MARCO POV
“La! “ pagbati ko sa Lola ko pagka-baba ko sa hagdan.
“Apo ko… “ Naluluha niyang sagot sa akin at agad akong niyakap, at ganun din ako sa kanya.
Habang si Lolo naka ngiti saamin dalawa, sabay tapik sa balikat ko.
“Akala ko ba maaga ka? Bakit hindi mo ako pinuntahan kanina doon sa kusina hah? “ sermon pa saakin, sabi ko nga sesermonan na naman ako. Napangiti na lang ako.
“Bueno. Halina kayo dahil malamig na ang pagkain” pukaw sa amin ni Lolo!
“Oo nga pala apo ko, magugustuhan mo ang nakaahin ngayon sigurado ako! “ sagot naman ni lola sa akin na yung kanina nitong malungkot na mga mata napalitan ng excitement!
“Wow! Parang may bago sayo lola hah! “ biro ko sa kanya.
“Naku apo ko! Masaya lang ako at tinupad mo ang pangako mo, yun lang at panandalian lang dahil sinabi nang lolo mo aalis ka daw mamayang gabi? “ sagot sa akin.
“Yeah lola, pero wag na natin pag usapan yan, baka masira pa ang araw mo. “ sagot ko na natatawa sa kanya.
“Ikaw talaga ang bata ka! “ sagot sa akin na gusto din yata matawa!
Samantalang si lolo natatawa na!
“At bago pa masira ang araw halika na kayo at kakain na tayo! “ pukaw ulit ni lolo sa amin dahil andito na kami sa dining.
“Asan na ba si Cassy? “ bulalas pa ni lola saakin.
“Who’s Cassy lola? “ sagot ko naman na napakunot noo pa ako dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun.
Pero si lolo tinatanggal na ang mga takip sa pagkain kaya naman tinulungan ko na.
“Wow! “ bulalas ko sa nakaahin, aaminin ko saka lang ako makakita ng ganitong ulam kapag umuwi ako sa mansion nila Dad.
Dahil si Mom ang mahilig magluto sa mga ganitong klaseng ulam.
“Ikaw ang nagluto lola? “Tanong ko sa lola ko.
“Naku apo ko, hindi ako kundi si Cassy! “ sagot sa akin na parang proud na proud pa.
“Really, who’s Cassy? “ tanong ko ulit dahil hindi naman ako sinagot kanina.
“Naku apo, Ampunin yata ang lola mo! “ sagot ni lolo na ikinagalit ko!
“What?! “ napasigaw ko pang bulalas sa kanila. Kina gulat pa yata nila.
“O bakit? May masama ba doon? “ sagot sa akin ni lola. Mukhang seryoso ang matanda!
“Seriously lola? Ampunin mo? “ tanong ko baka nga niloloko lang ako.
“Hahaha! Takot kaba naku apo pag nakita mo ang batang yun matutuwa ka din sa kanya, mabait siya at maganda at may talent sa pagluluto! “ masayang sagot pa ni lola saakin
“Saan niyo yan nakita lola? “ tanong ko. At hindi ko pinansin ang mga komento n’ya sa babae.
“Tinulungan siya nang lola mo apo dahil walang kasama buti nalang at si Cassy ang nakakita sa kanya! “ si lolo ang sumagot.
“At dahil doon gusto niyong ampunin? “ sagot ko na seryoso ako.
“Anong masama doon apo, sabi ko nga sayo mabait ang batang yun! “ sagot ni lola saakin
Kaya bigla akong nawalan ng gana sa pagkain, kahit masarap na sana.
“Seriously aampunin niyo talaga? “ pag uulit ko pa sa kanila at nagkatinginan lang silang dalawa.
“Apo wag mong intindihin ang lola mo sabik lang siya sa babae na apo kaya ikaw mag asawa kana kasi! “ sabat ni lolo saakin.
“Isa pa paano niya ampunin si Cassy ay may pamilya yun! Isabel kung ano-ano sinasabi mo sa apo mo! “ sita ni lolo kay lola. Pero si lola pinalo lang si lolo. Ang weird din minsan nga dalawang matandang to.
“Lo, darating din tayo diyan, “ sagot ko naman sa tanong ng lolo ko.
“Kailan pa Marco kapag maputi na ang buhok mo? “ sagot ni lola saakin. Napa smirk pa ako.
“Ni girlfriend wala kang ipakilala sa amin! “ dagdag pa niya.
“Here we are again! “ bulalas ko naman dahil mas malala pa eto sa mga magulang ko!
“Naku apo, hindi ako nagbibiro sayo, hindi naman kami mapili basta lang yung matinong babae! “ sagot ni lola saakin.
“Yeah I know lola! Wag natin madaliin ok I want to enjoy for being single! Isa pa bente nuebe palang ako hindi pa ako matanda. “ sagot ko sa kanila. Pero habang nag uusap kami kumakain na ako!
“Tinuruan niyo ba yung Cassy na nagluto neto la? “Turo ko sa kare-kare. Dahil kuhang-kuha niya ang timpla.
“Masarap ano? Hindi ko siya tinuruan apo, talagang magaling siyang magluto, alam mo magkakasundo sila nang Mommy mo sa kusina! “ masayang sagot pa sa akin.
“Mukhang nakuha niya ang puso niyo hah lola? “ biro ko sa kanya, habang si lolo natatawa samin dalawa.
“Sinabi mo pa apo! Pero mabait din tong si Cassy na bata hijo! “ sagot din ni lolo saakin. Pati si lolo nakuha din ang loob.
Wala na nga silang bukang bibig kundi puro Cassy. I wonder why kung sino ang babaeng yon. I know my Lola hindi siya agad-agad nagtitiwala sa mga tao.
“Nasaan ba kasi yang Cassy na yan” sagot ko sa kanila. Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Ewan ko ba sa batang yon, sabi ko makisabay na siya sa pagkain eh, pinatawag lang naman kita kanina. “ sagot naman ni lola saakin
“So, siya pala ang pumunta kanina sa kwarto ko! “ kausap ko sarili ko. At pumasok pa talaga dahil sa pintuan pa ng banyo ko kumatok kanina.
“Baka nahihiya lola! “ sagot ko sa lola ko. Pero I think wala yon hiya.
“Naku hijo hindi yun, baka mamaya bumaba na yun! Naligo kasi alam mo na maraming niluto” sagot niya saakin. Buti naman alam ni Lola na walang hiya ang babaeng yon.
“Ah, ok! “ matipid kong sagot! Pero umagaw sa atensyon ko ang tunog ng aking cellphone!
“Excuse me lolo, lola! Baka important to! “ paalam ko sa kanila, tumango naman sila at tumayo na ako.
“Yes hello? “ sagot ko sa kausap ko habang palabas ako sa dining.
“Pare good news! “ bulalas sa akin sa kabilang linya!
“What It is? “ sagot ko agad dahil mukhang masaya siya!
“ Dude! Sa wakas alam ko maging masaya ka sa sasabihin ko sayo! “ masayang balita niya sa akin.
Tumigil pa ako sa paghakbang sa tapat nang living room dahil mukhang Excitement ang sasabihin ni Grey saakin.
“Grey! What it is? Tell me! “ Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement. Pero tumawa lang si Grey.
“Dude yung babaeng pinapa hanap mo alam na nang detective kung nasaan siya! “ sagot sa akin, nang biglang pagtibok ng puso ko! Na ipinagtaka ko pa! Oo si Grey ang inutusan ko dahil siya ang may ka kilalang magaling na detective.
What the f*ck! What happening to me! Sigaw ng utak ko dahil iba ang nararamdaman ko.
“Dude! Still there? “ rinig kong bulalas ni Grey sa kabilang linya.
“Yeah! Saan daw Dude? Tanong ko sa kanya, pero magsalita pa sana siya nang may marinig akong yabag na pababa sa hagdan. Kaya doon ibinaling ang aking atensyon.
“Pare you don’t believe it! “ bulalas pa sa kabilang linya pero hindi na ako sumagot dahil humarap na ako sa may hagdan.
At ganun nalang ang gulat ko dahil ang babaeng matagal kong gustong makita ay nasa harapan ko na!
At parang pareho pa kami ng nararamdaman dahil napaatras pa siya.
“Dude diba pupunta ka ngayon kina lola mo? “ narinig ko ang tanong ni Grey.
Pero hindi ko siya sinagot, dahil alam ko na din kung ano ang sasabihin niya kanina ng pagtawag niya saakin.
“OH man! Mukhang nakita mo na nga! Hahaha bye dude! “ Natatawa pa niyang bulalas saakin at siya na din ang pumatay sa tawag niya.
Pero hindi ko inalis ang mata ko sa babaeng ngayon nakababa na sa hagdan.
I wonder why kung bakit siya gustong ampunin nang lola ko, dahil mukhang alam ko na ang ibig nilang sabihin.
“S-Sino po kayo? “ nauutal niyang tanong saakin.
Napalunok pa ako bago ako sumagot at nginisihan ko siya. Isa pa hindi naman pang katulong ang suot niya. At bakit siya nanggaling sa taas. At damn’it basa pa ang buhok niya. Mukhang katatapos lang maligo. Kaya nag salita na ako. Dahil iba na ang nararamdaman ko.
“You must be Cassy I Am right? “ tanong ko sa kanya na seryoso ang mukha ko dahil gusto ko siyang matakot saakin, dahil siya lang naman ang kauna-unahang babae na sumampal sa aking mukha! Dahilan para hindi ko siya makalimutan.
Pero mukhang palaban siya dahil ang mukha niya kanina na parang takot ngayon nakataas na ang kilay.
“Kakaiba din to hah! Ang bilis mag palit ng anyo! “ kausap ko sa sarili ko
“Ah, hello po Sir! Magandang hapon po! Kayo po ba ang apo ni Lola Isabel at Lolo Alfonzo po? “ tanong sa akin na akala mo walang ka takot-takot. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya.
“Yes It’s me! “ maangas kong sagot sa kanya.
“Gwapo sana mayabang naman! “ may sinasabi siya na hindi ko maintindihan.
“May sinasabi ka? “ tanong ko sa kanya at lumapit pa ako! “ nabigla yata siya at napaatras pa!
“A-Anong g-ginagawa mo sir? “ Nauutal niyang tanong saakin.
“Pinapaalala ko lang naman sayo kung ano ginawa mo sa akin two days ago. “ halos pabulong ko sa kanya na kinagulat niya dahil muntik pang matumba buti nalang nahawakan ko siya sa baywang nito.
Pero mukhang mas malala pa ata dahil ako naman ang may kakaibang nadarama lalo nang nung dumikit ang katawan ko sa katawan niya.
What the f*ck!
“Ahm! “ boses ni Lolo ang pumukaw sa akin kaya naman ang babaeng hawak ko kanina hindi ko namalayan nakalaya na pala saakin. Pero si Lolo iba ang ngisi saakin.
“Don’t look at me like that Lo! Nagkakamali ka kung ano ang nasa isip mo. “ sagot ko sa kanya, pero mas lalo pa siyang natawa saakin.
“Did I say anything apo? “ sagot sa akin na natatawa, Kaya napailing nalang ako.
Pero ginala ko pa ang paningin ko sa sala pero wala ang hinahanap ko.
“Nasa dining na siya, kaya halika na at matapos na tayo sa pagkain! “ tugon niya sakin kaya napa sunod nalang ako sa kanya. Napailing na lang ako sa Lolo ko.
Pero bago kami makarating sa dining narinig ko pa ang sabi ni Lola.
“Ibig sabihin hija nakita mo na ang apo ko?”
“Ganun na nga Lola! “ sagot naman nang babae na parang hindi interesado.
“For the first time Marco Mondragon, isang babae ne-reject ka! F*ck! “
Actually this is not the first time, this is the 2nd time and the same person damn it!
“Ahm! “ Tikhim ko at umupo na ako sa tabi niya na ikinagulat pa niya.
“Subukan mo magreklamo at makakatikim ka saakin! “ bulong ko sa kanya.
Samantalang ang dalawang matanda nakatingin sa amin. Pero pina seryoso ko ang mukha ko.
“Wala po akong sinabi sir, sige po kumain na kayo! “ sagot niya sa akin na medyo nilakasan pa bosee. Kaya narinig tuloy ang dalawang matanda.
“Magkakilala na pala kayo? “ tanong sa amin ni lola.
“Yes lola! “ sagot ko
“Hindi pa po lola! “ sagot din niya
Sabay pa kaming sumagot pero magka iba nga lang, kaya ngumisi ako sa kanya.
Nagkatinginan naman ang dalawang matanda na akala mo nagkakaintindihan silang dalawa.
Naka smile naman siya kapag nakatingin kina lola pero kapag hindi nakataas kilay siya saakin, kakaiba ang babaeng to ah! Wala man lang ka takot-takot sa akin!
“Oh hijo, ano masasabi mo sa mga ulam? “ tanong ni lola saakin.
Pero tumingin muna ako sa aking katabi at nawala ang ngiti niya. Parang nag-alala kong ano ang komento ko.
Kaya may naisip akong ikasasama ng loob niya.
“Pwede nang pagtyagaan Lola, wala naman akong choice. “ sagot ko sa lola ko na ikinatuwa ko. Ngunit pag sulyap ko sa kanya. Biglang nalungkot siya at napahawak pa sa tapat ng dibdib nito.
“Apo sigurado ka? Kanina lang sarap na sarap ka lalo na sa kare-kare? “ pangbubusko ni lola saakin.
Pero sa babaeng katabi ko ang atensyon ko. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na siya.
“Hey! Are you ok? “ Medyo nag-alala ko pang boses dahil bigla siyang namutla. Yong kaninang mataray na mga mata niya ay biglang lumamlam.
Pati sila Lola nakahalata na rin yata.
“Cassy Hija, are you ok? “ Tanong ni Lola sa kanya. Sabay bigay ng tubig. Ininom naman niya bago siya sumagot. Huminga pa ng malalim.
“Naku lola, hayaan niyo na po ang apo niyo, kung hindi po nasarapan sa luto ko ang mahalaga po kayo ni lolo ay nagustuhan ang aking luto po. Ok lang po ako lola salamat po sa tubig. “ sagot niya na akala mo close na close n’ya ang mga abuelo ko. Ang bilis talaga magpalit ng anyo! Napa iling nalang ako.
So, yon ang dahilan kaya nalungkot s’ya? Bakit hindi ako naging masaya? Diba dapat masaya ako kasi nasaktan ko siya? Damn It! Pero bakit parang ako yong nalungkot sa ginawa ko!
“Sandali lang lola hah lolo, kukunin ko po yung desert na ginawa ko kanina, tikman niyo po kung magustuhan niyo” nakangiti niyang bulalas saamin. Na akala mo hindi siya namutla kanina.
“Ok hija at ma judge ko kung masarap ba o hindi” sagot naman ni lola na mukhang nagbibiro naman. Pero sinamaan ako ng tingin ni lola!
What? For the first time in my life! Talaga lang ba! Wow! Hindi ako makapaniwala na mas pinapanigan pa nila ang bagong kaka kilala nila kaysa saakin! Na sariling apo! Himutok ko sa aking sarili.
At tumayo na nga ang babae papunta sa kusina. Pagka alis ni Cassy nagsalita si lola.
“Apo bakit ganun ang trato mo kay Cassy? Magkakilala ba kayo? “Tanong sa akin. Akala ko pa naman, ang tanong ay tungkol sa komento ko sa pagkain.
Hindi ako sumagot sa kanya at baka ano pa masabi ko. Nagkibit balikat lang ako, at tinuloy ko na ang pagkain ko.
“Alam mo ba apo, kwento pala sa akin ni Cassy na marami daw masamang tao sa Manila, kung sabagay totoo naman ang sinasabi niya. “ dagdag pa niya. Nung hindi niya ako narinig na magsalita.
“What do you mean lola? “ sagot ko naman dahil mukhang nagka interes ako sa kwento niya.
“Naku apo, meron daw siyang nakasalubong na manyak na lalaki doon sa convenience store yata yun! “ sagot ni lola sa akin na kinabilaukan ko! At sunod-sunod na akong naubo!
S’ya naman ang pag bungad ni Cassy sa pintuan at agad-agad na nagbigay ng tubig sa akin.
“Apo dahan-dahan. “ si lolo ang nagsalita na nakangisi pa saakin. Akala mo may alam ang matanda. Napailing nalang ako.
Pero nang nahimasmasan na ako nagpatuloy si lola sa pagkukwento.
“hindi ba hija na may lumapit na lalaki sayong bastos? “ tanong ni lola kay Cassy. At ang babae naman tumingin pa saakin. At ngumisi. Kaya mas lalo akong nairita! Mukhang pinagkakaisahan ako dito!
“Ah, opo lola! Ang manyak talaga ng lalaking yon. Biruin mo lola may hawak pang_” “ sagot niya sa lola ko. Sabay bulong pa sa iwan ko kung anong sinabi niya. At tumawa pa ang matanda.
“Naku hija sabihin mo sa apo ko at ipapahanap natin siya! Bastos nga talaga ang lalaking yon! ” sagot naman ni lola at parang galit pa sa lalaking yon. And I know that man!
“Talaga lola! Mahahanap niya kaya yon?” Sagot naman nang babae sabay tingin ulit sa akin.
Pero nginisihan ko lang siya hindi naman nakaligtas sa akin ng pamumula sa kanyang mukha. .
Pero binaling niya agad kay lola ang tingin niya. Napa ngiti pa ako ng hindi ko namamalayan.
Tapos na kaming kumain lahat pero binagalan ko dahil naramdaman ko patapos na sila lolo at lola.
“Apo mauna na kami sa sala hah, hija samahan mo muna si Marco dito. “ utos ni lola sa kanya tumango lang ako kina lolo at lola at ang kasama ko naman mukhang allanganin pa na pumayag pero wala naman siyang magagawa.
“O-Opo lola. “ mahina niyang sagot.
“Salamat hija, anyway masarap yan desert mo pero alam mo naman saakin matanda na ako bawal ang matamis hija, si Marco ang uubos d’yan. “ sabi pa ni lola bago siya tuluyan nang umalis.
Pero napansin ko na gusto rin n’yang tumayo pero pinigilan ko gamit ang aking mga braso, ang lagay ngayon parang nakayakap na ako sa kanya! Dahil sinara ko ang magkabilang braso ko sa mesa para wala siyang kawala.
“Don’t move sweetie, akala mo ba tapos na tayo? “ Nakangisi kong bulong sa kanya. Na kina tuwid pa ng pag upo niya.