SH 1 — Pain
"MAMAAA!!!"
I run towards a cold body. I let my hands be with the hand of the lifeless woman on the hospital bed in front of me. I don't mind about the tubes and paraphernalia connecting to her body. All I wanted was to feel the warmth of the only person I loved.
"Mama... gumising ka po... M-mama!" Pilit kong niyugyog ang katawan niya at nagbabaka sakaling magising ito.
Umaalpas na ang mga luhang kanina lang ay pilit kong nilalabanan. Sa musmos na edad ko'y magiging ulila na ako. Halos pumiyok at magmakaawa na ako sa lahat ng santo para lang muling makita ang mga ngiti sa labi ng pinakamamahal kong Ina.
Hindi niya ako puwedeng iwan. Hindi ganito kaaga at hindi ganito kasakit. Mas lalo lang akong umiyak.
May inilabas ako sa kulay pink na bag at pinakita ito sa harap ni Mama. Pinilit akong ngumiti at pinahid ang mga luha humaharang sa paningin ko.
"M-mama...tingnan niyo po oh! Valedictorian p-po ako... Number... n-number one po ulit...ako! Mama.."
I showed her my achievements. I know she will be happy seeing how good I am at School.
Napalingon ako sa pinto at nakita ang isang pamilyar na matanda na nakatanaw lang sa akin habang nagluluksa ako.
Ilang saglit ay nakita ko ang pagtabi ni Blythe at Bryce sa matanda na siyang nag-iisang tumatayong guardian nila. Blythe is crying while calling my name while her brother is still cold as ice.
The doctor went to them. I'm still crying beside my lifeless Mom, but I could hear clearly what the doctor said.
"S-Signior Demetriou, we did our very best, but the patient didn't survive. Stage four Leukemia weakened her system, I'm sorry..."
Napapikit nalang ang matanda saka napatingin sa akin. My tears were still flowong like a river.
"Thank you, Doc..."
Tinapik ng doktor ang balikat ng matanda bago linisan ang kwarto. Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ng nito bago malungkot na tinitigan ang kalagayan ko sa loob ng kwarto.
I faced my mom again. I caressed her beautiful face. Para lang siyang natutulog nang mahimbing.
Mama bakit mo ako iniwan agad? Akala ko ba mahihintay mo pa na maging doctor ako at ako yung gagamot sa sakit mo. Mama, hindi mo pa nga narinig ang I Love You ko sayo ngayon eh!
Wala na akong kinalakihang ama at tanging si Mama lang ang nandyan para sa akin kaya hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko.
"Grandpa? Can I go to Geordane?" It was Blythe.
I could hear her asking permission from his grandfather to come near me. After a while, I heard her steps closer to me.
Don Demetriou was the one who accepted my Mom and me in their family kahit pa hindi nila kami kadugo. Si Mama kasi ang personal assistant ng Mommy nila Blythe na siyang daughter-in-law nito.
Alam ko na masyadong mabigat din ito para sa pamilya nila dahil anim na buwan lang ng maulila din ang magkapatid dahil sa pagkamatay ni Madam Bella at Sir Dominic sa isang aksidente.
"Geordane... I'm sorry for your loss..." Blythe said it to me.
Mas lalo lang akong naiyak ng marinig iyon. Mas humigpit ang hawak ko kay Mama. Nanatili ang pag-asa ko na mabubuhay siyang muli.
Nasa school lang kami nila Blythe nang bigla akong ipatawag ng Principal. Doon ko nalaman ang balita na wala na raw si Mama kaya agad akong tumakbo palabas. Saktong andoon ang sundo ng mga Montreal kaya madali akong nakarating dito sa ospital.
"She didn't survive?" Bryce asked from behind.
Doon ako nag-angat ng tingin. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya sa amin.
He had this dead look since their parents died. He became distant and cold that even Don Demetriou can't tame him. He suddenly became an introvert.
Patuloy lang ang mga luha ko sa pag-agos at wala akong pakialam kung maubos man iyon. I can now feel the pain he had felt when Mr. & Mrs. Montreal died.
My mind went rumbling, thinking, where will I go after this.
"Blythe..." He uttered about his younger sister.
Napalingon si Blythe sa tabi ko at walang pasubaling tumakbo ito sa direksiyon niya at agad na yumakap.
Napakabigat lalo sa pakiramdam ang ganitong eksena. Nag-iwas lang ako ng tingin at nanatili lang sa tabi ni Mama. I hold her hand and gently massage it. I am still praying that God could give us a miracle.
"I...I miss Mommy and Daddy..." I heard Blythe uttered it between her sobs.
Hindi ko narinig na nagsalita si Bryce pero ng sulyapan ko ito ay nakapikit ito. His ears turns into red at alam ko ang dahilan nun. Pinipilit niyang wag' umiyak sa harap ng kapatid.
I never seen him cry even sa burol ng mga magulang nila. Ganun siya katapang na wag' ipakita ang weak side niya but I know deep inside him, he was hurt. Badly hurt.
Inilayo niya muna si Blythe kaya napakalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Stay outside. I don't want you to remember what happened to them while seeing this kind of scene.." Utos ni Bryce sabay apuhap sa ulo ng kapatid.
"No... G-Geordane needs m-me...She—"
"No more buts Blythe. Just do what I say, stay outside now and wait for me!" This time Bryce uttered it with authority.
Inilayo niya ito sa sarili saka mahinang tinulak sa direksiyon kung saan ang pintuan. Lumingon pa ang kapatid niya sa akin bago sa kanya.
"Comfort her, Kuya..." Blythe pleaded.
Tango lang ang naging sagot nito. Nang maiwan kaming dalawa ay agad siya lumapit sa kama kung saan nakahiga ang wala ng buhay kong Ina.
Hindi ko na siya pinansin at patuloy lang ako sa pagkausap kay Mama. I'm talking to her like she can probably hear all these things.
I talked about my class standing, my dreams, and everything worth telling. I'm recalling all the worthy memories and keep on telling her how much I loved her.
"She's dead.." Walang ganang saad ni Bryce sa tabi ko.
Nilingon ko siya agad at galit na tinignan. No one dares to tell me that my Mom is dead. Ayaw kong makarinig na wala na ang Mama ko.
"Hindi siya patay... hindi p-patay ang M-mama ko!" Giit ko.
Napaismid naman si Bryce sa sinabi ko. Naniniwala ako na didinggin ng Diyos ang panalangin ko na bigyan ng himala na mabuhay ang kaisa-isang tao na meron ako at nagmamahal sa akin.
"Can't you see? She's not moving...she doesn't even respond to what you were telling in front of her. She's dead, Geordane!"
Umiling ako. Hindi ko pinansin ang masakit na katotohanan na sinabi sa akin ni Bryce.
Humiga pa ako sa dibdib ni Mama at patuloy sa pag-iyak. Wala akong gustong marinig kundi tanging t***k ng puso ni niya pero wala akong ni isang narinig maski pitik man lang.
No heartbeat. No life. No more smile to see.
"Let's go, and Grandfather is waiting on us. Leave your mother there and let the—"
"Ayoko! Hindi ko iiwan... si Mama d-dito. Dito lang ako sa tabi niya!"
I tightened my grip on the blanket. My sobs turn into a pool of tears and grievance. I can't just accept that this day would come that I'll be losing my Mom. I can't accept the fact that I am alone now.
Lumapit si Bryce sakin at pinatong ang isang kamay sa kama bago ako tignan ng masama.
"What do I need to do to wake yourself from the fact that your mother is gone! She's lifeless, she's dead, and probably no more chances to bring her back to life!" Isang malakas na sigaw niya.
Napaawang ang bibig ko nang marinig iyon at gumuhit ang sakit sa aking mukha. Paano niya nasasabi sa akin ang ganutong bagay na akala niya hindi ako nasasaktan? Bakit akala ba niya ganun kadali tanggapin na wala na akong magulang?
Ilang takas ng mga luha ang naglandas sa mukha ko bago tinulak palayo si Bryce.
"Hindi! Hindi a-ako katulad mo Bryce! H-hindi ako tulad sayo na walang pakialam kung wala ng maging magulang!" Sigaw ko. Huli na rin para bawiin ko iyon.
Mapait na ngumisi si Bryce habang matalim ang mga titig nito sa akin. Naiisip niya siguro kung ano ang karapatan kong sabihin lahat ng bagay na iyon sa kanya.
"If I cried a pooled of tears, can it bring back my parents? If I do the same thing as what you're doing right now, could I hear their heartbeat again? If I tell them stupid things like I am once again the top of my class, does the life of my Mom and Dad would be back?" Sumbat ni Bryce sa akin. The anger is very evident in his eyes as his hand form into a ball.
Hindi agad ako nakapagsalita. Tila naging blanko ang utak ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko ang mga salitang iyon mula kay Bryce. Parang sa isang iglap ay kinain ako ng konsensya ko dahil nakapagbitaw ako ng masasamang salita sa kanya.
Simula nang mawala si Señora Bella at Señor Dominic ay hindi iyon pinag-uusapan sa mansyon at hindi kailanman nagsalita si Bryce tungkol sa pagkawala ng mga magulang niya.
Lumapit ito habang nandun ang galit sa mukha. Napaatras naman ako.
"No, Geordane! They will never rise from the grave because they are dead! As much as I want to cry, I can't because even if I do... it will never change the fact that no one can bring back my loving parents!" Dagdag pa nito na halos mabingi ako sa pagsigaw niya.
It was the first time I saw him that mad. Napatingin ako kay Mama at napaisip ng wala sa oras.
Mama... bakit niyo po ako iniwan? Akala ko po ba sabay pa tayong mag-aabot ng mga pangarap ko?
"Mabubu—"
"Stop it! Auntie Carol is dead, and that's the truth! So, don't accuse me like I don't give damn care to those things, especially when it is all about my parents! Dahil ikaw, isa lang ang nawala sayo... While me? I lost two most important people in my life!" He snapped.
Bigla akong nakaramdam ng guilty. Nag-iwas ako ng tingin at tumahimik sa gilid.
"I'm...I'm s-sorry.." I uttered between my sobs.
Umismid lang siya sakin saka blanko akong tinitigan.
Umaasa lang naman ako na baka sakaling mabubuhay pa ang Mama ko dahil alam ko na alam ng Panginoon na mabuting tao siya at deserve niyang manatili rito.
Nang malaman ko na may ng stage four cancer si Mama ay sobrang gumuho ang mundo ko. Unti-unti akong nanlumo pero pilit akong nagpakatatag para sa pangarap ko sa kanya.
"Ang Mama ko nalang ang... meron ako. S-Siya nalang yung dahilan kung bakit ako..a-ako nagsisikap makapag-aral... Mahal na m-mahal ko si Mama.."
"Auntie Carol is in great pain. Cancer is not just an ordinary illness. Nahihirapan din ang Mama mo kaya nga siguro kinuha na lang siya dahil ayaw na rin ni Papa God na maghirap pa siya. Because every day that she endures the pain, just to see you is more painful for her. Dahil sa sakit niya ay hindi ka niya makakasama ng matagal samantalang yung pangalawang sakit ay yung sakit mismo na nararamdaman niya sa loob everytime cancer cells destroy her body." Mahabang paliwanag ni Bryce.
Unti-unti akong nag-angat ng mukha at napako ang tingin sa kanya. Again, it was an another blow for me. I remember how my Mom closed her eyes everytime she feel the pain and suffer from the inside. Yung mga pilit na ngiti na pinapakita nito sakin ay katatagan sa akin para masabi lang na kaya niya pa.
"Pero kayo? Madami kayong pera. Andiyan pa si Don Demetriou at Blythe sayo. Samantalang ako... ako... wala ng natira—"
"Yes, we have a lot of money... Billions, to be exact! Pero nasaan ang mga magulang ko?! Masaya ba ako?! May matatawag pa ba akong Mommy at Daddy? Wala, Geordane! Because money can't bring back my parent's life, and money can't replace the happiness I have when I'm with my parents. Meron pang natira sayo...and that is your promise to your Mom that you'll study hard to achieve your goals at yun lang ang maipapamana niya sayo!"
Pagod akong yumakap sa katawan ng Mama ko habang patuloy sa pagragasa ang mga luha ko. Ang sakit ng katotohanang sumasampal sa akin ngayon at mas lalo iyong masakit dahil kailangan ko iyong isaksak sa kukote ko kahit ayaw ng puso ko.
Hindi na rin nagsalita pa si Bryce at tumalikod nalang para lisanin ang kwarto. Masyado na rin siya sigurong nasasakal sa tensyon na meron sa pagitan namin. Mabuti na rin iyon para matigil na ang p*******t namin sa sarili naming mga damdamin.
Nanatili pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahang bumitaw sa bangkay ni Mama. After a while, some nurses arrived with another strolling bed.
"A-anong gagawin niyo?" I asked. Nakita ko na sinisimulan na nilang tanggalin ang mga aparato na nakakabit kay Mama.
I started to panic. Lumapit ako sa kanila at pilit silang nilalayo roon.
Lumingon naman sa akin ang isang nurse na lalaki, "Dadalhin na namin ang bangkay sa morgue."
Pagkarinig ay agad kong hinawakan ang braso ni Mama saka umiling. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kayang magpaalam!
"Hindi! Wag' niyong kunin si M-mama s-sakin! Noooo!" Sigaw ko.
Pinigilan na ako ng isa pang nurse habang patuloy sa pag-iyak at pagwawala. Tahimik lang na nakatanaw si Bryce sa akin. Tumingin ako sa kanya para humingi ng tulong pero hindi niya ako pinagbigyan.
Isa-isang tinatanggal ng mga nurse ang aparatong nakakabit sa katawan ng Mama ko habang patuloy lang ako sa pagsisisigaw at pilit kumakawala mula sa matinding magkakagapos sa aking ng isang nurse.
"Geordane, hija..."
Napalingon si Bryce sa nagsalita sa likuran niya. It is his Lolo, Don Demetriou. Kasama niya si Blythe na hawak-hawak ang kamay nito.
Lumapit si Don Demetriou sa akin habang pilit nila akong pinapalayo kay Mama na ngayon ay inilalagay sa isa pang stretcher habang tinatakpan na ng kumot ang katawan.
"Nurse, please inject her some tranquilizer." Ma-awtoridad na utos ni Don Demetriou.
"But—"
"No more buts! Just do what I said!" Putol ng matanda.
Agad namang lumabas ang nurse at kumuha ng tranquilizer. Lumapit si Don Demetriou sa akin.
I almost scream para makaalis. Hindi ko kayang kunin nila sa akin si Mama. Nakita ko ang pagbalik ng nurse habang may hawak na malaking syringe. Nanlaki ang mata ko nang makita iyon at mas lalong napaiyak.
I plead to the old Montreal na huwag niyang ituloy ang binabalak ng mga nurse sa akin. All I want is to have my mom. I want to be with my Mom.
Niyakap naman ni Blythe ang kuya niya sabay iyak. Pilit naman itong pinapatahan ni Bryce. Nagkasalubong pa ang tingin namin at siya na ang unang nag-iwas.
"Shhhh. Stop crying..." Pagpapatahan sa akin ni Don Demetriou.
Itinaas ng nurse ang syringe na may lamang likido na isang tranquilizer. Tumango si Don Demetriou at sinenyasan ito na itusok na iyon sa braso ko.
"No! 'Wag po!" I screamed while still trying to escape.
"Hindi ito masakit lil' girl..." Nakangiting saad ng nurse.
Napailing na lang ako ng makitang may sumirit na likido mula sa syringe na hawak niya. Halos takasan na ako ng kulay dahil sa takot.
"Nooooo!—"
Agad nitong tinurok ang syringe sa braso ko. Isang huling sigaw at pag-iyak ang nagawa ko dahil sa matinding sakit at hapdi na dulot nun. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko kasabay ay ang unti-unting panlalabo ng paningin ko na tila ba biglang sinapak ng antok.
The last thing I know, Bryce is now beside me. Ramdam ko pa ang mga bisig niya sa katawan kong naghihina. I can feel his fingers on my face.
"Call Ludwig outside. We're going home!" Utos ni Don Demetriou sa kanya.
After a while, a man in a black uniform and his early 40s bowed his head towards them.
"Carry her..." Utos ni Don Demetriou sa driver.
Sinunod naman siya ni Ludwig at agad na binuhat ako. Sumunod nalang din sila Blythe at Bryce.
Bago ako tuluyang lamunin ng antok ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Bryce. He touched my face once again and held my head into his shoulder.
"Sleep well for now, little angel..."