Cassy Pov
“Lola, a-anong gagawin niya sa akin? “
Naiiyak kong tanong sa kanila! Dahil kanina hinila ako yong kausap ni lola kaya naiyak ako kahit hindi naman masakit ang paghila saakin.
“Hoy! Maganda ka nga pero mahina ata utak mo! “ sigaw ng bakla saakin na ikinasimangot ko! Oo, bakla siya. Pero ang laki nitong tao. Sa boses mo lang siya makilala na isa siyang bakla!
“Darna! Wag mo siyang sigawan. “ sita naman nang matanda sa bakla na tinawag niyang Darna napa bungisngis ako. Yong kaninang kaba ko bigla na lang nawala.
“Ngayon tatawa-tawa ka! Akala mo naman type kita! Hoy hindi tayo talo! “ sabi pa sakin na umirap pa ang mata! Kaya napa bungisngis na naman ako.
Paano ba naman kasi. Ang laki nang tao. Tapos ang laki pa ng tiyan. Akala ko kanina goons.
“Halika ka na nga gaga ka! Ano ba pina kain mo kay Donya Isabel at ganun nalang ang hanga n’ya sayo? “ tanong sa akin. Naguluhan pa ako sa tanong n’ya pero sinagot ko naman.
“Wala, katulong nga niya ako! “ sagot ko sa kanya pero sinabunutan lang ako, pero mahina lang naman. Ganun talaga mapanakit ang mga bakla lalo na sa magagandang katulad ko charot!
“Katulong ka? Kung sabagay sa itsura mo naman para ka ngang dukha, pero kung hindi lang sa mukha mong pang Marian Revera naku ka! Baka tinapon na kita sa labas! “ bulalas pa niya ang sama talaga nang dila ng baklang to! Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Buti pala maganda ako, pag nagkataon pala di kawawa ako? “ pagsakay ko naman sa kanya! Pero ang dami na niyang binigay sa akin na damit magkukuba na ako sa dami niyang pina bitbit. Parang pinapahirapan ako ng baklang to ah!
“Ano mga to? “ tanong ko sa kanya!
“Itapon! “ sigaw niya. At kina nga-nga ko naman.
“Ano? “ gulat kong tanong!
“Ay mahina! “ bulalas na naman niya! Kaya sumimangot na ako.
“Halla S’ya! Suot mo lahat yan! At lumabas ka, nakikita mo yang salamin na yan? “ turo niya sa gilid, at tumango naman ako, ano akala sa akin? Nagtrabaho din ako sa mall noh!
“Pumasok ka doon, at isuot mo lahat yan titignan ko kung ano ang bagay sayo! “
Sabi sa akin na ikina nganga ko! Akala siguro para sa akin ito, kaya sinagot ko siya.
“Sandali, nagkakamali ka! Hindi ako ang bibilhan ni Lola Isabel kundi yung apo niya! “
Sagot ko sa kanya na ikinatuwa niya nang malakas! Wala naman akong sinabi na nakakatawa.
“Hahaha! Ano kamo, Apo? “ ulit niya sakin nung nahimasmasan na siya!
“Oo bakit? “ takang tanong ko.
“Bruha ka sabunutan kita dyan eh! Paano magsuot ng damit pambabae yun eh dakilang babaero ang apo ni Donya Isabel gaga! At wow hah! Talaga Lola ang tawag mo kay Donya Isabel? “ Grabe talaga tong baklang to! Mapang mata. Pero ano sabi babaero yong Apo ni Lola Isabel alla baka tomboy! Kaya napaisip ako.
Nasa loob na kami ng sasakyan. At medyo nagabihan na kami, kumain na din kami sa labas, mukhang dekadalesa ata ang matanda dahil sinabihan pa ako na isuot ko daw ang mga damit na binili niya.
Ayaw yata ang suot ko. Gusto ko man magreklamo pero wala akong magawa, katulong lang naman ako!
“Ok ka lang ba hija? “ tanong saakin Sabay hawak sa palad ko.
“Ang lamig nang kamay mo, kinakabahan kaba? “ tanong pa sakin, medyo nakaginhawa naman ako dahil sa mainit niyang mga palad.
“Lola maraming salamat sa lahat ng binigay mo.. “ pasasalamat ko sa kanya, hindi ko alam kung naka ilan naba akong pasasalamat sa kanya. Dahil una sa lahat nalulula ako sa presyo ng pinabili niyang damit ko, kung pwede lang sana na binigay na lang niya sa akin na pera eh di sana maraming nabili nun sa divisoria.
“Naku hija, walang anuman yun! Isa pa diba sabi ko sayo sabik ako sa babaeng apo! “ yun ang sabi sa akin, oo nga at wala daw babae na apo at nag iisa lang daw ang apo niya at lalaki pa! Akala ko kanina tomboy kaya pala tawang-tawang ang baklang yon saakin.
May binitawan pang salita bago kami umalis sa boutique niya.
“Uy girl! Ingat ka sa apo ni Donya Isabel hah! Masayang ang puri mo pag nagkataon. “
Yan ang sabi sa akin kanina. Pero nung sinabi niya yon kinikilig naman ang gag* sabay sabi pa,
“kung sabagay ok na din na magpalahi ka sigurado maganda ang magiging lahi niyo. Anak ka ba talaga ng dukha hah! O baka naman hulog ka ng langit anghel kaba? “
Sunod-sunod nang tanong kanina. Ang hirap spelingin ang ugali ng baklang yon.
“Lola mabait ba ang Apo niyo? “ tanong ko sa kanya na sana wag niyang masamahin. Dahil mukhang personal na ata ang tanong ko. Gusto ko man bawiin ngunit nasabi ko na.
“Mabait sa mabait hija, pero wag mo lang gagalitin dahil masama din siya sa masama! “ sagot naman sa akin nang matanda na medyo naguluhan pa ako, dahil hindi naman malinaw ang sagot niya.
“Ah.. “ yun lang ang sagot ko! Pansin ko pumasok na kami sa malaking gate! Napa wow pa ako sa sobrang ganda loob!
“Wow! “ lumabas sa bibig ko na hindi ko napigilan.
Nakita ko pang ngumiti si Donya Isabel, at may naghihintay naman na mistisong matanda sa labas nang malaking pintuan, kasing edad din siya ni lola, mas bata lang siguro si lola nang taon. Pero kahit pa ganun mukhang malakas naman silang dalawa.
“O’ Alfonzo nandito kana pala pasensya kana at nagabihan kami. “ bati niya sa matandang lalaki at nagbeso pa siya dito, pumasok muna kami sa loob at si mang Gorio na din ang nagbitbit sa lahat ng pinamili ni lola Isabel.
“Isabel siya ba ang sinasabi mo sakin kanina na hindi ka makapag pigil sa cellphone? “ tanong nang matandang lalaki kay Lola Isabel.
Nahihiya naman ako na bumati sa kanya. Mukhang istrikto ang mukha. Dahil kulang sa ngiti.
“Magandang gabi po Senyor? “ magalang kong bati kahit late na pala akong bumati paano ba naman kasi eh agad na silang pumasok.
“Naku hija.. Lolo na lang ang itawag mo sa akin, siya nga pala kumain naba kayo? “ tanong pa niya sa amin. Napa nganga pa ako sa sagot niya. Na judge ko tuloy agad.
“ikaw kasi judgmental ka! “ Sabunot ko sa buhok ko.
“Tapos na kami Alfonzo, “ si lola ang sumagot siya naman ang pagpasok ni mang Gorio.
“Gorio ipasok mo ang gamit ni Cassy sa Guest room. ” utos niya sa driver. At kina tingala ko pa sa aking mukha dahil naka yuko ako.
“Sige po Senyora, “ magalang naman na sagot nang driver, samantalang si lolo nakangiti na. Kanina seryoso lang to ah.
“Pasensya kana hija sabik lang siya magkaroon ng apo na babae! “ sabi saakin na para bang alam niya ang nasa isip ko. Napa ngiti nalang ako ng pilit dahil parang nahihiya ako.
“Nainom mo ba ang mga gamot mo? “ tanong sa kanya nang asawa niya. Kasi kahit matanda na sila sweet parin eh parang sila Nanay at Tatay lang.
“Oo Alfonzo gusto ko na magpahinga. “ malambing pa niyang sagot sa asawa niya kaya gusto ko sana tumawa kaso nahihiya ako! Para akong kinikilig sa kanilang dalawa.
“Ah,hija sabay kana saamin at ituro nalang namin ang silid mo, pasensya kana sa lola mo at napagud na yata alam mo na ang matanda! “ sabi saakin lolo kaya napangiti ako sa kanilang dalawa. Mukhang nawawala na naman ang kapal ng mukha ko.
“Naku lolo ok lang po sa akin, ako dapat po magpa salamat sa inyo, “ magalang ko naman na sagot, pero lumakad na kami at talagang pagud yata si lola.
“Dito ang kwarto mo hija, kung may kailangan ka tawagan mo lang kami, diyan lang ang kwarto namin, “ turo pa niya kung nasaan ang kwarto nila saakin.
Pero si lola tahimik na pagod na siguro talaga siya.
“Sige po salamat, goodnight lola, lolo?” paalam ko na sa kanila at hindi nagtagal kasi pagod na talaga si lola. Lumakad na din sila at sinara ko na ang pinto. Kung saan dito nila sinabi na dito daw ako matulog.
“Wow! Katulong ba ako? “Kausap ko sa sarili ko. “Bakit parang hindi naman katulong ang trabaho ko dito? “ para akong temang.
Pero hindi pwede, kailangan magtrabaho ako para may sweldo at may ipadala sa magulang ko! Kaya bago ako nag muni-muni! Pumunta na ako sa banyo! At maligo na isuot ko na ang pinamili ni lola, dahil kumpleto lahat, pambahay, pantulog at syempre may pang pasyal.
“Ano kaya ipapakain ko sa kanila bukas? “ kausap ko pa sarili ko, pero sabi ko ng bago ako nag muni- muni maligo muna ako dahil nahihiya ang itsura ko sa kama!
Tapos na akong naligo, inayos ko na rin ang mga gamit ko, pero yung maleta hindi ko na tinanggal ang laman niya at nilagay ko lang sa loob ng cabinet. Hiyang-hiya naman kasi sila sa bago kong mga damit.
Tinignan ko pa ang oras, mag alas diyes na pala! Kaya bukas ko nalang tatawagan ang mga magulang ko, dahil sigurado ako na tulog na sila! Dahil sa probinsya maaga natutulog.
“God, salamat sa lahat-lahat! Hindi ko po eto inaasahan, sana po gabayan niyo ako at wag mo din pababayaan ang mga magulang ko at ganun din po ang bago kong mga amo, Amen. “
Dasal ko at nahiga na ako.
“Nay, Tay! Mag ingat kayo diyan alam ko na darating ang araw makakaahon din tayo sa kahirapan. “ bulong ko sa hangin.
“Naka tatlo na pala tayong chapter pero hindi pa nagpa kilala ang ating bida! Sorry! (Author Pov)
Hi, ako pala si Cassandra Alonzo. Cassy for short anak ng isang mahirap. Pero kahit ganun proud ako! Isang magsasaka ang aking Ama, at ang aking Ina nagtitinda ng mga kakanin. May kapatid naman ako pero hindi namin alam kung nasaan, kaya andito ako sa Manila upang hanapin siya. Hindi ko rin sinabi sa mga magulang ko na yan ang aking dahilan, dahil alam ko naman na hindi ako papayagan. Kaya ang dahilan ko na lang ay maghanap ng trabaho at makapag ipon.
“Ate Claribelle asan kaba? Bakit ka umalis? “ bulong ko sa hangin.
Isang taon na mahigit ako dito sa Manila hinanap ko naman siya noon kaso mahirap ang tumira dito kapag wala kang pera.
Pangarap ko din ma mabigyan ng ganitong kaginhawaan ang aking mga magulang, na kahit hindi ganito na basta ang malambot na kama hindi katulad sa banig na matigas.
“Hay naku Cassy, matulog kana lang! “ sermon ko sa sarili ko at pumikit na ako!
Dahil sa dami na ang naiisip ko nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan, siguro isa ang dahilan sa malambot na kama kong higaan at malamig na aircon.
Kinabukasan. Nagising ako ng maaga. Siguro sanay na talaga ang mga mata ko. Kahit pa alas otso noon ang aking pasok sa mall.
Pagtingin ko sa relo alas kwatro na palang nang umaga! Pero bumangon na ako, inayos ko muna ang kama at pumunta na ako sa banyo. Para maligo.
Tapos na akong naligo, nilinis ko na rin at nakakahiya naman sa mga amo ko, baka bigla silang pumasok dito o kaya naman baka testing lang sa akin lahat, katulad na lang nang BAHAY NI BIG BROTHER.
“KUYA tapos na po ako! Saan na ang susunod kong task? “ kunwaring tanong ko sa kisame kahit wala naman camera!
“Buwang kana self! Kiskisan mo kaya lahat ng dingding dito sa mansion! “ kausap ko ulit sarili ko.
Pero lumabas na ako, salita pa ako ng salita at nagulat nalang ako dahil gising na pala si lola!
“Ay palaka! “ gulat kung bulalas.
“Oh hija ang aga mo naman gumising? “ tanong sa akin, maaga daw ako ano pa kaya sa kanya!
“Lola good morning po! “ bati ko muna sa kanya,
“Nasanay na kasi po ako lola na maaga gumigising, kayo po bakit ang aga niyo gumising? “ balik tanong ko sa kanya.
“Good morning hija! Naku hija ganito talaga ang gising ko mas nauna nga ang lolo mo ayun sila ni Gorio nag e-exercise, “ turo niya sa likud siguro dun sa garden.
“Ganun po ba lola, ano po gustong niyong pagkain lola! Nagkakape po ba kayo? “ sunod-sunod kong tanong na kina tuwa pa niya.
“Hindi nga ako nagkamali na kinuha kita dito hija, panigurado ako na mabawasan ang lungkot ko dahil lagi nalang nabubulilyaso ang pagbisita ng apo ko saakin” malungkot niyang pahayag. Kaya naawa ako sa kanya. At nag isip ako ng dahilan para mawala ang lungkot niya. Mukhang mahal na mahal niya ang kanyang apo.
“Naku lola baka busy lang po ang apo niyo, kaya ganun, malay mo naman po pupuntahan niya kayo dito ngayon. “ sagot ko naman. Pero napa ismid lang ang matanda sa sinabi ko.
“Naku hija, malabo yan, dahil sa oras na eto nasa ibang bansa na naman siya! “ sagot sa akin. Na kina nganga ko.
“Ganun na ba sila kayaman para sa ibang bansa pa sila pupunta” kausap ko sarili ko.
Kung sabagay sa laki ba naman nang bahay nang mga amo ko. Gusto ko man makipag chika kay Lola ngunit nahiya ako. Kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at baka wala na akong matapos na gawain sa bahay nila nakakahiya naman.
“Lola sige po hah, magluluto muna ako, ano po ang gusto niyo? “ pag uulit ko sa kanya. Dahil hindi naman ako sinagot kanina.
“Naku hija kahit ano ok lang sakin, siya sige ilabas mo nalang mamaya ang pagkain at dito tayo sa labas kakain hah! “ nakangiting sagot sa akin.
“Ok po lola, samahan ko muna kayo sa labas lola at babalik nalang po ako mamaya, “ ngiti kong sagot sa kanya at natuwa pa ata sa sinabi ko.
“Naku hija salamat sayo, hindi nga ako nagkamali sa pagkuha ko sayo, “
Tugon ulit sakin kaya naman hinawakan ko na ang braso niya para alalayan siya. Dahil medyo hirap siyang tumayo.
“Naku lola, ako dapat ang magpasalamat sayo dahil kung nagkataon baka sa oras na to maghahanap na naman ako ng trabaho! “ natatawa kong sagot sa kanya.
“Sige na lola at magluluto na po ako! “ paalam ko pa sa kanya, siya naman ang pag tunog ng cellphone niya.
“Oh sige hija at sagutin ko na din tong tawag! “
Sagot din niya sakin kaya naman umalis na ako pero bago pa ako makalayo rinig ko pa ang boses ni lola.
“Talaga Apo! Bukas pupunta ka dito? “ Masigla niyang bulalas sa kausap.
Hindi ko alam kung bakit bigla tumambol ang puso ko ng napaka bilis kaya napatigil pa ako sa isang tabi. At napahawak sa tapat ng aking dibdib.