"Ann... Magpahinga ka mo na, ako muna bahala sa Lolo mo." Mahina lamang tumango si Ann nang sabihin iyon ng kaniyang Lola. Kaagad na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya katabi ng kaniyang natutulog na Lolo at nagpunta sa mahabang sofa sa gilid ng silid. Nasa isang pribado silang hospital ngayon dahil sa lagay ng kaniyang Lolo. Sabi ng doctor ay hindi naman daw ganoon ka lala ang kalagayan nito dahil kaagad na naisugod naman ito sa hospital. Kung nagtagal daw ay baka naging malala ang sitwasyon nito. Tatlong araw na naka-confine ang kaniyang Lolo dito sa hospital. So far, her Grandfather was okay. Medyo naging maayos na rin ang complexion ng mukha nito at nagagalaw na rin ang katawan hindi kagaya noon. Hindi niya alam kung ano ang sakit ng kaniyang Lolo dahil ayaw ng kaniyang Lola n

