Chapter 2

2665 Words
CASSY POV “Cassy kailan ka magbayad ng upa? “ Hindi pa ako nakarating sa inuupahan kong bahay pero eto na agad ang bungad ni aling Magda saakin. “Aling Magda naman eh, diba po may one month deposit pa ako? “ Sagot ko sa kanya, maaga kasi ako kanina na umalis para sana maghanap ng trabaho kaso isang manyak pa ang nakasalamuha ko! “Pero gwapo siya ateng! “ Sigaw ng kontrabida kong utak. Napahawak pa ako sa tapat ng puso ko. Dahil sobrang lakas ng kabog. Pero aminin ko man gwapo siya! Kaya lang manyak! “Ay! “ nanginginig ko pang bulalas, dahil naalala ko ulit siya. Tapos yung hawak pa niya Diosko! “O’ siya. Basta sinasabi ko sayo hah, kapag hindi ka nakapag hulog pasensya nalang tayo Cassy! “ Sagot ni aleng Magda. “Opo aling Magda, tatandaan ko po ang sinabi mo. “ Magalang kong sagot sa kanya at umakyat na ako sa maliit na kwarto, mahigit Isang taon na ako dito sa Manila, pero masyadong mailap sa akin ang trabaho, buti nalang may extra pa akong nakukuha, kaso kung laging ganito baka sa kalye ako pupulutin. Kailangan kong gumawa ng paraan para makahanap ako ng trabaho, kahit ano basta marangal at may sweldo. Kaya matulog muna ako para may lakas ako mamaya. Nagising ako sa kalampag sa kabilang kwarto, eto ang isa ko pang problema, kung mag ingay sila parang wala silang kasama sa buong apartment. “Hays! Makabangon na nga! “ kausap ko sa sarili ko. Dumeretso na ako sa maliit na banyo at naligo na ako ulit dahil maghahanap na naman ako ng trabaho, hindi ko pa natawagan sila Nanay dahil wala pa akong ipadala, kanina lang kasi, masakit na naman daw ang rayuma ni Nanay palibhasa tumatanda na sila. Ang mahal naman kasi nang gamot kanina doon sa convenience store. Ayaw ko rin naman sabihin sa kanila ang kalagayan ko at baka pauwiin pa ako! Ayaw kong pang umuwi sa Probinsya dahil alam ko mas lalo lang nila akong kukutyahin ang mga magaling namin na kapitbahay na tsismosa! “Babe saan punta mo? “ sigaw ni William saakin, hindi ko siya pinansin dahil naiirita ako sa taong to! “Ha-ha pare akala ko ba gilpren mo na si Cassy!” narinig kong tanong nang kasamahan niyang tambay na bulol! “Wag ka ngang maingay diyan Tomas wag mong sisirain ang araw ko! “ bulyaw sa kanya ni William, minsan natatakot na rin ako dito pero wala naman akong choice, kung meron ngalang aalis talaga ako. Kaso kahit isa wala akong kilala. Binilisan ko nalang ang lumakad para makalayo na sa kanila, kaya mas pinipili ko ang maagang lumabas at hindi magabihan sa daan dahil sa takot ko minsan. Mahirap na baka dito pa ako matudas. “Diosko wag naman! “ peping dasal ko. Pumasok na ako sa McDonald at tanungin ko sana ang cashier nang may naagilap akong matanda na mukhang nahihirapan maglakad kaya nilapitan ko muna. Dali-dali pa akong tumakbo sa gawi niya dahil parang matutumba na siya. “Ops ! Lola ok kalang? “ nag alala kong tanong sa kanya, namumutla din siya kaya pina upo ko muna at pinaypayan. Mabuti na lang may dala pa akong pamaypay. “Naku hija, salamat sayo. “ pasasalamat niya sa akin, mukhang mabait naman ang matanda. “Lola wala po ba kayong kasama? “ magalang kong tanong sa kanya. Dahil dapat may kasama siya eh. Lalo at matanda na. Hindi naman masyadong halata na matanda. Kahit nasa 70’s siguro. “Naku yung driver ko ang sabi magpa gass lang daw pero hanggang ngayon wala na! “ Reklamo ng matanda sa akin. Mukhang saakin na yata nilalabas ang himutok niya. Pero parang nahihirapan siyang huminga ka naisipan kong bumili ng tubig. “Sandali lang po lola hah, ibibili ko lang po kayo nang tubig diyan, ok lang po ba sa inyo? “ Magalang kong tanong sabay turo sa katabi ng McDonalds. “Naku hija kahit saan, salamat nga pala ulit ang bait mong bata ka” sagot pa saakin na kina ngiti ko, kaya bago pa kung saan-saan mapunta ang usapan namin tumayo na ako at ipagbili ko siya ng maiinom. “Lola eto na tubig niyo! Kaya niyo ba tumayo at pumasok muna tayo diyan sa loob? “ tanong ko pa sa kanya, “Oo hija, pero wag tayo diyan doon tayo sa kabilang restaurant gutom na kasi ako “ sagot sa akin sabay turo sa mamahalin na restaurant. Napalunok pa ako. Ngunit napansin ata ako ni Lola. “Wag kang mag alala hija sagot kita, pasasalamat ko na rin sayo halika na! “ ayah pa niya sa akin wala na akong nagawa dahil hinawakan na niya ang kamay ko. “Good afternoon Senyora! “ bati sa kanya ng mga waiters, mukhang kilala siya dito, samantalang ako nahihiya dahil sa suot kong leggings lang at long blouse buti nalang at naka rubber shoe ako! “Lola. Aalis na po ako! “ paalam ko sa matanda pero pinigilan ako. Dahil nakahawak siya sa braso ko. “Anong aalis, hindi hija dito ka lang nag order na ako nang makakain gutom na ako, saka isa pa wala pa yong driver ko at walang kakain sa inorder ko, “ mahaba niyang litanya. Pero mukhang seryoso si Lola na sinabi sa akin na kumain daw kami. Kaya umupo na ako sa tabi niya. Magaan naman ang loob ko dito sa matanda kahit ngayon lang kami nag kita. “Lola bakit ang bait niyo? “ tanong ko sa kanya dahil kahit ako magaan ang loob ko sa matanda, hindi ko rin alam kung bakit. Kaya kung kausapin ko siya para kaming magka kilala ng matagal na. Feeling lang ako noh! “Alam mo hija, ang totoo n’yan ikaw ang mabait, alam mo kanina pa ako nanghihina ni walang tumulong saakin, ikaw lang ang naglakas loob na lumapit. ” sagot n’ya na naka ngiti saakin. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. “Naku lola nakita kasi kita kanina na parang matumba na kaya tumakbo na po ako, eh kasing edad niyo kasi ang lola ko eh, “ nahihiya kong sagot sa kanya. “Ah, kaya pala, taga saan ka pala hija? “ tanong sa akin. “Naku Lola, taga Probinsya po ako, nandito lang po ako sa Maynila upang maghanap ng trabaho, “ Tapat kong sagot sa kanya. Dahil ito naman talaga ang totoo. “Ah, ganun ba! Kung hindi mo masama hin hija pwede ba malaman kung ano ang trabaho mo? “ tanong sa akin. Tinitigan ko pa ang matanda. Mukhang seryoso ang mukha. “Ang totoo n’yan lola, wala akong trabaho, natanggal kasi ako sa mall na pinapasukan ko bilang sales lady po. Kaya maghahanap pa po ako ng trabaho hays. “ malungkot kong sagot kay Lola. Sabay hinga ko pa ng malalim. “Ganun ba, eh magkano naman ang sahud mo sa mall na pinapasukan mo hija? “ tanong ulit saakin. Parang dinadaan lang ako sa interview ni Lola. “Nasa sampung libo lola, pero marami pa silang kinakaltas doon, andiyan ang Pag-ibig, SSS at Philhealth po Lola. “ magalang kong sagot sa kanya. At napa tango-tango pa. “E di wala nang natira sa sahud mo? “ sagot sa akin, kaya tumango ako din ako. “Ganun na nga lola pero ok na yun at least po may trabaho at marangal po, “ sagot ko sa kanya. “Alam mo nakikita ko sayo matyaga kang bata ka. Kung hindi mo masamahin gusto mo ba na pumasok sa akin bilang kasambahay, kung magkano ang sahod mo sa mall doblehen ko! “ sagot niya sa akin na ikinagulat ko! “Lola hindi kaba nagbibiro? “Tanong ko sa kanya na may galak sa akin boses. “Naku bata ka! Mukha ba akong nagbibiro? Ilan taon kana pala at anong pangalan mo? “ Tanong niya sa akin. “Eh hindi niyo naman kasi ako kilala na lubos lola saka, ngayon lang naman tayo nagkita, “ sagot ko sa kanya. At medyo nahiya pa ako. “Naku hija! Kahit ngayon lang tayo nagkita alam ko mabait kang bata! Kaya ano gusto mo ba na magtrabaho ka sa akin, dahil kung oo ngayon din sumama ka na sakin dahil umuwi ang mga kasama ko sa bahay, “ Mahabang litanya sa akin ni Lola. Kaya nabuhayan ng loob ko. “Thank you Lord! “ pepi ko pang dasal. “Saan kaba dito nakatira at ipa-alam kita” tanong saakin, pero siya naman ang dating ng pagkain na order niya, “Excuse me Senyora eto na po order niyo. “ pukaw ng waiter sa amin at nilapag na niya ang pagkain sa lamesa. Lumaki pa ang mga mata ko pagka kita sa mga ulam. “Wow! “ bulalas ko pa at medyo nahiya pa ako dahil mahinang tumawa ang matanda, “Para ka lang yung apo ko hija, ganyan din siya kapag nagustuhan ng pagkain. S’ya sige at kakain na tayo at makaka uwi na. “ sabi pa saakin kaya naman wala na kaming sinayang na oras. Tapos na kaming kumain at tinanong niya ulit ako. “Pwede ko na bang malaman hija, kung anong pangalan mo at ilang taon kana? “Ulit niya saakin oo nga pala hindi ko na sagot kanina. Nahiya tuloy ako. “Ako po si Cassandra Alonzo, Cassy for short lola, 22 year-old po, laking Probinsya at pumunta ako dito para makipagsapalaran sana kaso yun na po! “ pagputol sa sinabi ko, at baka dumeretso ako wala pa man din preno minsan ang bibig ko. Tumango-tango lang naman ang matanda at para bang amaze pa saakin, “May boyfriend kanaba hija? “ biglang tanong niya sa akin na kina ubo ko pa! “Boyfriend po? Naku lola wala sa panahon ko yan eh! “ pag-amin ko at ayun na naman nakangiti na naman na parang namamangha! Parang tuloy ako kinilabutan sa katawan. “Lord…. Sumama ba talaga ako sa matandang to? Hindi ba ito mudos? “ Kausap ko sa aking sarili. Dahil aminin ko man bigla akong kinabahan. “Mabuti kung ganun hija sandali at tatawagan ko ang driver ko, “ sagot niya sa akin at may kinuha siya sa bag niya. Napa wow pa ako buti pa si lola naka Iphone. “Hello Gorio! Sunduin mo kami dito sa Italian restaurant bilisan mo! “ narinig ko pang utos niya sa kausap niya at sumigaw pa! Kaya mas lalo akong kinabahan. “Itong talaga si Gorio kung saan-saan na naman na pupunta! Malapit ko nang palitan yan! “ galit niyang bulalas kaya yong takot ko mas lalong nadagdagan. “Naku hija pasensya kana hah! Ganun talaga ako hindi ko mapigilan ang hindi magalit sa driver ko! “ dagdag pa niya kaya nginitian ko nalang nang pilit. Mukhang naka halata siya saakin. “Senyora. Sorry po nasira kasi ang gulong ng sasakyan, “ hingal na hingal ang isang lalaki na nakarating sa kinaroroonan namin ni lola, kung hindi ako nagkakamali baka siya ang driver. “Oh siya! Samahan mo kami sa bahay ni Cassandra, dahil siya muna ang pansamantala na kapalit ni Mercy at Ludreng habang wala pa sila! “ sagot nang matanda sa driver. “Siya nga pala hija bago tayo magkalimutan magpagkilala ako sayo,” sabay sulyap n’ya saakin. “Ako nga pala si Lola Isabel Mondragon. “ Pakilala niya saakin na kina gulat ko. “Mondragon po? “ ulit ko sa kanya. Dahil kung hindi ako nagkakamali ang Mondragon Airlines ay isa sa pinakamayaman sa buong bansa. Dahil yon lagi ang binabalita sa tv. “Oo hija, kilala mo ba ako? “ balik tanong sa akin, “Ay hindi po lola, nabigla lang po ako sa Apelyido mo ngayon ko lang po kasi narinig” pag amin ko. Alangan naman na sabihin ko nakita ko sa tv. Baka magka Apelyido lang. “Ganun ba hija, sige at alis na tayo baka gabihin pa tayo sa daan, “ sabi pa saakin at umalis na nga kami. Agad naman kami nakarating sa inuupahan ko dahil malapit lang naman kung saan ko nakita si Lola Isabel. “So, paano hindi ko na ibabalik ang upa mo dahil yun naman ang usapan Cassy, yan ang patakaran ko! “ bulalas ni aling Magda! “Opo, salamat po sa mahigit isang taon nang pag stay ko dito! “ magalang ko parin na sagot, ako lang kasi mag isa na pumasok sa bahay dahil nahihiya ako sa matanda, lalo at mainit pa sa tinitirhan ko. Bitbit ko ang isang maleta at iniwan ko na ang iba kung gamit, bumaba ang driver niya at tinulungan ako, mukhang mabait naman ang driver, kasing edad siya siguro ni Tatay. “Salamat po mang Gorio, “ pasasalamat ko sa kanya. “Naku walang anuman eneng” sagot naman saakin, at pinag buksan pa ako ng pintuan nang sasakyan. Sa tabi ni Lola Isabel. “Tayo na Gorio, pero dadaan muna tayo sa Boutique ni Darna! “ utos na naman niya sa driver niya, pero ako tahimik lang umurong kasi ang dila ko. Tinignan pa ako ni Lola Isabel nang pataas pababa na parang namamangha na ewan saakin, kaya bigla na naman akong kinabahan. “Bakit po Lola Isabel ? May mali po ba sa suot ko? “ hindi ko mapigilan na bulalas sa kanya. “Wala naman hija kaya lang kulang ka sa fashion” sagot sa akin na kina nga-nga ko! “Po? “ yung lang ang lumabas sa bibig ko “Gorio wag kang masyado mabilis sa pagmamaneho dahil hindi tayo nakikipag karera! ” sermon niya sa driver kaya ang driver napa kamot na lang nang ulo! “Pagpasensyahan mo na ako hija hah ganito talaga ako! Hinging paumanhin niya sa akin. “Naku Lola Isabel ako nga po dapat ang humingi ng pasensya kasi dahil yata saakin na abala ko ang lakad mo po, “ nahihiya kong sagot. Dahil mukhang may lakad ang matanda. Yon ay ang pupuntahan namin ngayon. Kung hindi ako nagkakamali. “Naku, ang gaan sa loob na tawagin mo akong lola hija masarap sa pandinig ko, alam mo ba namimiss ko yung apo kong pasaway! “ medyo malungkot niyang tugon saakin. Pero may kislap naman sa kanyang mga mata ng maalala ang apo. “Talaga po Lola Isabel may apo po kayo kasing edad ko po? “ Masigla kong tanong pero naalala ko pala baka suplada ang apo niya tapos aapihin ako, kaya nalungkot pa ako sa naiisip ko. Karamihan kasi ganun yong bang pang kontrabida! “Matanda na yon hija, pero matigas ang ulo! “ sagot naman sa akin ng matanda. “Ilang taon na siya lola? “ tanong ko. Nawala na ang kaba sa puso ko. Feeling close ako sa matanda. “Bente nueve (29) na siya hija, pero wala pang asawa! “ sagot sa akin kaya naguluhan ako! Gusto ko sanang tanungin kung bakit wala pa kasi mukha naman maganda ang lahi nila kahit matanda na siya magaling siya sa fashion eh sigurado ako na ganun din ang apo niya. Pero teka lang. Bata pa naman yon. Kasi 29 palang naman. “Sana magkakasundo kami Lord! “Pepi kong dasal. “Andito na tayo Senyora! “ paalala ni mang Gorio saamin. At bumaba na nga kami, umakyat lang kami sa elevator sabi ni lola pang VIP daw yun! Pumasok na din kami sa isang boutique na puro damit pambabae at ang gaganda! “Siguro bibilhan niya yung apo niya nang damit! “ Kausap ko sa sarili ko dahil nakasunod lang naman ako sa matanda! “Senyora Isabel welcome! Long time no see hah! “ bati sa kanya ng isang bakla! At tumingin sa akin na naka ngiti. Pero napangiwi ng makita ang suot ko. “Siya ba Senyora Isabel? “ tanong pa niya sa matanda. Kaya yong kaba ko bumalik na naman. “Alla mudos ba to? Ebenta ba ako ng matanda sa malaking tao na to? Diyos ko tulungan mo ako.. “ Dahil ang kaba sa puso ko hindi ko na maipaliwanag. At napahawak pa ako sa tapat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD