Chapter 5

2489 Words
MARCO POV “Hijo!“ Masayang bungad agad sa akin ni Lolo pagkalabas ko sa aking kotse. “Lo, kamusta? “Sagot ko naman sa kanya, andito na kasi ako sa bahay nila at hapon narin. Dahil may tinapos pa akong trabaho kanina. Hindi rin natuloy yung sinabi kong maaga ako dahil sa hinaharap namin na problema sa kumpanya. Katunayan aalis ako mamayang gabi papuntang U.S for some matters. “Naku Apo ok naman kami wag kang mag alala saamin, halika na at pasok na tayo dahil kanina pang excited ang Lola mo! “ Masayang tugon ni Lolo saakin. And speaking of lola saan ba siya. Himala at hindi naghihintay sa labas. Dati kahit sa gate naghihintay kapag alam na darating ako. “Nasaan si lola lo? “ tanong ko sa lolo ko. “Nasa kusina sila apo, ang dami niyang pinaluluto! “ sagot naman ni lolo sa akin na natatawa pa. “Madami? Sila? I thought you don’t have a maid Lo? “ takang tanong ko pa kay lolo. Dahil sinabi nga ni Lola na umuwi ang dalawang kasambahay nila. “May bagong ampon ang Lola mo apo. Anyway come inside first. “ Nakakatawang sagot ni Lolo sa akin kaya nakakunot noo pa ako. Pero sumunod na ako sa kanya. Habang naglalakad kami papasok sa loob ay nag-uusap kami, as usual tungkol sa business. “Kamusta ang kumpanya narinig ko ang balita nasa krisis kayo ngayon apo? “ tanong saakin no lolo na meron akong naaninag na kunting lungkot sa kanyang boses. Pero sinagot ko naman nang buong tapang. Ayaw ko sila na panghinaan ng loob. “Well, honestly Lo, maraming gustong mag refund ang kanilang pamasahe. But I told them and I wondered if I could give their money back. So I thought carefully. “ saad ko sa lolo ko. “But don’t worry lo, I candle this! “ sigunda kong sagot sa kanya, at ngumiti naman nang matanda. “Siya nga pala lo, Aalis ako mamaya papunta U.S ako mismo tumingin doon kung ano ang problema at ano ang sitwasyon “ dagdag ko pa. Marami kasi ang mga flight’s na hindi pinayagan. Millions ang pinag uusapan dito. Kaya aligaga din ang board member sa kumpanya. “Naiintindihan ko apo, pasalamat kami at tinuloy mo pa ang punta mo dito, tignan mo ang lola mo at kanina pa yun busy! “ natatawa na sagot sa akin ni lolo. Mukhang nawala na ang lungkot sa kanyang mga mata. “Si Lola talaga! “ Natatawa kong sagot kay Lolo. “Lo pwede ba ako muna pumunta sa kwarto ko? Maligo lang ako saglit. “ paalam ko sa kanya, dahil naiinitan ako total naman may mga damit naman ako dito na stock. “O siya hijo! Ipa tawag nalang kita mamaya, o bumaba ka nalang at puntahan mo ang lola mo at ikaw na ang umawat sa kanya dahil sa dami nang pinapa luto niya, “ mahaba niyang litanya sa akin. Kaya tumango ako, at agad-agad na akong nagtungo sa akin kwarto. Dumaan pa ako sa guestroom, medyo nagtaka ako, kasi parang may gumamit, pero nagkibit balikat nalang ako at dinaanan ko nalang. “Siguro may bisita sila! “ kausap ko sarili ko at dumeretso na ako sa kwarto ko! “Pag pasok ko sa aking kwarto, dumeretso na sana ako sa banyo nang may tumawag saakin. “Kring…… “ tunog ng aking cellphone. “Hello? “ sagot ko sa caller na hindi ko na tiningnan kung sino. “Kamusta kana Mr, Mondragon? “ boses nang isang babae na hindi ko naman kilala. “Who’s this? “ nakakunot noo na tanong ko, dahil una sa lahat hindi ako nagbibigay nang personal information ko. Maliban lang sa mga ka kaibigan ko. At sino naman ang naglakas loob na ibigay ang personal number ko! Damn It! “Ang dali mo naman makalimot babe! “ sagot niya kaya mas nairita ako! “Tsk! Crazy! “ bulalas ko pa at pinatay ko ang tawag, then block! Sigurado ako isa siya sa mga babaeng baliw na rin! “Tsk! Ang hirap maging gwapo! “ kausap ko pa sa sarili ko, at iniwan ko na ang cellphone ko sa aking kama at diretso na sa banyo. Matagal tagal din ako nagbabad! Total wala pa naman kumakatok saakin, siguro busy palang si lola! Napangiti pa ako. Mukhang hindi naman ako namiss nang loka ko, dahil hanggang ngayon, hindi pa ako pinupuntahan sa aking kwarto. Pero may narinig akong katok sa pintuan ng aking banyo na kina untog pa nang aking ulo! “s**t! “ Naibulalas ko pa! Pero may narinig akong kumatok ulit at nagsalita! “Sir! Kakain na daw po! “ boses ang nasa labas nang aking kwarto. ****************************** CASSY POV “Hija, ayos na ba lahat? “ tanong sa akin ni lola kaninang umaga pa kami sa kusina, ngayon mag aalas dos na. Pero may pahinga naman syempre. Buti hindi sinumpong ng asthma ko. Buti nalang kanina kumain pa kami, tinatanong ko pa kanina kung ilan ang bisita niya ang sabi ba naman. “Isa lang hija ang apo ko! “Yan lang naman ang sagot kanina. “Opo lola ready na rin po! “ Magalang ko na sagot sa kanya, dahil nakikita ko sa kanya na mahal na mahal niya ang kanyang apo. “Siguro malaking tao yun tapos matakaw pa! Baloga siguro? “ mga tanong ko sa isip ko! “May sinasabi ka ba hija? “ pukaw saakin ni lola narinig pa ata ang mga pinagsasabi ko! “Naku wala lola! May iniisip lang ako kung may kulang paba sa pagkain. “ pagsisinungaling ko sa kanya, Alangan naman na sabihin ko sa kanya ang nasa isip ko baka palayasin pa ako! Napahagigik pa ako sa iniisip ko! “CASSY manahimik ka nalang! “ kausap ko sa sarili ko. “Sigurado ako hija na magugustuhan ng apo ko lahat to! Masarap ka kasi magluto hija! “Papuri pa niya saakin. At halata naman na sincere si Lola sa sinasabi niya. Meron kasi akong talent sa pagluluto kung hindi niyo natatanong saakin. Dahil kung may pera sana kami eh di sana magpapatayo nalang ako nang maliit na carinderia. Kaso dukha nga lang kami. Maliban sa nurse ang kurso ko noon. “Sigurado kaba lola na magustuhan nang apo niyo ang mga yan? “ turo ko sa luto ko. Dahil kung totoo ang na sa utak ko na isang baluga ang apo niya! Panigurado talaga na maubos niya yan! Dahil ang mga niluto ko, hindi naman pagkain ng pang mayaman! Dahil ang alam kong pagkain nang pang mayaman ay pasta, o di kaya naman beefsteak. Yon kasi ang nakikita ko sa tv minsan. Itong kasi naka handa eh, mga simpleng ulam lang, katulad nang gulay na ginawa kong pakbet meron din kare-kare, sweet’s adobo saka lechon kawali! Ewan ko lang kung kakainin ng apo niya! “Oo naman apo! Sigurado hahanap hanapin niya n’yan kahit saan siya magpunta! “ sagot pa sa akin ni lola na akala mo naman sigurado! “Lalo itong kare-kare mo hija ngayon lang ako nakatikim nang ganito kasarap! “ dagdag pa niya. “Naku lola binobola mo na ako hah! “ biro ko sa kanya. Sabay bungisngis ko pa. “Naku hija, hindi ako nambobola kahit tanungin mo pa sa lolo mo? “ sagot naman sa akin na natatawa na rin. Nag hanap pa siya nag kakampi. “Sus! Ikaw talaga lola hah! Naghanap kapa yata ang kakampi! “ biro ko sa kanya at nagtatawanan na kaming dalawa. “Dalawang araw palang ako sa kanila pero kung kausapin ako para na nila akong kilala, ang sabi naman wala daw siyang apo na babae. Kaya siguro, doon pa ako sa guestroom nila pinatuloy. “Ano na lang kaya ang iisipin nang mga kasambahay nila kapag nakita ako? “Kausap ko pa sa sarili ko, “Eh lola, sandali lang po at magluluto ako ng panghimagas hah! “ Paalam ko sa matanda, “O siya apo at maligo na rin ako, ikaw din hah, pero bago yun tawagin mo muna si Marco at makakain na tayo! “ bilin pa saakin. “Sige po lola! Tapusin ko lang po eto. “ magalang ko naman na sagot! Kaya naman nag madali na ako sa ginagawa ko! Dahil nag iisa lang naman ang aming bisita buti nalang may mangga! Gagawa nalang ako nang Grahams. “Sana naman magustuhan niya! Dahil kung hindi ako ang kakain! “ kausap ko sa sarili sabay hagikgik ko na naman! “Wag masyadong matakaw Cassy! “ sermon ko pa sa sarili ko, Kinuha ko na ang lahat nang kailangan ko, at nilagay lahat sa lamesa, habang naghihiwa ako ng mangga, kumakanta pa ako! Pero nagulat ako nang biglang pumasok si mang Gorio! “Ay palaka!! “ bulalas ko pa! “Naku eneng ako lang to! Magulatin ka pala! Pasensya kana eneng. “ Nahihiya naman na tugon ni mang Gorio saakin. Totoo kasi ang sinabi niya, magugulatin talaga ako. “Medyo po mang Gorio. Sorry po, “ pag amin ko sa kanya na medyo nahihiya pa ako. “Naku hija, hindi bale siguro hindi kalang nasanay, pero kapag bumalik na sila Mercy at Ludreng dito masanay ka rin, “ sagot sa akin ni mang Gorio at naka ngiti pa. “Alam mo kasi hija, maingay ang dalawang matandang yun! “ dagdag pa niya at natatawa pa sa sinabi niya. Natuwa naman ako sa sinabi ni mang Gorio. Pero malungkot ako bigla, paano pala kung dumating na sila di wala na pala akong trabaho. Dahil hindi na kailangan ni Lola Isabel ang katulong. “Mang Gorio, kailan ang balik nila? “ tanong ko sa matandang driver. “Naku eneng, hindi ko alam eh, si Donya Isabel lang ang nakakaalam n’yan, pero malaman ko naman kapag bumalik na sila dahil ako ang susundo sa kanila! “ sagot niya sa akin, “Ganun po ba mang Gorio? “ sagot ko sa kanya at nalungkot ako. “Bakit mukhang malungkot ka? “Tanong niya sa akin. “Po! Naku hindi po! “ nahihiya kong sagot! “Eh mang Gorio ano po kailangan mo pala? “ tanong ko sa kanya dahil kahit mabait naman siya saakin, na asiwa parin ako, siguro hindi lang ako sanay na may kasama lalo at lalaki pa siya. Pero kay lola naman ok naman saakin. “Ah, eh kasi kukuha ako ng tubig eneng. Pasensya ka na “ sagot niya sa akin. At napakamot pa sa kanyang ulo. “Ah sige po! “ sagot ko sa kanya at medyo umatras pa ako sa kinatatayuan ko dahil katabi ko ang fridge. Nakita ko pa sumulyap siya saakin. Bago siya umalis, pero binaliwala ko naman dahil mabait naman siya saakin. Hinayaan ko lang na naka bukas ang pintuan sa kusina para malaman ko kung sino ang pumasok na naman at humarap nalang ako! Masyado kasi akong magulatin. Malapit ko nang matapos ang inihanda kong pang desert sa bisita ng mga amo ko, para narin saamin lahat dahil medyo dinamihan ko na. Kaya nilinis ko na rin ang mga kalat! Bago ako maligo dahil kabilin- bilinan ni lola na sasabay daw ako, at ipakilala niya sa apo niya. “Diosko! Sana naman mabait ang apo niya! Hindi katulad ng mga mala kontrabida sa television! “ peping dasal ko pa! Tumingin pa ulit ako sa kusina kung malinis na lahat, ok naman na! Nilagay ko na sa ref ang desert tamang-tama mamaya kapag tapos na silang kumain, este kami pala! Dumaan muna ako sa dining at inarange ulit ang mga nakaahin na pagkain. Tumingala pa ako sa orasan at mag aalas tress na pala! “Tanghali ba ng mayayaman ang ganitong oras? “ kausap ko pa sarili ko. “Mayayaman nga naman oo! “ sigunda ko pa. Pero bago pa ako makapag isip ng kung ano-ano! Pumunta na ako sa room ko. Dahil nakakahiya naman kay lolo at lola. “Oh hija tapos kanaba? “ tanong ni lola dahil nadaanan ko siya sa living room. Nakaligo na siya. “Opo lola! Katatapos ko lang po” magalang ko naman na sagot. “Tawagin ko na ba si sir lola? “ tanong ko pa sa kanya. “O sige hija at gusto ko din makausap ang batang yun! Imbis na maghintay dito nagbabad pa ata sa kwarto niya! “ may himig na tampo nang matanda sa apo niya. “Sige po lola! Nakahain na din ang mga pagkain po, pwede na din po kayo mamaya na maunang kumain. “ Paalala ko pa sa kanya. “Bakit ikaw hija? “ balik tanong ng matanda sa akin. “Naku lola, eh nakakahiya sa itsura ko oh? “ turo ko pa sa sarili ko, medyo natawa pa ang matanda saakin, “Oh siya, basta mamaya lumabas ka hah, at ipakilala kita sa kanya, “ sagot pa sa akin “Opo lola, salamat po! “ magalang kong sagot, “Siya hija, tawagin mo na siya hah at sabihin mo na nakahanda na ang pagkain. At ako’y tatawagin na rin ang lolo mo, asan ba ang matandang yun! “ bulalas pa ni lola sa akin kaya napa bungisngis ako na hindi ko namamalayan. ‘Naku lola baka nasa labas na naman po! “ sagot ko naman kasi paborito talaga ni lolo ang mag stay sa garden. “Malamang hija, sige at pupuntahan ko, kumatok ka nalang sa kwarto nk Marco hija, salamat. “ pasasalamat pa niya sa akin. “Sige po lola! “ sagot ko naman at umalis na nga ako sa harapan niya. Nakalimutan ko pala na itanong kung saan ang kwarto ng apo niya. “Naku Cassy may pagka boba ka rin no!? “ sermon ko sa sarili ko dahil anim kasi ang kwarto sa bahay nila. Inisa-isa ko nalang ang mga silid, para akong tanga na dinidikit sa aking tainga sa pintuan pinapakinggan kung meron tao sa loob. Pero naka dalawang kwarto na ako at naka lock na walang sumasagot sa akin. Kaya naman sa pangatlong kwarto akong kumatok, pero walang rin tao at buti nalang hindi naka lock, kaya pumasok ako, “Sir! Sir! “ sigaw ko pero wala naman sumasagot sakin, kaya naman nagpatuloy pa ako sa paglalakad, “Siguro ito ang kwarto niya! “ kausap ko sa sarili ko. Na amaze pa ako sa loob ng kwarto niya kasi malinis at maaliwalas. “Wow! “ bulalas ko pero nakarinig ako sa lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. “Siguro naliligo! “ kausap ko sa sarili ko. Hindi ko alintana na nakapasok na ako sa loob ng kwarto niya. Kaya naman kumatok na ako sa banyo! May narinig pa akong tunog pero hindi ko alam kung ano yun! Pero wala naman sumagot! Kaya naman kumatok ako ulit at nagsalita na ako! Bahala siya kung naririnig ako o hindi! “Sir! Kakain na daw po! “ sigaw ko sa kanya nilakasan ko talaga para marinig niya, bahala siya sa buhay niya kung hindi! At umalis na nga ako sa kwarto niya at maliligo na rin ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD