Marco POV
"Hahaha! Talaga Dude? Natakasan ka ng babae? “ paulit-ulit na bulalas ni Grey saakin, kanina pa ako naiirita sa kanya. Kausap ko sa ngayon sa cellphone. At nilakasan pa talaga sa pagbigkas ng babae.
“Oo nga!“ frustrate kong sagot sa kanya. Pinagsisihan ko tuloy na sinabi ko sa kanya.
“Tapos eto rin ang dahilan kung bakit hindi ka natuloy sa flight mo, to find her? “ sagot niya sa akin, kaya mas lalo akong nairita. Totoo ang sinabi niya. Dahil sa mukha na yon hindi ako tumuloy sa U.S
“Tsk. Kailangan malaman to nang mga ka tropa dude! “ bulalas pa niya sakin kaya sinigawan ko pero tumawa lang, nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa na kwento sa kanya ang nangyari kahapon.
“Anyway, kamusta pala yung babae sa bar, do you know her? “ pag-iiba ko sa usapan at buti naman at tahimik siya ngunit binalik naman ang topics ang gag*!
“Yeah I know her pare! Pero wag mong ibahin ang usapan! “ sagot sa akin akala ko pa naman nakaligtas na ako sa pang bubusko niya saakin.
“Shut up Bro! Mahahanap ko din yun. At malalagot yun saakin! “ sagot ko sa kanya.
“Saan siya malalagot dude sa kama? “ pilosopo niyang sagot. Gag* talaga ang kaibigan kong to!
“Gag*! “ bulyaw ko sa kanya, nasabi ko kasi ang nangyari kahapon na pinagsisihan ko akala ko matulungan ako ngunit ito siya, tinatawanan ako!
“Wait lang pare! Tawagan ko lang si lola at bukas ako pumunta doon, baka matagalan ako sa U.S alam mo naman ang matanda! “ Rason ko sa kanya pero tinawanan lang ulit ako!
“Go ahead bro! “ sagot naman sakin kaya pinatay ko ang tawag sa kanya at denial ko na ang number ni lola.
“Hello apo! “ sagot agad saakin. Maaga pa naman alas singko palang nang umaga!
“Lola good morning! “ Masigla ko pang bati sa kanya.
“Anyway I’m coming tomorrow there, that’s why I cancel my flight today, I just want to spend my time with you and Lolo! “ deretso kong sagot agad sa kanya! Ewan ko din kung anong na kain ko, at ako pa talaga ang unang tumawag sa Lola ko sa ganitong kaaga!
“Talaga apo? Bukas pupunta ka dito!? “ Masigla din niyang sagot saakin.
“Yes lola! Baka kasi matagalan ako sa U.S sa isang araw! Kaya bukas pupunta ako diyan! “ sagot ko naman.
“Naku apo! Masaya ako at sabihin ko sa lolo mo ang balita, akala ko nga next week kapa pumunta eh! “ sagot niya sa akin.
“Bukas na lola. “ sagot ko naman pero nagpaalam na ako. At baka kung ano-ano na naman ang sabihin ng matanda.
“Sige lola, patayin ko na ang tawag, may importante pa akong gagawin, “ Paalam ko na sa kanya.
“Ok hijo, see you tomorrow then ingat apo! “ paalala sa akin, malambing talaga ang lola ko saakin, sabi ko nga dahil nag iisa lang akong apo!
“Lola eto na po kape niyo! “ tinig ng isang boses na parang ang sarap sa tainga.
“Salamat hija. “ dinig ko naman na sagot ni lola.
Gusto ko man marinig ang boses ng babae. Ngunit bigla ko na lang napindot ang end botton. Tapos ang babaeng nasa convenience store ang nasa utak ko ulit! Damn It!
Bago pa kung saan-saan mapunta ang utak ko. Nag ready na rin ako, dahil punta ako sa opisina para kunin ang mga kailangan ko sa paglipad papuntang U.S. Maaga pa naman kaya ginawa ko muna ang nakasanayan ko na sa tuwing umaga.
Dito sa condo unit ko meron akong sariling Gym at mini bar. Minsan lang din akong umuwi sa bahay nila mom and dad!
Pagkatapos kong pinagpawisan naligo na ako, tamang-tama dahil malapit nang mag bukas ang Opisina, gusto ko ako yung mas maaga kaysa sa mga empleyado ko na hindi nila nalalaman.
“Hello Eric! Make ready all my needs! I'm on my way! “ paalala ko sa secretary ko. My secretary was a man, ayaw ko kumuha ng babae dahil ayaw kong madumihan ang opisina ko, not like my katropa, kaya nagkaka problema sila minsan sa babae, but me! Definitely not!
Nakarating na ako sa office, may ilan-ilan din naman na mga empleyado na mas maaga saakin.
“Good morning Mr CEO! “ bati nila saakin pero hindi ko sila pinansin. Basta diretso lang ako.
“Ang hot talaga ni Sir, gwapo pa! Bonus nalang sa kanya yung yaman niya! “ narinig kong bulalas ng iba.
Napailing na lang ako sinabi nila! Aminin ko man marami din magaganda sa kumpanya ko pero sabi ko nga! Wala pang nagparamdam sa akin na tumibok ang puso ko, well, I don’t believe Love, dahil wala naman nagparamdam saakin n’yan, Slut maybe!
“Good morning Sir! Eto na po ang mga kailangan niyo! “ bati sa akin ni Eric sabay abot nang maraming folder, pero ang isa ang nakapukaw sa atensyon ko.
“Thank you Eric, by the way! I’m not here tomorrow, so you can take your holliday as well, because next week will be busy! “Paalala ko sa kanya, ngumiti naman siya.
“Thank you Sir! “ bow pa niyang sagot sa akin at pumasok na ako sa office ko.
Tinanggal ko na ang jacket ko at binuklat ang folder na siyang pumukaw sa akin.
“What the f*ck!! “ bulyaw ko!
“Eric!! “ tawag ko sa sec ko, at agad-agad naman na pumasok sa office ko.
“Ano to? “ taas ko sa folder.
Nainis ako sa baba nang record na binigay niya saakin.
“Sir. Yan ang gusto kong sabihin sayo last week pa, kaso lagi po kayong wala. Lahat din po nang board member nag alala din po dahil sa mababang kita ng kumpanya, kaya po nagpatawag sila nang emergency meeting by 2pm sir” mahaba haba niyang litanya.
‘Sabihin mo sa kanila, 8:30 ang meeting, now! “ utos ko sa kanya at lumabas na siya!
“Paano nangyari to? Nung isang linggo lang ang taas pa nang kita nang kumpanya paano nangyari! “ kausap ko sa sarili ko, tinignan ko ang lahat ng pangalan na nasa listahan sa folder, mallagot sa akin kung may nagtangkang kalabanin ako!
Hindi ko na hinintay ang 8:30 dahil pumasok na ako sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting buti naman at andito na silang lahat.
“Good morning Mr CEO! “ bati nila sa akin pero hindi ako sumagot at seryoso ang mukha!
“Alam ko na alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dahil sa malaki ang bagsak ng ating kita ngayon. “ Pagsisimula ko
“But I don’t understand how this could happen? “ Dagdag ko pa.
“Mr CEO siguro dahil eto sa pandemic na hinaharap natin, biglaan kasi ang pag cancel sa flight ng karamihan at ang iba gustong e-refund nila ang pamasahe, kaya wala po kaming nagawa dahil hindi po namin kayo makausap kamakailan! “ paliwanag naman ng isa sa mga board member.
“Bakit hindi niyo ako tinawagan? May cellphone naman, o di kaya sa secretary ko bakit hindi kayo nag report sa kanya? “ balik tanong ko.
“Mr CEO, ginawa po namin yan. “ sagot din nang isa. Kaya tinignan ko ng matalim ang aking secretary.
“Sir, nilagay ko ang report nila sa mesa niyo po, akala ko nakita niyo Sir, I’m sorry. “ hinging paumanhin nang secretary ko.
“Ok then! Ibigay niyo sa akin lahat nang details at pag aralan ko! “ utos ko sa kanila ngunit sa secretary ako nakatingin.
“The meeting is over! “ Anunsyo ko at umalis na din ako ng walang paalam hindi basta-basta ang problema ng kumpanya ngayon.
“Eric ibigay mo lahat sa akin mamaya ang mga reports, lahat-lahat! Kahit maliit na detalye! “ baling ko sa secretary ko. Dahil naka sunod siya saakin.
“Yes sir! “ sagot sa akin.
“Napaka istrikto talaga walang galang sa matanda! “ narinig ko ang reklamo ng isang board member. Pero binaliwala ko lang. At tuluyan na akong lumabas sa silid.
Bumalik na ako sa office ko, at pag aralan kong ano ang hinaharap namin ngayon na problema at paano maka alis sa krisis na ito.
“Kring… “ Tunog ng aking cellphone.
“Hello Dad? “ sagot ko sa tawag ni dad mukhang nalaman din niya ang hinaharap na problema sa kumpanya.
“Hello hijo! I heard the news, How are you and company? “ tanong agad sa akin hindi na ako magtataka kung eto agad ang bungad niya.
“Pinag-Aaralan ko pa Dad, kararating lang kasi sakin ang records, no worry I can handle this. “ sigurado kong sagot sa kanya,
“ I trusted you hijo! I know you do! “ sagot sa akin, bilib din naman si Dad saakin.
“Sige na Dad, may gagawin pa ako, marami akong babasahin na report, at pag-aralan ko na rin kung anong gagawin, by the way! Bibisita ako bukas kina Lolo! “ paalam ko pa sa kanya. Mukhang masaya si Dad sa sinabi ko.
“I’m happy to hear that from you son! Alam mo naman ang mga abuelo mo kung gaano ka nila namiss! Sige na tumawag lang ako dahil sa nabalitaan ko. Ingat ka diyan anak. “ sagot niya sa akin ni dad.
“Ok dad! Enjoy your vacation, regards to Mom! “ sagot ko din naman sa kanya. Nasa bakasyon sila ngayon! Lagi silang ganyan. And I am happy for them.
“I will hijo, I will! Take care yourself as well. “ sagot naman ni Dad! Kaya pinatay ko na ang tawag at nag fucos na ako sa trabaho.
Habang busy ako sa ginagawa ko narinig kong nagbukas ang pinto sa office ko, hindi na ako nag angat nang noo dahil baka si Eric at ibigay ang mga kailangan ko.
“Eric dala mo naba ang mga kailangan ko? “ tanong ko sa kanya na hindi ako nag aangat ng ulo! Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
Kaya nag angat na ako nang ulo, at nakakunot noo ako sa nakita ko.
“Hi babe! Do you miss me? “ tanong niya sa akin,
“What are you doing here?! “ instead na sagot ko!
“Wow hah! Ganyan ba ang bungad mo sa akin babe. Kararating ko lang tapos dito pa ako dumeretso! “ maktol niya
“Did I tell you to come here? Look, I am very busy, so leave! “ utos ko sa kanya at wala akong pakialam sa drama niya.
“Babe naman! Ang init ng ulo mo! I miss you. ” drama niya sa akin at nakalapit na siya! Kaya mas lalo akong nainis,
“Look Mira I don’t have time to you! And please don’t call me babe! “ galit kong sagot sa kanya naaninag ko pa ang masama niyang tingin saakin pero binaliwala ko,
Mira is nothing to me! Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para tawagin akong babe!
“Eric!“ tawag ko sa secretary ko at agad-agad naman siyang pumasok!
“Wag na wag kang mag pasok ng kahit sino ngayon sa office ko! Dahil busy ako! “ sigaw ko sa secretary ko!
“And you out! I don’t need you! “ turo ko kay Mira! Pero sinamaan ako nang tingin, who cares!
“Pagbibigyan kita ngayon Marco dahil alam ko may hinaharap kang problema pero ngayon lang to! “ sagot sa akin at binalibag pa ang pintuan!
“Demment!! “ sigaw ko!
Lumipas ang oras na hindi ko na namamalayan kung hindi pa kumatok ang secretary ko.
“Sir! Anong gusto niyong lunch? Tanong sa akin
“It’s ok Eric, ako na bahala lalabas din ako mamaya. “ sagot ko sa kanya na naka focus ako sa computer ko.
“Ok sir! “ rinig ko pang sagot niya at sinara na ang pintuan.
Matagal na din nagtatrabaho si Eric sa kumpanya namin, dahil ang daddy niya secretary din noon ang daddy ko, hindi na rin siya iba saamin.
I saw the time on my wristwatch, It’s 12 noon! Kaya nag inat pa ako nang braso ko!
Kinuha ko na ang Jacket ko at lumabas na ako sa office ko.
Kain muna ako bago ako bumalik dito para tapusin ang dapat tapusin.
Diretso lang ako sa pag lakad! Sinuot ko na din ang sunglasses ko dahil mainit ang panahon!
Napapatingin pa ang mga empleyado sa akin karamihan sa mga kababaihan.
“You can stare at me, but you will never have me! “ bulong ko pa sa hangin.
Napukaw ang atensyon ko nang nagring ang aking cellphone.
Tinignan ko muna kung sino ang caller, pero si Grey pala.
“Oh Dude? “ Sagot ko sa kanya.
“Dude I heard the news! How’s your company? “ Tanong agad saakin. Hindi na ako magtaka kung bakit alam n’ya agad. Malamang eto ang laman sa balita.
“Well, honestly Dude, we're not good! Our company is going through a severe crisis right now, but it’s ok. I can solve it. “
Sigurado ko pang sagot sa kanya. Mukhang natuwa naman saakin.
“ Good to hear from you young man! But anyway If you need something just call us dude! “
Sagot sa akin. Ganun talaga kami. Ika nga one for all, all for one.
“Thanks Dude! “ sagot ko naman.
“Sige Dude by then! “ paalam pa niya saakin, at pinatay ko na ang tawag niya. Hindi na rin ako sumagot pa.
Nasa kotse na ako nang may umagaw sa atensyon ko! At nakita ko pa na pumasok siya sa kumpanya ko!
“Siya ba yon? O namamalikmata lang ako? “ kausap ko sa sarili ko! Pero sinulyapan ko ulit kung saan ko siya nakita kanina pero wala na.
“s**t! Sabi ko na nga ba nababaliw na ako sa babaeng yon! “ kausap ko ulit ang sarili ko at pinasibad ko na ang kotse ko!
Napa-iling na lang ako sa nangyari sa akin. Kakaiba din ang babaeng yon! Ni hindi man lang mawala sa utak ko! Damn It!