EVA
NAWALA bigla ang antok ko. Sya nga ba talaga? Hindi ako makapaniwala!
All the way sa klase, para akong binging walang naririnig. Nakatuon lang lahat ng atensyon ko sa itim ang buhok na magandang dilag, na dalawang upuan lamang ang layo mula sa kinauupuan ko.
‘Hindi ako pwedeng magkamali. Si Amor nga ito. Ang babaeng pinakamamahal ko. Pero may kakaiba sa Aura nya ngayon.’ Kausap nya sa sarili.
"Miss Damian? Answer my previous question." Siniko ako ni Anton.
Magpoprotesta pa sana ako ng inginuso nito ang direksyon ng teacher. Salubong na ang dalawang kilay nito. Patay! Nahalata na ako ni Mrs. Bernardo. Nakatingin na ang lahat ng kaklase ko sa akin including Amor. Yay!
"P-pardon, ma'am?" sabi ko na tumayo na rin. Lagot. Di pa naman ako masyadong magaling sa Physics. Huhu!
"What is velocity and its formula?" taas kilay pa ring sabi nito.
Yayay! Hindi ko alam ‘to. Sandali, si Joma! Kaso nasa likod ko ito. Omg, mapapahiya pa ako sa harapan ni Amor. Grrr. Napatingin ako sa wristwatch ko. Malapit na ang bell! Haha. Alam ko na! Naimagine kong parang may light bulb na sumindi sa taas ng ulo ko sa panahong yun.
"As most of us know and mostly the redundant meaning of velocity that has not change ever since the world began..." eh sa ito lang ang kaya kong gawin.
Nakahalata naman ang mga kaklase ko kaya nagtawanan lang sila ng mahina. Ang mga so-called-friends ko naman napalakas ang tawa. Hindi ko na rin napigilang mapangiti na naudlot din dahil nakatingin ang may pinakamagandang ocean blue eyes sa akin. Nakataas ang isang kilay nito. "So..." tingin ulit ako sa wristwatch ko.
5 seconds.
4
3
2
1... Kringgggggg!
"Okay, class. Dismissed." sabi na lang ni Mrs. Bernardo. With the look 'you’re lucky this time' sa akin.
High five kami ni Jon. Hindi ko na napigilang matawa. Napalingo-lingo si Joma sa ginawa ko, si Miko naman bumunghalit ng tawa at si Anton naman ay nakatawang tinapik ako sa balikat.
Pagtingin ko sa direksyon ni Amor, wala na ito. Kinuha ko ang bag ko at agad na sinundan ito. Pero wala akong nakitang Amor ng nasa hallway na ako. Ang bilis naman nyang nawala. Disappointed kong bulong.
"Hoy miss, ba't ka ba nagmamadali?" tanong ni Miko. Nakasunod na pala ang mga ito sa likod ko.
"Sinusundan nya yung new student." walang anu-anong sabi ni Miko.
"Ang ganda nya, ano?" parang nagdeday dream na sabi ni Jon.
Oh no! She's mine! Nakaballed fists na litanya ko sa isip ko.
"Uip. Balato mo na yun kay Ev, Jon. Tignan mo oh, patay ka na sana ngayon sa death glare nya." tuksong tawa ni Miko.
"Hindi." mariin na sabi ni Jon. Parang gusto ko syang suntukin sa oras na yun. "Kung magagaya lang sya sa lahat ng babae na nainvolve sa’yo, sorry Ev, pero di ko sya ibibigay sayo."
What? Of all, si Jon pa! Ang mabait na si Jon. Natamaan talaga ata ito kay Amor. Oh no.
Hindi na lang ako nagsalita at nagwalk out na lang papuntang cafeteria. Seryoso si Jon. Ngayon ko lang sya nakitang nagkaganito pero sorry sya, akin lang si Amor.
Nasa cafeteria na nga kami at naglalunch. Nandoon din sa ‘di kalayuan si Amor. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang masaya itong nakikipagtawanan sa grupo nila Lloyd. Kaya pala familiar, kasi may Manuel din sa school na ‘to.
Ang grupo nila Lloyd ay yaong tinatawag na mga 'kinakatakutan' na mga sikat sa school. Hindi dahil mukha silang mga goons kundi dahil sa mga astang napakastig ng mga ‘to. Actually, para silang mga modelo. Ang puputi at kikinis ng mga balat. Parang napakaperfect ng mukha at katawan ng mga ito.
Tatlo lang sila sa grupo na yun. Si Lloyd na maitim ang buhok, 6' ang height, gwapo, katamtaman ang katawan pero nakakatulo-laway na sa mga babaeng nakakakita rito. Straight man o hindi.
Sila Note at Clef na magkasintahan. Si Note na blond ang buhok, gwapo, mas maliit ng kaunti kay Lloyd at katamtaman rin ang pangangatawan. Si Clef naman na parang kerubin ang amo ng mukha, 5'6", at masayahin. Naging magpartners kami sa project somewhere in sophomore year at mabait naman ito.
Kaso walang estudyanteng talagang nagtatangkang makipagkaibigan sa tatlo kasi ewan ba sa mga paranoid na estudyanteng ito, eh parang normal na tao lang naman sila sa paningin ko. Mas weird nga ako, ‘di ba? Serena akong nasa school nila at ‘di nila alam. Hahaha!
At eto nga, ang pinakamaganda sa lahat. Si Amor. Ang aking Amor. Pareho man silang apat na parang perfect mannequins, si Amor ang namumukod tangi.
"Matutunaw na yan, Ev, Jon. Halata na kayong masyado." sabi ni Miko na natatawa sa amin. Hindi ko alam na ganun din pala ginagawa ni Jon. Ugh!
Tinignan ko si Jon na parang nagsasabing 'back off dude' at tinignan nya rin ako ng 'no way' look nito. Ugh, Jon! Grrr!
"Hoy, wag nyong sayangin ang friendship natin dahil lang sa iisang babae, ha. Wag nga kayong childish." sabi ni Joma at kumagat sa hamburger nya.
Teka, parang may nag-iba sa kanya.
"Jom, nagwork out ka ba?" tanong ko habang umiinom ng milkshake. Nakatingin na rin ang mga damuho sa kanya.
"H-hindi. Bakit?" ang nerd na si Joma, nag-stutter? Eh?
"O nga, pre. Lumaki ata katawan mo. I mean, muscles mo. Tsaka pwede ka ng myembro ng The Hunks." si Jon.
"Ah. Siguro dahil sa trabaho sa bahay." sabi nitong ‘di makatingin sa amin. Hindi ako kumbinsido pero pinalampas ko na muna ngayon dahil may isang mokong na sobrang tahimik lamang sa isang sulok.
"Bakit ang tahimik mo, Ton? May sakit ka ba?" naunahan ako ni Miko sa pagpuna kay Anton. Tapos dinama ng likod ng palad nito ang noo ni Anton. Nag-iwas naman ito at sumulyap sa table nila Lloyd na nakatingin rin kay Anton. Tsaka parang nagblush si Anton. Anyare?
"Patingin ka sa nurse mamaya, Ton. Namumula ka na oh." sabi ni Jon sa concern na boses.
Hindi yan ordinary redness. Something fishy ang nagaganap sa mga bakulaw na ‘to ha.
"Ah Uhm, oo papatingin ako mamaya." sabi nitong nakasulyap ulit kay Lloyd.
Napangiti si Lloyd, nakatingin pa rin kay Anton na pulang pula na sa ngayon. Walang nakapansin, ako lang! Ang insensitive naman ng mga tokwa na ‘to. Ang nakakainis pa, ‘di rin tumitingin sa gawi ko si Amor.
Oh Amor, bakit parang ‘di mo ako kilala? Nakalimutan mo na ba ako? Sa isiping yun, napaballed-fist ang right knuckles ko.
"Baby, galit ka pa ba?" sabi ni Jon na umakbay sa akin. Tinatawag nila akong baby kasi ako ang pinakabata sa grupo. "Sorry na sa nasabi ko. Medyo tinamaan lang kasi ako sa bagong estudyante. Alam mo namang ‘di ako basta-bastang nagkakagusto sa kung sinu-sino, di ba? Pero para sa’yo baby, magpaparaya na lang ako." Aww, ang bait ni Jon.
Kaya mas close ako sa kanya kaysa sa tatlo dahil sobrang caring nito pagdating sa akin. Napabuga ako ng hangin tsaka ngumiting tumingin sa kanya.
"Hindi naman ako galit sayo, eh. Tsaka huwag na muna natin syang pag-usapan."
"Okay na tayo, ha? Alam mo namang ‘di ko kayang may nagagalit ng matagal sa akin, maski sinuman sa inyo." Ang swerte ng mapapangasawa nito. Napakabait kasi nito at gwapo pa.
"Opo. Okay na tayo." tsaka nakangiting pinisil ko ang ilong nito. Ngumiti na rin ito.
"Oh ayan. Ganyan nga. Wag sirain ang pagkakaibigan dahil sa iisang babae lang. Okay?" litanya ni Joma na nagtetext at nakangiti.
"Hala. Sino kaya katext ni Joma? Nakangiti oh." si Jon.
Inagaw ng bigla ni Miko ang phone ni Joma. Nag-agawan pa ang mga ito ng sandali pero nabasa na rin ni Miko ang text.
"Jane: Kain ka ng mabuti. See you AMOR
Successful ang first mission ko na hindi pansinin at tumingin man lang kay Ev kahit pa nga gigil na gigil na akong suntukin ang lalaking nakaakbay sa kanya ngayon.
"Relax, Iha. Akala ko ba ayaw mong magpakilala pa as of now?" pasimpleng bulong ni Lloyd.
"Ganito ba talaga sya kaflirt?" pekeng ngiti kong kausap sa kanya.
"Uh-huh." sabi nitong uminom sa bottled water nito.
"Hindi naman, ah. Hindi naman kasalanan ni Ev kung lapitin talaga sya ng lahat ng uri." sabi ni Clef na nakahilig sa balikat ni Note. Isa pa ‘tong mga ‘to. Hindi nakakatulong ang pagdidisplay nila ng sweetness!
"Ano ka na ni Eva ngayon, Clef? Attorney?" nakataas kilay na sabi ni Lloyd.
Wala ring nakaalam sa school sa totoong sexuality nito. At kung meron man, walang nagtatangkang i-spill ito. Ewan ko ba pero takot ang mga estudyante dito sa grupo ni Lloyd tapos nadagdagan ko pa.
"Hindi naman sa ganun." Umayos ito ng upo. "Naging partners kami ni Ev---"
"Partners?!" sabi ko ng nangangalit sa mahinang tono.
"Patapusin mo nga ako, Amor. Selos ka naman agad, eh." tawa nito.
Alam nito ang kwento nila ni Eva. Nasabi ko bang mga Bampira rin ang mga ito? Oo, sila ang mga tinatawag na converted, yung ‘di talaga in born vampire. Si Lloyd ang in born. 200 years old na ang magkasintahan simula ng kagatin sila ni Uncle Jared. Si Uncle? 400 years old na ata.
Ang aging naman ng mga vampires is 10 years is equivalent to 1 year. Sa kalagayan ko na hybrid, titigil ako sa paglaki sa normal na pamamaraan ng human life cycle pagdating ko ng 16 at doon na magsisimula ang Vampire cycle ko.
May mga immortals rin, katulad ng mga gustong pumatay sa akin. Sila yung bumubuo ng Supreme Arch. Pero malakas ang kung anumang spell from the witches na nakuha ni Uncle Jared. Enough para maprotektahan ako dito sa Pinas.
"Naging 'project partners' kami ni Ev nung sophomore year." na diniinan ang 'project partners' na sinabi nito. "Nung una medyo uneasy sya sa akin pero katagalan I found out ang sweet pala nito, not in the sense na intimate sweet ha." tumaas kasi kilay ko ng sinabi nyang sweet. "I mean, napakacaring nya and thoughtful. She’s always asking me if nakakain na ako before we start, she will bring foods para ‘di kami mabored or even play songs kung napapagod na kami sa project. She's really a good singer. Ewan ko nga ba't ayaw nyang ipakita ang talent na yun dito. Basta sabi nya okay na daw sya sa volleyball. Kaya ayun, misinterpreted ng ibang girls yung gesture nya. They thought there's something going on between them pero wala pala. Don't get me wrong Am, pero kung ‘di lang ako straight, isa na rin siguro ako sa mga mahuhulog kay Evangeline Damian." tsaka sumubo ng salad nito.
"Wow, ha. Close talaga kayo te, ha?" di kumbinsidong sabi ni Lloyd.
Naging masaya na lang din ako sa sinabi ni Clef dahil atleast nalaman kong ‘di pala talaga player ang Eva ko. Mali ang impormasyon na sinasabi ni Lloyd sa akin. Ba't ba against sya kay Eva? Tatanungin ko sana ito ng makitang kong nakatingin at ngumiti ito sa isa sa mga katabi ni Ev.
Nagblush na yumuko naman ang lalaking katabi ni Ev. Ay, flirt talaga tong baklang ‘to.
"Sino naman yang apat na lalaking nasa table nila? I bet close silang masyado. The way they treated Ev ay parang overprotective sila masyado dito." Nasubside na selos ko. Uminom ako ng tubig at sumagot si Note ng ‘di lumilingon.
"Uh-huh. Tama ka. Nung unang pumasok dito si Ev, natry pa syang mabully ng mga yun." tsaka tinignan ang grupo ng mga jocks at cheerleaders na nagtatawanan ng malakas sa cafeteria. "Buti na lang tinulungan sya ng apat na yan na kung tawagin nila ngayong Eva's H." natatawang sumubo ng salad si Note.
Did I mention vegetarian kami? Right, vegetarian nga kami. Haha!
"Eva's H?" confused na tanong ko.
"Uh-huh. Eva's Hunks. Hehe. Sagwa." Sagot nito.
Oo nga. Parang mga prostitute ni Eva yung apat sa group name nila. Haha!
"Hunks naman talaga sila, eh." napakagat labi namang sabad ni Lloyd.
"Eww ka talaga, Loy." nangilabot kong sabi. "So, names?" gusto kong makilala ang kanina pa pinapakyutan ng bakla kong pinsan.
"Yang nakatalikod dito na medyo mataas ang buhok, yan si Miko ang boy version ni Ev na playboy din. Kung ‘di ako nagkakamali, sya ang lead singer ng sumisikat na banda ngayong Poseidon. Don't ask me kung bakit yun ang name ng banda nila. Pero so far okay naman yung songs nila. Si Joma naman yung nakaglasses. Sya ang pinakamatalinong student dito sa Marion. Sa normal na tao, masasabi kong matalino nga sya kasi walang quizzes, exams o assignment ang ‘di nya naperfect. Pero parang may nag-iba sa kanya. Hindi ko lang mapoint out." Sabi ni Note at nagwater break muna.
Nasabi ni Note sa normal na utak ng tao dahil kaya rin naman nilang gawin yun. Ilang beses na rin kaya silang naghigh school. Ilang degrees at diploma na rin ang natapos nila. Nag-aral lang sila sa Marion High ng nagmove sila Uncle Jared sa Marion Town. Hindi naman impossibleng makagawa ng mga fake papers para makapasok sila dito ng ‘di nanonotice na hindi na mga normal high school students ang mga ito. May mga galamay din naman kami.
"Hmm, si Anton yung nakared hair, soccer player captain at matinik din sa chicks."
"Hmmm, ahh sa bakla rin." pabulong na sabi ni Lloyd.
"Anong sabi mo?" tanong ko pero narinig ko naman ang sinabi nya. "Wag mong sabihin may M.U. kayo?" ‘di ito umimik pero nakangiting parang baliw ang bruho. Kilala ko ang pinsan ko. May something sila ni Anton. Pinalagpas ko na lang muna ngayon.
"Tapos si Jon yung nakaakap kay Eva kanina. Basketball team captain. Ang sabi nila super gentleman at mabait. Yung apat na yan parang kuya ni Ev. So, para sayo jealous girl wala kang dapat ipag-alala sa apat na EH na yan." ngiting aso ni Note.
Ngumuso naman ako pero narelieve ako ng sobra. Ahh, so wala talagang kasalanan ang Eva ko. Tapos bigla akong may naalala. Yung babaeng witch!
Pero before pa ako makapagtanong, nandun na ang witch at nakakandong na sa uneasy na si Eva. Tumingin ito sa akin with that apologetic eyes.
"Yan, sya ang dapat mong pangambahan, Amor." natatawang sabi ni Lloyd.
Nagtawanan naman ng mahina si Note at Clef. Hindi na nila kailangan pang tumingin kasi alam na nila kung sino ang tinutukoy nito.
"Pusta tayo, Am. Hindi tatagal ng isang linggo ang pagpapanggap mo kay Ev." nakatawang sabi ni Note sa akin. Aba't hinahamon ako.
"Aber, bakit? Eh kung sabihin ko sayong kahit ilang buwan kaya kong paglaruan si Ev. Grrr! Ang flirt talaga!" nangangalit kong sabi pero ‘di na nakatingin sa mga ito.
"Pusta nga. One week lang tapos pagnatalo ka you'll give me what I want." determinado nitong sabi. Hinahamon nga ako.
"Deal. Anong kapalit?" patutunayan ko sa damuhong ‘to na hindi mangyayari ang inaasahan nyang one week.
"Lamborghini, latest version." Ay demanding. Sabagay, barya lang naman ‘to sa naiwang yaman ng late parents ko sa akin.
"Hindi ba may Lambo ka na?" tapik ni Clef sa boyfriend.
"Eh may latest, eh. Bet naman namin ‘to. Hayaan mo na, sweetie." lambing nito kay Clef. Nagkaroon tuloy ako ng idea. Lagot ka sa akin.
"Okay. Payag ako." nanlaki sa saya ang mga mata ni Note.
"Hala. Payag ka dun, Am?" tanong ni Lloyd na halatang nagpiflirt pa rin kay Anton.
"Uh-huh. Basta pagnanalo ako, kahit malagpasan ko lang ang 1 week, walang s*x na mangyayari sa inyo ni Clef hanggang ‘di ako nabubuko ni Ev." napaubo si Note at ngumuso naman si Clef dito. Hahaha! Tignan natin. Nagpipigil naman ng tawa si Lloyd.
"Deal." lahad ni Note ng kamay nya sa akin. Seryoso sya? Haha. Sige. Fine. At nakipagkamay na din ako.
"Ano? Pumayag ka?" parang naiiyak na sabi ni Clef. "Fine. Maghahanap na lang ako ng iba." at tumayo ito sa kinauupuan na agad namang hinabol ni Note.
"Hahaha! Anong nakain ng lalaking yun? My god! One week na walang s*x? Hindi ko kaya yun!" maarte ngunit mahinang sabi ni Lloyd.
Napangiti na lang ako. Eh, sa virgin pa ako. Hindi ako makakarelate nyan. Haha! Tumayo na rin ako para umattend sa susunod na klase habang ramdam ko ang mga matang light brown eyes ay nakasunod pa din sa akin.
+++
EVA
Hindi ako papayag na hindi makausap si Amor sa araw na ‘to. No! Hindi ako makakapayag na hindi nya ako makilala. Kailangan ko syang makausap! Kaya naman ng paalis na ang mga ito sa cafeteria, hindi ako nagdalawang isip na sumunod.
"Ouch! Ano ba, Ev? Lagi mo na lang ginagawa ‘to sa akin." naiiyak na sabi ni Amber.
Nahulog na naman pala ito sa sahig mula sa pagkakakandong sa akin. Hayy, sinabi ko bang umupo sya sa kandungan ko? Bad shot na tuloy ako sa Amor ko.
"Ah, sorry." nakakamot sa batok na sabi ko. "Mauna na ako." sabi ko sa apat at kinuha ang backpack at kumaripas ng alis. Narinig ko pa ang mga tawanan ng mga estudyante sa cafeteria.
Binaybay ko kung saan nagtungo sila Amor at nakita kong nasa hallway pa ang mga ito kasama ang tatlo pang Manuel. Tumakbo ako sa direksyon nila at hinablot ang isang braso nito ng swabe.
"Amor." sa simpleng hawak lang sa braso nito at nafeel ko ang malalambot na balat nito ay parang kinuryente ang buong diwa ko. Sobra ang effect nito sa akin. Amused namang nakatingin sa akin ang tatlo pa nyang kasama.
"Yes?" taas kilay na sabi nito.
Ang magandang mukha at ang maliit na mole sa gilid ng labi nito'y sending me insane thoughts in my mind. Parang gusto ko na syang halikan sa oras na yun. At ang mga mata nito, ang ocean blue eyes nito. Aaahhh...
Kinulayan ko purposely ng ocean blue ang kwarto ko para maremind ako sa magagandang mata nito. Parang gusto kong umiyak, umiyak sa saya dahil nakita ko na sya.
"Do I know you, Miss?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Nabitiwan ko ang braso nito at parang bibigay na ang mga luha ko sa oras na yun. Hindi nya ako nakilala! Ang sakit! Ang sakit, sakit!
"Uhm. Ahh." ‘di ako makatingin sa kanya dahil parang maiiyak na ako. “Ah no. I-i just want t-to welcome you in our school. I'm Eva by the way. Nice meeting you. Bye." at nagmamadali akong naglakad palayo.
Palayo sa mahal kong si Amor. Bakit nya ako kinalimutan? Bakit? Ang sakit na talaga. Hindi ko na napigilan ang luhang umagos sa mata ko. Patakbo akong pumunta sa gym. Sa oras na ‘to’y wala pang tao doon.
"Nakita namin lahat, Ev. May ‘di ka ba sinasabi sa amin?" Si Jon. Nasa harapan ko na pala sila. Yumakap lang ako kay Jon at umiyak.
Inalo naman nila ako. I love my friends talaga. Huhu! Buti na lang nandito sila.
"Kinalimutan na nya ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit." sabi ko sa pagitan ng iyak. Naupo na ang mga ito sa tabi ko at hinagod ako sa likod ni Jon.
"Pwede mong sabihin sa amin lahat, Ev. Kaibigan mo naman kami. You can trust us." sabi naman ni Joma.
I nodded. Alam ko namang maasahan ko sila kaya I decided na i-kwento sa kanila ang story namin ni Amor. Hindi ko lang din sinabi yung serena part.
"So, childhood sweetheart mo pala si Amor? Tapos nagkahiwalay kayo dahil pumunta sya sa states para magpagaling?" pagkaklaro ni Miko. Tumango ako.
"Tapos sumumpa ka na hihintayin mo sya kahit ilang taon pero four years ka ng ‘di bumabalik dun sa tagpuan nyo kung saan dun mo sinabing maghihintay ka?" si Anton. Tumango lang ako na lumuluha pa rin.
"Yun naman pala, eh." sabi ni Joma. Nalito naman ako sa sinabi nito. "She'll never act like that if you have kept you promise, young lady."
"Ha?" Nalilito akong napatingin dito.
"Simple lang naman, Ev. Hndi ka tumupad sa pangako mo. Sinabi mong hihintayin mo sya kahit abutin pa ng ilang taon tapos ‘di ka nakapaghintay. Ang masaklap pa ng bumalik sya, wala ka na ron dahil naggive-up ka na tapos nalaman nya na rin siguro ang reputations mo. Ayun, nagalit at baka nagpanggap na ‘di ka kilala." may punto nga naman ito.
"Anong gagawin ko?" nahimasmasan na ako ng kaunti.
"Kung tama nga na nagpapanggap lang si Amor na ‘di ka kilala, ‘di makikipaglaro ka rin, Ev." sabi ni Miko.
"Paano?" nakangiti ang mokong sa akin.
"Kaibiganin mo ulit tapos suyuin mo."
"Eh, paano kung wala na syang feelings sa akin kaya mas pinili nya na lang na kalimutan ako?" malungkot na tanong ko.
"Ev, sino bang nagpapaenrol ng kalahati na ng school year? Sigurado akong kararating lang ng Amor na yan dito at dahil nalaman nyang dito ka nag-aaral, dito rin sya nag-enrol para malaman mong nakabalik na sya kasi hindi ka na pumupunta sa tagpuan nyo." may punto si Joma. Galing!
"Teka. Yung tagpuan ba na yan eh yung batuhan kung saan kita nakitang nakatulog?" si Anton.
"Oo." sabi kong umayos na ng upo.
"So, kaibiganin mo at suyuin mo ulit. Tapos kung may feelings pa nga sa’yo, eh di maganda. Bahala ka ng dumiskarte, magaling ka naman dyan, ‘di ba?" sabi ni Miko.
"Mahal mo ba talaga, Ev?" si Jon. Tumango lang ako. Mahal na mahal ko si Amor. Ayoko ng mabuhay kung wala sya. "Then magplano tayo. We'll get your girl back." na tumingin sa tatlong lalake. They nodded for approval.
"Meeting at Ev's laire, after class. Okay?" sabi ni Jon. Nabuhayan uli ako ng loob. I'm gonna get you, Amor! By hook or by crook. Akin ka lang.
"Ahoo! Ahoo!" sigaw namin at nagfist bump.
+++
Kinabukasan...
Nang masatisfy na ako sa ganda kong nakikita sa salamin, bumaba na ako para magpaalam sa maganda kong ina. Humalik ako sa pisngi ng mama ko na masayang-masaya na nagpeprepare sa table. Hindi ko alam kung bakit pero masaya na rin akong nakikita syang ganyan. Aalis na sana ako ng tawagin pa nya ako for breakfast. Hehe, nakalimutan kong kumain dahil excited ako sa plans na nameetingan namin kahapon.
"Kain ka muna nak, kasi may importanteng sasabihin rin ako." hmm, ba’t parang kabado si Mama?
Naupo na lang ako dahil ngayon ko lang nakita si Mama na kinabahan ng ganito.
"Kumusta school?" tanong nito. Pagnormal student ayaw pag-usapan ang school, but form me? No problemo.
"Okay naman, Ma. Tsaka start na pala ng School Prix sa school divisions. Friday night, 6pm. Baka gusto mo lang manood, Ma." pero ‘di talaga ako nag-eexpect na darating ito. Busy kasi ito parati.
"Sige, Anak. I'll try ha. Hindi lang ako magpapromise." ngumiti na lang ako at kumain.
"Ahh, nak. A-Ano. K-Kuwan." napataas ang kilay ko. Si Doc nagstutter? Anyare?
"Ma, it’s okay kung may boyfriend ka na. Wag kang mag-alala, I'm fine with it. Basta ipakilala mo muna sa akin ng makilatis ko. Baka kung sino namang Pontio Pilato yan." Joke lang yun. Alam ko namang pipili ng maayos si Mama.
Para yata itong nabunutan ng tinik sa sinabi ko. Tsaka ngumiti na ito at nagsalita. "Salamat, anak. Wag kang mag-alala. Mabait si Jared. Sya nga pala, uwi ka ng maaga sa Wednesday kasi dito sila magdidinner, nak." sabi nitong nasa masayang tono na. Mukha namang genuine ang pagiging masaya nito. Ngumiti na lang ako at tumango sa Mama ko.
"Salamat anak, ha." si Mama.
"No problem, Ma. As long as you’re happy. Teka, ‘di mo naman kaya ginamitan yan ng mga potion mo?" tudyo ko sa kanya. Nagblush si Mama. Aww, mas maganda si Mama pagnagbablush.
"Hindi, ahh. Never kong gagawin yun para lang magkaroon ng love life." sabi nito na ngumiti na rin.
"Joke lang, Ma. Alam ko namang ‘di mo gagawin yun. Ikaw yata ang pinakamabait na witch na nakilala ko." tsaka tumayo ako, humalik sa pisngi nito at umalis na.
Sumakay na ako sa Lexus ko at excited na pumuntang school.
Mi Amor, here I come. Sabi ko sa sarili ko habang naghahum ng kantang All of Me.