I was really exhausted when I got back from his office. Feeling ko ay kandila akong nauupos habang patuloy na iniisip ang sinabi nya kanina. It lingered in my memories for many times, paano ko ba iwawaksi ang mga isiping iyon. Sa sobrang pagod ko ay naupo ako sa couch where we accommodate the clients most of the time, buti na lang ay closed na kami at mukhang paalis na sila nang maabutan ko. Napansin nila ang exhaustion sa bawat paghingang ginawa ko kung kaya’t nilapitan ako ni Mia at tumabi sa akin.
“What happened? Nagkausap na ba kayo? Did you have any closure?” matamang wika nya habang pinagmamasdan ako.
“Hayup na yun. He’s blackmailing me. He wants me to be the collateral for that damn loan!” impit kong sigaw habang nagpupuyos ang kalooban ko.
“What do you mean by that?” singit na untag sa akin ni Jen na nakaupo narin malapit sa harap ko.
“He wants me to marry him if I want to save this fuckin’ business. He knew that I hated him tapos yun pa ang hihingin nya sa akin, ang makasama sya. That will never happen.” Galit kong sabi, biglang may sumilay na luha sa aking mga mata. I could’nt help but cry.
“Stop crying, okay. Kung ayaw mo wag mong pilitin ang sarili mo. Anyway, he’s true to his words, diniposit nya na ang kalahati sa account natin. Humanap nalang tayo ng iba pang paraan.” Pag-aalo ni Jen.
She knew or should I say they knew what I had gone through when he left me. Halos napabayaan ko na ang studies ko noong mga panahong iyon, at palagi ko syang hinahanap- hanap. Nagkasakit din ako nang masobrahan sa pagbasa ng ulan, pero hindi nya alam iyon. Halos gumuho ang mundo that very moment dahil sya lang naging mundo ko ng mga panahong iyon. Si Teddy lang ang nagpapasaya sa akin, ang nagbibigay kulay sa aking mundo. Sabi ko pa nga sa sarili ko noon na siya ang magiging first crush, first love and forever love ko, pero things changed, hindi pala pwedeng iisa lang ang nagmamahal, hindi pwedeng one- sided love lang ang lahat. Then now, he got back on the track, at gusto nya akong pakasalan sya, gayong namumuhi ako sa kanya, na puro hatred ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala na ba talagang love? Wala na ba talagang pag-asang maging kami hanggang wakas? Siguro wala na dahil sa mga oras na ito, all I have for him was purely hate lalo na nang malaman kong gagamitin nya pa ako para maging collateral sa utang na hinihingi naming sa kanya.
Nang tumikhim sila ay tila nakabalik ako sa reyalidad at nakalimot sa nakaraan.
“I’m sorry, guys. Alam kong naiintindihan nyo ako. Don’t worry, malalagpasan din natin to.” Sabi ko kahit parang mabigat ang kalooban ko sa mga nangyayari.
“You’ve done enough and we know you sacrificed so much. Sorry din kung nasisi ka namin sa lahat.” Sinserong wika ni Mia habang pinipisil pisil ang isa kong kamay.
“Alam nyo, let’s call for a celebration. Una for bravely facing your past, secondly for sacrificing a lot for us to survive.” Masayang basag ni Tom sa kalungkutang bumabalot sa amin.
“Sige, tara, labas tayo, nakakapagod ding mag-emote ng todo.” Medyo masaya na ako kahit papaano.
That evening, we decided to go out and celebrate at one of the famous resto bar sa Taguig. It’s famous because of sophisticated and elegant people who are going there, ibig sabihin hindi pang masa kungd hindi pang mga taong professional, may kaya at marunong dalhin ang sarili. Dito naming napili dahil madalas narin kaming pumupunta noon ditto, noong hindi pa masyadong busy ang entrepreneur life naming magkakaibigan. We really liked the atmosphere at Hilton, cozy at hindi masyadong madami ang tao at hindi mga balahura, though maraming gays, lesbians at mga straights na pumupunta doon. Humanap kami ng magandang pwesto kung saan malapit kami sa stage. Doon sa lugar na nagpeperform ang mga singers at banda. Yun pa ang isa naming nagustuhan doon, masarap makinig ng mga music na hindi ratratan, pero may dating, tumatama sa puso ika nga.
“Mukhang swerte natin ah at maganda ang pwesto natin dito.” Narinig kong sabi ni Mia.
“Mabait yung receptionist kasi nakita nyang buntis tong kasama natin kaya dinala tayo dito.” Sabi naman ni Tom.
Si Tom, nang makaupo na kami ay tila binubudburan ng asin ang puwit, hindi mapakali sa kakatingin sa isang table na puro guwapo ang makikita. Napapiling nalang kami sa ganung reaksyon nya. Kanina sa shop ay very excited syang pumunta doon, kasi nga hahanap na naman sya ng jojowain nya, and that’s his weakness.
“Grabe, oh, ang cute nung pogi nayun. I like his moustache.” Landing sabi ni Tom habang tiitg na titig sa lalaki.
Tinawanan lang naming siya at saka na kami umorder ng makakain at maiinom. Syempre, dahil bad trip ako sa oras na iyon, pinili kong inumin ang tequila na first time ko lang matitikman. Noon una, nag-aalangan akong lasahan pero nang subukan koi to kasama ng pagsipsip sa lemon ay nagustuhan ko na ito.
“Chantalle, hinay- hinay po. Baka malasing ka.” Bulong ni Mia.
Hindi ko sya pinasin at tumagay pa ng isa. Noong oras na iyon, gusting-gusto kong ilabas ang sama ng loob ko kay Teddy, at wala na akong pakialam kung malalasing ako, alam ko namang kasama ko sila so no worries, hindi nila ako pababayaan.
Nagsimula ng tumugtog ang banda. Ang sarap sa pakiramdam ng boses nila, nakakawala ng pagod at sama ng loob, kaso nang tugtugin nila ang awiting “Nothing’s Gonna Change My Love For you”, parang may lungkot na muling bumalot sa katauhan ko, naghahanap, nasasaktan at gustong sumigaw. Habang nakadarama ako ng kalungkutan sa pagiging hungkag ng aking puso, patuloy ako sa pag-inom at hindi ko na ininda pa ang magiging epekto ng alak na iniinom ko sa aking katawan, ang tanging gusto ko lang ng mga oras na iyon ay makalimot kahit sandali ay mawala ang damdaming sa akin parin ay kumukulong sa nakaraang hindi ko makalimutan. Hindi ko na nga namalayan na matapos ang ilang pasada ng malulungkot na awitin ay sya ring pagpanaw ng aking kamalayan at tuluyan na akong ginupo ng kalasingan.