CHAPTER 3 — THE MAID

2613 Words
SH 03 — The Maid  Pagkarating ko rito sa baba ay naririnig ko pa rin ang usapan ng mga kaibigan ni Bryce. Kilala ko naman sila dahil minsan na rin kaming nagkasabay sa mga engrandeng okasyon sa bahay ng mga Montreal sa Pilipinas. Mukhang ngayong taon ay dito ang bakasyon nila. Aware naman kasi ako na every year ay nagbabakasyon sila sa iba't ibang bansa. "Wanda!" I heard Bryce shouted the maid's name. "Oh, dude! What are your plans for our vacation?" Yung lalaki na naka-aviator shades pa, si Tyrell. "Hmmm... Athens and Santorini. Maybe we can visit Throne's place too." Sagot naman ni Bryce. Mukhang masaya ang magiging bakasyon nila ngayon. Tumalikod na ako at saka nagtuloy-tuloy papuntang kusina. Kukuha muna ako ng water bottle bago dumiretso sa activity area. Some maid greeted me. Ngumiti ako sa kanila saka binati pabalik. I get an empty water bottle on the cabinet and filled it with water. Kumuha na rin ako ng lemon sa fruit basket at hiniwa ito. After I set the lemon, I went to the other cabinet and got the glass bottle with honey. Naglagay ako ng tamang dami ng honey sa water bottle ko saka sunod na inilagay ang mga hiniwa kong lemon, huli ko na inilagay ang limang cube ng ice. "Gwapo talaga ng mga kaibigan ni Sir Bryce—" "Yung bunganga mo! Andito si Ma'am Geordane!" Ani ng isang bises ng mga maid. Napalingon ako sa kanila at ngumiti. Hindi na iba sa akin ang mga ito. Nilapitan ko sila at tinukso sa pamamagitan ng ngiti ko. Nagsi-iwas naman sila ng tingin. "Kayo ha! May pagnanasa pala kayo sa kanila..." I teased them more. "Ay hala! Hindi po ah..." "Yung laway mo Anya oh." Tinuro ko ang gilid ng labi niya, "Tumutulo na..." Agad namang pinahid ni Anya ang gilid ng baba niya kaya napatawa ako. Bumalik nalang ako sa island counter at kinuha ang aking water bottle. Nagtext na rin si Blythe na magsimula na daw kami. Iniwan ko na ang mga maid doon saka dumiretso sa living area. Doon kasi ako dadaan sa main door para makapunta sa Activity area. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mga paintings na gawa ni Blythe. Pati Yung family portrait nila na sobra laki. They always speak so much authority and elegance. Nakasalubong ko naman si Nana Wanda kaya tumigil ako saglit. Nakita ko ang mga bagahe na bitbit ng dalawang driver sa likuran. "Dito po sila mamalagi?" Tanong ko. "Oo hija. Mukha ngang masaya ang mga bata sa magiging bakasyon nila dito." Sagot naman ni Nana sa akin. Napatango naman ako. Bigla kong naisip si Don Demetriou. Simula nung agahan kanina ay hindi ko pa siya nakikita. "Si Don Demetriou po?" "Nasa opisina niya. May kausap sa telepono. Marahil ay mga kasosyo niya sa negosyo." Inayos ni Nana ang kanyang damit at ang hawak na maliit na bag, "Sige hija, mauna na ako at ilalagay ko pa ito sa mga guest rooms." "Sige po. Pasensya na po sa abala." Paghingi ko ng paumanhin saka hinayaan si Nana na makadaan sa grand staircase. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng marinig ko ang naging usapan ng kaibigan ni Bryce. Hanggang ngayon ay nandun pa rin sila sa sala. I heard them talking about Blythe. "Asa'n pala si Blythe? I didn't see her since we arrived here..." Biglang tanong ni Throne. "Baka nasa court. I've heard she'll play badminton." Curiosity hits Throne, "Sinong kasama niya?" Hinarap naman siya ni Bryce na may dedmang mukha. Kahit kailan mainit talaga ang dugo niya sa akin. "Geordane," Pagkarinig ko sa pangalan ko ay bigla akong napahinto. Ilang saglit ay pumunta ako sa gilid ng pader at kumubli. From here, I saw them being shocked. Hindi nga nila siguro inasahan na andito rin ako sa Greece. "Oh, she's here? I thought magpapaiwan siya sa Pilipinas?" Si Tyrell ang nagtanong. Talagang lumapit pa ito kay Bryce. Nanatiling dedma si Bryce kaya naman napanatag ako. Umalis ako ng bahagya sa pagtatago ng marinig ko ang matinis na boses ni Blythe. "Hello everyone!" Lumingon ang lahat sa kanya. Nang makabawi ay unang yumakap si Throne sa pinsan, sumunod si Tyrell at Khyfer. Nakasuot ito ng pink dry fit top and shorts. Her legs and thighs are well-exposed in a way na hindi nakakabastos tulad din ng suot ko. "I thought you were playing badminton?" Bryce asked her. "Wala pa si Dane. Kaya nga ako bumalik dito para sunduin siya," Napangiwi nalang ako. Kanina pa pala ako nandito. Patay malisya akong umalis sa pinagtataguan ko at kunwari nalang na nanggaling sa pa ako sa kusina. "Is that Geordane?" Nag-angat ako ng tingin ng marinig iyon. I saw Tyrell pointed his finger on me. Bigla tuloy akong kinabahan kaya bumabagal ng konti ang aking mga hakbang. "Hey, Dane! Hurry up! I've been waiting for you in the Activity area for almost thirty minutes!" Reklamo ni Blythe. Huminto ako ng ilang distansya mula sa kanila. I apologetically smile at Blythe for the small hassle I created. Wala akong tinitigan sa mga lalaki pero ramdam ko na mataman nila akong tinititigan. My legs are well exposed even my skin. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya napa-ekis ang aking mga braso. "You've grown up!" Puna naman ni Throne sa akin. He walks towards me. "Hindi rin... She's still a lost kid for me.." Doon ako nagtaka at nag-angat ng tingin. Nakita ko na nagtaas ng kilay ang lahat sa sinabi ni Bryce. "That's harsh, bro! Geordane turns out to be a fine classic lady now. Look at her..." Tyrell looked at me then smile. Alam kong namumula ang pisngi ko sa halong hiya at saya ng marinig ko iyon. Nilingon ko si Bryce at nahuli kong nakatingin siya sa akin. He is now scanning my wholeness. "Seriously? Damn! Kung hindi mo lang yan' parang kapatid—" "She's not really my sister. Baka nakakalimutan mong si Blythe lang ang nag-iisa kong kapatid." Inis na putol ni Bryce sa dapat na sasabihin ni Tyrell. Hindi ko alam pero parang kumirot ang dibdib ko ng marinig iyon. Pilit akong nagpakatatag habang nakatayo pa rin sa harap nila. How I wish Blythe would pull me in front of them pero mukhang busy naman ito kakakulit sa pinsan niya. Mas matanda silang lahat ng dalawang taon sa amin ni Blythe. They are like older brothers to us. I still remember how they are so protected with Blythe every time we play in the playground sa exclusive subdivision kung saan magkakapitbahay pa ang mga Montreal at mga kaibigang pamilya nito noon. "Yeah, yeah! Hindi nga naman, because your grandfather did not legally adopt her. Kumbaga kinupkop niyo lang siya." Si Throne at nagkibit-balikat na tumingin sa akin. Nagkatinginan pa ang mga ito sabay nagsitanguan bilang pagsang-ayon. "Mabuti na rin yun atleast may chance sila, di ba dude?" Segunda naman ni Khyfer at nakangising nakatingin kay Bryce. I am expecting a rebuttal, but it didn't happen. Isang matalim na tingin lang ang iginanti ni Bryce sa kaibigan niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at pilit tinatanggal sa isip ko ang huling sinabi ni Throne. After some small talk, nagsitayuan na rin sila ng mapagdesisyunan ng isa sa kanila na sa pool area muna sila tatambay. Nagsalubong pa ang tingin namin ni Bryce bago siya tuluyang umalis sa harapan ko. "Let's go, pool area tayo tsaka na natin pag-isipan ang suhestiyon ni Blythe about the Agape Coast." Sambit pa ni Throne bago umalis. "Nice idea dude!" Segunda ni Tyrell. Nagpaalam na rin si Blythe at kami ay dumiretso sa Activity area. Naglalakad ako habang hila-hila niya. Ang dami niyang kini-kuwento pero walang pumapasok ako sa utak ko. Nang makarating ay kumuha kami ng racket. Pinatong ko ang mga hawak ko sa bench saka napa-buntong hininga. Wala naman akong dapat dibdibin sa mga narinig ko. Umiling ako para maalis iyon sa isipan ko. I started to do some stretching. After a while, ay nagsimula na ang laro namin ni Blythe. Matagal na rin kasi simula ng huli kong laro ng badminton. Halos habol ko ang aking hininga sa mahigit isang oras na paglalaro namin ni Blythe. Basang-basa na rin ang mga suot naming dry fit dahil sa pawis. Plain games. No competition. Gusto kasi ni Blythe na magpapawis at ganun din naman ako. Good distraction din ito para sa akin para hindi kami magkita ni Bryce. "Last set?" Blythe shouted from the other side of the court. Natigil ako sa pagpupunas ng aking mukha saka tumango. I fixed myself and ready for the last game. "Sure! Game!" "Ginaganahan ka ata ngayon? You don't look tired, Dane!" "Akala mo lang yun. I'm dead tired pero masaya maglaro eh..." Ngumisi pa ako. Volleyball naman kasi ang sports ko at si Blythe ang sa badminton. Mas pinili ko rin kasi na tutukan ang Academics keysa sa Extra-Curricular Activities noong nasa High School pa ako. Blythe started to hit the shuttlecock. The game started again. This time I know she is dead serious. We played the game well until the last set. Well, Blythe wins, and that's given. "Ma'am Blythe..." Napalingon kaming pareho ng lumapit si Wanda. Naghahabol kami ng hininga na nagpunta sa bench. "Po?" "Pinapatawag na kayo ni Don Demetriou sa hapag. Manananghalian na at kayo nalang ang hinihintay..." Napatingin tuloy ako sa sports watch na suot ko. It's already 11:30 at halos ilang oras din pala kaming naglaro at hindi na namalayan ang oras. Napatango nalang din si Blythe at sinabing susunod na kami. Niligpit namin muna ang mga equipment bago nilisan ang court. "Let's have a shower first..." Sambit ko na sinang-ayunan ni Blythe. Sobrang lagkit talaga ng katawan ko at dahil nagsisimula na ring mangati. Agad kaming nagtungo ni Blythe sa mga kwarto namin. I prepared my shower necessities and went straight to the shower. Ang malamig na tubig na bumubuhos sa katawan ko ay nagbigay na kakaibang ginhawa. Unti-unti nitong natatanggal ang pagod ko. Nang makaalis sa shower nalito ako sa kung ano ang isusuot ko dahil may bisita ang mga Montreal ngayon. After a while, I blower my hair and started to put lotion all over my body. On my bed, three pairs of the outfit were there. Isang floral dress, white off-shoulder top na pinares sa peach knee-length skirt, and lastly ay isang high-waist pants at bohemian spaghetti top. "Ano bang susuutin ko?" I hissed. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako ka concious ngayon sa magiging itsura ko. Alam ko naman na hindi judgemental ang mga kaibigan ni Bryce but I don't want to look like a clown. Hindi naman ako naiwan ng kabihasnan na hindi alam ang mga nauusong fashion trend. I am confident with my taste too. Ngayon lang talaga ako nahirapan pumili ng maisusuot. I have no sense of fashion not until Blythe helped me. Sinasama niya ako sa pagsa-shopping at ito mismo ang pumipili ng mga damit na babagay sa akin. Napatalon ako sa gulat at muntik pang mabitawan ang blower. May kumatok kasi sa pintuan. "Dane! Hurry up, and the people downstairs are waiting for us... Mauuna nalang ako sayo!" It was Blythe. Nataranta naman ako bigla, ayaw kasing nitong pinaghihintay ang mga Montreal. "Okay! Lalabas narin ako!" Sigaw ko. Kumatok lang ulit si Blythe saka umalis na rin. Naka-bathrobe pa rin ako at nang makontento na sa buhok ay agad akong naglagay ng moisturizer sa mukha at pinasadahan ng eyebrow pencil ang kilay para lang madipina pa ito. Naglagay nalang ako ng liptint sa labi at saka tumayo. Napili kong suotin ang isang floral knee-length dress. I paired it with my beige flat shoes. Kinuha ko naman sa isang box ang simpleng hair clip at inipit sa aking buhok na malayang nakalugay. Nagmamadali akong bumaba sa dinning area. Habang sa hallway palang ay dinig ko na ang mumunting halakhak at usapan mula doon. "Oh, there is Geordane!" Napalingon ang lahat sa akin ng biglang sumigaw si Blythe. Ngumiti lang ako saka nagtungo sa itunurong bakanteng upuan. Nahagip pa ng paningin ko ang pagkatigil ni Bryce at ng mga kaibigan niya. Hindi na rin ako nakaangal ng makitang magiging katabi ko si Bryce sa hapag. Napakagat labi nalang ako ng tumayo siya at ipinaghila ako ng upuan. Patay-malisyang naupo ako at ngumiti sa lahat. "P-pasensya na po at nahuli ako.." Hingi ko ng paumanhin. "It's okay. Kakasimula pa lang naman and Blythe told me that you both played badminton for a couple of hours." Sambit naman ng matandang Montreal. "Salamat po ulit." Isang matamis na ngiti ang ginanti ko bago pinagtuunan ng pansin ang mga nakahain sa parihabang mesa. I started to get the right amount of food on my plate. Pansin ko na mix Greek and Filipino food ang nakahain sa mesa ngayon. "Who is she?" Nakataas kilay na tanong ng isang babaeng may dark brown na buhok. Natigil ako sa pagkuha at pinagmasdan ang babae na kaharap ko. Hindi ko siya napansin kanina ng dumating ako. Ngumiti pa ako sa kanya pero irap lang ang nakuha ko. Nakita ko kung paano rin napairap si Blythe sa babae saka nagmura. Hindi ko nalang pinansin pero mas nailang lang ako sa paraan ng pagkatitig nito sa akin. "Is she one of the maids here? OMG! Sumasabay pala dito ang mga katulong sa pagkain?" Maarteng sambit nito. Napahinto sa pagsubo ang lahat saka nabaling ang atensyon sa akin. Maski ako ay nakaramdam ng sobrang hiya ng marinig iyon. Mahina kong naibaba ang hawak na kubyertos at napayuko. Base on her looks, mukhang bago lang siya dito. She's wearing a pale pink spaghetti strap dress. Konting pagyuko nalang ang lalabas na ang dalawang bundok nito. "No hija..." Nakangiting pag-iling ni Don Demetriou, "She's—" "She's Geordane... She is the daughter of my mom's personal assistant before." Seryosong agaw ni Bryce. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na nakapatong sa kamay kong nasa mga binti ko. Nilingon ko siya at sa unang pagkakataon nakita ko ang sincere at apologitic niyang tingin sa akin. "And she's not our maid Roxanne!" Naiiritang segunda ni Blythe sabay irap. Napatakip nalang ng bibig ang babae saka pilit na ngumiti, "Oh my! I'm sorry, girl... I thought you're a maid, hindi ka kasi mukhang mayaman tsaka ang plain mo manamit... you know," Nakaramdam naman ako ng panliliit. Pinalis ko ang kamay ni Bryce saka nag-angat ng tingin. Ayaw ko ng gulo. Hindi na rin bago sa akin ang ganitong pang-iinsulto. "Okay, lang..." Sambit ko. Nagkibit-balikat naman itong si Roxanne at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Balik sa normal ang eksena sa hapag pero ako? Nanatiling tahimik at tila nahiya ng makisalo sa lahat. Halos magpalamon nalang ako sa lupa dahil sa pagkapahiya. I can see on my peripheral view na patuloy sa pangungulit si Roxanne kay Bryce. Namumuo na ang inis sa loob ko pero nanatili akong kalmado. Nagtaas pa ako ng kilay ng matiyempuhan na pilit sinusubuan ng babae si Bryce. She always have the first talk. Nakikisali din si Roxanne sa usapan ng may usapan lalo na sa pagitan nila Bryce at Don Demetriou. Siniko naman ako ni Blythe ng palihim kaya napatingin ako sa kanya. Maski ito ay halatang inis na inis na kay Roxanne. "Don't mind that b***h! Papapel lang yan masyado... may gusto kasi kay kuya." Bulong nito sa akin. Hindi na ako nagulat doon. Tumango nalang ako at pinagpatukoy ang pagkain. I can see how Bryce try his very best to avoid the girl. Dumating pa sa punto na nagkakatinginan na ang magkakaibigang lalaki at tila nagsisignal na patigilin nila si Roxanne sa kaharutan nito. Hindi ko namalayan na halos madurog ko na ang pagkain dahil sa pagkakatusok gamit ang tinidor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD