Under the Verge of Circumstances

1105 Words
THIRD PERSON POV  Maaga ngang umalis ang magkakaibigan, maliban kay Chantalle na matigas ang tangging sumama lalo pa’t ang pupuntahan nila ay si Clint Theodore Legarda o Teddy para sa lahat. Noong una ay nag-aalangan sila, pero dahil masidhi ang pangangailangan nilang maisalba ang restoran at ang shop. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ginawa nilang collateral sa bangko ang shop kaya masakit sa loob nila kung mawawala ito. Sabay-sabay silang sumakay sa van na nabili nila at sya ring gamit nila sa tuwing magkakaroon ng transakyon sa kanilang mga kliyente. Ito rin ang nagsisislbing sasakyan nila pag kailangan nilang bumili ng mga gamit sa mga events na imamanage nila. Dahil maaga pa ay hindi pa matrapik papuntang Makati at nakarating sila sa tamang oras. Nakapagpabook na kasi sila ng schedule with Teddy kahapon din at natuwa naman silang pauunlakan ang pagbisita nila. Sa labas ng building ay sinipat nila ang taas at tayog nito, maganda rin ang pagkakagawa. Sa entrance naman ay chineck lang sila sandali ng guard at nakipag-usap na sila sa receptionist na naroon. Itinuro sila nito sa eight floor kung saan naroon ang opisina ni Teddy. Namangha sila sa laki ng opisina nito. Though, wala pa si Teddy ay pinapasok na sila ng sekretarya nito sa loob dahil naabisuhan na ito ni Teddy na asikasuhin silang mabuti. Sa loob ay minimal lang ang gamit pero maayos at maganda, very manly ang dating. “Grabe itong si Teddy ano, ibang langit ang nakamit, buti nalang ay hindi sya nagpari.” Namamanghang wika ni Tom habang pinagmamasdan ang loob ng opisina. “May asawa na kaya sya?” wala sa loob na tanong ni Mia habang ang mga mata ay nakatunghay sa litrato nito sa gilid ng office table nya. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Teddy. He was wearing Americana, napakaguwapo nya kaya parang natameme sina Tom at Mia nang makita sya. Matangkad, maganda nga pangangatawan at ang mga mata nitong nangungusap, haluan pa ng labing mapupula at ilong na tila perpekto ang pagkakakorte nito. Kung sisipatin ay para itong isang modelo sa magazine at kayang kunin ang atnesyon ng mga babaeng tititigan nito. “Hi, guys. Sorry I’m a bit late. Medyo naipit ako sa traffic eh. Nagbreakfast na ba kayo?” sabi nito habang tumutungo sa swivel chair na para lang sa kanya. “Well, tapos na kami. We were served coffee and food by your secretary just before you arrived.” Sabad ni Tom nang makabawi. “Namiss ko kayo, ah. Hummm, someone is missing. Hindi ba nyo napilit?” wika ni Teddy habang lumilinga- linga sa paligid. They all sat at the couch while Teddy managed to sit on a single couch in front of them. He was now more serious as he looked at them. “She still hates you, that’s why she doesn’t like to see you.” Prankang sabi ni Mia. “I see. How I wish we could talk.” Sabi nito sa mababang tono na mararamdaman ang panghihinayang at pananabik ditto saka nagshift sa ibang agenda. “Ano nga pala ang atin.” Masiglang wika na nito. “We’re on the verge of financial problem.” Simula ni Gelo. Nakakunot noo lang si Teddy habang nagkukwento ang dati nyang mga kaibigan tungkol sa pinagdadaanan nila sa ngayon at ang pagkadisgusto ni Chantalle na humingi ng tulong sa kanya. Nang matapos na ang mahaba rin nilang salaysay ay tumayo si Teddy saka tumingin sa labas kung saan makikita ang city bilang backdrop ng opisina nya. “I would really love to help you, lalo na at manganganak pa pala si Jen. Well, money is not a problem, if you would ask me. Pero lahat ng utang  ay may collateral diba?” saka malalim itong bumuntunghininga. “Hindi na naming maibibigay na collateral ang shop kasi nakasanla na ito sa bangko.” Amin ni Gelo. “I’m not thinking of any properties.” He said while tilting his head, his friends were waiting for his next statement, “I’m thinking about Chantalle.” His voice was full of unpredictable emotion. “What about her? Di ba ayaw nya ngang makita ka.” Nakatitig na wika ni Tom sa kanya, pilit na inaarok ang kahulugan sa mga salita nito. “Exactly, if this is the only way to make her talk to me, then let’s make a deal.”  He said with finality. “What do you mean by that?” confusion started to arise from their faces. “If you can let her come here and deal with me, then I’ll give you half of what you need, the other half will be settled if she will accept my business proposal.” Sabi pa nito habang sinusuksok ang mga kamay sa bulsa ng slacks nito. “Half, meaning 2.5 million. Tama ba ako, basta pumunta lang sya dito?” paniniguro ni Gelo habang nakatunghay kay teddy at sa mga kasamahan. “You heard it right, man. 2.5 million, just let her come here. I’ll let you pay it for 5 years, hindi na siguro masama.” Saba ni Teddy. “Pero 5 million ang kailangan namin, Teddy, at alam naming kaya mong ibigay yun.” Si Jen na parang nakikiusap. Tiningnan ni Teddy ang bilog nitong tyan bago nagsalita, “As I’ve told you, si Chantalle ang sasagot ng kalahati. If she will accept my business proposal then makukuha nyo ang 5 milyon by the end of this week. Saka na tayo mag-usap kung paano nyo babayaran yun.”  Saka ito umupo sa swivel chair. Tumango- tango nalang ang mga ito at nagpatianod sa kung anong eksaktong gusto ni Teddy na mangyari. Nang mapagtanto nila na gusto na nitong makapagtrabaho ay nagpaalam na sila sa kanya. KInamayan nya ang mga kaibigan at bago sila umalis ay parang nakikiusap pa ito sa bahagi ng kanyang pananalita. “Please, guys, just give me a favor, let me have her, let me talk to her.” And then he bid them goodbye. He was left alone in his office with full fo hope, murmuring a wish to see the woman whom he broke the heart six years ago. All he wanted were to explain everything to her, the reason he didn’t say his true feelings and the thought of making peace with her again. He missed her so much, he missed her badly that even making her as a collateral for bargaining with his old friends, he did it just to make sure she will come, just to make sure, she will agree, though part of him was guilty for the indecent proposal, he didn’t have any choice, but to execute his plan the day he saw her at the church. That day was different, and when he found out she had hate him, and she’s still single, he promised to find ways to see her again. Even though he was not able to do it early because of how his work ate his time, he promised to talk to her, and ask for her forgiveness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD