Dalawang araw na ang nakalipas simula nang sabihin sa akin ni Jes ang tungkol kay Bless at Mikhael. Miyerkules na ngayon at hindi pa rin ako makahanap ng tyempo para itanong ito kay Mikhael. Natatakot ako sa magiging sagot niya.
It's been two years since Mikhael and I are dating. Sa two years na iyon ay kilalang-kilala ko na siya. Palagi siyang nagku-kuwento sa akin kung anuman ang nangyari sa araw niya. Kung sino ang nakakasalamuha niya. Palagi din itong nagte-text para iremind ako na kumain o di kaya'y gawin ang aking mga assignments.
For two years, alam kong hindi gawain ni Mikhael ang magsinungaling. He is a religious man. Hindi niya kayang gawin ang mga bagay na alam niyang makakasakit sa iba. Kahit pa sa akin.
“Oh Zel, natanong mo na ba?” tanong sa akin ni Jes habang nagtatali ng kanyang buhok.
We are preparing for our next class which is P.E. We are task to perform any hiphop dance. Kaya naman naka hiphop attire kami ngayon. Naka suot ako ng isang black crop top at black jagger pants. Naka high ponytail din ang mahaba kong buhok.
“Hindi pa rin. Hirap akong makahanap ng tyempo eh,” sagot ko.
Tiningnan naman ako ni Jes na may pag-alala sa kanyang mga mata.
“Siguro mamaya. Susunduin naman niya ako.”
Tila nabunutan ito ng tinik nang marinig ang sinabi ko. Napag-isipan ko na rin ito kagabi kaya nagpasundo ako. Balak pa sana ni Mikhael na magcommute kaya lang dahil pinilit ko siyang sunduin ako ay hiniram niya ulit ang motor ng Kuya niya. Kaya ngayon ko siya tatanungin tungkol sa sinabi ni Jes sa akin.
It's now or never.
Walang umabsent sa amin ngayon dahil na rin sa perfromance sa P.E. Ang hindi kasi sasali ay walang grades. Kaya no choice sila kung hindi ang magperform.
Pagkatapos ng performance ay ngsiligpit na kami ng mga gamit at pwede nang umuwi.
Nakita kong naghahanda na si Bless na umuwi. Katulad ko ay hindi na rin ito nagpalit ng damit bago umuwi kaya nakasuot pa rin ito black shorts at puting sleeveless na crop top.
Nilapitan ko ito para sabihan na hindi muna ako makakasabay sa kanya pauwi dahil susunduin ako ni Mikhael ngayon.
“Ah. Sige.” walang gana nitong sagot.
Nangunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. Tila ba galit ito o ano. Bago paman ako makalabas ng silid ay tinawag niya ulit ako.
“Wait Zel, sabay na tayo lumabas.”
Dali-dali nitong niligpit ang mga natirang gamit at tumakbo papunta sa akin. Nginitian ko siya ng sadya dahil mukhang hindi maganda ang nararamdaman kong pagsama niya sa akin.
“Samahan na kitang maghintay kay Mikhael,” sabi nito sa akin habang nag-aayos ng kanyang buhok.
Nagsisimula na akong magtaka sa inaasal niya ngayon. Dati-rati pag-uuwi kami ay hindi na ito nag-aabala pang mag-ayos ng kanyang buhok. Ba't nag-aayos na ito ngayon? Tila masaya pa ito ngayon kumpara kung magkasama kaming uuwi.
Umupo kami sa may waiting shed sa harap ng school. Dito namin hihintayin si Mikhael. Tahimik lang kaming dalawa ni Bless. Kaya naman naisipan ko itong tanungin kung ano'ng course ang kukunin niya sa college.
“Ano'ng course ang kukunin mo sa college, Bless?”
“Di ko pa alam. Kung makakapag-aral ako Business Management yata ang kukunin ko.”
“Mabuti naman kung ganoon. In demand naman ngayon ang mga business related courses. Makakatulong ka na niyan sa pamilya mo.”
“Ikaw ano'ng kukunin mong course?” tanong nito pabalik sa akin.
“Educ yata.” Napataas ang kilay niya sa sagot ko.
“Oh, matalino ka naman kaya dapat lang na Educ ang kukunin mo.”
My forehead creased when I heard what she just said. Tila kumulo ang dugo ko sa mindset niya. Pag matalino ba Educ dapat ang kukunin? I'm offended. Para na rin niyang sinabi na Educ lang ang pwede sa akin. College is not about brains. Diskarte dapat ang pinapairal. College is about surviving your course. Oo kailangan naman talaga ang utak pero makaka-usad ka ba kung yan lang ang gagamitin mo?
Palagi akong pinapa-alalahanan ni Papa na dapat hindi ako puro utak lang. Wala naman daw silbi ang utak kung aasa ka lang doon. Oo alam mo ang lahat pero paano mo ito maisasakatuparan kung hindi mo alam dumiskarte.
“Hindi naman yata tama na kung matalino ka dapat Educ ang kukunin mo. Para mo na ring sinabi na kung bobo ako dapat yung mga madadaling courses lang ang kukunin ko.”
Gulat itong napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata. “Luh, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Sorry.”
Hindi na ako nag-aksaya pang sagutin siya dahil nabadtrip ako sa usapan namin. Laking pasasalamat ko nang dumating na si Mikhael.
Hinubad nito ang suot niyang helmet at lumapit naman ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at nginitian naman niya ako. Nasanay na akong hinahalikan siya sa pisngi tuwing magkikita kami.
“Wow! Ang sexy mo naman babe!” sigaw nito. Tinampal ko siya sa braso dahil nakakahiya baka marami ang makarinig.
“Syempre naman. Ako pa ba,” sabi ko at nagroll-eyes.
“I miss you,” biglang sambit nito na nagpalakas ng t***k ng puso ko. Kahit kailan talaga hindi nagsasawa ang puso ko sa kanya.
“I miss you too.”
“Tara na. Ihahatid na kita. Dumidilim na.”
Akmang sasakay na sana ako sa likod niya nang magsalita ito ulit.
“Teka, si Bless ba yan?” tanong nito.
Saka ko lang naalala na kasama ko pala siya. Iba talaga pagkaharap ko si Mikhael. Nagiging makalimutin ako.
“Ay, oo pala. Sinamahan niya akong hintayin ka.”
Hindi ko alam kung totoo itong nakita kong napangiti si Mikhael sa sinabi ko o namamalik-mata lang ako.
“Ihatid na rin siya natin. Dumidilim na rin naman.”
Gusto kong kumontra sa sinu-suggest ni Mikhael pero dahil hindi ko ugaling mang-iwan ng kaibigan ay pumayag ako. Nilapitan ko siya at sinabihan na sumama na sa amin. Agad naman itong napangiti.
“Talaga? Sinabi yan ni Mikhael?” hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Ba't siya sabik na sabik? Inaya lang naman siya ah?
Ako ang unang sumakay kaya napagitnaan ako nina Mikhael at Bless. Tahimik lang ang byahe namin. Nang makarating kami sa bahay nila Bless ay doon lang nasira ang katahimikan.
“Salamat M-Mikhael. Ingat ka pauwi,” tila nahihiyang sabi ni Bless.
Napairap naman ako. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya ngayon. Hindi ko rin naitanong kay Mikhael ang sinabi ni Jes sa akin. Panira talaga si Bless. Nang makarating kami sa harap ng bahay ay hindi muna ako pumasok.
“Pumasok ka na babe. Aalis na din ako. Kailangan na daw ni Kuya ang motor eh,” sambit nito habang nakatutok sa kanyang cellphone.
Bigla akong nalungkot. Tuwing ihahatid niya ako ay ayaw pa nitong umuwi, pero bakit ngayon?
Umiling ako para maiwasan ang pago-overthink. Mahihirapan na naman akong makatulog nito.
“A-Ah sige. Ingat ka pauwi.”
Hindi na ito nag-atubili pang sagutin ako atsaka pinaharurot ang motor.
Okay lang yan, Zel. Baka emergency lang. Don't think too much.
Laglag ang balikat na pumasok ako sa bahay. Isama mo pa ang madilim naming bahay. Ibig sabihin hindi pa nakauwi si Papa. Pagkatapos magbihis ay naghanda na ako ng hapunan naming dalawa.
Ala-sais y medya na pero wala pa rin siya kaya nauna na akong kumain at iniwanan ko nalang siya ng kanyang pagkain. Pagkatapos nun ay gumawa ako ng aking mga assignments.
I decided to check my social media accounts dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-browse sa net. I was scrolling in f*******: when something caught my attention.
Bless Andrea Leyson
2 hrs ago
Thank you for your time. I hope to see you again.
Jes Games and 109 others reacted
Like Comment Share
Maraming reacts ang kanyang post dahil palagi itong active sa f*******:. Or sadyang famous lang talaga ito. Hindi ako nagreact sa post niya at naisipan ko nalang matulog. Napagod yata ako sa performance namin.
Ilang oras na rin akong nakapikit pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Kinuha ko ang cellphone para tingnan kung ano'ng oras na. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas dose palang ng hatinggabi. Bumangon ako at naisipang magpahangin sa labas.
Dala ang cellphone at jacket ay lumabas ako ng bahay. Naupo ako sa terrace habang tinatanaw ang mga butuin sa langit. Walang buwan na nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Nagscroll ako ulit sa f*******: para dalawin ako ng antok. I decided to send a message in our gc. Gc namin nina Jes. Pagka-open ko ng messenger ay bumungad sa akin ang profile picture ni Mikhael na may kulay green na bilog sa gilid.
Ba't online pa ito?
Chi-nat ko ito pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagre-reply. Naka-delivered naman ang message ko. Ibig sabihin hindi niya binuksan ang message ko. Or baka tulog lang ito at naiwang nakabukas ang data niya?
Tumitingin-tingin nalang ako ng mga online nang mapadako ang mga mata ko sa profile ni Bless. Online din ito.
Biglang nag-iba ang timpla ko at hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Pumasok nalang ulit ako sa loob para maiwasan ang pago-overthink. Nahiga ako ulit at pinilit ang sarili na matulog.
Napabangon ako sa tunog ng aking alarm clock. Papikit-pikit akong naglakad papuntang kusina. I'm expecting to see Papa drinking his coffee at the table. Pero ni anino niya wala akong nakita. Hindi pa rin siya nakauwi.
Mabuti nalang at may natirang pera pa ako mula sa baon ko kahapon kaya hindi na ako nanghingi pa kay Lola.
Hindi ko na inisip pa ang nakita ko kagabi at ang sinabi sa akin ni Jes. Alam ko namang si Mikhael mismo ang magsasabi sa akin niyan. Yun nga lang hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi sa akin ni isang salita tungkol doon.
Ayokong mastress masyado lalo na't may sinalihan pa akong contest. At ilang buwan nalang ay graduation na namin. I need to think of a university where I must pursue my Papa's dream for me.
Pagkarating ko nang school ay nakabukas na ang room namin. Halos lahat na rin ng mga kaklase ko ay nandito na. Nahagip ng mga mata ko si Bless na nakangiting nagbubunot ng mga d**o sa labas.
Good mood yata siya.
I saw my group forming a circle while pulling some weeds not that far from Bless's group. Lumapit ako sa kanila.
“Hays, nase-stress ako. Magsisimula na raw kaming magpractice para sa Pinandot bukas,” naiinis na sabi ni Jen sabay bunot ng d**o.
“Bukas agad?”
Grabe. Sabi ko hindi ako magpapa-stress masyado eh.
“Yeah. Na move daw yung Palayag Festival eh. Imbes na second week ng January ginawa nilang first week nalang.”
Kailangan na talaga naming simulan ang term paper naming dalawa ni Jes. Sabi ni Sir Juno okay lang naman daw kahit ano pa yung topic namin. Kakausapin ko mamaya si Jes kung ano'ng mare-recommend niyang topic.
“Uy guys. Makinig kayo. May cheka ako,” masayang sambit ni Anj.
Napalapit naman kami sa kanya para marinig ang kung anumang ichi-chismis niya.
“Nakita niyo ba ang post kagabi ni Bless? Nagmy-day pa nga siya. Nakita niyo ba?” tanong niya sa amin.
Oh, so yung post pala kagabi ang tinutukoy niya. At ano'ng myday? Wala naman akong nakitang myday ni Bless.
“Ano'ng myday? Wala akong nakitang myday niya. Yung post niya lang ang nakita ko.”
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Kinabahan naman ako sa inasal nila. Bakit parang may mali?
“S-Sure kang hindi mo nakita Zel?” nauutal na tanong Jes.
“Baka ni-hide siya ni Bless?” tanong naman ni Rosch.
“Teka, ini-screenshot ko pala iyon. Hanapin ko lang sa cellphone ko,” sabi ni Jen at agad kinuha ang kanyang cellphone at mkinalikot.
Ba't ganyan ang sinasabi nila? At ano'ng ni-hide ako ni Bless? Hindi ko gusto itong patutunguhan ng pag-uusap namin.
Feeling ko may masamang mangyayari. Ang bilis ng t***k ng puso ko na tila bang isang gulat mo lang ay malalaglag ito mula sa aking rib cage.
“Heto na. Mabuti nalang at na screenshot ko,” binigay sa akin ni Jen ang kanyang cellphone at kinuha ko naman iyon. Tiningnan ko nang maigi ang picture dahil parang kinuha ito sa pamamagitan ng mahirap na anggulo.
Two hands holding each other.
A shadow of two people.
A girl's right hand.
A boy's left hand.
A familiar black wristwatch.
Tears came streaming down my face. Nabitawan ko ang cellphone ni Jen sa pagkabigla. My heart's aching like it was crushed into pieces.
Siya ba talaga iyon? No, it can't be. Maybe it's some other guys? But that wristwatch is...
“Oh my gosh!” gulat na sabi ni Rosch nang makita akong umiiyak.
Dinaluhan naman nila ako at pinatahan sa pag-iyak. Right, hindi naman yata siya iyon. Maraming wristwatch ang kagaya nun.
“Kilala mo ba yung guy, Zel?” tanong ni Jen habang kinukuha ang cellphone niyang nalaglag ko.
“I-I'm not sure. Mukhang f-familiar yung wristwatch eh,” I reasoned out.
Hindi ko naman masabing si Mikhael iyon dahil baka magkapareho lang sila ng wristwatch. I must not jump into conclusion while I didn't heard Mikhael's side yet.
Ang dami ko nang dapat itanong sa kanya. Kailan ba ako makakahanap ng tyempo?
I calmed myself and forced to smile at my friends. Mababasa ko sa mga mata nila ang pag-alala. And I am forever thankful for having friends like them. They are my light when I am walking on a dark path. They are my sanctuary.
Yes, hindi dapat ako mag-alala. Mikhael won't cheat on me. He loves me. He loves me that much that he won't dare to hurt me.