Napaawang ang labi ni Ann sa gulat at hindi makapagsalita dahil sa eksena na nasa kaniyang harap ngayon. May apat na lalaki sa kaniyang harap at isa na doon ay si Zadkiel. Nagsusuntukan ang mga ito at habang patagal nang patagal ay mas lalong nagiging marahas ang kanilang mga galaw. Ramdam na ramdam ni Ann ang panggigigil ni Zadkiel habang sinusuntok nito ang isang lalaki na medyo may katangkaran pero payat. Kasuntukan iyon ni Zadkiel habang ang dalawang lalaki naman ay nakahandalusay na sa sahig at may mga pasa sa mukha. Mas lalong nagwala ang puso ni Ann nang makita na pumutok ang mga labi ng dalawang lalaki at dahil nakatalikod si Zadkiel sa kaniya ay hindi niya alam kung nasuntok din ba ang lalaki. Nang makita ni Ann ang mga nangyayari sa kaniyang harap at kung gaano ito ka delikado

