwanag?!” singhal niya malapit sa mukha ko.
“N-Nasasaktan ako…” hinawakan ko pa ang kanyang palapulsuhan para tanggalin ang kamay niya sa panga ko. Bumagsak ako sa sahig nang bitawan niya ako.
“I hate you!” singhal niya na ikinasinghap ko.
Please, ‘wag mo naman akong sigawan. Natatakot ako...