Shadow of the Past

1657 Words
Chantalle’s POV Halos madurog ko ang hawak na papel sa aking mga kamay nang marinig ang mga kondisyones na inilatag ni Teddy kapalit ng pagtulong nito sa amin. Ngagalaito ako at naghuhumiyawa ang aking puso sa matinding inis at galit sa llaking anim na taon kong hindi nakita pagkatapos ay may gana pang makipaglaro sa amin, o sa akin. “What! Ano to gaguhan lang? Sino ba sya sa akala nya para sumunod ako sa gusto nya. Siraulo pala sya eh.” Pagmumura ko habang hindi ko na namamalayan na nilulukot ko na sa aking mga kamay ang hawak-hawak na papel. Doon ko halos inilgay ang galit ko sa kanya. “Chantalle, you’re over reacting again. Kung tutuusin sobrang liit na bagay lang ng hinihingi nya for 2.5 million. He just wants to see you and clear everything about the two of you. Maybe he just wants closure to finally move on.” Wika ni Tom. “Are you hearing yourself, huh? What you want is a sacrifice from me. Alam nyo kung anong pinagdaan ko sa hayop nayun, tapos ngayon gusto nyo akong ipambala para sa lahat ng ito.” Mariin at galit kong sabi. “Alam mo ang selfish mo. Bakit hindi ka pa ba nakakamove on kay Teddy? Saba mo hindi mo na sya mahal, ngayon patunayan mo na totoo yang sinasabi mo. Once and for all, makisama ka dahil lahat ng suggestions mo, sinunod namin, kahit alam naming mag-aalangan, we still trusted your opinion, because your opinion matters to us.” Madiin ang bawat salita ni Gelo, titig na titig ito sa akin at tila nanunumbat. “So, ako ang may kasalanan, ako ang aako ng lahat, ganun ba? Kaya nga tayo team mates dito dahil lahat tayo nagbigay ng opinion at sinunod kung ano ang dapat hindi ba, tapos ngayon ako ang sisisihin nyo?” asik ko sa kanila. Sumabog narin ako at gigil na gigil sa gusto nilang mangyari, and I hated that man, he was trying to manipulate us. “Chantalle, kahit ngayon lang, please. We have no other choice. We tried to talk to other friends and realtives, pero hindi nila kayang ibigay ang tulong na kailangan natin. Kahit para sa panganganak ko man lang, please.” Si Jen nagsusumamong nakatingin sa akin, habang hawak pa ang aking isang kamay, pinipisil ito para pakalmahin ako. “This is ridiculous. Pag nagkita kami ng lalaking yan. Talagang malilintikan sya sa akin. I’ll make him pay for what he’s doing to us.” Galit kong sabi at walang-lingon sa likod na kinuha ko ang soulder bag ko at dirediretso akong umalis sa shop. Sa labas ay nagmamadali akong pumara ng taxi at sinabi sa driver kung saan kami pupunta. Sinulyapan ko sandai ang side mirror at nakita kong nasa laabs si Tom, tila gustong sumama sa pupuntahan ko. Hindi ko sya pinansin at tumingin nalang sa harap ng sasakyan. I didn’t imagine that we’re going this far. He was so unbelievable, ginagamit nya ang pera nya para hawakan ako sa leeg. Nanggagalaiti talaga ko sa inis dahil sa gusto nyang mangyari, pilit ko nalang inabala ang sarili sa pagtingin sa mga sasakyan sa labas saka pilit pinapayapa ang aking nagpupuyos na kalooban. In that way, I could somehow find anwers to questions being lingered to my mind. Ilang oras pa ay nasa harap na ako ng building na sinabi nila sa akin. Inayos ko lang ng konti ang suot ko at hindi na nag-abala pang tingnan sa salamin ang mukha ako. Wala akong pakialaam kung matakot sya sa akin o ano pa man, ang gusto ko lang ay pilipitin ang leeg nya, oo gusto ko syang saktan dahil sa mga kagaguhan nya. Nang nasa harap na ako ng receptionist ay ayaw akong papuntahin sa opisina nya. “Ma’am, I’m sorry pero wala po kayong appointment eh. Bukas nalang po kayo pumunta, marami pong inaasikaso si President.” Sabi pa nito sa mababang boses. “Look, tell him who’s here. Tell him Ms. Chantalle Vergara is looking for her. If you won’t, you’ll regret it.” Banta ko sa kanya. Nagmamadali naman nitong kinausap ang sekretarya ni Teddy saka ilang sandali pa ay nakangiti na itong tumingin sa akin. “Pwede na daw po kayong umakyat, Ma’am. Hinihintay na po kayo ni Sir.” Sabi nito. Inis ko syang inirapan at binagtas ang patungo sa eight floor, sa office ni Teddy. Sumakay ako ng elevator. Nang malapit na ako sa office nya ay  nakaramdam ako ng panlalamig, parang bumalik ako sa katinuan ko at tila ayoko ng ihakbang pa ang aking mga paa. Oo, pakiramdam ko naguguluhan ako dahil dito ako dinala ng galit ko, pero ang puso ko parang gustong sumuko at umuwi nalang. Nang aatras na ako ay nakita agad ako ng secretary nya at binati pa habang matamis na nakangiti. “Hello, Ma’am. Are you Ms. Chantalle Vergara? The president is waiting for you inside.” Nakangiti  nitong sabi. Hilaw ang ibingay kong ngiti saka wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanyang likuran. Kumatok ito saglit at binuksan ang pinto saka ako pinapasok. “Sir, Ms. Vergara is here.” Tipid na sabi nito sa kanyang boss na nakayuko at may pinipirmahang papeles yata yun. Nag-angat si Teddy ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Bigla akong kinabahan at umurong ang dila. Hindi ito ang inaasahan ko, dapat matapang ang mukha kong sugurin sya. But the angst and pain inside my heart have deeply subsided. Kung kanina ang galit ko ay kasing laki ng mundo, ngayon naman ay tila mapaparalize ako sa titig na ibinigay nya sa akin. As I could see, ang laki na ng pinagbago nya. Hindi na sya basta lang yung binatang nagpatibok ng aking puso, ang buong pagkatao nya ay tila hindi ko na kilala. His shoulders became more broad that before, his eyes are more mysterious but sends chills to my spine,his jaw became well defined, and his body, oh the body that I usually dreamt to hug for a day or night had shown oozing masculinity that women would adore. “Thank you, Angie. Give her juice or snacks and bring a coffee for me.” Sabi nito at binawi ang pagakatingin sa akin. Doon lang ako nakabawi nang nagsalita sya at ialis ang tingin sa akin. Naiwan nga kaming dalawa sa loob ng magpaalam na si Angie. Iginala ko ang tingin sa kanyang opisina at habang nagtatagal ay nararamdaman ko ang sobrang lamig na nagmumula sa aircon nya. Pinalis ko ang paghanga sa lugar kung nasaan sya ngayon saka lumapit sa kanyang table. “Have a seat, Chan-chan, and let’s talk.” Narinig kong wika nya sa baritonong boses. After six years ngayon ko lang uli narinig ang tawag na yon, sya lang ang tumatawag sa kin nun. At dahil doon, halos parang hinatak ako sa nakalipas at ang sugat sa puso ko ay tila muling nagdurugo. “No, I won’t! Ano bang gusto mo sa kin? Ang kapal ng mukha mong hilingin sa mga kaibigan ko ang kondisyong ito. You have no right to manipulate me in your hands.” Inis kong sigaw sa kanya. Tumayo narin sya saka akmang lalapit sa kin kaya naalarma ako. Mas nakita ko kasi syang mabuti, lalong tumangkad, mas naging matipuno ang katawan, at bagay na bagay ang suot nitong three pice suit sa kanya. His eyes were brooding and full of unexplainable emotion. Dahil sa kaba ay umatras ako at sumenyas sa kanya. “Dyan ka lang! Don’t go near me. I hate you and I really do. Pag lumapit ka sa akin, I swear lalapat ang palad ko sa mukha mo!” banta ko sa kanya. Hindi sya nagpatinag at pilit akong hinahawakan kaya umigkas ang kamay ko at dumapo sa kanyang pisngi, nakita kong maula iyon. He clenched his jaw, but he was still staring at me. Namumula ang mga mata ko at hindi na napigil ang paglandas ng mga luha sa aking mga mata. “I hate you for hurting me, I hate you for leaving me with so many questions in my head, I hate you coz I thought you love, too. Pero ang tanga ko dahil umasa ako. I was so stupid, really a stupid, tapos ngayon gusto mong ako parin ang humabol sa iyo. You’re such a fool!” nanggigigil kong sabi sa kanya. I heard he cleared his throat before saying something. “Let me explain. I don’t wanna do this, but this is the only way para masabi ko ang lahat sayo.” “Sa tingin mo magagamot ng explanation mo ang lahat? Sa tingin mo maibabalik mo pa ang lahat? Kahit ano pang sabihin mo wala akong papaniwalaan sa mga kasinungalingan mo. Sana ito na ang huli nating pagkikita.” Sabi ko na puno parin ng galit. “What about the half of what you need? Don’t you want to hear my proposal?” makahulugan ang binitawan nyang salita. “You are really a freak, sabi ko ayoko ng makita ka tapos aalukin mo pa ako ng proposal mo.” “Paano ang 2.5 million? Don’t you want to save your business, and your friends’ bread and butter? I know you’re not that selfish para palagpasin ang iaalok ko.” Ibinaba ko ang bag ko saka umupo sa upuang malapit sa table nya. Hindi ko sya tinitingnan. Ang alam ko lang ay naiinis ako sa yabang nya. Dati naman hindi sya ganito, pero feeling ko full of angst and authority na ang isang ito. “Tell me direct to the point, what is it? Ayoko  ng magtagal sa opisinang ito.” “Marry me and be my wife.” He relaxly said. For me it was like a bomb. What did he want from me? Naloloko na ba talaga ito. I looked straight to his eyes at inis na bumuntunghininga. “Gago ka pala eh. ANg gago mo. Sa tingin mo papayag ako sa kababawan mo, that’s bullshit!” sabi ko saka kinuha ang shoulder bag ko at dire-diretsong tinahak ang patungong pinto ng office nya. “Think about it and go back if you are ready to accept my proposal.” Habol nya pang sabi sakin. I just gave him a death stare and a f**k up sign saka tuluyan na akong umalis. Hindi ko narin pinansin ang sekretarya nyang bumati pa sa akin. I want to leave that place, yes that’s all I wanted that very moment, yung hindi na sya makita pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD