Dumaaan ang mga Linggo at buwan at bumalik sa dati ang inog ng mundo ko. Noong una ay kinakabahan akong baka bigla na lang syang dumalaw sa shop, pero buti nalang at hindi sinabi nina Jen ang eksaktong lugar kung nasaan kami. Tinuloy ko ang nakagawian na, gigising sa umaga, papasok sa shop, pupunta sa mga dealings at reception ng mga events na ginaagawa naming at muli nakalimutan ko ang sakit na nadarama.
“Jen, ilang buwan na yan? Kelan kayo magpapakasal ni Gelo?” bati ko kay Jen isang umagang sabay kaming nag-almusal.
“Four months na. Inaasikaso na namin ang civil wedding.” Sabi nya sabay himas sa kanyang tyan na hindi pa ganoon kaumbok.
“Bakit civil wedding? Pwede naman sa simbahan o kaya ay garden wedding.” Mungkahi ko pa.
“Hindi kaya ng budget. Ilang beses na naming sinubukan eh, saka mag-iinvest pa tayo dun sa restaurant na gusto nating ipatayo diba?”
Tumango- tango nalang ako. Naalala ko nga pala na may kukuhanin kaming pwesto sa Ortigas at sisisimulan ng ayusin yung gagawing restaurant, another investment naming magkakaibigan na halos lahat ng savings naming doon mapupunta. Well, for me, no regrets because I know at the end of everything, we will reap the fruit of our sacrifices and hardship. Kaya kahit mahirap ang magsimula uli, kakayanin basta may pagtutulungan at suporta sa isa’t isa.
“Gawin kaya nating collateral sa bangko iyong shop, para kahit paano may matira sa savings natin, what do you think?” suhestyon ko.
“You mean, mangungutang tayo sa bangko?” ani Jen.
“Wala namang masama, sigurado namang kikita tayo sa restaurant na yun diba? Why don’t we take a gamble, katulad ng dati?”
Hindi sya umimik. Alam kong gusto rin nya para hindi mabawasan ang savings nila ni Gelo, lalo na at manganagnak na sya a few months from now.
“Let’s consult them about your suggestion, gusto ko rin yan para sa babay namin.” Sa wakas ay naiusal nya. Napangiti ako, sigurado naman na pag kami ang nagsuggest ay sasangayunan nila.
Hindi nga kami nagkamali, after we presented our ideas sa buong barkada ay nagustuhan nila. Gumulong ang pag-aayos ng mga documents, ako ang namahala ditto habang ang iba naman ay nakafocus sa restaurant, kami naman ay sa shop.
Naging successful ang plano namin, we opened the restaurant and we had a lot of customers for the first month. At first, we we’re exhausted, tried but the feelings were fulfilling especially when we saw satisfied people thriving on our food and of course the cozy ambiance.
After the successful opening of the resto, our focused was shifted from one business deal to another business jobs which I found it very tiring. There were times that we were mostly busy and could not have a relaxing cup of coffee and light talks. Most of the time, we did argue with so many ideas in our minds, until one day, while we were sitting on a couch, and we felt the uneasiness and tention of the situation that we were in.
“We have a problem, a serious one.” Tom said with his eyes gazing upon me, but I could not see the real expression somehow within it.
“What is it?” patay- malisya kong sagot.
“Don’t be so naïve, Chantalle. I didn’t know what exactly had happened, but our funds are running out and we still have standing loans in the bank.” Makahulugang sabi ni Tom.
“We’re doing remedies, right? And we are only on our third month from the moment we opened the resto, so hindi agad papasok ang inivest natin.” Kalamado paring wika ko.
“Pero kasi, nagkakaproblema tayo sa funds lalo na at hindi tayo nakakabayad sa bangko, tapos all of a sudden, biglang wala na tayong maraming kliyete, sumabay pa ang pagkonti ng clients natin ditto sa shop.” Dugtong ni Jen sa sinabi ni Tom.
“kaya nga as I’ve said, we’re doing remedies, right? Kaya natin to.” Medyo guilty ako dahil ako ang nagsuggest ng resto at ang pag-utang sa bangko.
“Let’s be realistic, Chantalle. We either close the resto temporarily and focus to get more clients sa shop, since ito ang mas naging bread and butter natin.” Si Gelo naman ang nagsalita habang nakatingin kay Jen na malapit ng manganak.
“No, we’re not going to do it. Humanap pa tayo ng paraan. Mangutang tayo sa malalapit nating kaibigan.” Sabi ko pa.
“Sinong kaibigan? Ahh, si Teddy. He’s successful in his field now.” Mia’s suggestion really got our attention, but it irritated my thoughts.
“Mia naman, ang daming tao dyan bakit sa kanya pa?” inis kong bwelta. Napatayo tuloy ako sa couch at humalukipkip sa gilid ng wall.
“I think Mia’s suggestion is not bad. He’s actually willing to help noon pa man. Sabi nya nga sa amin if there’s a problem sya na lang ang lapitan natin. Kasi naman bilyonaryo na yata yun.” Tom insisted that thing again.
“No way! We’re not going to ask for anything from that man!” sigaw ko na kinagitla nila.
“Chantalle, calm down, you’re just over reacting. Kung ako ang tatanungin, gutso ko ang suggestion lalo pa’t konti nalang ang savings namin at malapit na akong manganak.” Litanya ni Jen habang himas- himas ang maumbok na tyan.
Tumingin ako doon, medyo lumambot ang mukha ko. Syempre naman, future ng inaanako ko ang pinag-uusapan, pero dapat may iba pang option, but again I cannot think of any that’s why I surrendered.
“Bahala kayo, pero hindi ako haharap sa kanya at hindi ako makikiusap sa lalaking yun.” Medyo pumiyok pa ako ng magsalita.
Tumingin silang lahat sa akin, pero umirap lamang ako at nagwalk out. What I’ve said is true, I’m not going to ask for any help from that bastard, not even in my wildest dream. Hindi nila ako pinigilan nang umalis ako at nauna nang umuwi sa apartment. Sa kuwarto ko, doon ako nagkulong, I didn’t want to talk to anyone. Nakatulugan ko ang pag-iisip at hindi ko na naalala pang kumain.
Kinabukasan, sa Sala ay nakita kong bihis na bihis sina Jen at Mia ,maaga ding dumating sina Tom at Gelo. Mukhang may pupuntahan sila, o baka ngayun na nila gagwin ang planon nilang pakikipag-usap sa mokong nayun.
Tumikhim si Tom na ikinabasag ng katahimikan saka nagsalita, “We’re just only waiting for you, maybe you’ve changed your mind and wants to come with us.”
“Ngayon na ba? Wala ako sa mood, saka ayokong makita yun, alam nyo yan. Kayo nalang, tatao nalang ako sa shop.” Nakasimangot kong tugon at dumeretso na sa kusina.
“Wish us luck, aleng maganda. Malay mo maging successful ang lakad naming.” Nakangising sabi ni Gelo na alam kong nag-iinis.
I glared at him and gave him a terror look. This man is really intoxicating, but I also heard silent laugh from the background while they were leaving.
I was left murmuring and cursing. I really didn’t want the idea, but if that’s how they want to save all our hardwork, I won’t stop them. Ayoko lang na pakikialaman nila ko sa aking desisyon. I made my decision, I will never go near him and plea to help us. For me, he’s such a coward for leaving me behind without thinking that it would lose the chance of living a happy life with him.