CHAPTER 2 — MEDICINE

2876 Words
SH 02 — Medicine  Tahimik ang kabuuan ng malawak na mansion sa araw na ito. The alcove is nothing but a plain spot to relax. I made my steps towards the huge sofa and took a seat. Tanaw ko mula sa glass wall ang kulay asul na dagat ng Agean Sea. This multi-billion mansion was the biggest property of the Montreal Family, which is located here in Greece. Aside from being their main home, this also served as their vacation house. "Miss Geordane, the breakfast is ready..." Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang isa sa mga maid. Ngumiti ako sa kanya. "Geordane nalang," Pagtatama ko. "Sige, susunod na ako. Salamat!" Halos labingtatlong taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag sa pormal na paraan. Hindi naman kasi ako isang Montreal para bigyan ng pormal na pakikitungo at pagtawag dito sa magarang mansyon nila. I stood up and started to walk through the hallway. Sa sobrang lawak nito malaki ang tsansa na maligaw ka kung unang beses mo rito. The Montreal Chateàu is a four-story mansion that comprises a large lounge area, a wide alcove, or the living area at the center with a perfect grand staircase. A fully equipped kitchen with a wonderful dining area with an overlooking view of the garden outside. Meron din itong total of ten guestrooms at hindi pa kasama doon ang kwarto ng magkapatid na Bryce at Blythe, ang master bedroom at ang room ni Don Demetriou. It also has a wide parking space outside, a spacious car park on the underground. Hindi rin mawawala ang basketball at the tennis court. Meron din silang malawak na terazza at malaking pool sa labas. On the first floor was the gym, library, kitchen, and dining, bar, some expensive liquor collections, and the living area at opisina ni Don Demetriou. The second floor is the five guestrooms, entertainment room, music room, theater room, and a wide balcony. While on the third floor is the master's bedroom, kwarto ng magkapatid na Montreal, and the remaining guestrooms. The fourth floor comprises a mini pavilion at ang malawak na cozy outdoor terrace. Meron din mini-garden at mini-bar dito at ang paborito ng magkapatid na infinity pool and jacuzzi. The whole mansion was made of concretes and glass. Maganda kasi ang location ng mansion dahil malapit din ito sa beach. "Good morning!" Isang masayang boses ang bumati sa loob ng dining area. Blythe is wearing a pink pajama and black sando top. Hindi ko tuloy maiwasang mag-angat ng tingin at itigil ang pagsubo. "Goodmorning apo!" Bati ni Don Demetriou. Agad namang nagmano at humalik sa pisngi si Blythe. She had a messy hair at halatang inaantok pa ito. "You woke up late..." Seryosong saad naman ng kaharap ko at binalingan ang kapatid niya. "Uhm..." Isang nakabusangot na mukha ang sinalubong sa kanya ni Blythe, "Ayaw makipag-break ng kama ko sakin e." She joked. Napailing nalang si Bryce, "Anong pinagkaabalahan mo kagabi at napuyat ka?" Tanong pa nito. "Wala! Pwede ba kuya, wag' mo akong sermunan. Sisihin mo nga sabi yung kama ko! Psh!" Maktol nito saka umirap. Sanay na ako sa ganitong bangayan nila kahit pa naman noong mga bata pa kami ay laging strikto itong si Bryce sa kapatid niya. "Uy, Geordane! How was your sleep?" Baling ni Blythe sa akin. Natigil ako sa akmang pagsubo ng pagkain ko at nag-alangang sumagot. Nakita ko naman na ang iba ko pang kasama sa hapag ay naghihintay sa sagot ko. "Okay, lang," Tatlong araw na rin kasi simula ng dumating ako rito. Pinasunod na ako ni Don Demetriou rito pagkatapos ng graduation ko at bilang gantimpala na rin sa pagiging valedictorian ko. "By the way, Geordane..." Napatingin ako kay Don Demetriou. "Po?" "I am offering you, Harvard, for your College. Blythe told me you really wanted to pursue your education there." Nagulat naman ako roon. Si Blythe pangiti-ngiti lang sa akin. Harvard is my dream school. I always wanted to get my medical degree there pero hindi naman ako umasa na makakakuha ng opportunity na makapag-aral doon dahil na rin sa kamahalan ng tuition. Right after my Mom died, the Montreal family sheltered me and treated me as their own family. Pinaaral ako ni Don Demetriou sa isang private school doon sa Pilipinas at nagtapos ako na may magandang academic background mula Gradeschool hanggang Highschool. Sa US nag-aral ang magkapatid noong maghighschool kayabako ako ang naiwan sa Pilipinas kasama si Nana Wanda. "Tila sobra na po iyon Don Demetriou, maghahanap nalang po ako ng scholarship sa Pilipinas..." Nahihiyang sagot ko. "Scholarship?" Agad akong tumango. "Nag-aabang ako online if they offered a scholarship for this year lalo na sa UP." I heard him laughed as if he heard a joke. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Cut that. I am asking you again if you want to go to Harvard and not some explanation." "O-Opo... Sana..." Nakita kong ngumiti si Don Demetriou at napasandal sa kanyang upuan. "Okay. That's the only word I want to hear." Ngumiti ito sa akin at pinagsalikop ang mga daliri. "Now, prepare for your things at kukuha ka ng entrance exam doon next week." "Po? Totoo po?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Makakapag-aral na ako sa Harvard at makukuha ko na ang gisto kong kurso roon. I saw Bryce stopped eating. Hindi siya nagulat sa narinig pero nakita ko ang pagngisi niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba ito o hindi sa naging desisyon ng lolo niya. "Wala kang dapat ipag-alala hija. Pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo at wala tayong problema. I know you want to be a Doctor someday. Diba iyon ang pinangako mo sa iyong Ina?" I agreed to him and almost cried in happiness. I am so lucky to have this family as my second home. "Maraming salamat po talaga Don Demetriou..." "You deserve it." The older man smiled at me. Pinagpatuloy na nito ang pagkain. Ever since I lost my mother thirteen years ago, I wanted to be a doctor. I wanted to help sick people. Kaya naman grabe lang ang pagsisikap ko para makamit ang gusto. And now, unti-unti ko ng naaabot iyon. Hindi ko maiwasang hindi sulyapan si Bryce. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. His eyes were blank kaya naman ako na ang nag-iwas. "Sumabay ka na kay Bryce sa pagbalik niya sa US next week since the enrolment is fast approaching." Masayang tugon ng matandang Montreal. "Hijo, assist Geordane there, okay? Make sure she could adapt easily with everything." Baling nito kay Bryce. He nodded. Sa Harvard din kasi ito nag-aaral at magti-third-year college na sa pasukan. He is also taking up Medicine. Every summer lang siya umuuwi dito o di kaya bakasyon. "I'm so happy for you, Dane! Finally..." Bumaling ako kay Blythe at nakutang sobrang saya niya para sa akin. "Thak you, Blythe!" "So? It's all set. Right after Bryce's vacation, sasama ka sa kanya pabalik ng US to study in Harvard. You can stay in one of the houses we owned there since may condo unit naman si Bryce." Sambit ng matandang Demetriou. Mabilis akong umiling. Kontento na ako sa libreng pagpapaaral sa akin ng matanda sa Harvard kaya ayoko mang-abuso. "Ah, puwede din namang sa condo nalang ni Kuya para may kasama sila pareho!" Suhestiyon ni Blythe. Pareho kaming natigilan ni Bryce ng marinig ang sinabi ng kapatid niya. Nanlalaki ang mga mata ko na umiling. Maging si Don Demetriou ay napatingin sa akin. It's a no-no for me. Hindi na nga kami nagpapansinan ni Bryce ay magsusuhestiyon pa ng ganun si Blythe. Isang kunot-noo lang ang naging tugon ni Bryce na siyang kinangisi ng kapatid. "That would be a good idea if-" "It will never be a good idea." Agaw ni Bryce saka bumaling sa kapatid, "And you, stop proposing some sick ideas! If she wants to study at Harvard, then so be it. She can choose wherever she wants to stay." He scolded. Isinandal nito ang likod sa upuan saka uminom ng kape. Nagulat naman kami ni Blythe sa naging reaksiyon ng kuya niya kaya tumahimik kami pareho. "Enough! Mamaya saan na naman kayo mapunta niyan. Remember that you're in front of the food. It's inappropriate!" Pangaral ni Don Demetriou. Nanatili akong tahimik at pinagpatuloy ang pagtapos sa pagkain ko. May punto si Bryce. May karapatan akong mamili at magdesisyon sa kung ano ang tingin ko ang makakabuti sa akin kaya naman ako na mismo ang bumasag ng katahimikan. "Ah... Salamat po ulit Don Demetriou. Malaking bagay na po sa akin na pag-aaralin niyo ako sa University na iyon at siguro tama rin lang na makontento ako doon. Maghahanap nalang po ako ng maliit na apartment malapit sa Harvard..." "Pero hija may bahay naman doon malapit sa University, you can stay there..." "It's okay po. May ipon naman po ako. Sana po ay ibigay niyo na sa akin ito..." Ngumiti ako bilang assuramce na magiging okay nga ang lahat. Hindi naman ako maarte kaya mabubuhay ako doon kahit mag-isa. I can find a decent part-time job to ease my expenses there. Wala na ring nagawa si Don Demetriou kundi ang pumayag sa gusto ko. Basta daw lagi akong mag-update sa kanya at siguradin na ligtas ako doon. He also asks a favor from Bryce to look after me. Walang naging sagot ang binata maliban sa isang tango. Napunta na din naman kay Blythe ang mga sumunod na paksa habang patuloy kaming kumakain ng breakfast. "How about you, Blythe? Where do you want to study for college?" "Florence Desing Academy. I'll take Interior Architecture!" There was a hint of excitement from her. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Bryce ng marinig ang sagot ng kapatid. "So, you're not going to study in Harvard with me?" Singit niya. Umiling naman si Blythe, "No Kuya! FDA is the best when it comes to ID. Besides, Geordane is with you naman..." May himig ng pang-aasar na sagot niya. Napayuko nalang ako. Wala talagang buwelo itong dila ni Blythe at basta-basta nalang mang-aasar. Hindi naman nakaligtas sa akin ang mahinang pag-ismid ni Bryce na halata mong hindi talaga niya nagustuhan ang ideya na binibigay ng kapatid niya. Blythe is a brilliant lady. She can play badminton greatly, and she excels in class too, katunayan ay Valedictorian ito from grade school up to high school. Bukod doon, mas nakakamangha ang talento niya sa arts, especially paintings. "Don't worry, I can take care of myself, and besides, I'm with my bestfriend Elisha... doon din kasi siya mag-aaral." Rinig kong sabi ni Blythe saka tumingin kay Din Demetriou. "Lo, do you still remember Tita Elizabeth and Tito David's only daughter?" She added. "Of course! So, kayong dalawa ang sa Italy mag-aaral... Hmmm! Okay, if that's what you want." Kita naman sa mukha ni Blythe ang sobrang saya na hindi siya pinigilan ng Lolo sa napiling kurso. "Thanks Lo!" Tumayo pa ito at umamba ng yakap sa matanda. Ito ang maganda sa pamilya ng mga Montreal dahil suportado ng bawat isa ang desisyon ng bawat miyembro. They both grow up with such kind and elegant manners. Napaka-suwerte ko rin dahil sa isang prominenteng pamilya ako napunta. Ngunit minsan, hindi maiiwasan ang panliliit ko sa sarili dahil kahit parte ako ng pamilyang ito isa pa rin akong sampid sa mata ng iba. "I'm done!" Nag-angat ako ng tingin kay Bryce nang sabihin niya iyon. Agad siyang tumayo at inilagay sa mesa ang ginamit na table napkin. Malaki na rin ang ipinagbago sa mukha at katawan nito. Siguro nang mamalagi ito sa US ay lagi itong nagpupunta sa gym. He has this solid body-built. Nagkasalubong naman ang tingin namin kaya naging weird-look ang ekspresyon ng mukha ni Bryce, "Why are you looking at me?" "Ahh?! W-wala.." Nauutal na saad ko sabay yuko. Baka mamaya ano na naman ang isipin niya dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. I heard him scoffed before leaving the dining. After we finished our breakfast nagyaya si Blythe na maglaro kami ng badminton sa activity area ng mansyon mamaya. Pumayag na rin ako para atleast ay malibang rin ako. Naisipan ko munang pumunta sa garden at magpahangin. The scent of the flowers welcomed my presence right away. Napangiti ako ng makita kung gaano kaganda ang pamumukadkad ng mga bulaklak sa hardin. Ikatlong beses ko palang makapunta dito at ito ang isa sa mga pinakaborito kong parte ng Montreal Chatéau dahil mahilig rin ako sa mga bulaklak. This garden was called Bella Garden, which was named after the late Madam Belladonna Drevalli-Montreal. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mga bulaklak na malayang namumukadkad at halata ang magandang pag-aalaga. Nabighani na rin ako sa malamig at preskong simoy ng hangin na humahalik sa balat ko. "So, you're going to pursue your dream..." Napatalon ako sa gulat ng biglang may sumulpot mula sa gilid ko. Muntik pa akong mapamura ng wala sa oras. I tilted my head beside and saw a familiar silhouette of a man. He's wearing khaki shorts and a V-neck white shirt. I can't help my eyes to trace every curve and perfection of Bryce's physique. His Greek features were so strong that every time he walks along, sinisigaw nito ang kakisigan at kagwapuhan niya. "Stop fantasizing me..." "Ha?" Naglakad ito patungo sa isang iron framed na bench saka prenteng umupo. Nakita ko pa kung papaanong nag-slow motion ang paggalaw ng adams apple niya habang nakatingin sa paligid. It's too late when I realized what he is trying to imply. Mabilis akong napailing. Oh hell! Anong fantasizing? Hindi ko kaya siya pinagpapantasyahan! Ang hangin talaga ng lalaki na'to! "Hindi kaya kita pinagpapantasyahan. M-may iniisip l-lang ako!" Now, I sounded like a guilty prisoner. Bryce just made a smirk and didn't mind my defensive answer. Instead, he fired another question about my study plan. Wayback in childhood pareho naming gusto na maging doktor pero ng mamatay ang magulang namin tila hindi na namin naisip na matutuloy ang napupusuan propesyon, but as for Bryce, tinuloy niya. "Guilty as charged... Don't worry, you can freely fantasize me!" He teased. "Hindi ako guilty!" I slightly shouted. Nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi na pinansin ang presensiya niya. I keep myself busy by looking at and appreciating the beauty of the different flowers in the garden. Different colors of roses, tulips, peonies, sunflowers, and even lavenders are present in the mini flower farm. "Sir...nandito na po ang mga kaibigan niyo..." Parehong kaming napalingon sa entrada ng garden. Isa sa mga katulong ang lumapit kay Bryce. Mapait akong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. This is one thing I envy about the Montreal siblings, having friends. Si Blythe lang ang tanging naging kaibigan ko. Way back in my early childhood years, palagi akong binu-bully because I don't have a father. People even labeled my mother as a slut or mistress for no reason. Nasasaktan ako sa tuwing may nagsasabing ganun tungkol kay Mama pero kailanman ay hindi ako nanumbat o nakipag-away. Yun' ang turo ng Mama ko sa akin, ang wag' pumatol sa mga sabi-sabi lang. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. May kirot pa rin sa puso ko dahil hindi ako nabigyan ng isang masayang larawan ng isang buong pamilya. "Stop overthinking things. If you want to enter and study in Harvard, then get up and review your notes for the entrance exam." A serious voice from Bryce. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. I was preoccupied with my insecurities I had in myself. Tipid akong ngumiti sa kanya kahit pa puno nag kaseryosohan ang mukha niya. "Don't disappoint me this time..." he said. Nagtaka naman ako. But before I could ask him, he turns his back to me and walks towards the entrance. Naguguluhan ako sa huli niyang sinabi. Wala akong maalala na binigo ko siya. Napailing nalang ako. Umalis na ako sa garden. Maghahanda nalanga ko para sa badminton game namin ni Blythe. For sure, kanina pa yun nakapag-ayos. Sa pagpasok ko ay ingay ng mga kalalakihan ang narinig ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makasalubong ko ng tingin sa receiving area ang apat na mga pamilyar na lalaki. Napahinto ako sa gilid ng grand staircase at nakinig sa tawanan nila. Ito din ang unang pagkakataon na narinig ko din si Bryce na tumawa. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti. Masaya ako para sa kanya at nagagawa na niyang bumalik sa dati at maging masaya. "Huy!" "Ay!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa matinding gulat. Nilingon ko si Blythe na nasa likuran ko. Nakabihis na ito at mukhang papunta na sa activity area. "Let's play now!" Blythe said. I snapped back. "Okay...okay! Hintayin mo nalang ako sa court. Magbibihis lang ako!" "Sure! I'll wait..." Nag-approve sign pa siya sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na tinakbo ang hagdan. I had a quick shower and chose to wear a pair of black dry-fit top and warmer shorts. I put my black butt-length hair into a ponytail. I look at myself in the mirror. Kung hindi lang namumula ng natural ang pisngi at labi ko pwede na ako maging artista sa The Grudge. When I felt contented with my look, I decided to go. It's time for me to unwind and lose some fats.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD