After class...
Halos patakbo kong hinabol si Ashna. Narinig ko pa ang pagtawag ng aking dalawang kaibigan. Ngunit hindi ko ito pinansin.
"Ashna wait." Huminto naman ito.
"Kung nais mong magpasalamat ako sa iyo dahil sinangayunan mo ako. Hindi ko gagawin." At muli itong naglakad.
Nakasunod parin ako.
"Hindi iyon. Gusto ko lang malaman about sa sinasabi mong black book. "
She stopped and looked at me. "What about that? Huwag mong sasabihin na niniwala ka sa akin."
"I do."
Kumunot ang noo nito sa aking naging sagot. She looked around. Halos lahat ng naroon ay nakatingin sa amin but I don't care.
"Puwede ba, pinagtitinginan na tayo. Imbento ko lang iyon. Kaya huwag mo na akong susundan."
At muli itong naglakad. Nakasunod lamang ako. Pumasok ito sa library. Hinarap niya ako at mukhang nakukulitan na.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?"
Kung hindi ko lang dinig sa boses nito ang pagkairita ay hindi ko malalaman na naiinis na ito dahil hindi ko talaga maaninag ang kanyang mga mata dahil nga sa makapal at mahabang bangs.
"Tell me what do you know. Then titigilan na kita."
Huminga ito ng malalim tanda ng pagsuko. Umupo ito sa isang empty space at ako ay sumunod.
"I don't know everything about it. Mayroon lang akong nabasa. Nawawala raw ang itim na aklat na naglalaman ng kanilang kasaysayan. Nakasaad din doon kung sino ang kanilang mga pinuno at kung sino ang lumikha. Patuloy nila itong hinahanap, dahil hindi maaaring mapasakamay ng ibang nilalang..." She paused for a bit.
"... na gaya natin. Hindi natin pwedeng malaman na mayroong mga kagaya nila."
I was speechles for a moment.
" and..." I looked at her. "...where did you exactly read it?"
Kahit nakatakip ang mga mata nito ay alam kong nakatitig ito sa akin.
"Libro rin. Pero, h-hindi ko na alam kung n- nasaan."
I just nooded.
Mag sasalita pa sana ako ngunit dumating na ang aking mga kaibigan.
"Hoy! Tinatawag ka namin kanina, hindi mo ata narinig." Tapik sa akin ng kaibigan si Kevin.
Agad tumayo si Ashna at mabilis nilisan ang aming pwesto. Tatayo pa sana ako upang ito'y sundan, but julio stopped me.
"What's up with you? Ano at bigla mong kinausap iyon?"
Umupo na rin ang dalawa sa blangkong upuan na nasa aking harapan.
"Umuwi na tayo at magpahinga. Bukas ay may camping pa tayo." That's Julio.
Pagkauwi ng bahay ay kumain lamang ako ng hapunan at agad din pumasok ng aking silid. Mag-isa lang ako sa aking tirahan. Nag linis ako ng aking katawan at naghanda na upang matulog. Ngunit hindi mawala sa aking isip ang nasabi ni Ashna. Agad kong kinuha ang laptop at sinubukan hanapin ang salitang 'black book' sa isang site. Sari- sari ang lumalabas dito. Mga conspiracy theory. Ngunit ni isa ay walang tugma sa mga sinabi ni Ashna.
I smiled.
"Did I really believe her?" Then I laughed and shutdown my laptop. Matutulog na lamang ako at maaga pa ang aming school camping.
Morning...
Sinundo ko ang aking mga kaibigan dahil ako lang ang may sariling sasakyan at dumeretso rin agad kami sa paaralan dahil naroon ang bus na sasakyan patungo sa location ng camping site. Nandoon na ang mga bus na sasakyan. Pinag masdan ko ang loob nito, nagbabaka sakali na narito si Ashna Ngunit wala. Ano pa ba ang aking aasahan!
I sat down with my friends.
2 hours din ang naging byahe bago narating ang location. Malaki ang aking bitbit na bag ngunit mas malaki ang bitbit ng aking mga kaibigan.
"Camping itong pinuntahan natin hindi tayo maglilipat bahay! Ano't ang dami niyong dala?" tanong ko sa kanila.
"Dinala ko yung sleeping bag ko tsaka comforter. Malamig daw dito eh. Tapos tatlong araw pa tayong mag-stay." Si Kevin ang nagsalita.
"Si mommy kasi pinagdala ako ng mga kaldero at kawali! Naiinis nga ako! Pero huwag naraw ako sumama kung hindi ko dadalhin!" Pag mamaktol ni Julio.
Napakamot nalang ako sa ulo. Ang dala ko lamang ay ilang pirasong damit. Knife, lighter, flash light at emergency blanket.
Provided ng paaralan ang aming mga tent na gagamitin.
Mayroon munang nag-lead ng prayer bago kami nagsimulang umakyat. Nasa taas paraw ang pinaka campsite. Hindi na bago sa akin ang ganito. I love outdoor activities. I used to join cycling clubs, mounteniring groups and many more. Kaya naman laking pagtataka ko nang sa kalagitnaan pa lamang nang aming naakyat ay pakiramdam ko ay parang mabibigat na ang aking mga paghinga at mga lakad. Kung tutuusin ay mas mataas at mas ma tarik pa rito ang madalas kong inaakyat. Sanay na sanay ako sa mga ganito. Ngunit hindi ko alam kung bakit ganito!
Umupo muna ako sandali sa isang ugat na nakalabas sa lupa.
"Okay ka lang Samael?" Tanong ni Julio sa akin.
I just nodded at uminom ng tubig halos maubos ko ang laman. Nauna na ang iba naming kasama. Hinintay ako ng dalawa.
I stood up. "Tara na ulit."
Sumunod narin ang mga kaibigan.
Pataas nang pataas ang inaakyat at parang nararamdaman kong mayroong magnet ang aking mga paa na halos hindi ko na maihakbang.
Sh!t ano bang nagyayari? I sat down again at binaba ang sukbit na bag. Napansin kong tumigil din ang aking dalawang kaibigan. Ibinaba narin ng mga ito ang mga dalang gamit. "Sigurado ka bang okay ka lang? Grabe iyang paghinga mo. Namumutla ka narin." Halata sa tinig ni Kevin na nag alala ito.
" Ayos lang ako."
"Sanay ka naman sa mga ganito, hindi ba?wala ka bang sakit sa puso? Baka bigla ka nalamang mag collapse dito." Segunda ni Julio.
"I said I'm okay." Nakangiti ko pang sagot ngunit ang totoo ay naiinis na ako sa aking sarili dahil kung umasta ako ay parang ito ang aking unang akyat.
Nagkibit balikat nalang ang dalawa.
Mabilis akong tumayo at muling naglakad.
Huminto ako sandali ng makita na napaka tarik ng kasunod na aakyatin. May mga maliliit na ugat sa gilid na siyang hinahawakan ng mga kasama. Napalunok ako. At pinagmasdan ang aking dalawang paa.
'What's wrong?' tanong ko sa aking sarili.
Nilagpasan na ako ng aking mga kaklase at nagpa una nang paakyat.
Inihakbang ko ang aking mga paa. Bakit parang napakabigat at ang hirap humakbang!
Pinilit kong umakyat at humawak sa mga ugat na naroon. Kahit hirap na hirap ay aking ginawa. Nakita ko na pinagtitinginan na ako ng mga kasama. Nang makakyat na ako sa bahaging iyon ay sinalubong ako ng aming guro na nag silbing aming guardian.
"Samael, may nararamdaman ka ba?"
Sa totoo lang ay mula pa sa aking paggising ay iba na ang aking pakiramdam. Wala naman akong sakit ngunit mabigat ang aking mga galaw. Maaga rin naman akong nakatulog ngunit pagtingin ko kanina sa salamin ay mugto ang aking mga mata. I looked so wierd.
"Sir, okay ako. Medyo hindi lang maayos ang aking pakiramdam. But I'm totally fine."
Sa wakas ay narating na rin namin ang 1st spot na pagtatayuan ng tent. Bukas ay aakyat muli para sa 2nd spot. Nag-form kami ng 4 man team. Kasama ko ang dalawang kaibigan at isa pang classmate na lalaki. Kami ni Kevin ang nag- assemble ng tent. Si Julio at Darwin naman ang nag-ayos ng apoy upang maka pagluto. Bawat grupo ay kanya kanyang pagluluto. Kailangan daw ay matuto sila as a team.
"Samael, anong nang yari sayo kanina?" tanong ni kevin. Patuloy parin ang kanyang pag assemble ng tent.
"Hindi ko rin alam. Naninibago rin ako sa sarili ko." I stopped and look at my friend. He looks so worried.
"Para bang may pumipigil sa akin sa pag-akyat. Alam mo yung pakiramdam na parang may magnet ang mga paa mo sa lupa?"
"Alam mo, dapat magpahinga ka nalang. Sabi mo kanina, medyo hindi okay ang pakiramdam mo. Birthday mo pa naman ngayon."
Oo nga pala kaawaran ko. Simula ng maging mag-isa na ako sa buhay ay hindi ko na pinagdiriwang pa ang aking kaarawan.
Natapos na namin ang pag-assemble ng tent. Nakita ko na nahihirapan gumawa ng apoy si Julio at Darwin kaya lumapit ako. Nakakapag apoy sila ngunit namamatay din agad. Napansin ko na basa ang kahoy na kanilang nakuha.
"Basa ang kahoy kaya mabilis mamatay ang apoy. Kailangan natin ang medyo tuyo." It was 7pm at tanging ilaw ng buwan at apoy ng ibang group ang aming nagsisilbing ilaw.
"Maghanap na lang muna tayo ng dry wood." Lumapit ako sa aming bantay at nagpaalam na mangunguha muna ng mga kahoy. Pumayag naman ito ngunit huwag daw lalayo.
Kanya kanya kaming bukas ng flashlight ng telepono at nagsimulang maghanap.
When suddenly I heard something. Kaluskos. Para itong nalaglag at dumausdos sa mga puno at damo. Tumigil ako sa aking paghahanap ng kahoy at hinanap ang kakaibang tunog na aking narinig. Hindi ko napansin na medyo napalayo na ako sa aking mga kasama.
I can hear someone making sounds. It's like he is in pain. Palapit nang palapit ang tunog. Naglalakad lamang ako at pilit hinahanap ang nagmamayari ng boses na aking naririnig, nang aking mapansin na bangin na pala ang aking napuntahan.
Third Person's POV
Sa pag-aakalang matigas na lupa ang kanyang matatapakan ay inihakbang ni Samael ang kanyang mga paa. Ngunit isa na pala itong malambot na lupa. Mabilis siyang dumausdoss pa ibaba. He shouted so loud that his friend ran so fast to find him. Dinig din ito ng kanyang guro at iba pang kaklase.
Nagpagulong-gulong siya sa paibaba ng bangin. Humampas ang kanyang ulo sa mga malalaking bato.Ilang sanga ang tumusok sakanyang katawan. Sa taas ng bangin na kanyang binagsakan ay malabo nang siya ay mabubuhay pa.
Mayroon pang malay si Samael nang tuluyan na niyang marating ang pinaka ibaba. Malabo na ang kanyang paningin. Bali-bali narin ang kanyang mga buto. Kitang kita niya ang mga tusok ng sanga sa kanyang sikmura. (End of Third Person's POV)
Sinubukan kong gumapang. Kailangan kong mabuhay! Sa aking paggapang, hindi sinasadya na matukuran ko ang isang kakaibang bato. Dilaw na bato na hugis dyamante. Kitang kita ko ang paglubog nito sa aking palad. Naglaho ito na para bang pumasok sa aking katawan. Ako ay tumihaya at pinagmasdan ang aking palad.
Hinang hina na ako. Sa aking palagay ay ito na ang aking katapusan!