AMOR
PARANG biniyak ang puso ko ng makita ang sakit sa mga mata ng mahal kong si Eva. Pero kailangan kong gawin yun para matuto ito.
Gusto ko na sana itong habulin kahapon at humingi ng dispensa sa ginawa ko sa kanya. Halikan, suyuin at sabihing kilala ko sya. Kilalang-kilala pero pinigilan ako ni Lloyd. Tinawanan naman ako ni Note. Isang araw pa nga lang daw ay bumibigay na ako. Confident na confident na nga itong mananalo sa pustahan namin. Ugh! Self-control take over.
Kinalma ko na lang ang sarili ko at pinigilang huwag rin bisitahin si Eva sa kwarto nito. Kaya ko namang gawin yun ng 'di nya namamalayan pero ikasisira yun ng plano ko. Determinado rin akong talunin si Note nang malaman nito kung sinong kinakalaban nya.
At ito na nga. Another day para turuan ng leksyon ang malanding mahal kong si Eva. Napabuntong hininga ako sa hapag-kainan.
"May problema ba, Amor?" napansin na pala ni Uncle Jared ang pagbuntong hininga ko.
"Ah, wala po, Uncle." sabi kong kumain na sa salad ko. Sila nama'y umiinom ng daily doze nilang dugo.
Nakakaloko namang tumawa ng mahina si Note na tumingin sa akin with the look 'Panalo na ako!' tsaka ko sya binelatan at tinignan ng 'you wish' look.
"Syanga pala." sabi ni Uncle Jared. "Remember yung sinabi kong friend sa inyo last night over dinner?" Eh bakit pakiramdam ko iba ang pagkakasabi ng word na 'friend' ni Uncle Jared at mukhang kinakabahan pa ito.
Tumango ang tatlo habang kumakain, ako naman ay maang na napatingin lang dito. San ba ako last night? Yay! Nagkulong na naman pala ako sa kwarto ko.
"So, pupunta tayo sa kanila para magdinner this coming Wednesday." kinakabahang sabi nito. Eh bakit? Palagay ko espesyal na tao 'to para kay Uncle.
Tudyong nagkatinginan ang tatlo. Out of place ako dito ha pero nakatingin lang ako sa kanila at 'di kumibo.
"Okay, dad. Anything for you." sabi ni Lloyd na nanunudyong nakangiti. Nagblush naman si Uncle.
Espesyal nga 'tong taong 'to. Nagbablush pa pala ang mga bampira? Hahaha!
"Salamat, 'nak." sabi nito ng nakabawi na sa parang pagkakapahiya.
"Uhm... err... Uncle 'di kami pwede ni Clef, eh. Schedule namin for hunting that night." si Note. "Pero masaya talaga kami para sa'yo Uncle." dagdag pa nito.
"Okay. Salamat at suportado nyo ako." masayang sabi nito.
"Ikaw, Am? May lakad ka ba sa Wednesday night?" tanong nito sa akin.
"Wala, kel." tumingin sa akin si Lloyd with pleading eyes. "Pero sige sasama ako." tsaka kumindat ito sa akin.
Napangiti ako. Baka nga kasi mabored ito at walang makausap. Haha! Sabagay, maganda rin namang lumabas minsan.
"Okay, good. So, it's settled then. I'll text her na lang din. Hopefully, dadalo din yung anak nya." sabi nitong nakatuon na sa dyaryo ang mga mata.
"May anak sya dad? Boy o girl?" excited na tanong nito sa ama.
"Girl. Ngayon ko pa lang nga mamimeet eh. Kinakabahan na nga ako." si Uncle Jared.
"Ay... Girl..." dismayadong sabi nito.
Sinipa ko ang paa nito. Naoobvious na kasi ang kabaklaan nito. Napa 'aray' ito ng mahina at tinignan ako ng mabangis. Nilakihan ko lang din sya ng mga mata. Umayos naman ito ng upo dahil naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin. Hindi naman nakahalata ang dalawang lovers dahil busy sa paglalampungan ang mga ito.
Wala namang idea na nagbasa na uli ng dyaryo si Uncle at sinabing, "Sya. Sya. Humawi na kayo'y baka kayo'y mahuli sa inyong aralin. Mag-aral ng mabuti mga bata, ha."
Natawa na lang kaming tumayo sa slight makatang winari ni Uncle.
"Bye." sabay-sabay naming sabi pagkatapos namin humalik ni Clef sa pisngi ni Uncle.
Isang sasakyan lang ang dinala namin. Yung Lambo ni Note. Nasa backseat kami ni Lloyd at syempre ang magsyota ang nasa harapan. Tahimik lang ang byahe papuntang school pero maya-maya'y nagsimula ng magremind si Lloyd sa mission ko. Hayyy, ayoko sanang gawin to kay Ev pero kailangan nya talagang matuto ng leksyon at para malaman rin nitong wala ng ibang babae na dapat nyang mahalin kundi ako. Selfish ba? Bahala na. Basta akin lang si Ev!
Nang magseseparate na kami for classes, niremind ko muna si Note sa no-s*x-deal namin hanggang mabuko ako ni Ev. Ngumuso na naman si Clef pero si Note ngumiti lang ng parang nanalo na. Uh-huh, may binabalak ito. Pero 'di ito magwawagi.
+++
THIRD PERSON
Akala ni Amor mananalo sya sa akin. Hindi ako makakapayag na matalo ako sa kanya. Ayoko namang magalit si Clef sa akin dahil sa kundisyon na tinanggap ko sa pustahan namin. Kaya nag-isip ako ng paraan. Hindi ko rin naman kayang hindi pakitaan ng pagmamahal ko si Clef ng isang linggo.
'Humanda ka sa akin Amor. Win-win din naman ang mangyayari kung nagkataon. Kaso makakalamang lang ako.'
Kaya naman, ng wala pang tao sa locker room, nilagay ko na ang paunang regalo ko kay Ev na tiyak kong magugustuhan nya. I can smell my victory! Yiiieeee! At patakbo na akong umalis papuntang klase.
+++
EVA
Masaya na ang araw ko dahil ngayong araw na isasagawa ang plano namin. Ano ba yun?
Simple lang. Kaibiganin at suyuin si Amor. Ang mokong naman ang gagather ng ibang info about kay Amor at magsisilbing spy ko kung saan man ito tutungo. Hahaha!
Alam kong makukuha ko ulit si Amor. Excited na akong ipaalala kung sino ako sa buhay nya. At kung totoo mang purposely kinalimutan nya ako dahil sa galit lang ito sa akin, kahit pa lumuhod ako sa harapan nya para lang makuha ang patawad nito, gagawin ko.
Hindi ko na rin kasi kayang marinig pa yung mga ibang pasaring ng mga mag-aaral dito. Dumarami ang kaagaw ko sa kanya sa araw araw, eh. Kailangang bumalik na sya sa akin ng mabilis.
Nagring na ang partial bell para sa first period. Haaayyy, imbes maaga akong nakarating sa school para magpaimpress sa mahal ko pero parang malelate pa ata ako. Nagdaydreaming pa kasi. Yan tuloy.
Nakangiti akong binuksan ang aking locker at kinuha ang libro sa English subject, ng may makita akong blue sticky note dito. Ha? Paano nakapasok 'to? Hala, baka may nakaalam ng password ko. Kailangan ko na 'tong palitan. Tsk!
Kinuha ko yung note at napangiting parang baliw na binasa ito gamit lang ng aking mga mata.
Alam ko ang tungkol sa inyo ni Amor. Matutulungan kitang makuha sya ulit. Text mo lang ako sa number na to. 09481235677
-Mr. Kupido
Haha! Natawa ako sa code name nito. Hmm, there's no harm in trying. Tsaka ngayon lang din may nagtangkang mang-iwan ng note sa locker ko. Kahit nga si Amber walang kakayahang buksan ang locker ko. Sure din akong hindi ang apat na kumag ang may paka nito. Medyo hindi kasi kagandahan ang hand written ng mga mokong kaya sure akong 'di nanggaling 'to sa kanila. Tsaka nagmeeting na kami, 'di na nila 'to kailangang gawin.
Sinave ko na lang yung number at dali-daling pumasok sa classroom kung saan gaganapin ang first period. Kasama sa pagpasok ko ang pinakasweet kong smile na ibibigay ko lamang kay Amor ko.
+++
AMOR
The bell ring for the first period at pumasok na kami ni Lloyd sa classroom. Agad na gumala ang mga mata ko para hanapin ang babaeng nagbibigay sa akin ng milyong rason para manatiling buhay pa sa mundong ito. Pero sa dismaya ko, wala pa si Ev. Umupo na lang ako sa usual seat at napansin kong nakatitig ng mariin sa akin si... Jon ba yun? Ah oo, si Jon nga.
"Hi! Welcome to Marion High. Sorry pala kahapon sa inasta ko. Na mezmerised lang kasi ako sa ganda mo." sabi nito at ngumiti.
Lumabas ang mapuputing ngipin nito. Kung ordinaryong babae lang din ako at 'di in love kay Ev, malamang magustuhan ko rin si Jon. Ang gwapo rin kasi ng lalake.
"Ahem. Sorry. Do you even understand tagalog?" paumanhin na sabi nito ng tahimik lang akong nakatingin dito. Tsaka ako natauhan.
"Ah, yeah. A little." tuluyan ko ng pinanghawakan ang maling akala nito.
"Oh, sorry." napakamot sa batok na ngumiti ito. Lalong nawala ang mga singkit na mata sa pagngiti nito. Ang cute naman ng kumag na 'to pero sorry, may Ev na ako. "Mabuti na lang hindi nya ako naintindihan." bulong nito sa sarili. Pero narinig ko yun. Natawa ako sa loob ko.
"What did you say?" sabi kong nagpipigil mangiti.
"Nothing, nothing." sabi pa nitong nakataas ang dalawang kamay. "By the way, I'm Jonathan Kim. Welcome to Marion High." sabay lahad nito sa kamay.
Inabot ko naman ang kamay ko para makipagkamay dito. Mabait naman eh, so why not?
"Thank you. I'm Amor Manuel. Nice meeting you." sabi kong napasmile na rin. Napatanga na naman ito at 'di nabitiwan agad ang mga kamay ko.
"Ahem..." sabi ng kung sino na nakatayo na pala sa harapan namin ni Jon.
"Hi!" sabi nito with the sweetest smile na namiss ko sa sampung taong 'di ko ito nakita. Pinigilan kong huwag mapasugod ng yakap at halik dito.
"I'm sorry nga pala kahapon sa inasal ko. Hayaan mong magpakilala uli ako sayo. Ako nga pala si Eva Damian pero Ev na lang for short." nakangiting sabi pa rin nito with her beauty and gloriousness, sabay lahad sa kanang kamay nito.
Ahh! Grr! Ang hirap. Mabuti na lang napraktis ko na ang poker face ko.
"Ah, Ev. Hindi sya masyadong nakakaintindi ng tagalog." sabi ni Jon. Ah, oo nga pala. Malapit ko ring makalimutan yun. Salamat sa reminder, Jon!
Nakita kong nabahiran ng lungkot ang masayang mukha nito kanina pero agad namang binalik nya ito sa pagiging masaya.
"I'm sorry about yesterday. I know, it's kind of a rude to do that from a person you don't know. But I just want to introduce myself properly, if you don't mind. I'm Eva Damian by the way." Aba, not bad in English naman 'tong mahal ko.
Nakatingin lang ako sa lips nya habang pinopronounce ng maayos yung sinasabi nito. Takam na takam na talaga ako sa labi nito. Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang naetchapwera ang kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Huli na ng maibaba na nya ito ng marealize ko ang aking kamalian.
Nabahiran na naman ng lungkot ang magandang mukha nito. Magsasalita na sana ako ng dumating na ang teacher na si Miss Logan.
"Good morning, class. Please be seated in your assigned chairs." si Miss Logan.
Umalis na si Ev sa harapan ko at nakayukong pumunta sa upuan nito. Ahh, sarap namang sapakin ng sarili ko.
Narinig kong nagbubulungan ang mga kaklase namin. Ako ang topic at si Ev. Nireject ko raw si Ev. Mabuti nga daw sa kanya, dahil nakahanap na ito ng katapat. Yung ibang babae naman, dinamayan ito. Sabi pa 'Kawawa naman si Ev. Kung sa akin na lang sana sya naging interesado, 'di ko sya papahiyain ng ganun.'
Grr! Di ko namang intensyong pahiyain ito, eh. Kasalanan ko bang matulala sa ganda nito? Naman, eh!
Hindi na tuloy ako makaconcentrate sa lecture namin. Si Ev naman ay nakayuko lang at parang iiyak sa kinauupuan. Minsan sinusundot nila Anton at Jon pero 'di pa rin ito nagpapatinag.
Natapos ang klase na nagmamadali itong lumabas kahit pa nga tinawag ito nina Anton at Jon.
Napatingin naman ako kay Lloyd na nagsign lang ng thumbs up sa akin. Para bang nagsasabi ng good job.
Baliw talaga 'tong pinsan kong 'to. Ang hilig manakit ng tao. Napabuntong hininga ako. Nakapagpasya na ako. Hihingi ako ng sorry kay Ev sa third Period. Bakit kasi di kami magkaklase sa second period, eh?! Grrr! Damn schedule!
Third period. Fourth period at lunch break. Wala akong nakitang Eva. Parang sinaksak ang puso ko sa sakit. Mukhang nasaktan ko nga sya sa ginawa ko kanina. Hayyy.
"Eh, ba't ka mukhang semana santa dyan?" tanong ni Lloyd.
Nasa cafeteria kami ngayon taking our lunch. Actually, 'di naman sana need pa na pumunta kami rito pero para 'di kami masuspetsahan eh kailangan naming makihalubilo sa mga tao.
Hindi ako kumibo at pinaglaruan lang ang pagkain ko.
"So, tama pala narinig ko. Pinahiya mo si Evangeline Damian sa harap ng buong klase sa pag-ignore mo sa kanya. Wow, Am. Galing mo!" kutya ni Note. Siniko naman ito ni Clef.
"Oo nga, eh. Kung nakita nyo lang ang mukha ni Ev, parang batang inagawan ng kendi na gusto ng umiyak." tumawa naman si Lloyd.
Tinignan ko ito ng masama. Tumigil naman ito sa pagtawa. Bakit ba inis na inis ito kay Ev?
"Tumigil nga kayo." sabi naman ni Clef na nakatingin sa dalawang hunghang. Tsaka ito bumaling sa akin. "Alam mo Am, I think you need to apologize kasi naging mabuti naman daw yung approach sayo ni Ev. Ikaw daw 'tong mean masyado at inignore mo lang si Ev. Alam mo naman ang reputation nya dito sa school. Kung may misyon ka man ngayon sa kanya, huwag namang umabot sa punto na mapahiya ang isang tao sa madlang people dahil sa childish na paghihiganti mo. Hmm."
Nakayuko lang ako. Oo nga, ang bad ko. Hahanapin ko si Ev at magsosorry. Ginamit ko ang pang-amoy ko pero 'di ko sya maabot. Sense of hearing ko naman ang ginamit ko para makinig sa usapan ng EH.
"Nakita nyo ba si Ev?" bakas sa tono ni Miko ang pag-aalala.
"Gusto nya lang daw munang mapag-isa." buntong hininga ni Jon.
"Nasaan ba sya?" Si Joma na nakawak sa isang libro.
"As usual, nasa gym. Pinapagod ang sarili." sabi ni Anton na 'di rin mapakali.
"Puntahan kaya natin? Baka anong gawin nun, eh?" si Miko na tatayo na sana pero napigilan ni Jon.
"Kilala nyo si Ev. Pagsinabi nyang she wants to be alone, she mean it." patapos na sabi ni Jon. Umupo na lang si Miko pero halatang 'di pa rin kumbinsido.
Masaya ako dahil ganito na lang kalaki ang concern ng mga ito sa Eva ko. Atleast sa pag-stay nya dito sa lupa, biniyayaan sya ng apat na mababait na mga kaibigan.
Sa narinig ko, bigla akong tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Note.
"Kay Ev." ngumiti ito ng winner smile na 'di ko na lang pinansin at agad na umalis.
+++
EVA
Nasira ko na ang plano namin. Pabuntong hininga akong nagbihis ng lose shirt na walang manggas sa loob mismo ng gym. Wala akong pakialam kung may makakita ng hubad na upper body ko. May sports bra naman ako kaya okay lang din kung may makakita. Hinubad ko ang boots ko at sinuot ang Sketchers sports shoes ko. Hindi na ako nagchange ng pants. Stretchable naman lahat ng skinny jeans ko. Tsaka ko ginapos sa messy bun ang nakalugay kong buhok.
Ngayon, papagurin ko na lang sarili sa paglalaro ng basketball. Kakalmahin ko muna ang aking sarili para makafocus ako sa plano namin. Though masakit masyado ang puso ko at parang sasabog na, kailangan kong magtiis muna para naman magood shot ako kay Amor.
Dapat smooth lang muna ang moves ko para naman huwag syang mapressure sa akin. Hindi ako maggigive-up kay Amor. Determinado na talaga akong bumalik sya sa akin kahit pa ilang beses nya akong hiyain sa harap ng madla.
Admittedly, may karapatan rin naman kasi itong magalit sa akin. Hindi kasi ako tumupad sa promise ko sa kanya. Kung ito man yung totoong rason, kailangan kong magtiis hanggang sa mapatawad nya ako.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong nasa gym at ilan na rin ang nashoot at 'di ko nashoot sa hoop.
Nahiga ako sa sahig ng court ng mapagod na ako. Taas baba ang dibdib ko sa pagod na nararamdaman ko. I stayed like that for I don't know how long ng tumunog ang cellphone ko.
Si Anton ang caller. Hinahanap ako para kumain. Lunch na pala ng 'di ko namamalayan. Wala rin akong ganang kumain ngayon. Kaya naman sinabi kong lubayan muna nila ako. Alam naman nilang pagsinabi ko sa kanila na gusto kong mapag-isa, I mean it.
Pagkatapos kong makipag-usap kay Anton at kulitin ako kung nasaan ako, inilapag ko lang sa sahig ang phone ko at pumikit. Mananaginip na lang muna ako sa mahal kong si Amor.
Dumating si Amor sa gym at lumapit sa kinahihigaan ko. Nakatingin lang ito sa mukha ko habang nakaupo sa tabi ko. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa aking mukha. Nakapikit pa rin ako. Hindi ko daw namalayan na nandito pala sya sa tabi ko.
Hanggang sa malapit na nga masyado ang mukha nito tapos... hinalikan ako! Napamulat ako dahil akala ko kung sinong estranghero ang humahalik sa akin. At ng makita ko ang magandang mukha ng mahal kong si Amor ay agad akong tumugon sa halik nito ng mas mapusok.
How I missed her lips. Ang mga malalambot na mga labi nito. Agad kong pinapasok ang dila ko na mabilis naman nitong pinagbuksan. Hindi ko napigilang mapaungol sa pagnanasang nararamdaman ko ngayon sa kanya.
I pulled her closer to mine at hinayaan ang mga kamay kong gumala sa katawan nito. Pinasok ko sa loob ng shirt nya ang isang kamay ko at pinisil ang isang boobs nya kahit na nakabra pa ito. May malusog na boobies ang mahal ko. Ahh, ano kayang lasa nito?
Napaungol ito sa ginawa ko. Parang ito na yata ang pinakamagandang sound na narinig ko sa buong buhay ko. I can't take it anymore. I want her more.
Agad kong pinalit ang position naming dalawa at saglit lang ay nasa ibabaw na nya ako. Tinitigan ko ang mga mata nitong naging dark blue dahil na rin sa pagnanasang nakalarawan dito.
"I want you, Amor. Mi amor." sabi ko in my deeply wanting voice.
Napakagat labi naman itong tumango. Dahil sa kagat labi na yun, lalo lang naignite ang pagnanasa ko dito. Muli kong agad na tinikman ang naghihintay na labi nito.
Hinalikan ko ng parang uhaw na uhaw sa mga labi si Amor. Licking, biting, sucking her luscious lips until mag swollen ito. Then I trailed kisses to her jawline, sa leeg kung saan parang halimaw akong nagsasuck. Moans escape from her mouth. Pleasure moans.
"Evvv... Ahhh." oh that was sexy.
I grope her breast with my two hands and started to grind at her. She's breathlessly moaning my name na nagpaturn on pa lalo sa akin. I felt something wet between my thigh.
Ibinaba ko ang isang kamay ko sa pagitan ng hita nito while kissing her hard again. Ahhh, this is more than heaven. Basang-basa rin ang mahal ko. I can feel it.
Unti-unti kong binuksan ang butones ng pantalon nito nang pigilin ng isang kamay nito ang kamay ko.
Tsaka tinawag ang pangalan ko ng paulit-ulit. Feeling ko may yumuyugyog sa akin. Hanggang sa nagising nga ako, panting for air. Nakasalubong ko ang mga mata ng sanhi ng wet dreams ko.
+++
AMOR
Mabilis ko namang nahanap ang gym. Praktisado ko na ang linya ko habang hinay-hinay kong binuksan ang pintuan ng gym.
Nakita ko si Ev na mahimbing na nakatulog sa sahig. Kahit pawis na pawis ito, hindi ko napigilang mapakagat labi dahil sa kasexyhan nito. Umupo ako sa kanyang tabi at pinagmasdan ng matagal ang kanyang mukha.
Hahaplusin ko na sana ang mukha nya ng umungol ito ng bigla.
"Amor, ahhhh, Amor." Hala.
Nagwewetdreams ang mahal ko sa akin?Nagblush akong napangiti sa kung anuman ang pinapanaginipan nya ngayon.
Atleast ako ang nasa isip ni Ev sa mga oras na ‘to. Napapalunok ako habang tinitignan itong hinahaplos ang sarili. Muntik na akong mawalan ng self-control ng hawakan nito ang isang boobs at pigain sa napakasexual na paraan.
Oh god! Pinagpapawisan ako sa ginagawa nito. Ungol pa rin ito ng ungol at tawag ng tawag sa pangalan ko. Hanggang sa bumaba ng bumaba ang kamay sa jeans nito at tinanggal ang pagkakabutones. Para akong nanigas na nanlalaki ang mga matang nakatingin lang dito.
I really want her to continue what she's doing, but I must do something. Hindi ko yata kakayaning tignan lang ito habang pinepleasure ang sarili. Bago pa ako makalimot sa totoong pakay ko dito, nahawakan ko na ang kamay nitong papasok na sa v-part nya. Ginising ko ito.
Sorry, Ev!
"Ev... Hey, wake up." I can feel the heat on my cheeks. Wooh! Ba't ba ang init dito? Mentally, pinaypayan ko ang aking sarili. Hahaha! Alam ko namang ‘di init ng panahon ang dahilan ng pag-iinit ko.
Ev answered with groan. Magcocomplain pa sana sya ng makita nya ako. Agad itong napaupo ng maayos at nagface palm. Ngumiti ako ng palihim. Pulang-pula ito sa kahihiyan.
"Oh god. Anong ginawa ko? Nakakahiya!" pinapagalitan ang sariling sabi nito. "Gosh, Eva. Grr!" nakaface palm pa rin ito. Kitang-kita ang pulang-pula na ang mga tenga nito. Hahaha! How cute!
"Hey. Uhm... gusto ko sanang humingi ng tawad sa ginawa ko kanina sa first period. I didn't mean to do that, I got distracted kasi." sabi kong napalunok.
Paano naman kasi, kitang-kita ang magandang katawan at sports bra nito sa walang manggas na lose T-shirt. Yay! Buti na lang ‘di nya ako nakitang pinagmamasdan ko sya dahil nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa mukha nito.
"Wait. Akala ko ba ‘di ka nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog?" sabi nitong sumilip ang isang mata sa kamay na nakatakip pa rin sa mukha.
"I told Jon, I do speak and understand tagalog. A little. And still learning." partly totoo naman yun. Parang binili nya naman alibi ko.
"Okay. So, that's why you came here? To apologize?" Sabi nitong nakatingin na sa akin.
Medyo nagsubside na ang redness nito. Nakayoga style kami ng upo. Medyo malapit lang din ang distance namin. Ang sexy nyang tignan sa pawis na katawan. Ang sarap halikan ng leeg nya na kitang-kita sa nakabun nitong buhok.
"Uhm, hello?" sabi nitong pinalantik ang dalawang daliri sa harapan ko.
"Ah yeah. Kasi I got distracted." Grr. Palagi na lang akong nagsozone out pagkaharap ko sya.
"Distracted saan?" maang na tanong nito.
Ang cute nito pagnagmumukha itong walang alam sa mundo. Haha! Lahat ata ng gawin ng Eva ko eh cute.
"Uhm err... Sa'yo. Sa ganda mo." wala sa sariling nasabi ko. Uip! Sorry, huli na para bawiin.
"Ay. Salamat." sabi nitong napayuko at nagblush. Haha! Si Eva Damian na playgirl ng Marion High napablush ko. Hahaha!
Ngumiti ako at sinabing, "So, am I forgiven?" tumango ito na hindi tumintingin sa akin. Ang cute talaga ng mahal ko.
"Pakilala na lang ulit tayo, kung okay lang sa'yo." Totally nakalimutan ko na ang white lie ko. Tagalog galor na ang lola nyo. Hehe. Ngumiti ito sa akin. Lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito. Ayy! Namiss ko yan. "Ahh, I'm Iris Amor Manuel. You can call me Amor." sabi ko na lang na lahad ang kanang kamay ko. Magpigil ka Amor. Ilang araw pa. Wag ka munang bibigay! Pangangalit ko sa sarili.
"I'm Evangeline Damian, you can call me yours, I mean Ev for short." at kinamayan ako.
Ang lambot ng mga kamay nito. Tsaka mahinang piniga nito ang kamay ko. Haha! Pasimple nito. Whew! So, that's how she roll? Nakangiti pa ang bruha. Flirt talaga, oh. Naremind tuloy ako sa Mission101 ko. Ako unang bumitiw sa kamayan namin.
"So, totoo palang playgirl ka?" diretso kong tanong. Nakataas ang isang kilay.
Mapait naman itong tumingin sa akin. Nawala ang ngiti nya sa labi. Para tuloy gusto kong sampalin ang bibig ko sa aking nasabi.
"Hindi naman ako playgirl eh. Kasalanan ko bang lapitin ako. Sila ang flirt, kasi sila ang lumalapit sa akin." nakangusong sabi nito.
‘Sabi nga ni Clef.’ Gusto kong sabihin pero nunca ko syang ijajustify sa pagtataksil sa akin.
"Ow? Eh, di ka naman tumanggi? Sinunggaban mo rin?" parang halata na ako masyado nito ah. Open-close ang bibig nito. Hindi na makapagsalita. Kaya before ko pa maibuko ang sarili ko dahil sa galit ko ay iniba ko na lang ang usapan. Masisira pa plano ko eh.
"Uhm, sorry. Buhay mo nga naman yan. Anyway, kumain ka na ba?" I'm sure gutom na ito. Sa dami ng pawis nitong nawala baka malamang nadehydrate na rin ito.
"Ahh bu---" di nya natapos ang sasabihin dahil tumunog ang tyan nito. Napakamot ito sa belly at ngumiting humingi ng paumanhin. Haha! Cute. Napangiti ako. As in toothy grin.
"Buti na lang may dala akong pagkain." sabi kong inabot ang sandwich.
"Ay. Salamat." tsaka walang kyemeng kinuha ang inabot ko. Mabilis nitong naubos ang sandwich at nagpasalamat ulit sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango. We stayed there talking with one another like usual friends. Odd, ‘di ba? Pero I found myself enjoying talking with her. Random lang naman mga topics namin. Like school and favorites na alam ko na pero nireview ko lang, baka kasi nag-iba na ang likes at dislikes nya.
Pareho nang favorite color nya, which is Ocean blue. Naging favorite nya daw yun kasi dahil sa first love nya. Hindi ko naman ito kinulit sa detalye pero kinilig ako ng sobra. Sinabi nya rin kasi ito sa akin 10 years ago. Kulay kasi ng mga mata ko iyon.
She still hates to eat seafoods. Hindi sya nagbigay ng rason but I know, kasi nga serena sya. Alangan namang kainin nya mga kauri nya.
I disclose some of my life info rin naman. Hindi na lang din ako nagtanong from the past at gladly, ‘di rin sya naghalungkat. Obvious na iniiwasan nya yung topic na yun. Masaya at masarap kausap si Ev. Ang daldal pa rin nito. Gaya ng batang serena na nameet ko 10 years ago.
Hindi namin namalayan ang oras at 3pm na pala. Wow! Kailangan nya na rin daw kasing umalis kasi may practice sila ng 3:30 para sa Grand Prix this friday.
"Err, nood ka ha." hesitant na anyaya nito. Pero may something sa mga mata nito na hoping that I’ll say yes.
"I'll try. Caloy invited me to go out kasi this friday." totoo naman yun.
Si Caloy yung Team Captain ng Volleyball Men na laging kinukulit ako na makipagdate sa kanya. Syempre ‘di ako pumayag. Gusto ko lang makita ang reaction ni Ev.
"Ahh." malungkot na sabi nya at may halong selos ang tono. "Okay. I understand." nakangiting may bahid ng lungkot na sabi nito.
Amor, one. Eva, zero. Haha!
"I have to go. Nice talking to you." Sabi nitong tumayo na at chineck nito ang phone na sabay-sabay ang tunog ng text messages. Saka naman nagring na talaga. May tumatawag dito. "I'll see you tomorrow?" tanong nito. Tumango ako. Ngumiti ito.
Before ito tuluyang umalis, nabigla ako sa ginawa nito. Hinalikan nya ako malapit sa labi at bumulong. "Bye, Mi Amor."
Hindi ako nakapagreact dahil patakbong umalis na ito. Napahawak na lang ako sa parte ng mukha kong nahalikan nya.
Amor, One. Eva, Swak!
Tsaka ako nakangiting lumabas na ng gym.
Haayy, Eva. Eva ko.