"A-ah, Ha..." Taas baba ang dibdib ni Ann at mabilis na naghabol ng hininga nang siya ay sa wakas makawala sa tao na bigla na lang humila sa kaniya pailalim. Kung hindi lang sana niya nasipa ang tiyan ng taong humila sa kaniya ay baka nalunod na nga siya nsng tuluyan. Hindi naman ganoon na kalalim ang kaniyang kinalalagyan ngayon ay hanggang balikat niya lang, pero puwede pa rin siyang malunod. Nang maayos na ang kaniyang pag hinga at naramdaman ang pagkalma ng kaniyang puso at tumingin siya sa tao na walang hiyang hinila siya paibaba. Kumabog ang kaniyang puso nang makita si Zadkiel. Nakalukot ang mukha nito at hawak-hawak ang panga. Kahit hindi na sabihin d kaniya ni Zadkiel ay alam na ni Ann na nasuntok niya ang mukha nito. Maldita na napairap siya sa lalaki at pinagkrus ang mga bra

