"Zel, sabay tayo umuwi mamaya ha?" sigaw ni Bless mula sa kabilang row ng upuan.
Sasagot pa sana ako nang biglang nagvibrate ang phone ko. Nakatanggap ako ng isang text mula kay Mikhael.
'Hi babe! Hintayin mo 'ko mamaya ha? Susunduin kita diyan sa school niyo. Mwaa.'
A smile immediately form on my lips upon reading his message. Monthsary namin ngayon kaya magde-date kami.
Sasagot pa sana ako nang biglang dumating ang teacher namin at nagdiscuss na.
"Malapit na ang sembreak niyo kaya ienjoy niyo ito ah? Last year niyo nalang ngayon sa Senior High kaya sulitin niyo na. Kung gusto niyong magbonding or magnight out kasama ang mga classmates niyo, gawin niyo," mahabang sabi ni Ma'am Rhea, ang adviser namin.
Napansin kong parang maiiyak na siya kaya bigla akong nagpeke ng ubo at napatingin naman ito sa akin.
"Pero dapat Ma'am sasama ka," sabi ko habang ngumingiti kaya napangiti na rin ito sa akin.
"Yieee, sasama na yan si Ma'am! Sagot niya yung softdrinks!" Pang-aasar ni Kent dito.
Napatawa naman si Ma'am kaya napatawa na rin kaming lahat. Ang ending hindi niya natapos ang discussion niya at nagmeeting nalang kami tungkol sa night out na gaganapin before graduation.
Napili namin na sa Alubijod Cove nalang gaganapin ang night out. Magre-rent nalang daw si Ma'am ng jeep na kasya kaming 30. By group din yung magdadala ng mga pagkain para naman hindi mahirapan si Ma'am.
Natapos ang meeting nang may mga ngiti sa labi ang mga kaklase ko. Excited na ang mga ito kahit malayo pa ang graduation.
Pumasok sa loob ng room ang next subject teacher namin kaya napareklamo ang mga kaklase ko.
Si Ma'am Gaborno ang teacher namin sa Chemistry. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay nagsisitulugan na ang mga kaklase ko sa kanilang armchair. Malumanay kasi itong magsalita idagdag mo pa na alas dos ngayon nang hapon kaya kahit ano'ng pigil mo sasara talaga ang talukap ng mga mata mo.
Nagsimula na itong magdiscuss. Bago pa magsara ang mga talukap ko ay bigla nang nagvibrate ang phone ko.
Si Mikhael ulit ang nagtext kaya pasimple kong nilagay ang bag ko sa ibabaw ng armchair atsaka inilabas ang phone ko. In this way hindi makita ni Ma'am na nagpo-phone ako.
Binuksan ko ang text message niya at mahinang tumawa. Kahit kailan abno (short for abnormal) talaga 'to.
'Gising ka pa ba diyan? Haha. Pag nakatulog ka diyan may isang halik ako mula sa'yo. At piliin mo lang magsinungaling higit pa dyan ang kukunin ko mula sa'yo.'
I bit my lower lip para pigilan ang pagngiti. Hindi pa ako nakarecover ay nagtext itong muli.
'Can't wait to see you later. I love you babe!???'
Hindi ko na napigilan pa ang tinatagong ngiti. I fish my phone inside my bag after sending a reply.
"Huy bruha, pahingi ng 1/4. Magqu-quiz si Ma'am," untag sa akin ni Jes, ang best friend ko na nakaupo sa likod ko.
"Fudge! Seryoso?" Gulat kong tanong tumingin sa blackboard. Nagsusulat nga si Ma'am ng mga chemical equations.
The f**k? Hindi pa naman ako nakapagreview kagabi dahil nagkatawagan kami ni Mikhael.
Nasapo ko ang noo ko nang makitang hanggan 10 items ang quiz. Dali-dali akong kumuha ng yellow pad at hinati ito sa apat. Binigyan ko si Jes at binigay ko naman kila Jen yung iba.
Agad akong nagsulat ng pangalan at ng mga equations at pasimpleng pumagilid kay Jes.
Sinitsitan ko ito ng mahina at pasimpleng itinuro gamit ng baba ko ang papel niya. Pagkatapos tinuro ang number 1. Na gets naman niya kaya inilagay niya ang kanyang papel sa ibabaw na parte ng armchair sakto lang para makita ko ang sulat niya.
Pagkatapos nun nagtry ako na magsolve para kahit papano magkalaman yung papel ko. Hindi yung umaasa ako kay Jes sa sagot.
Dinaga ang dibdib ko nang magsalita si Ma'am.
"Exchange your paper to your seatmate. Who's gonna volunteer for number 1?"
Hanggang number 6 lang yung nasagutan ko at hindi pa iyon sure kung tama o hindi.
I bit my nails in nervousness. Shet lang. Baka zero ako ron? Hindi naman siguro? Baka 1? Mukhang tama yung answer ni Jes eh. Ah! Bahala na!
Hindi na ako nagulat pa nang matapos ang checking. Mabuti at may score ako kahit 1 lang yon. Hindi talaga ako biniyayan ng katalinuhan sa Math. Siguro nung nagpaulan nun nasa loob ako ng bahay at nagc-call center kay Mikhael.
"Okay class ha? Magpalista nalang kayo kay Chyra if ever gusto niyong sumali sa Pinandot. Goodbye."
Tuwing second week ng January kasi ang Palayag Festival dito sa munisipalidad namin kaya maraming programs ang ginagawa. Lalo na itong Pinandot, kasali lahat ng schools, elementary man o highschool. Naka depende na rin sa schools kung ano'ng klase ng sayaw ang ire-represent.
Ayon kay Ma'am Estorninos, tinikling daw ang isasayaw. Kailangan daw ng 20 pairs, kaya pinag-iisipan ko pa kung sasali ako o hindi. Mahilig naman kasi akong magsayaw ng mga folk dances.
Habang nagsasalita si Ma'am ay nakasabit na ang mga bag namin sa kanya-kanyang mga balikat. Hindi halatang gustong-gusto na umuwi. Kaya pagkatapos ng sinabi niya ay mabilis pa sa kidlat na lumabas ang iba naming kaklase. Napailing na lumabas si Ma'am Estorninos dahil sa inasal nila.
"Zel, uwi na tayo? Hinihintay na ako ni Tatay sa bahay."
Shet lang! Nakalimutan kong sabihin kay Bless na umuna na dahil makikipagkita pa ako kay Mikhael. Nag-aalinlangang lumapit ako sa kanya habang nag-aayos ito ng kanyang bag.
"Um... Bless, mauna ka na siguro. Magkikita pa kasi kami ni Mikhael," mahina kong sabi sa kanya.
Napahinto naman ito sa pag-aayos ng bag niya at sandaling napatigil. Bahagya itong umayos ng tindig habang nakatalikod sa akin.
Mataas ito ng mga limang pulgada sa akin. Magulo ang wavy nitong buhok dahil hindi ito pala suklay, bagay na palaging napapansin ng mga kaklase ko sa kanya. Kaya alam ko ring alam niyang minsan pinag-uusapan siya tungkol sa hindi nito pag-aayos ng kanyang sarili kahit na dalaga na ito.
Gulat akong napatingin sa kanya nang padabog nitong isara ang kanyang bag at humarap sa akin. Akala ko galit ito pero nakangiti itong humarap sa akin.
Malaki ang mga mata nito kaya suplada ang dating ng mukha niya. Matangos din ilong nito at manipis ang labi. Maganda ito kaya lang hindi pala ayos. Ilang ulit ko din siyang sinubukang kausapin tungkol doon kaya lang tuwing kaharap ko siya parang natu-tuod ako kasi baka magalit siya sa sasabihin ko.
"Okay lang Zel. Sige ah? Enjoy sa date niyo," may diin ang pagkasabi nito. Dali-dali itong lumabas ng room hanggang sa hindi ko na ito makita.
"Zeline Di! Tayo na!" sigaw sa akin ni Jes kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas kasama siya.
Sabay kaming dalawa na pumunta sa may parkingan ng jeep. Ihahatid ko kasi muna siya hanggang sa makasakay siya. Total hindi pa naman nakapagtext si Mikhael na nandito na siya.
Nang may humintong jeep ay agad kong pinasakay si Jes. Kumaway naman ito sa akin kaya pabiro ko siyang binigyan ng flying kiss. Lumitaw sa mukha niya ang pandidiri pero agad ding napatawa sa ginawa ko.
"Baliw!" sigaw niya mula sa loob. Tinawanan ko lang siya. Nang makaalis ang jeep ay siya ring pagvibrate ng phone ko.
Hindi maawat sa pagtibok ang puso ko habang inilalabas ko ang phone ko.
*Nandito na ako babe.*
Napangiti ako at inilibot ang paningin. Isang lalaking nakapolo at slacks na itim ang nakita kong nakasandal sa motor nito. Nakasukbit ang black backpack nito sa kanyang likod habang nagta-type sa kanyang cellphone.
Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod ito sa akin kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Nang makarating na sa mismong likod niya ay agad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa mga mata niya.
Ramdam na ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko. Ibinulsa nito ang kanyang cellphone at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakatakip sa kanyang mga mata.
"Happy Monthsary babe. I love you," sambit nito na nakapagpatanggal ng mga kamay ko mula sa mga mata niya. Humarap ito at inabot sa akin ang isang pumpon na dilaw na rosas. Na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
As his deep black eyes land on me I can feel the shiver of my heart. Kahit magda-dalawang taon na kami at palagi kong nakikita ang itim na itim nitong mata ay hindi pa rin ako nasasanay sa nakaka-intimida nitong tingin.
Magulo ang buhok nito dahil sa pagbyahe nito. Hindi na yata ito nag-aksaya ng oras para ayusin ito at agad siguro itong nagtext sa akin. Kinilig ako sa inisip ko.
Mahal na mahal talaga ako nito.
Ngumiti ito kaya kita ko ang mapuputing ngipin nito na sponsored yata ng Colgate. Kaya nahawa na rin ako at ngumiti din sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko at ipinilipit din sa kanyang kamay. Tiningnan ko ang mga kamay naming magkadikit. Para kaming kape at gatas.
Maputi kasi ako kaya kitang-kita ang pagkakaiba. Tuwing walang pasok kasi ay nagpa-part-time ito sa mga construction kaya bilad ito sa araw.
Dahil din sa ugali niyang yan ay nadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya. He can be a responsible husband.
"Tara na?" untag nito kaya sumakay na ako sa motor niya.
Sinadya kong umupo sa mismong likod niya. Ang sinasabi kong date namin ay ang paghatid niya sa akin sa bahay.
Pinaandar na niya ang motor kaya niyakap ko siya. Itinagilid ko ang ulo ko sa kanan dahil masyadong masakit sa mata ang sinag ng papalubog na araw.
Ngunit bago pa man kami makaalis ay nakita ko sa gilid ng gate si Bless na nakatingin sa amin ng masama. Akala ko umuna na itong umuwi.
Iniling ko ang ulo ko baka sakaling namamalik-mata lang ako dahil sa sinag ng araw.
Niyakap ko nalang nang mahigpit si Mikhael at ibinaon ang mukha sa likod niya.