Gwen
Hindi sila nagkikibuan ng kaniyang ina hanggang pumasok siya ng Montecillo lunes ng umaga. Masama pa rin ang loob niya at masyadong magulo pa ang kaniyang isipan. Hindi na nga siya humingi ng baon at kumuha ng mga pagkain na dadalhin niya sa dorm niya kahit pa kailangan niyang magre-stock ng mga pagkain.
Kahit ang pag-aya sa kaniya ng kambal na Thea at Tala ay tinanggihan na niya. Ayaw niyang usisain siya ng mga ito at malaman pa ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Xander. Mabuti na lang at may natira naman siyang huling baon niya noong nakaraang linggo. Matipid naman siya at hindi siya gaanong bumibili sa cafeteria na hindi niya minsan afford ang presyo ng mga pagkain.
“Gwen! Kumusta ang training?” bungad sa kaniya ni Thea nang magpang-abot sila sa dorm. “Sabi ko na nga ba at tatamarin ka ng makipagkita sa amin ni Tala. But it’s okay. Naiintindihan naman naming ang sitwasyon mo at kailangan mo nga naman ng pahinga. Nakabili ka na ba ng mga bagong gamit mo?”
“Hindi pa. Nagpahinga lang talaga ako buong maghapon kahapon kaya hindi ko na naisip,” sagot niya ngunit pinilit niyang maging maayos para hindi ito makahalatang may pinagdadaanan siya ngayon.
“Ay, hala. May gagawin pa naman tayong activity ngayong kay Mrs. Una Swang. Wala pa naman akong extra.”
“Ay, oo nga pala!” Nasapo niya ang noo niya. Nakalimutan ko.
“Naku, magsisimula na rin ang klase natin maya-maya. Tara na kaya! Manghihiram na lang tayo sa mga kaklase natin,” suhestiyon ni Thea.
“Hindi na. Bibili na lang ako, Thea. Mauna ka na at baka mapagalitan ka pa ni Mrs. Una Swang. Alam mo naman iyon na ayaw niyang may nale-late sa klase niya,” pagtataboy niya.
“Sure ka, besh? Pwede naman kitang samahang bumili ng school supplies. May nagtitinda naman sa campus store.”
“Ako na ang bibili at kaya ko naman. Sige at baka mahuli ka pa.”
“S-Sige. Mauna na ako, ha. Sumunod ka kaagad.”
“Opo,” ngiting tugon niya.
Nagmamadaling umalis si Thea at siya naman na sumunod na rin dito pero dadaanan muna siya ng campus store. Nawala na sa isip niyang isipin pa ang mga bibilhing gamit sa schools nang dahil sa pagtatalo nila ng kaniyang ina. Hindi pa naman siya sanay na may ganitong alitan sila.
Nagmamadali na rin naman siyang tumungo sa pagbibilhan niya ng gamit at dahil may kalayuan ito ay kailangan pa niyang sumakay ng minibus. Mangilan-ngilan din ang sakay ng minibus ng school na naghahatid sa mga estudyante sa kani-kanilang nais puntahan.
Ilang sandali lang din ay nakarating naman siya sa campus store at bumaba na. Malalaki ang hakbang niyang pumasok sa loob dahil bente minutos na lang ay mag-uumpisa na ang klase nila sa unang subject. Pumili agad siya ng mga bibilhin niya at nang matapos siya ay tinungo na niya ang counter.
“Eight hundred thirty lahat. Barya lang po at kakabukas lang din naming,” anang kahera.
Eight hundred thirty? Teka… Dinukot niya sa bulsa ng palda niyang suot ang kaniyang coin purse upang kumuha ng pambayad. Pagkabukas niya ay hindi aabot ang kaniyang pera na five hundred lang.
“Miss, pwede kong bawasan? Hindi pala kasya ang pera kong dala at pasensiya na.”
“Ayos lang lang naman basta ba bilisan mo lang, ha. Maya-maya ay marami na ang pipila rito.”
“Thank you,” tugon niya. Ibabalik na sana ang hindi niya gaanong kailangan pero may pumigil sa kaniya.
“Please don’t return it, Gwen. I’ll pay for it.”
“Xander? Paanong—”
“I know that you will need those materials.” Inilapag din nito ang mga biniling katulad lang din naman ng mga kailangan niya sa counter saka ito muling hinarap ang kahera. “Please include these and I will pay both,” he said.
“Xander, huwag na,” nahihiyang sambit niya rito.
“Tsk. Saka na lang kita singilin,” ngiting tugon naman nito sa kaniya.
Ang gandang bungad lang ng ngiti nito sa kaniya at ang aliwalas pa rin ng mukha. Kung sa tuwing umaga lang na ito ang bubungad sa kaniya, tanggal lahat ng kaniyang mga alalahanin. Idagdag pa na hulog ng langit palagi si Xander para sa kaniya.
“Thank you, Xander. Actually, kulang kasi ang dala kong pera kaya ibabalik ko sana ang iba,” nahihiyang paliwanag niya rito habang naglalakad na sila patungo sa kanilang first subject.
“I know.”
“Alam mo?” Tumingala pa siya rito para lang makita ang ekspresyon sa mukha ni Xander.
“Yup. Nagmamadali akong kunin ang mga bibilhin ko kasi katulad mo, hindi ko rin nabili ang mga kailangan ko. That’s because of what happen last Saturday. Nakita kitang kulang ang pera mo sa coin purse mo,” paliwanag naman nito.
“Nakakahiya naman. May utang tuloy ako sa iyo but thanks. Hayaan mo at babayaran kita sa susunod na linggo.”
“Hindi ka humingi ng pera sa nanay mo?” pagtataka nito.
“Ha? O-Oo. Kasi…” Ayaw niyang sabihin dito na nag-away sila ng nanay niya at pamilya ni Xander ang dahilan. “Kasi nakalimutan ko,” pagsisinungaling niya.
“Are you sure? Did you forget, or is there something I need to know?”
Napahinto siya sa may tapat ng isang classroom at ganoon din si Xander. Napatitig naman siya sa mga mata nito at hinahagilap ang salitang binitiwan nito. Sa tono pa lang ng pagsasalita nito ay hindi ito naniniwala sa kaniyang nakalimutan niya.
Now she realized that Xander is a law student. Basang-basa nito ang bawat kilos ng isang tao at isa na siya roon. Napagtanto rin niyang bawat detalye ay alam nito lalo na noong kamuntik na silang mapahamak sa Tanay. Subalit kailangan pa rin niyang ikubli ang totoong dahilan sapagkat ayaw niyang iwasan ang binata. Ayaw niyang ilayo ang sarili niya sa namumuong musmos niyang damdamin para dito.
“Yes, sure ako.”
“Then convince me,” tila hamon nito sa kaniya.
“Xander…”
“Kayong dalawa! Hanggang diyan na lang ba kayo sa pinto at magliligawan?”
Sabay silang napalingon nang magsalita si Mrs. Una Swang sa classroom kung saan ang kanilang first subject. Umugong ang kantiyawan sa buong klase at siya naman na napayuko at nahihiya. Nag-init din ang pisngi niya sa nangyaring kahihiyan na idinulot ng tagpong iyon nila ni Xander. My god! Bakit hindi ko man lang napansin na nandito na pala si Mrs. Una Swang.
Si Xander naman na napapangiti lang lalo na sa kaniya. Hindi na rin naman nag-usisa pa si Mrs. Una Swang sa kanilang dalawa at kung bakit late sila saka ito nagsimulang magklase na. Si Thea naman na panay ang ngiti sa kanila ni Xander na siyang lalong nagpayuko sa kaniyang ulo. Naiisip na niyang tampulan na naman sila ng tukso ng mga kaklase nila.
“See you, Gwen. My second subject is in a minute. I will call you later,” matamis na ngiting sambit ni Xander sa kaniya.
“See you,” tipid niyang tugon at hindi pinahalatang nahihiya pa rin siya sa naganap kanina.
Nagmamadaling lumabas na rin itong lumabas ng room at sila naman na nag-aayos ng gamit ni Thea.
“See you, Gwen. My second subject is in a minute. I will call you later. Naks, naman talaga! Mukhang mag-boyfriend girlfriend lang, ah. Kayo na ba?” asar ni Thea sa kaniya.
“Thea! Ano ba? Baka may makarinig sa iyo ay kung ano pa ang iisipin. I told you, he’s not my boyfriend. Magkaibigan lang kami ni Xander. May pinag-usapan lang kami kanina bago niyo kami tuksuhin. Siya kasi ang bumili nitong mga gamit ko sa school kasi kinulang ang pera ko. Ayaw kasi niyang maniwala na nakalimutan kong humingi ng baon kay nanay kaninang umaga,” depensa niya.
“Defensive.” Mukhang nakalata ito sa inakto niya. “Asus! Wala naman masama kung boyfriend mo ang isang iyon. Ang gwapo kaya ni Fafa Xander!”
“Heh! Tara na nga at baka mandilim ang paningin ko sa iyo!” Inilagay niya sa balikat niya ang kaniyang shoulder bag at sa braso naman ang mga libro niya.
Humalakhak lang si Thea sa kaniya habang palabas sila ng classroom. Subalit lingid sa kaalaman nila ay may nakarinig pala ng kanilang usapan.
Xander
Naglalakad na siya patungong SSG Office dahil marami silang gagawin ngayon. Bilang nahalal na VP ay kailangan niyang tumulong sa mga kasamahan niyang ipatupad ang mga iilang batas na isusulong nila para sa ikabubuti ng school.
“Xander…”
Napalingon naman siya sa tumawag sa kaniyang pangalan at isang gold tier student ang tumawag sa kaniya. May kasama itong mga estudyante rin na mukhang siya talaga ang inaabangan.
“Hi,” bati naman niya sa mga ito.
Pinagmasdan niya ang dalagang ito na mestisahen din at may hanggang balikat na buhok. Madalas niya itong nakikita sa school lalo na sa mga lugar kung saan parati siyang naroon. Hanggang balikat din niya ang tangkad nito at pwede na rin maging modelo sa hubog pa lang ng katawan.
Marami naman siyang kilalang magagandang dalaga sa university nila but the fact na sa lahat ng ito ay iisa lang ang nakikita niyang kakaiba sa lahat. Lihim na lang siyang napapangiti sa isipan niya kapag naalala niya ang matatamis nitong ngiti at pagsusungit nito sa kaniya minsan.
Lumapit ito sa kaniya. “Xander, I’m Kiana. I’m one of those students that vote you this recent SSG elections. And I personally wanted you to congratulate. May ibibigay pala ako sa iyo. Ako ang nag-bake nito,” wika nitong iniabot sa aking ang isang may tatak pa na paper bag.
“Oh, really?” Hindi naman siya tumanggi lalo pa at nagtiwala itong iboto siya noong nakaraan. “Thanks for this, Kiana.” Tiningnan niya ang laman ng paper bag. “Banana cake? This is my favorite.” Natuwa naman siya.
“Sana magustuhan mo, Xander. And good luck to your career,” tugon naman nitong natutuwa rin.
“Oy!!” sabay na wika ng mga kaibigan nitong tila tinutukso rin sila.
“Hoy. Ano ba kayo?!” sita naman ni Kiana sa mga kaibigan.
Hindi naman siya bata para hindi maintindihan ang tinuran ng dalaga sa kaniya pero hindi rin naman siya ang tipong nagte-take advantage sa feelings ng iba.
“I have to go, Kiana. Thanks for this again.”
“Okay. Ingat ka,” wika naman nitong matamis pa rin ang pagkakangiti sa kaniya.
Kumaway lang siya bilang pagpapaalam sa mga ito saka siya tumalikod na bitbit ang paper bag na ibinigay ni Kiana. Habang naglalakad naman siya ay naalala na niya ito. Ito ang dalagang ilang beses na rin naman nagpaparamdam ng feeling sa kaniya mula pa noong first year college siya. Hindi nga lang niya nabigyan ng atensiyon dahil abala siya sa kaniyang pag-aaral.
Lunch time na rin nang mga sandaling iyon kaya nag-text na lang muna siyang after lunch na lang siya tutungo ng SSG Office. Kagyat na naalala niyang kailangan niyang tawagan si Gwen dahil sa alam niyang wala nga itong allowance. He doesn’t know but he has the feeling that he needs something to know about her.
“Xander, gusto mo raw akong makita?” wika ni Gwen nang tawagan niya ito at saktong nasa malapit lang din ang dalaga.
“Yeah. Have lunch with me,” yaya niya.
“Ha?” Napaawang ang labi nito. “B-Bakit? I mean, b-busog pa ako, eh. Salamat na lang, Xander. M-May kailangan pa kasi akong gagawin at pupunta pa ako ng library,” tanggi nito.
“No. Tara.” Sabay hinawakan niya ito sa kamay at naglakad sila.
“Hoy, Xander. Saan ba tayo pupunta?”
“Kakain.”
“Kakain? Hindi ba sabi ko naman ay busog pa ako at—”
“Don’t pretend that your still full even if you’re not. There’s something I need to know, Gwen?” he asked seriously. This time, babawasan muna niya ang pagiging gentle rito. Sa lahat ng ayaw niya ay ang hindi pagsasabi ng totoo.
“Teka nga!” Biglang hinablot ni Gwen ang kamay nito saka napahinto. Siya naman na hinarap ang dalaga. “Ano bang gusto mong malaman? Do I need to tell you something? Wala naman ‘di ba?” inis nitong sabi.
He looked at her intensely. “You told me earlier that you forgot to ask for money from your mother. Mugto ang mga mata mo kaninang umaga, and I don’t know if Thea or Tala notice that. And I don’t believe you forgot it, or maybe you had a serious conversation with your mother. Did you tell her about what happened last Saturday?”
“Kailan ka pa naging imbestigador, Xander?” Malalim niya itong tinititigan hanggang sa sumuko rin si Gwen. “Fine. You win. Nag-away kami ng nanay ko dahil sa…dahil sa pinapaiwas niya ako sa iyo.”
Napakunot naman ang noo niya. “Why? May nagawa ba ako? Anyway, pag-usapan natin iyan sa cafeteria. Let’s go.”
Sumunod naman sa kaniya si Gwen subalit napapaisip na lang talaga siya kung nasabi ng nanay nitong kailangan siyang iwasan. And he thought something possible why her mother said that.
“Kumain ka ng marami. If you need anything, just tell me.”
“Andami naman nito, Xander. Fiesta?” reklamo nito pero kumuha naman ito ng pagkain na inorder niya.
“Mas maiging busog ka habang nagkukuwento at baka bugahan mo ako ng apoy.”
“Nang-aasar ka ba?”