Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas simula nang sinundo ako ni Mikhael dito sa school. Sa mga panahong hindi niya ako sinundo ay magkasama kaming umuwi ni Bless. Hindi pa rin ako sigurado kung totoo nga ba ang nakita ko na masama siyang nakatingin sa amin noon. Hindi ko rin naman siya matanong dahil baka magalit ito sa akin at ayaw ko iyon.
Simula elementary ay magkaibigan na kami Bless. Palagi na kaming magkasama umuwi mula noon dahil nasa iisang barangay lang naman ang mga bahay namin. Halos alam na namin ang ugali ng bawat isa.
Minsan na ring may nagpuna ng pakikipagkaibigan ko kay Bless. Kesyo daw mapagbuhat ng kamay ang ama nito at baka pati ao ay mapagbuhatan din nito. Minsan nga ay nakikita ko ang mga pasa sa mga braso nito pero gaya ngayon, nananahimik lang ako. Hinihintay ko na siya mismo ang magkwento sa akin dahil ayaw ko namang pangunahan siya sa pagtanong.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pauwi ni Bless. Hindi kasi ako masusundo ni Mikhael dahil may ginamit ng kuya niya ang motor na ginagamit niya papuntang school.
"Pinayagan ako ni Tatay na sumali sa Pinandot."
Gulat akong napatingin sa kanya. Sinuri ko ang katawan niya at napadapo ang tingin ko sa braso niya. Nakita niya ang pagtingin ko doon kaya nagsalita siya.
"A-Ano ka ba. O-Okay lang kay Tatay yun. P-Para naman daw sa school eh. Kaya p-pumayag siya," bahagya nitong hinaplos ang braso niyang tinitingnan ko kaya natabunan na ito ng kamay niya kaya hindi ko na nakita ang pagkukulay ube nito.
Hanggang makarating ako sa bahay ay ang braso ni Bless ang inaalala ko. Habang nagsasaing ay iyon lang ang naiisip ko kaya muntikan nang masunog ang sinasaing ko. Pagka-alis ko ng kaldero sa stove ay siya ring pagdating ni Papa galing sa trabaho.
"Makaka-uwi ba daw ang ina mo sa Linggo?" Tanong nito pagkatapos kong maghugas ng kamay.
"Hindi pa naman siya nagtext o tumawag sa akin Pa. Baka bukas pa siya tataway. Hintayin nalang natin,"
Tumahimik lang ito at pumasok sa loob ng kwarto. Biyernes ngayon kaya dapat sinabihan na ako ni Mama kung makakauwi siya o hindi.
"Siya nga pala nak, di ba classmate mo yung anak ni Bando? Ano nga pangalan 'non?" Biglang tanong ni Papa habang habang nasa loob ng kwarto.
Si Tito Bando ay kilalang lasenggo dito sa aming barangay. Walang araw kang makikita na wala itong dalang alak. Makailang ulit na rin itong nagawi sa barangay hall dahil sa pag-e-eskandalo. Kapag nakainom ito ay tila nasapian na ito ng kung anong demonyo at pati mga anak niya ay sinasaktan na niya.
Bali-balita na rin ang p*******t nito sa kanyang panganay na anak na si Bless. Minsan pag wala si Bless ay ang mga bunsong anak naman nito ang pinagdidiskitahan niya.
Nagkaganyan lang naman daw si Tiyo Bando simula nang iwan siya nito ng kanyang asawa. Sumama ito sa ibang lalake at iniwan ang apat nitong anak sa kanya. Isang hamak na karpentero lamang si Tiyo Bando at minsan ang kanyang sweldo ay napupunta pa sa kanyang bisyo.
"Si Bless po yung anak ni Tiyo Bando pa. Magkaklase nga kami. Kanina nga nung pauwi kami ay nakita ko ang braso niyang nagkukulay-ube," sumbong ko kay Papa.
Lumabas na ito ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan ako naroroon.
"Marahil kagagawan na naman iyon ni Bando. Hay nako. Yan ang mahirap pag magkahiwalay ang mga magulang. Ang mga anak ang nagdudusa."
Tahimik naman akong sumang-ayon sa sinabi ni Papa. Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na ako sa aking kwarto at ginawa ang mga assignments ko.
Lunes ng umaga ay maaga akong pumasok at tanging ako pa lang ang tao dito sa labas ng room. Hindi ko naman ito mabuksan dahil nasa kay Ma'am Rhea ang susi. Wala naman akong magawa kundi ang maghintay. Maya-maya pa ay dumating na si Crihs. Isa sa mga kabarkada ko. Anim kaming lahat. At ang pinakaclose ko ay si Jes. Magbestfriend na kami mula Grade 7 hanggang ngayong Grade 12.
Nag-uusap lang kami ni Crihs tungkol sa mga assignments nang biglang dumating si Ma'am Rhea. Sinalubong namin siya at ibinigay niya sa amin ang susi dahil daw pupunta pa ito sa Principal's Office.
Nang mabuksan na namin ang room ay nagsilinis na kaming dalawa ni Crihs. Hanggang sa dumating na rin ang iba naming kaklase at pumunta na sila sa kani-kanilang mga gawain.
Nang matapos sa paglilinis ay nagsipasukan na lahat ng mga kaklase namin. Late na nang dumating si Jes dahil madalang daw ang jeep ngayon. Kumpleto kaming magba-barkada na nakaupo sa first row sa likod.
“Oh ano sasali ba kayo sa Pinandot?” tanong Rosch na nakaupo sa likod ko.
By two's kasi ang upuan. Anim kaming magkabarkada kaya sakto lang at by pair rin kami.
“Pass muna ako. Di ako pinayagan ni Tatay,” agad namang sagot ni Jes na nasa tabi ko. Strict kasi ang parents nito dahil siya ang bunso sa kanilang magkakapatid.
“Ayoko rin. Mahirap humanap nang masasakyan. Malayo pa naman bahay namin,” umiling-iling na sagot ni Anj nakaupo sa harap ko.
Tumingin din ako kay Crihs na nakaupo sa tabi ni Anj. Umiling din ito bilang sagot.
Sa huli ako, si Rosch at Jen ang sasali. Napag-utusan nila akong magpalista kaya nilapitan ko si Chyra na nakaupo sa unahan.
“Chy, magpapalista kami nina Rosch at Jen sa Pinandot. Kumpleto na ba?” tanong ko.
Agad namang tiningnan ni Chyra ang listahan niya. Siya ang aming class president at siya rin ang pinakamatalino dito sa strand namin. Isang section lang naman ang GAS at 38 lang kaming lahat dito.
Morena ito may malalim na dimples sa magkabilang pisngi. Maganda naman ito kaya lang chismis na rin dito sa section namin na may pagka-maldita ito. Mahilig daw itong gumawa ng mali-maling istorya. Kaya ang tawag ng iba kong kaklase sa kanya ay ‘story maker.’
“Okay. Uy, tamang-tama tatlo nalang ang kulang. Sige ililista ko lang kayo,” saglit lang itong tumingin sa akin at bumalik na kaagad sa ginagawa niya.
Tinalikuran ko siya at palihim na inirapan. Hindi ko maitatanggi na na-iimbyerna ako sa kanya minsan. May lahi din kasi itong straw.
Nang makarating sa upuan ay sakto lang din ang pagpasok ng aming teacher para sa first subject.
-----
“Grabe naman kung magpa-project si Sir Juno! Daig pa college instructor. Ano'ng tingin niya sa'tin college students?”
Kanina pa nagrereklamo itong si Jes. Pano ba naman kasi binigyan kami ng project ni Sir Juno. Kailangan daw naming gumawa ng term paper. By pair daw ito. At sa January na ang deadline.
Hindi ko naman maiwasang kabahan. November na ngayon at isang buwan nalang January na. At sigurado akong sa buong December na yan busy kami sa pagpa-practice para sa Pinandot.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa labas ng paaralan papunta sa karinderya na palagi naming kinakainan tuwing lunch break. Ang kainan ni Kuya Andrich.
“Oy oy! Nandito na pala ang mga magaganda!”
Isang lalaki na hindi masyadong mataas at may bilugang mukha na nakasuot ng apron at hair net ang sumigaw sa amin nang makapasok kami sa loob ng karinderya. Naga-arrange ito ng mga ulam sa stall.
“Hello Kuya! Alam naming maganda kami matagal na!” sigaw pabalik ni Jen sa kanya tsaka nagflip hair. Natawa naman si Kuya Andrich sa sagot nito.
Kaming anim pa lang ang customer dito sa karinderya. Ganito yata pag malapit ka nang grumaduate. Wala nang masyadong klase. Busy kasi sila sa Pinandot at sa Hubon na nagpa-participate para sa Palayag Festival ng munisipalidad namin.
Pumasok kami sa isang kwarto kung nasaan mayroong mesa sa gitna. Ang kainan kasi ni Kuya Andrich ay isang bahay dati. Binili nila ang lupa pati na rin ang bahay. Dating kwarto itong pinasukan namin kung saan kami kakain.
Kaming dalawa ni Jen ang bumili nang mga ulam namin at ang mga walang hiya ay nandoon sa loob at pacellphone-cellphone lang.
Nang makabalik kami dala ang mga ulam ay siya ring pagsidatingan ng mga customers na lower level.
Hindi pa kami muna kumain dahil maaga pa naman kaya nagchismis muna kami.
“Grabe talaga. College na tayo next year.” malungkot na sabi ni Anj.
Oo nga. Isang taon nalang at may bagong yugto na naman kaming tatahakin. Hindi ko rin maiwasang malungkot na magkakalayo na kaming anim. Ang daya lang dahil ilang taon kaming nagsama tapos magkakalayo rin kami ng ilang taon.
“Ano'ng course ba ang kukunin niyo?” tanong sa amin ni Crihs na ngayon lang nakaimik. Hindi kasi ito palasalita.
“Balak kong magtrabaho sa hotel kaya Hospitality Management ang kukunin ko,” sagot ni Jen. Maganda si Jen. Mataas, maputi at may singkit na mga mata. Bagay sa kanya ang ganiyang course at magiging trabaho.
“Cruiseship ang kukunin ko. Pangarap ko talagang magtrabaho sa mga bonggang barko,” nagniningning ang mga mata ni Jes nang sinabi niya iyon.
“Dahil mahilig ako sa mga computers at magaling ako sa software programming, magi-info tech ako,” sagot naman ni Anj.
“Tourism yata ako. Di pa sure kung papayagan nila Nanay,” si Rosch naman.
“Ikaw Zel? Ano'ng kukunin mo?” tanong ni Crish sa'kin.
“Allowance,” sagot ko at tumawa. Nakatanggap naman ako ng masasamang tingin.
“Joke lang. Educ yata ako. Yun ang gusto ni Papa eh.”
Gusto ni Papa ng trabaho kung saan secure ang future ko. May insurance at tulong ng gobyerno. Okay lang naman sa'kin ang Educ kaya lang base sa nakikita ko sa mga guro namin ngayon ay hirap na hirap sila. Pero okay lang para sa future kakayanin.
Para na rin sa future namin ni Mikhael.
“Ikaw Crihs, ano'ng kukunin mong course?” tanong ko pabalik sa kanya.
“Fashion Designing yata ako,” nagdadalawang isip na sagot niya.
“Wow! Soon ikaw ang gagawa ng gown ko para sa kasal namin ni Dale ha? Crihs ha?”
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaagad kami sa room. Agad na nagretouch si Jen pagkatapos nitong umupo sa kanyang upuan.
Nag-open naman ng notes sila Anj at Rosch at nagcellphone naman si Crihs. Habang nakaupo ay nagtaka ako kung bakit ang tahimik ni Jes. Kadalasan mga ganitong oras ay siya ang pinakamaingay sa amin.
“Uy, ayos ka lang?” untag ko sa kanya.
Saglit lang ako nitong tiningnan at parang hindi ito mapakali. Mukhang may gusto itong sabihin sa amin. Naramdaman naman nila Jen ang nangyayari kaya nagsitigil sila sa kanilang ginagawa at lumapit sa amin.
“Uy madam. May iche-cheka ka ba? Para kang natatae diyan,” sinundot ni Jen si Jes kaya nabigla ito.
Huminga ito nang malalim at tumingin sa akin.
“Zel, Catholic ba si Mikhael?” tanong nito na ipinagtaka ko.
Ba't napunta kay Mikhael ang usapan? Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tanong ni Jes. At ang labis na ipinagtataka ko ay kung bakit tinatanong niya kung Catholic ba si Mikhael eh Baptist siya.
“H-Hindi Catholic si Mikhael. Baptist siya. B-Bakit? Ano'ng meron?”
Tumingin muna sa akin si Jes na may pag-alala sa mga mata niya. “Nakita ko kasi sila nung Sunday. Hinatid yata ni Mikhael si Bless sa bahay nila. Mukhang galing sila sa simbahan.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla rin akong nanigas at parang sinaksak ng punyal ang puso ko. Alam kong dapat hindi ako makaramdam ng ganito kasi hindi ko pa naririnig ang side ni Mikhael.
Ganoon talaga siguro pag masyadong mong mahal ang isang tao. Nagseselos ka na lang bigla kahit sa mga maliliit na bagay.
Bakit walang sinabi sa akin si Mikhael? Pati na rin si Bless? Atsaka ang layo ng simbahan ng Katoliko sa Baptist. At taga Paos si Mikhael samantalang sa East Valencia naman kami ni Bless. Dalawang barangay pa ang madadaanan bago ang barangay namin. Bakit siya bumiyahe ng ganoon kalayo?
I felt betrayed.