MATTEO'S P.O.V.
Pag labas ko ng opisina ko ay wala na si Janine, naalala ko kung anong nangyari kanina, bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib na para bang sinuntok ako. Bakit ako nag kakaganito?
EARLIER THAT DAY(LUNCH BREAK)
Bumalik ako ng office at hindi dinatnan si Janine sa kanyang lamesa, "marahil nag lunch yun, Jadea! Nasaan si Janine?" 'Nasa Pantry po sir kumain'. Tama nga ako sa naisip ko. Sumunod ako sa pantry at hinanap siya duon ay nagulat ako sa nakita ko kasama nanamn niya yung Nicolas na yon at sobrang saya pa niya! Ano bang meron yong lalakeng yun? Bakit kapag yuon ang kasama niya ay ang saya niya?! Binalot ako ng selos at umalis sa pantry at bumalik sa aking opisina.
Matapos ang lunch ni Janine ay pumasok siya sa aking opisina nagulat pa siya na dumating na ako 'Andito napo pala kayo sir, ilalagay ko lang po sana sa table niyo itong mga papers para ma review niyi po'. '
"Bakit hindi ba ako dapat andito? Dibat opisina ko to?" 'Ahm.. Hindi po yun ang ibig kong sa--' "Nevermind akina at pag aaralan ko na ang mga yan". Tinitigan ko siya at hindi mawala sa isip ko ang ngiti na meron siya tuwing kasama niya ang Nicolas na yon!
'Sir?' "Hmm?" 'Okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba ng kape?' Nakuha pa talaga niya akong tanungin ng ganoon? "Mukha ba kong okay ha? Janine!" Napatulala siya sa sobrang lakas ng sigaw ko at naistatwa. "Pwede Janine? Lumabas kana!" Napatingin ako sa kanya at nakita kong tumulo ang luha niya, akmang tatawagin ko ang pangalan niya ng tumakbo siya palabas ng opisna ko. Napayuko nalang ako, "what am I doing?"
Hindi ako makatulog, anong meron ka Janine? Bakit nagkakaganito ako? Pinangako ko sa sarili ko that I will never love again! Paano kita haharapin bukas? 11pm na hindi parin ako tulog. Bumangon ako at nag desisyon puntahan si Janine sa kanila.
Kumatok ako sa pintuan nila Janine, 'Ano ho yun?' Isang bata ang kumatok, kapatid niya bato? "Hi! Anjan ba si Janine?" Tinignan ako ng bata mula ulo hanggang paa. 'Sino po sila?', 'Kiko? Sino ba yan gabing gabi na nagbubukas ka ng pinto basta bsta!' Lumapit ang aunty ni Janine. 'ay sino ho sila?' "Anjan ho ba si Janine?" 'Ha? Eh sino kaba? Bat mo hinahanap si Janine?, my atraso ba siya sayo? Utang? Teka?! Wag mong sabihin na boyfriend ka niya?!' "Naku hindi ho nagkakamali kayo" sumilip ang aunty niya sa labas at napatingin sa aking sasakyan.
'Eh sino ka nga?' "Boss niya ho ako, anjan ho ba siya?" 'Ay ganun di mo naman sinabi agad iho, pasok pasok' masayang imbita sakin ng aunty niya, biglang nagbago ang pakikitungo nito sakin. Maayos at malinis ang bahay nila, mukhang okay naman ang pamumuhay nila, 'upo ka muna teka kunan kita ng maiinom, ano ba gusto mo iho? Kape? Juice? Tubig? Softrdinks?' "Kahit ano po" 'okay sige feel at home' umalis siya at nagtungo sa kusina. Nag mamasid ako sa paligid ng biglang.
'Aunty, tapos ko napo mga labahin may pagagawa papo ba kayo? Para maka tu-' Nagulat ako sa itsura ni Janine halatang pagod na pagid at antok na antok na siya. 'Sir? Ano ho ginagawa niyo dito?, bat kayo andito? Di kayo pwede dito sir!' "Look Janine, I am here to say sorry" 'okay napo yun sir pero please alis napo kayo pls po' tinutulak niya ako papuntang pintuan. "Wait why?" 'basta po' "I will not until you tell me why at saka diba dapat nagpapahinga kana? Ikaw ba lahat gumagawa dito?" 'Oh anong ginagawang jan?, Janine mag ayos ka naman ng sarili mo nakakahiya sa boss mo' 'opo aunty' Sabat akyat sa kanyang kwarto.
'Naku iho masipag talaga yang pamangkin ko na yan. Kaya hanggang ngayon di pa natutulog' napaisip ako hindi ko naman tinatanong sa kanya pero siya na kusang ng paliwanag. 'Saglit lang iho ha, akyatin ko lang si Janine.' tumango ako at umalis naman ito. 'Naku kuya wag kayong naniniwala jan kay aunty' "ha? Bakit naman?" 'Boyfriend ka po ba ng ate ko?' "Ate? Kapatid mo si Janine?" 'Opo' kapatid pala niya ang nagbukas ng pinto sakin. 'Minamaltrato niya si ate, tas si ate pa gumagastos ng lahat dito, kung meron nga lang kaming titirhan? Aalis kmi dito eh sabi ko nga kay ate iwan nalang niya ako dito, kaso ayaw niya'. Nagulat ako sa mga nalaman ko bat siya nagtyatyaga ng ganito? "Asan ba ang mga magulang niyo?" 'Wala na po patay napo si mama si papa naman po may ibang pamilya na.'
'Aunty tama napo!' Biglang sumigaw si Janine mula sa kanyang kwarto, 'si ate!' Tumakbo si Kiko papunta sa kwarto ng ate niya. Sinundan ko ito at duon nakita ko na sinasabunutan si Janine ng kanyang Aunty. Akmang sasampalin nito si Janine ng pigilan ko ito. "TAMA NA HO!" 'ah eh sir naku mali ho kayo ng iniisip sumasagot kasi itong si Janine kaya ko nasaktan', "wag na ho kayo mag sinungaling alam ko ho ang totoo sinabi na ho sakin ni Kiko, pwede ko silang tulungan para maireklamo kayo, pero hindi ko gagawin yun!" 'Naku salamt iho sabi ko na mabait ka' "pero kukunin ko na sila Janine dito sainyo" 'Ano?! Hindi pwede!' "Mamili kayo, hahayaan niyong umalis sila dito o pakukulong ko kayo ngayon na?!" 'sige lumayas kayo! Wala naman kwentang babae yan magsisi kalang!'
Umalis ito sa kwarto ni Janine, 'sir bat ho ba nakielam pa kayo, wala ho kaming pupuntahan magkapatid! Dapat di kayo nanghihimasok basta basta sa buhay ng ibang tao, boss ko lang ho kayo!' "Look Janine, hindi ko kayo pababayaan, I have a condo unit malapit sa office and no one is living there duon kayo tumira". 'Sir, wala na hong libre sa panahon ngayon, at isa pa ano ho sasabihin ng mga magulang niyo?' "Okay sige ganito nalang pansamantala duon kayo, kapag nakaipon kana panlipat alis na kayo" 'ate sige na please ayaw ko na dito' pagmamakaawa ni Kiko kay Janine. Tumango ito at ngumiti sa akin.
"Tara na?" Binitbit ko ang ibang mga gamit nila papuntang sasakyan ng biglang may papalapit samen na lalake at tila hingal na hingal ito sa pagtakbo. 'JANINE! Anong nangyare?san kayo pupunta?' 'Bill, duon muna kami sa-' "Dun muna sila sa condo ko,safe naman duon, Matteo" inabot ko ang kamay ko bilang pagpapakilala. 'Bill' at inabot rin naman niya ang kamay niya sa akin 'ikaw na bahala sa kanila pre, tawagan kita Janine ha tawagan niyo rin ako kapag may kailangan kayo' 'salamat Bill!' Inakap ito n Janine. Sabay alis ni Bill. "Sino yon?" 'Bakit ho sir? Nakakunot nanamn yang nuo niyo' "Sino nga yon? May paakap akap kapa!" 'hala sir selos?' natulala ako sa sinabi niyang yon, nagseselos na nga ba ako?