Nahihirapan akong matulog tuwing gabi simula nung nakita ko ang myday ni Bless. Sa mga araw na yun ay ni isang text ni Mikhael ay wala akong natanggap.
"Zel, anak tumawag na ba ang ina mo?" tanong sa akin ni Papa habang nagluluto ito ng ulam namin ngayong tanghali.
Isang linggo nang hindi umuuwi si Mama at kahit isang tawag ay wala rin akong natanggap. Nagsisimula na kaming mag-alala ni Papa sa kanya. Dati-rati ay palagi itong tumatawag kung makakauwi ba ito o hindi.
Kasalukuyan ako ngayong gumagawa ng term paper namin ni Jes. Konti nalang at matatapos na namin ito.
Hindi kasi ako sanay na magpasa sa mismong deadline. Habang kaya ko naman itong isabay sa iba kong ginagawa bakit pa ako maghihintay ng deadline?
Sabado ngayon kaya balak kong pumunta ng bayan para magpa-print ng aking project. Wala kasing computer shop or printing services dito sa aming barangay.
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ko si Papa na aalis ako. Binigyan niya naman ako ng 100 pesos para ipamasahe ko. Hindi na ako nagreklamo pa dahil alam ko namang wala siyang pera. Naka-budget na iyon para sa pagkain namin.
Nakasuot lang ako ng short at tshirt para komportable ako. Sinuot ko rin ang cap ni Mikhael na naging dahilan kung bakit kami nagkakilala. Sumakay ako ng tricycle at matapos ang 20 minutes na byahe ay nakarating na rin ako.
Sabado kaya maraming tao sa bayan. Halos lahat ay mga teenagers na nagliliwaliw, ang iba naman ay nagde-date at ang iba naman ay sadyang nagpapahangin lang.
Pumasok ako sa isang computer shop at nagsimulang nang mag-edit. Nasa sulok ako nakapwesto kaya ang tanging katabi ko ay ang dingding at itong lalaking naka bonnet.
Nagta-type lang ako nang bigla akong sanggain ng katabi ko. Nainis naman ako at lumayo ng konti sa kanya. Mali tuloy ang letter na na-type ko.
Maya-maya pa ay bigla nitong pinalo ng malakas ang mesa. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nanginig ang kalamnan ko.
Kailanman ay hindi ko gusto ang tunog ng kulog. Lalo na ang tunog ng mga nabasag na bagay o di kaya'y mga bagay tinapon. At mas lalong ayaw ko ang tunog ng nagsisigawan.
Nanginginig ang kamay kong inabot ang headphone sa taas ng CPU ng computer. Pinaslak ko ito sa tainga ko at nagpatunog ng music. Mga worship songs. Kumalma naman agad ako nang marinig ang kanta na "Safe" by Victory Worship.
Matapos ang page-edit ay pumunta na ako sa nagbabantay ng com shop para magpa-print. Aalis na sana ako matapos ibigay sa aking ng taga bantay ang hard copy ng project ko nang muli ako nitong tinawag.
"Ate may naiwan ka po sa may computer," sabi nito at tinuro ang sulok kung saan ako nag-computer kanina.
"Teka lang po kukunin ko lang."
Tinanguan lang ako nito at agad akong pumunta doon sa sulok. Sa pagka-alala ko wala naman akong nakalimutan. Isang maliit na sling bag lang naman ang dala ko at hindi ako naglabas ng kahit ano mang gamit ko.
Pagkarating ko sa may computer ay may nakita akong papel na nakatupi. Bago ko pa makuha iyon ay tumayo ang lalaking katabi ko kanina.
"Excuse me."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang malalim nitong boses. Parang nasa ilalim ito ng balon. Sinikap ko namang ihakbang ang mga paa ko makadaan siya at napagtagumpayan ko naman iyon.
Di ko akalain na napapigil pala ako sa paghinga kaya nang makadaan siya ay ganun nalang ang paghabol ko sa hininga ko.
Kay grabeng karisma naman iyon.
Kinuha ko ang nakatuping papel pero bago ko pa mabuksan at basahin iyon ay napatingin ako sa may pintuan nang makarinig ng malakas na pag-uusap. Isang grupo ng mga estudyante ang pumasok sa loob ng com shop.
Inilagay ko sa loob ng sling bag ko ang papel. Mamaya ko nalang ito babasahin. Lumabas agad ako at pumunta na sa sakayan ng tricycle na papunta sa barangay namin.
*****
"Hala sana all tapos na sa term paper!" naiinggit na sambit ni Jen.
Sinubmit na kasi namin ni Jes yung term paper namin kanina nung magklase si Sir Juno. Napangiti naman ito dahil kami ang pinaka-unang pair na nagpasa.
"Ano ba naman ang aasahan mo sa running for valedictorian nating friend?" Si Jes naman ang nagsalita.
"Hoy mga baliw! Ano'ng valedictorian-valedictorian ang sinasabi nyo? Si Chyra kaya yung valedictorian," sambit ko sa kanila at inambahan silang hahampasin ng hawak ko na notebook.
Napailag naman sila. My friends told me na matalino daw ako. Pero hindi ko sila pinaniniwalaan. Eh pano ba naman kasi? Ang bobo ko sa Math pati na rin sa Chemistry. At sure akong mababa ang grades ko doon.
Lumipas ang Linggo at ni anino ni Mama ay hindi namin nakita ni Papa. Ni isang reply sa mga texts ko ay wala rin akong natanggap.
Lunes na at next week ay December na. Sandali lang ay Christmas break na naman. Hindi ko pa rin nakausap si Mikhael nang masinsinan. Kada hatid kasi nito sa'kin ay umuuwi ito kaagad.
Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagiging distant niya sa akin. Hindi ko naman siya masabihan dahil baka magalit ito sa akin. At ayaw ko nun.
Lunch break namin ngayon at halos lahat kami ng mga kaklase ko ay nandito lang sa room.
"Guys! Please cooperate! Magme-meeting tayo ngayon para sa Christmas Party natin!" sigaw ni Chyra na ngayon ay nasa harap na. May hawak itong chalk.
Dahil ako ang Secretary ay inihanda ko na ang notebook ko para isulat ang pagme-meetingan namin ngayon.
"Sa December 18 ang ating Christmas Party. Pwede kayong magsuggest kung ano'ng pagkain ang ihahanda natin. For sure sagot na ni Maam ang softdrinks. Kung may ire-recommend kayong food itaas nyo lang ang kamay niyo."
Agad namang itinaas ni Jes ang kamay niya.
"Lumpia! Lumpiang Shanghai! Ilista niyo diyan ang Lumpiang Shanghai!" dali-dali nitong sigaw. Tila kuminang naman ang mga mata ng mga kaklase ko nang marinig ang pagkain. Ano bang meron sa Lumpia na yan at bakit gustong-gusto nila iyon?
Isinulat naman sa blackboard ni Kent na siyang Vice Pres namin ang Lumpia.
"Any other foods?" tanong pa ni Chyra. Maka-english kala mo foreigner. Parang joke naman yung accent.
"Carbonara!" sigaw naman ni Jane ang sosyalin naming kaklase.
"Yuck! Nakakasawa na yang Carbonara!" reklamo ni Jen sa tabi ko. Nakatanggap naman siya ng irap mula kay Jane.
"Spaghetti nalang! Tradition na natin yan. Kesa sa Carbonara!" suggest naman ni Jen.
Napaisip naman si Chyra sa sinabi ni Jen. Nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko. Kinu-kumpara nila kung ano nga ba ang mas masarap. Dito sa panig namin ay Spaghetti ang sinisigaw samantalang sa kabilang row naman ay Carbonara.
"Can you all please shut up?!" malakas na sigaw sa amin ni Chyra. Parang dinosaur na ito sa galit niyang itsura. Natahimik naman kaming lahat.
"Okay. Magvo-vote nalang tayo. Those who like Carbonara, raise your hand."
Itinaas naman ng mga kampo ni Jane ang mga kamay nila. Binilang naman ito ni Chyra.
"14."
Isinulat naman ni Kent ang bilang ng mga bumoto sa Carbonara.
"Those who like Spaghetti, raise your hand."
Halos mabali naman ang mga buto namin sa pagtaas ng mga kamay namin. Sino ba namang hi-hindi sa Spaghetti? Halos tradition na yan ng bawat Pilipino. Kapag may birthday, hindi mawawala sa lamesa yan.
"16."
Napasigaw naman kami sa saya. Parang baliw lang si Jen kasi binelatan nito si Jane. Inirapan naman kami ni Jane pero wala kaming pake sa kanya.
"Any other suggestions?"
"Fried Chicken." suggest naman ng kaklase kong si Mylene.
"Mango Float." suggest ni Crihs na ngayon lang nakaimik. Eh ano ba naman ang ini-expect ko eh minsan lang magsalita yan.
"Ano pa guys? Isa nalang. Baka hindi natin maubos pag sobrang dami na yung menu."
"Ulam nalang yung isang menu," sambit ni Kent.
"KBL nalang." This time ako naman ang nagsuggest.
Um-okay naman sila kaya pinag-usapan naman namin ang mga parlor games na lalaruin.
"Actually may nailista na akong mga parlor games dito. Dahil hindi naman na tayo mga bata, 7 games lang yung lalaruin natin."
Binigay ni Chyra ang listahan ng mga games kay Kent at isinulat naman niya iyon sa blackboard.
1. Paint Me a Picture
2. Give Me What I want
3. Trip To Jerusalem
4. Statue Dance
5. Paper Dance
6. Make Up Challenge
7. Tomato Dance
Mga common games lang naman sila pero alam kong once na lalaruin namin iyon ay grabe na namang ingay ang ililikha namin.
"May angal ba kayo? Sabihin niyo na para marinig ko," pahabol na sabi ni Chyra matapos isulat ni Kent ang mga games.
"Sana may Sack Race," walang atubiling sabi ni Rosch.
"Pwede naman," sabi ni Chyra. "Sige, ilista mo diyan Kent."
"Okay na yang mga games. Sakto na yan. This time pag-usapan naman natin ang about sa gifts. Ano'ng gusto niyo? SP? Or exchange gift?" tanong nito sa amin.
"SP nalang. Baka mahirapan tayong maghanap ng regalo na pwede sa babae at lalaki kung mage-exchange gift tayo," sabi naman ni Anj. Sumang-ayon naman ang mga kaklase ko kaya SP nalang ang gaganapin para sa gift giving.
"Okay. Dahil 12 ang boys ay Zodiac Signs ang isusulat imbis na tunay nilang pangalan. While ang girls naman ay mga numbers."
"Eh magkano dapat ang presyo ng gift?" tanong naman ni Annie.
"Magkano ba gusto niyo?"
Halos lahat sa kanila ay 150 ang sinisigaw. Meron ding 200.
"200 nalang kaya. Ano ba naman ang mabibili mo sa 150 pesos?" angal ni Jane.
"Ay! Ano'ng akala mo sa amin? Mayaman katulad mo?" kontra naman ni Jen.
Ang iingay na namin dahil lang sa presyo ng gift. Napatingin ako sa kabilang row at nakitang nakatingin sa akin si Bless. Nginitian ko siya pero tipid lang itong ngumiti sa akin.
Maya-maya pa ay pumasok na si Ma'am Rhea sa room at naabutan kaming nag-iingay tungkol lang sa gift.
"Class, settle down! Christmas is the season of giving. Wag na kayong magset ng limit sa presyo ng gift. Ibigay niyo nalang ang makakaya niyo. Yung bukal sa puso niyo," mahabang lintaya ni Ma'am.
"Dahil mayroon tayong 5 menu. Igu-grupo ko nalang kayo into 5 groups. Ia-assign ko kayo sa isang menu at kayo na ang bahala mag-ambag sa presyo ng mga ingredients."
Um-okay naman kami sa suggestion ni Ma'am.
"6 persons every group. Kayo na bahala kung sinu-sino ang gusto niyong isama sa grupo. Ibigay ni yo nalang ang lista sa Secretary natin," habol pa ni Ma'am atsaka tumingin sa akin. "Zeleighn iha, ikaw na ang bahala ah?" tanong pa ni Ma'am.
"Okay Ma'am," sabi ko at nginitian siya.
"So I guess we are now settled? Any questions?" Pumunta si Ma'am sa mesa niya atsaka tumingin sa amin.
"None, Ma'am!" Sigaw naming lahat.
"Okay. Prepare for your next class."
Lumabas agad si Ma'am dala ang kaniyang mga libro at laptop. Pupunta na ito sa susunod niyang klase.
Umayos naman ako ng upo nang dumating na si Ma'am Gaborno para sa klase namin.
"To those who joined in Pinandot you can leave my class. You are excused. Nandoon na ang trainor niyo sa pavilion," sambit ni Ma'am bago ito magdiscuss sa amin.
Dala ang bag ay lumabas na kaming tatlo nina Rosch at Jen. Nakasunod naman sa amin si Bless. Hindi ko alam kung bakit hindi magkasundo itong mga barkada ko sa kanya. Ayon kay Ma'am Gaborno ay sa pavilion kami magpa-practice ngayon. Dati kasi ay sa plaza na katabi ng school.
Pumasok kami sa parte ng school kung saan naroon ang Junior High Building. Nasa labas kasi ang Senior High Building dahil kakagawa pa lang nito. Ang pavilion ay nasa gitna ng field at napalibutan ng mga classrooms. Habang sa harap naman nito ay ang stage namin.
Pagkarating namin sa pavilion ay naroon na ang mga lower years na sasali. Naagaw ang atensyon ko ng mapadako ang tingin ko sa isang tao na may mahaba at kulot na buhok. Naka-fitted jeans ito at blouse na kulay blue.
"Sir nandito na po ang mga Senior High," sabi ng isang Grade 7.
Humarap naman ito sa amin at nagulat ako dahil akala ko ay babae ito. Yun pala ay bakla. Kung nakatalikod ito ay aakalain mong tunay talaga ito na babae dahil maganda ang katawan nito. Idagdag mo pa ang mahaba at kulot niyang buhok.
"Okay. Go to your places now."
Agad naman kaming pumunta sa formation namin. Siya pala ang main trainor namin. So assisstant niya lang pala yung nagtuturo sa amin weeks ago?
Nilagay ako ng assisstant trainor sa harapan. Nasa tabi ko ang isamg Grade 11 na siyang kapareha ko sa sayaw. 6 kapares lahat kami. Isang pair kada year level pero dahil walang Grade 8, 9 at 10 na sumali ay sila Jen Rosch at Bless nalang ang pumalit. At may 12 namang props men na siyang hahawak ng kawayan na sasayawan namin.
"Good afternoon. As of today, ako na ang magiging trainor niyo. Can you perform the Figure 1 teached to you by my assisstant?"
"Yes po,"sagot naman namin.
Agad kaming naghanda at maya-maya pa ay nagsimula na kaming magcount at sumayaw.
"1, 2, up! 2, 2, up!..."
Nasa likod ang dalawa kong kamay at nasa gilid kami ng kawayan. We are dipping our right foot inside the bamboo and pull it up after 2 counts. Gagawin namin yan ng tatlong beses.
Pagkatapos ng dipping ay sa Basic naman kami pumunta. Using my right foot I hop inside the bamboo and pull it up and place my left foot inside while my right foot land outside the bamboo.
"Hoy babaeng naka-ponytail. Ano'ng ginagawa mo? It was supposed to be right-left-right not left-right-left. Hindi ka sumasabay sa kanila," medyo may kalakasan nitong sabi.
Napahinto kaming lahat sa pagsayaw. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito dahil naka bun naman lahat ng buhok namin. Hindi ko alam kung sino ang hindi sumunod.
Lumapit ang trainor dito sa line namin at kinabahan ako. Is it me? Napahinga ako ng maluwag nang daanan ako nito. Huminto ito sa likod ko. Sino nga ba ang nasa likod ko?
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Bless na nakayuko. Tanging siya lang ang naka ponytail sa amin dahil lahat kami ay naka bun na ang buhok. Mahigpit kasi na ipinagbabawal sa amin ang mag-ponytail dahil magiging sagabal lang ito sa pagsasayaw namin.
"At bakit naka-ponytail ka? Hindi ka ba nasabihan na dapat naka bun ang buhok niyo? Nasaan ka nang pinagsabihan kayo?" tanong ng trainor namin sa kanya.
"N-Nandito po. N-Nakalimutan ko lang po i-bun yung b-buhok ko," takot na sagot ni Bless.
Umalis naman ang trainor namin at bumalik sa harap. Napa-flip hair ito dahil sa stress.
"From the top!" sigaw nito sa amin na umani ng iba't-ibang reaksyon.
*****
Kasalukuyan ako ngayon nakaupo sa waiting shed sa labas ng school. Sinabihan ko kasi si Mikhael na sunduin ako dahil dala niya rin naman ang motor ng Kuya niya.
4:45 PM na at wala pa siya. Kanina pa natapos ang practice namin at pawisan ako ngayon pero hindi na ako nagpalit pa dahil nakalimutan kong magdala ng pamalit.
Nauna na si Bless umuwi. Nakalimutan ata nito akong sabihan dahil bigla-bigla nalang itong umalis pagkatapos ng practice. Di kaya'y nahihiya ito dahil napagalitan ito kanina?
The sky's embracing the orange rays from the setting sun. Maganda ang disenyo na nalikha ng papalubog na araw na gumuhit sa kalangitan. Maganda siguro pag kasama kong nanonood nito si Mikhael.
Ilang sandali pa'y ang kahel na kalangitan ay napalitan ng kulay asul. Pero wala pa rin si Mikhael. Nagsisimula nang mangati ang ilong ko dahil sa pawis na natuyo sa likod ko. Sigurado akong ilang sandali pa ang lilipas ay magsisismula na akong bumahing.
Isang pito galing sa motor ang gumising sa akin. Napangiti akong lumapit sa motor pero napahinto rin nang tuluyan akong makalapit dito.
Imbes na kulay asul na Raider ang sasalubong sa akin ay isang itim na rouser ang nakita ko. Nasaan si Mikhael?
Hinubad ng lalaki ang kanyang helmet at ganun nalang ang gulat ko nang magsalubong ang mga mata namin.
His deep brown eyes are staring at mine as if it is looking to a thing that is owned by him. I can feel the loud bang in my chest. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Maybe I am just intimidated by him?
I am the first one to cut our little staring contest by looking at my feet. I heard him cleared his throat.
"Mikhael won't be able to fetch you so he asked me a favor to send you home,"his husky voice dominated my ears.
Napa-oh nalang ako sa hindi alam ang sasabihin. Bakit ako ganito?
"Saan ba siya pumunta? M-May----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong napabahing.
"I-I'm sorry,"sambit ko at tumalikod. Naghanap ako ng tissue sa bag at kung minamalas ba naman ako ngayon. Ubos na ang tissue ko!
"Here. Use this."
Tinakpan ko ang ilong at bibig ko at humarap sa kanya. Naglahad ito ng panyo sa akin at hiyang-hiyang ko naman itong kinuha gamit ang kaliwang kamay dahil nasa ilong at bibig ko ang aking kanang kamay.
Agad kong pinahiran ang ilong at bibig ko gamit ang panyo niya. Naamoy ko naman ang fabric conditioner na ginamit niya.
*Downy.*