bc

MONTECILLO SERIES: THE LAW-ABIDING SON

book_age12+
48
FOLLOW
1K
READ
HE
brave
bxg
lighthearted
campus
highschool
surrender
like
intro-logo
Blurb

FROM THE STORY OF THE HUSBAND FOR HIRE SERIES - ALEXANDER KIER VINCENT RIOS AND REMI ALEXIS ARITANA

THE STORY OF THEIR SON, ALEXANDER RIOS III FROM MOTENCILLO SERIES

Alexander was on the third generation of being in the limelight member of Aritana-Rios family. Ang prominenteng pamilya na kabilang sa mga high rank military official both US Air Force at Phil Air Force. His grandfather, Alexander II, a retired general of Phil Air Force pushes him to become one of them. Nasa dugo na nila ito at dapat na sundin ang yapak ng mga naunang henerasyon. Hindi naman siya tumanggi sa kahilingan ng kaniyang lolo na magsilbi sa bayan pagdating ng panahon. Ika nga nila, like father, like son.

Third year college na siya sa isang prestihiyosong eskwelahan na Montecillo University nang makilala niya ang third year student na si Gwen Sevilleno. Ang dalagitang napagkamalan siyang kung sino sa training nila bilang mga reserve officer sa Camp Capinpin, Tanay.

Whirlwind ang pagkakakilala nila sa isa’t isa ni Gwen na nauwi pa sa muli nilang pagtatagpo sa iisang paaralang pinapasukan.

Paano kong malaman ni Xander ang totoong koneksiyon nila ni Gwen sa isa’t isa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hiya!!” Isa si Xander sa mga sakay ng tatlong kabayong mabilis na tumatakbo sa malawak na parang at nakikipag-unahan upang makaiwas sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan sa buong Hacienda Aritana. Kasama niya ang kaniyang ama na si Kier at ang ate niyang si Gabriella. Madalas silang nangangabayo tuwing hapon lalo na ngayong nasa bakasyon pa siya at kakauwi lang din ng kaniyang ama mula US. Madalang lang niyang makasama ang kaniyang ama dahil nadestino ito sa ibang bansa bilang isa sa mga US Air Force Generals. “Hiya!” muling sigaw niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa renda ng kabayo niyang si Horus. Nasa hulihang bahagi siya habang nakikipagkarera sa mga itong makarating lang sa kuwadra. Naramdaman na rin niya ang malalaking pagpatak ng ulan na sinabayan ng pagkulog at pagkidlat sa kalangitan. Subalit kailangan niyang mag-focus sa kasalukuyang nagaganap dahil ilang beses na rin siyang bigong maabutan ang mga ito. Aminado si Xander na kulang pa ang kaniyang kaalaman sa pangangabayo at nagpapasalamat naman siya na tinuturuan siya ng kaniyang ama na bihasa na rin sa larangang ito. Hindi lang iyon, humahanga rin siya rito lalo na sa paghawak ng b***l at pag-asinta. Bata pa lang siya, iniidolo na niya ang kaniyang ama na may magandang reputasyon sa pagiging bahagi ng hukbong himpapawid. “Hiya!!” muling hiyaw niya nang makarating na sila sa kwadra. Minaniobra din niya ang kaniyang kabayong si Horus na huminto na at saktong bumuhos na talaga ang malakas na ulan. “Good job, son. Maabutan mo rin kami sa takdang panahon,” wika ng kaniyang amang si Kier sabay tinapik siya sa balikat. He also moved to dismount from his horse. Bahagya lang siyang ngumiti bilang ganti sa pagtapik ng kaniyang ama sa balikat niya. Kumilos na rin siya upang bumaba ng kaniyang kabayo at ibigay ito sa kanilang katiwala. “Grabe! Ang lakas ng ulan. Mukhang hindi na tayo aabot sa meryenda nito at pagagalitan na naman tayo ng mommy,” sambit ng Ate Gab niya. Humanap rin ito ng puwesto para makaupo at tinanggal na rin ang suot nitong sombrero. “So, how’s your learning today?” tanong ng kaniyang ama na naroon na sa tabi niya. “It’s great. Kahit lagi niyo akong nauunahan ni Ate Gab sa field. And thanks for the learning, Dad. Hindi ko pa rin talaga kayo mauunahan sa karera. You’re still the best.” Inakbayan siya ng daddy niya. “Kapag uugod-ugod na ako at hindi ko na kaya ang sumampa sa kabayo, mauunahan mo na rin ako. By the way, how’s your training application?” “Pasado ako sa exam pero kailangan ko pa rin dumaan sa training pagdating ng first semester hanggang sa magtapos ako sa university na pinapasukan ko,” tugon niya. “Oh, I see. How about your friends, Zevin and Zoren? Ayaw ba nilang sumama sa training mo?” Napangiti siya. “Dad, huwag mo ng asahan ang dalawang iyon dahil kahit anong pilit ko, ayaw nila. They aren’t born to be wild but born to be wiser than ever.” Napailing siya sa huling nabanggit niya sa ama niya dahil alam niya ang kapilyuhan ng dalawang kambal. Ang tinutukoy ng kaniyang ama, walang iba kung hindi ang anak ng Tito Zion at Tita Karla niyang matalik na kaibigan ng kaniyang mga magulang. Magkasabayan lang silang pumapasok sa isang prestihiyosong eskwelahan na kilalang-kilala sa buong bansa. Ang Montecillo University. Nasa ikatlong taon pa lang siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Criminal Justice. Nasa dugo na nila ang pagsisilbi sa bayan at bilang nasa ikatlong henerasyon ng pamilya Rios-Aritana, sumunod na siya sa yapak ng mga ito. Magkaiba lang ang kursong kinukuha nilang tatlo nina Zevin at Zoren pero madalas naman silang nagkakasama lalo na at nasa iisang men’s dorm lang sila ng naturang unibersidad. Since bakasyon muna, magkaiba muna ang landas nilang tatlo at mas pinili niyang umuwi ng hacienda nila sa Batangas upang makasama ang kaniyang amang malimit lang umuwi ng Pilipinas. Ang Ate Gab naman niya, may trabaho rin sa Amerika at sumama lang ito sa kanilang ama upang magbakasyon. His sister wasn’t his real sibling. Inampon lang ito ng kaniyang mga magulang nang mga panahong bagong kasal pa lang ang mga ito. Matanda sa kaniya ito ng sampung taon ngunit wala pa itong naging asawa. Mas priority nito ang magtrabaho kaysa personal nitong buhay. Close din siya rito dahil ito rin ang madalas nagbibigay sa kaniya ng opinyon since ang mga kapatid niyang sina Athena at Axel, high school students pa lang sa US. Sa ngayon, nasa poder ito ng lolo nila sa Maynila at katulad niya, nag-e-enjoy rin sa bakasyon. “Dad, manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Shall we go? Ayokong marinig ang armalite na bibig ng mommy kapag nag-skip tayo ng meryenda. You know na. Baka b***l na ng anak ni Hitler ang tumama sa ating tatlo,” biro ng ate niya sa kanila. “Sinabi mo pa.” Nakita ni Kier si Mang Dencio na may dalang payong. “Oh, Mang Dencio is here.” “Tisoy! Naku, mabuti are na naabutan ko kayo. Nandidilim na ang mukha ng anak ni Hitler habang naghihintay sa inyo sa mansion. Ito areng mga payong at gamitin niyo na.” Ibinigay naman nito ang mga payong sa kanila. “Mang Dencio, hanggang ngayon ba ay takot ka pa rin sa anak ni Hitler?” tanong ni Kier. “Sa tanda kong ito, takot pa rin ako sa anak ni Hitler. Alam niyo naman kapag nagalit iyon, tunog machine g*n baga ang bibig,” ngiting tugon ni Mang Dencio. “Dad, let’s go. Huwag na nating paghintayin ang mommy at baka mag-aklas ng world war three,” biro niya. “I agree,” sang-ayon din ng Ate Gab niya. “Tara na.” Sabay-sabay na silang nagtungo pabalik ng mansion dahil naghihintay na ang mommy niya na siyang tinutukoy nilang anak ni Hitler. Hindi naman siya natatakot na mapagalitan dahil nandiyan naman ang daddy niyang isang lambing lang sa mommy niya, titigil na ito sa kung ano pa ang sasabihin nito. In short, ayaw lang nitong nahuhuli sila lalo na kapag naghahanda ito ng pagkain para sa kanila. “Bakit ang tagal niyo?” bungad ng kanilang mommy sa main door pa lang. Nakapameywang na ito at halatang galit na sa tono pa lang ng boses. Siya naman na lumapit agad, nagmano at humalik sa pisngi ng mommy niya. “Mom, it’s raining outside.” “Tama si Xander. Malakas ang ulan sa labas at sakto lang na nakarating kami sa kuwadra. Hindi na kami nakaabot dito,” paliwanag naman ng Ate Gab niya. Humalik din ito sa pisngi ng mommy nila. “Hay. Kung bakit pa kasi kailangan niyong mangabayo na alam niyo namang magiging masama ang panahon. Paano kung nagkasipon kayo at sumama ang pakiramdam nyo?” Nagsimula na itong maglintanya sa kanila. “Love, nag-uumpisa ka na naman. Kasinglakas namin ang mga kabayo,” biro ng daddy niya rito sabay humalik ito sa mommy niya. “Tigilan mo ako sa biro mong iyan, Love. Magmeryenda na kayo at lalamig na ang niluto kong banana bread.” “Wow. That’s my favorite.” Nauna na siyang maglakad patungong dining area. “Hey! Wash your hands, Xander.” “Yes, Mom.” “And don’t forget to change your clothes,” muling paalala ng kaniyang mommy. Napabalik at napakamot tuloy siya sa ulo dahil lang sa paalala ng kanilang mommy. Kahit nasa college na siya, baby pa rin ang treatment ng mommy niya sa kaniya na labis naman niyang kinaiinisan minsan. But it doesn’t matter anymore since he was the first born. Alam naman niyang mahalaga rin ang papel niya sa pamilya nila at ini-ingatan lang siya ng kanilang ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook