Chapter 2: Unknown Number

2056 Words
Louis Seriano: Merry Christmas! I just replied a GIF with a quotation ‘Merry Christmas’. Natapos na kami sa bigayan ng regalo at sa exchange gift. I got bags from Kuya Rence and Kuya Dave. At necklase naman ang natanggap ko sa exchange gift na galing kay Kieth, my cousin sa father side. It’s so cute! Ang ganda ng design with some rain and cloud sa pendant. Maingay lang ngayon kasi nagkakatuwaan ang mga apo ni Lola, including me. May pa games si Ate Jeanna. She’s the most wealthy sa aming magpinsan. Siguro dahil siya ang unang apo at nag-iisang anak ni Tito Albert at Tita Jean na halos pinasok na ang lahat ng negosyo. “Walang ganun,” natatawang sabi ni Ate Jeanne, siya ang may hawak ng microphone. Song association ang game na ginawa niya. Kung ano-anong kinanta na lang kasi ni Kuya Dave. ‘Di ko nga din ‘yun maintindihan eh. Napataas na lang ng dalawang kamay si Kuya na parang sumusuko sabay inom ng binigay ni Ate Jeanne sa kanya. Wala naman ng minor sa amin, kumbaga mga gurang na ‘tong kasama ko. Nasa labas ang mga matatanda. Tulog na rin sina Lolo at Lola. May mini party din sa mga kasambahay dito. ‘Di ko nga lang sure kung nasaan sila o baka andun sa quarter nila. Nagpatuloy pa kami sa laro hanggang sa mag-umaga na. Naisipan lang naming matulog ng malapit ng sumikat si haring araw. Maliligo din daw kasi kami mamaya sa may batis ‘di kalayuan sa hacienda ng mga Aranzo. “Larga na?” Zane asked. He’s the most playful one among the boys. “Ulol, wala ka namang sakay diyan kaya pwede ka ng mauna,” pang-aasar ni Jaira or maybe stating a fact. Nasa kanya kasi lahat ng mga gamit namin at ang mga kakainin din namin. Nag-volunteer lang si Kuya Rence na doon siya kasi baka daw masira ang mga pagkain. Sumunod din sa kanya ang ibang mga boys. Bali apat na sila doon sina Kuya Rence, Zane, at ang magkapatid na Ryan at Reid. Dalawa na lang ang kasama naming boys sa sasakyan only Kuya Dave and Peter. At limang babae, Ate Kieth and her younger sister Ate Shella, Ate Jeanne, Jenny and me. Kasama din namin ang puppy ni Ate Jeanne because she can’t live without it. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na kami. Dala ng mga lalaki ang mga pagkain at gamit namin. May lalakarin pa kasi kaming halos limang minuto patungo sa destinasyon. ‘Di kasi pwede ang sasakyan doon kasi mabato na maraming mga kahoy. Nang makarating kami sa place nakakawala agad ng problema kahit wala naman akong problema. It’s just felt so majestic. Ang ganda talaga. May batis sa gitna ng napakaraming bato sa gilid. Bali napapalibutan ng mga bato ang batis. May rumaragasang tubig din na siyang pumupuno sa batis. At ang lawak ng lugar pero hindi putik ang nandoon kundi mga bato lang na siyang nagpapaganda sa paligid. May maliit na kubo na pwedeng lagyan ng mga gamit. Kaya doon agad ako dumiretso para makapagpahinga. Ang mga lalaki ay kumukuha ng mga sanga gagawin daw na bubong para ‘di masyadong mainit ‘pag nag-iihaw na. Si Zane lang ang tumalon agad ng makarating kami. May isang malaking puno kasi sa taas na pwede mong talunan ‘di nga lang masyadong mataas pero kung gusto mo ng mas mataas pwede ka namang umakyat malaki naman kasi ang puno kaya lang nakakatakot na tingnan at delikado din. Busy ang babaeng magbihis kaya kumukuha muna ako ng litrato. Ang ganda kasi dito kahit ilang beses na kaming narito. “Ako din Raine!” sigaw ni Zane g makitang halos ‘di ko siya kailan man tinapatan ng camera. Napanguso na lang ako ng makita ang ginawa niyang posing. Kakahiya talaga ‘tong kumag. Nang matapos ko siyang kunan ay pumunta pa siya sa gilid ko upang tingnan ang kuha ko sa kanya. “Pwede na din,” nanunuyang sabi niya na tila kulang pa ng ganda ‘yung kuha ko. Paano naman gaganda ‘yun kong siya ang nasa litrato? “Epal mo,” sabi ko sabay pingot ko sa tenga niya. Nang magdilim ay umuwi na din kami. I just posted the photos I’ve captured earlier. And my self’s photo with a red swimsuit. Puro kutya lang ang nakukuha ko sa mga pinsan kong lalaki. Napatingin agad ako sa notification ko ng may nag-notify pero nawala din agad but it’s too late though. I’ve already seen it. Maybe he’s stalking me or just someone passing by. Minutes later he message me. Louis Seriano: So cold but you’re hot. ‘Yun lang. Napaisip agad ako kung saan ‘yung na sinasabi niya. Lorraine Gerona: What? I was planning on replying him with only a question mark but I think that was mean. Baka sabihin pang ang maldita ko masyado. Well maldita naman talaga ako but I don’t know why I’m making an effort to reply to him though. Miminsan lang talaga ako nagre-reply. ‘Pag nasa mood lang. Louis Seriano: You’re beautiful. Feel ko ang init na ng mukha ko. Wtf? Raine? Really? Halos araw-araw ka naman nakatatanggap ng compliment sa iba pero bakit sa kanya ganyan ka na maka-react? Palagay ko isang minuto muna bago ako maka-reply with a ‘Thanks’ but I guess that was so nakakahiya because I’ve seen it just a second he replied and it almost took a minute before I replied. Halatang kinilig pa. Louis Seriano: Christmas gift ko, Miss? Lorraine Gerona: Gago! I don’t even know you. ‘Di ko naman kasi siya kilala eh. I just knew his name, that’s all nothing more. He seen it! And he’s typing! Binasa ko ulit ang message ko nang makitang natagalan siya sa pag-reply kahit na-seen niya na. Maybe that was wrong? Ano ba dapat ang sinasagot? I felt like a teenager again thinking of how to get my crush like me back. Crush! Yeah. Tumayo muna ako nang makitang ‘di pa rin siya nakapag-reply. I don’t even know why I’m waiting. Pinatay ko nalang ang ilaw na nagliliwanag sa buong kwarto. Dalawa kaming nasa kwarto Jaira and me. Pero tulog na siya siguro dahil napagod. ‘Di naman ako napagod masyado kasi kuha ng kuha lang naman ako ng mga litrato. Naligo lang ng pauwi na. Sila eh halos ‘di na umalis sa tubig kaya siguro napagod at nakainom din. Pagka-upo ko sa kama tsaka ko pa lang narinig ang reply niya. Hininaan ko agad ang sound ng makitang gumalaw si Jaira pagkarinig sa notification sound ko. Louis Seriano: Fuck! ‘Di ko alam kung ma-o-offend ba ako sa reply niya o ano. Seriously? ‘Yun lang? Busy ba siya? Tatanungin ko na sana ‘yun ng makitang may chat na naman siya. Louis Seriano: That ‘Gago’ was echoing in my mind. Paano pa kaya kung narinig ko ‘yan mismo galing sa kissable lips mo. Btw you already know my name so I guess I’ll just introduce once we’ll meet. Nanlaki naman mata ko ng mabasa ang reply niya. Ang bastos! Kissable lips daw? Gago talaga! Pero ano naman nakakabastos doon? Maybe he’s just complimenting me? But I don’t like his compliment. Nakakabastos kahit madami naman akong bastos na pinsan. Lorraine Gerona: Asa ka namang magkikita pa tayo. I sent it nang may galit. ‘Di ko rin alam kung bakit galit ako basta ‘yun ang nararamdaman ko. Louis Seriano: I have eyes. You have eyes. May chance pang magka-eye to eye tayo. *wink* Don’t he know how to use emoji? Kailangan talaga word? Lorraine Gerona: Ok. Sent. I read it again and saw something was wrong. That was supposed to be just ‘K’ but how? Nevermind. I saw no reply so I just listen 90’s love song hanggang sa nakatulog na ako. Uuwi na kami bukas. And Dad’s been busy telling the housemaids left in house to clean. Mommy on the other hand busy exploring in hacienda. She wants to have some flowers sa birthday ni Dad so she visit the plantation but she’s not picking it up baka malanta daw bukas pa naman kami aalis. Si Kuya Dave umalis na kaninang umaga. He’ll be going to Japan this time. I don’t know why he’s always there alam ko namang halos alam na niya ang mga ulam doon. Maybe he just the place so much? That’s why he keeps on coming back. Nanood kami ng basketball sa court na malapit sa bahay ng Lola. ‘Di naman ‘to kalayuan, just a 5 minutes walk lang. And the silent place filled with shouting and roaring. Sanay na kami sa ganito kasi laging ganito sa school kapag may pasok. The boys loves basketball so much. We are their cheerleaders. Sometimes. Kasi most of the time we’re just sitting on a bench and just watch them play. Nakikita naman kasi namin sila palagi kapag sa bahay naglalaro. “Sayang ‘yun, gago,” wika ni Peter kay Reid habang binubuhos ang isang bote ng tubig sa ulo niya. Napailing na lang si Reid sabay hablot ng hawak ni Jaira na tubig at ininom iyon. Nakita ko namang pinanlakihan siya ng mata ni Jenny pero tinawanan lang siya ni Reid. “Damihan mo kasi,” pang-aasar pa niya. “Ginawa mo naman akong trabahador mo,” napapailing na sabi ni Jaira habang nakatingin sa Kuya niyang basang-basa na ng pumunta sa tabi niya. “Well, you looked like one,” pagkasabi niya n’un ay ibinato niya sa gilid ni Zane ang bote ng tubig sabay takbo sa gitna. “Okay lang ‘yan baby girl,” sabi naman ni Reid at umalis na. Si Kuya Ryan ay tahimik lang na sumunod dun sa gitna. Mukhang bad trip kaya walang umepal sa kanya. “Ingay ng phone mo,” Kalabit sa’kin ni Ate Shella at nginuso ‘yung phone ko na nasa shoulder bag ko. Tinguan ko na lang siya kaya napabalik agad siya sa pagkain ng siomai. Naririnig ko naman talaga kaya lang ayaw kong sagutin ‘yun. ‘Di pa kasi ako tapos kumain. Kinuha ko na lang ‘din ‘yun at sinagot. “Who’s this?” tanong ko sa kabilang linya nang makitang unknown number lang ang nakalagay. “Ahm… Ma’am, idedeliver ko na po ang order niyo?” he sounded so hesitant at first at ang ingay mukhang nasa daan siya. “What item po?” I don’t remember buying from online because I don’t have time checking on feedbacks. Before buying kasi I always make sure na legit ‘yung store. And I remember searching an item but I didn’t checked out it yet. “Ma’am… ‘di ko po kasi alam kasi naka-sealed po,” he said. “Okay. Just deliver it na lang sa bahay, I’ll just call someone to pay and accept that.” Wala naman kasi ako sa bahay. Uuwi na kami mamaya kaya namasyal muna kami. “Ma’am kailangan po kasi kayo daw ang mag-receive nito,” he said like he’s convincing to just receive it by my self. But wait, his voice sounds familiar. I think I heard it somewhere. Right. Before I even realized it napatay ko na pala ang tawag. And seconds later I received a text from him. Unknown Number: Sungit mo po, Ma’am. I rolled my eyes at his text. Really? But whatever. ‘Di ko na lang ni-replyan at nagpatuloy sa pagkain. Nakauwi na kami sa bahay. And it’s Dad big day tomorrow pero gusto niya lang sanang kumain kami sa labas but Mom wants it to be a grand celebration. Nakipagkita ako kay Lea at Ania pero gusto nilang mag-mall kaya heto ako naghihintay sa kanila. Napatingin ako sa phone ko nang may mag-text. Akala ko sina Lea at Ania but nope. Unknown Number: Hi! Miss. Nakilala ko na agad kung sino iyon. But I chose not to reply. Nakatingin lang ako dun na parang naghihintay ng kasunod. At ‘di naman ako nabigo. Unknown Number: Na. Na? What? Unknown Number: Kita. I just saw myself smiling at the screen. Puta. Nakakagago pala ‘to. Unknown Number: Beautiful. Papatayin ko na sana ‘yung phone ko nang makitang may kasunod na naman iyon. Unknown Number: Kita Kita. *smiley*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD