Hindi alam ni Ann kung anong oras na siya nakatitig lamang sa kawalan. Lugmok na lugmok ang kaniyang pakiramdam at ang kaniyang puso ay walang humpay ang pagsikip na para bang mapipisa na iyon. Ang masagana niyang luha ay patuloy pa rin ang pagtulo na para bang wala ng bukas. "Your Mother got into an accident a month ago and is now in a coma." Nang marinig ni Ann na sabihin iyon ng kaniyang Lola ay pakiramdam niya namatay ang kalahati ng kaniyang buhay. Gusto niyang isipin na baka ay nagsisinungaling lang ang maganda at prinaprank lang siya. Pero hindi eh. Nang nakita niya ang sakit sa mga mata nito, alam na ni Ann na hindi nga ito nagsisinungaling. Ilang oras na ba siyang umiiyak? Hindi na niya mabilang pa. Nasa loob siya ngayon ng kaniyang kuwarto at gustong mapag-isa. Gulong-gulo

