Memories of the Past

788 Words
Chapter III Kinabukasan, nagmamadali akong gumising nang mag-alarm ang cellphone ko. Kilangan naming mabisita ang simbahan at ang reception. Nagtungo agad ako sa CR saka naligo nang mabilisan. Matapos makapagbihis ay tinungo ko ang kusina sa baba pero wala pa akong makitang mga tao. Dati naman ay maagang nagigising si Jen para magluto ng almusal namin. Nang hindi ako mapakali ay kinatok ko ang kuwarto nyang malapit sa kusina, walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto ng marahan. Halos maapsigaw ako nang makita kong magakyakap sina Jen at Gelo sa isang kama. “Wow naman, ano toh?” palatak ko na ikinagising nilang dalawa. Sabay silang napabalikwas at gulat ang mga matang nakatingin sa akin. “Maligo’t magbihis na kayo, kelangan na nating magtrabaho.” Malamig kong sabi sabay sarado ng pinto. Naiinis ako, una kay Gelo, dahil kahapon lang nilalandi nya ako, confessing his feelings over me, ngayon naman kaulayaw nya si Jen sa kama, kelan pa sila naging sila? Kagabi lang ba? I dismissed the untoward judgment about them. Anyway, whatever happened to them, matatanda na sila, alam na nila ang tama at mali. Sa hapagkainan, hindi kami nagkikibuan habang nag-aalmusal. Pasulyap- sulyap sa akin si Gelo at nakatungo naman si Jen, habang si Mia ay hindi rin kumikibo. “Don’t look at me again, Gelo.” Inis kong sabi sa kanya, “You guys have nothing to worry about me, and I’m happy for both of you.” Baling ko kay Jen. “Wala naman kaming relasyon, Chantalle.” Pakli ni Jen. “So, ano yun MOMOL, one- night stand with our friend? Pwede ba ayusin nyo yan, we’ve been friends since college, at ayokong maapektuhan ang friendship at ang business partnership natin dahil ditto. Lalo ka na, Gelo, be responsible enough for Jen.” Saka tumayo na ako at tinungo ang sink, hinugasan ang pinagkainan ko at lumabas nan g kusina. “Chantalle, I’m sorry.” Habol na wika ni Gelo habang hawak- hawak ang bisig ko. “As I’ve said, you have nothing to worry, pero I hope pangatawanan mo si Jen, kailangan ka nya.” I glared at him and took out his hand off me. Tulyan na akong lumabas ng bahay kung saan sumunod si Mia sa akin,sabay na kaming sumakay at pumunta sa shop. Sa shop ay nagmamadali naming binuksan ito dahil may mga kliyente ng naghihintay sa labas. Habang binubuksan ko ang pinto ay iniaasikaso naman ni Mia ang mga ito. As a former receptionist sa isang kilalang hotel, Mia managed to mingle with different customers every day. Yun yata ang forte nya ang maging magiliw sa mga ito, samantalang ako naman ay sa organization and planning  mga dapat bilhin, bayaran at isaayos para sa mga event na imamanage naming. After an hour, dumating narin sina Jen, Gelo at Tom sa shop. Sila ang madalas tagabili ng mga gagamitin dahil magaling si Jen sa paghingi ng discounts sa mga suppliers naming, si Gelo ang driver at tagabuhat at si Tom and aming magaling at masipag na designer. Yes, bakla si Tom pero hindi sya cross- dresser, mas gusto nya kasi yung desenteng tingnan pero babae ang puso, kaya madalas hindi sya mapagkakamalang bakla, pero palagi kaming napagkakamalang magboyfriend dahil sa kalilingkis nya sa akin, ewan ko ba dun, trip na trip akong yakap-yakapin, lalo na pag may nakitang guwapong guy. Kung madalas, we did jokes before we went for work, o kaya madalas nagkukwentuhan muna kami ng mga bagay- bagay, pero that time, halos lahat kami seryoso, lahat kami hindi masyadong nagsasalita, pwera nalang kung importante talaga. I also noticed the different aura between Jen and Gelo, mas maaliwalas na at panay hawakan ng kamay, o kaya ay inaalalayan ni Gelo si Jen sa mga gagawin. “Wow, ang sweet lang ng peg ano, sana all may jowa.” Basag ni Tom sa katahimikan habang nakatingin sa direksyon nina Jen at Gelo. “Sus, parang wala ka namang jowa ngayun, Tom.” Sagot ni Mia sa kanya. “Well, may mga fling, pero mas gusto ko yung pang forever na papa.” Sabay tingin sa akin ng makahulugan. “Tss, tama na yan, mabuti pa, Tom, puntahan na natin yung reception at sina Gelo at Jen naman sa simbahan.” Saway ko sa dalawa. “KJ ka talaga pag lovelife na ang pinag-uusapan. Hump.” Angil sa akin ni Tom na ikinatawa ko nalang. “Hays, tara na, okay. Hindi ako mapakali hanggat diko nakikita yung venue, baak kasi mapulaan tayo.” Aya ko na sa kanya sabay haklit sa kanyang braso para tumayo na. “Greabe ka naman, wala ka bang faith sa akin, aleng maganda. Natapos ko na lahat yun kahapon pa, noh, konti retouch nalang ngayon.” Simangot ni Tom habang kinukuha ang handbag saka tumayo na. “Ingat kayo ha.” Paalam naman ni Mia sa amin bago tinungo ang working table nya. “Gelo, at Jen, yung sa simbahan ha, take a picture and send it to me, thanks.” Sabi ko sa dalawa bago tulyang lumabas ng shop kasama si Tom.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD