SH 04 — Her Savior
After that lunch, I decided to lock myself here in my room. Others, including Blythe, are currently enjoying their summer in the pool vicinity.
Napasandal ako sa headboard ng kama ko saka tinanaw ang tanawin sa labas. I hugged the huge teddy bear I had.
Aaminin ko na labis akong napahiya sa pagpuna ni Roxanne tungkol sakin kanina. Kabastusan din naman kung aalis nalang ako bigla dahil doon. Ayaw kong mas lalong mapahiya sa harap ni Don Demetriou.
"Hija, hindi kaba bababa para makisaya sa kanila ni Blythe?" Tanong ni Nana Wanda sa akin.
Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na siya dito sa kwarto. Napalingon ako sa kanya saka umiling.
"Hindi na po. Baka makasira lang ako sa kasiyahan nila doon." Sagot ko.
"Dapat makisama ka doon. Si Don Demetriou na rin ang nagsabi na huwag kang manatili lang dito sa kwarto mo."
"Okay, lang po. Mag-aaral nalang po ako para sa entrance exam ko sa Harvard."
Napailing nalang si Nana Wanda saka inayos ang mga paperbag sa cabinet ko. Hindi na rin ito nagpumilit na makisali ako sa kanila ni Blythe sa baba.
"Kung nagugutom ka pumunta ka nalang sa kusina. Nagluto ako ng ube halaya..."
Tumango nalang ako bilang sagot bago siya umalis. I decided to went to my study table at nagsimulang magbuklat ng libro pero hindi pa man nakakapag-umpisa ay para naman akong lantang gulay na walang sigla mag-aral.
I messed up my hair out of boredom. Tumayo ako at tinungo ang bintana. Mula sa kinatatayuan, kita ko ang malawak na pool sa baba at ang mga masasayang mukha ng mga bisita.
Natigilan ako saglit ng marinig ang pagkatok sa pinto.
"Sino yan?"
"Ma'am Geordane, si Thalia po ito. Pinapatawag po k-kayo ni D-Don Demetriou sa pool a-area..."
Nagtaka naman ako pero hindi nagtagal ay lumabasa na rin ako. Ayaw kasi ng matanda na pinaghihintay siya.
Hanggang ngayon hindi ko maiwasang hindi mamangha sa karangyaan na tinatamasa ng may-ari nang napakalawak na bahay na ito. Mula sa engrandeng hagdan patungo sa mga mamahaling muwebles at palamuti sa mansyon. Agaw atensyon rin ang malaking chandelier na gawa sa Capiz shell, ginto at Swarovski crystals.
Montreal Family is the wealthiest family in the Philippines. They own the biggest business empire in Southeast Asia. Hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang pinanghahawakan nang ngayon ay tumatayong guardian ng magkapatid na Montreal ay galing sa respeto at magandang reputasyon nang dating naging Heneral ng hukbong sandatan ng bansa at lolo sa tuhod nila Bryce, si General Diovanni Rafael Montreal at siyang ama ni Don Demetriou.
Lumiko ako sa kanan para tunguhin ang pool. Paunti-unti'y naririnig na ko ang mga hiyawan, sigawan at tawanan ng mga tao doon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating na ko ang b****a ng vicinity.
Bryce and his friends play volleyball in the pool while Blythe is lying on the sun lounger, habang umiinom ng juice. Roxanne is smiling at the boys while on her sexy two-piece pink bikini.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanila lalo na sa lalaking kakaahon lang mula sa pool. Nagsimula na akong hanapin si Don Demetriou sa ibang bahagi ng pool area.
"Oh s**t! Spike it hard—fvck Khyfer!"
Napalingon ako bigla sa kanila. Nakita ko na natamaan ni Khyfer si Bryce ng bola. Sapol nito ang pisngi niya.
Ilang saglit ay narinig ko nalang na nagtatawanan na sila. Kitang-kita ko pa kung paano sinapak ni Bryce si Khyfer pero sinuklian lang siya ng batok.
"Geordane!"
It was Blythe. Nilingon ko siya at nakita kong papunta siya sa akin. I stopped and wait for her.
"You decided to go swimming?" She asked.
"Hindi..." Umiling naman agad ako, "Hinahanap ko ang Lolo mo,"
Lumihis pa ang tingin ko at saktong natuon kay Bryce na ngayon ay inaabutan ni Roxanne ng towel.
"Si Lolo? He's not here. Ano naman ang gagawin niya dito?"
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Muli kong nilibot ng tingin ko sa kabuuan ng pool at wala akong nakikita na Don Demetriou.
"Sige, pupuntahan ko nalang sa loob baka kasi—"
"Blythe!"
Pareho kaming napalingon ni Blythe sa harap. Roxanne is half-running towards us.
"Oh, the maid— I mean, Georgia, right?"
Tumigil ito sa mismong harapan namin at ngumiti pero hindi man lang umabot sa akin ang ngiting iyon.
She eyed me before she faced my best friend beside me. Umirap lang si Blythe sa kanya.
"It's Geordane, not Georgia!" Pagtatama pa nito.
"Oh, I'm sorry!" Napatakip pa siya ng bibig saka ngumisi. "By the way, Geordane, c'mon join us!"
"Ah—"
Ay s**t!
Hindi pa nga ako nakakatanggi ay bigla nalang niya akong hinatak. Nilingon ko si Blythe para humingi ng tulong kaya sumunod ito. I heard her stopping Roxanne from pulling me.
Hinila niya ako palapit sa pool kaya mas tumindi ang kaba ko. Nagsisimula na rin akong mamutla. This is not a good idea.
Tumigil si Roxanne sa paghila sa akin. Nakita ko na malapit kami sa sun lounger kung saan ko nakita si Blythe kanina. Pasimple niya akong binalya at tiningnan ng masama.
"Oh, Geordane. You're going to swim?" It's Throne.
Lumingon at umiling ako kay Throne. Ito nga yung pinaka-ayaw kong gawin dito sa mansyon. Narinig ko pa ang pag-alpas ng tubig dahil sa pag-ahon ng kung sino man mula roon. Hindi ko na pinagkaabalahang tignan dahil ang importante ay makaalis ako rito.
"Yes Throne!" Roxanne again at saka siya humarap sakin, "Right girl?" Nakataas ang isang kilay nito.
I was about to decline when Blythe stepped in. She's so annoyed with this girl beside me.
"Pwede ba Roxanne, spare her. If she doesn't want to swim, then don't force her!" Sita nito sa galit na tono.
Hindi na ako makasingit dahil nagsisimula na silang magbangayan. Wala namang gustong umawat kaya tahimik akong nagdasal na sana hindi na sila umabot sa pisikalan.
Nakita ko pa ang pag-alis ni Bryce. Nagulat ako kasi akala ko aawatin niya si Blythe. Knowing him, he would protect his sister.
"Pabida ka talagang bruha ka!" Sigaw ni Blythe at halos itulak na si Roxanne.
Doon na ako naalarma. Alam ko na hindi magpapatalo itong kaibigan ko. Lumapit na rin sila Tyrell at Khyfer sa amin. Buti naman at baka sa sabunutan pa mauwi itong dalawa. They're trying to put Blythe in calm.
"What? I'm just being nice to her Blythe! Hindi siya pupunta dito kung hindi siya magsi-swimming. Alangan namang magtanim siya ng palay dito?!" Sabat naman ni Roxanne. Kita na rin ang pagka-irita sa mukha niya.
Huh? Hindi naman ako bobo para gawin yun.
Napatingin naman ang iba sa akin kaya naman napabuntong-hininga ako.
"Ah, hinahanap ko lang si Don Demetriou dito. Sinabi kasi sakin ni Thalia na andito daw siya." Paliwanag ko.
"What? What is he going to do here? Geordane, are you sure that's what Thalia said to you?" Takang tanong ni Tyrell sakin.
Marahan akong tumango. No way in Earth that the maid would lie to me. Kilala ko na din naman halos lahat ng kasambahay ng mga Montreal. Dahil madalas, ito ang kausap at kasabay ko.
"Sige, aalis na ako. Hahanapin ko lang si—"
"C'mon! You're not going anywhere. Since andito ka rin lang naman, why don't you join us?!" Roxanne won't let me go that easily.
"Okay lang. Hindi naman talaga ako magsi-swimming..." Tanggi ko. Una palang ay wala na akong balak na mag-swimming.
"See? She doesn't want to swim. So stop pestering her! If you want, you can go and swim like a frog in the pool until midnight. No one will stop you anyway." Mataray na sabi ni Blythe.
I heard the boys laugh hard at Roxanne. Blythe seems to enjoy putting her in great shame. Hindi nga ito makapaniwala na ganyang siya kadaling ipahiya ni Blythe.
I can see how irritated Roxanne was. Her cheeks turn into bloody red dahil sa pagkapahiya.
Lumapit siya sa akin at hinarap ako. Malapit lang kami sa edge ng pool at any time soon isang pagtabig lang pwede akong mahulog.
"I'm just nice here... I only want to be friends with her since I made a mistake kanina..."
Her face became soft. Nanatili ang tingin ko sa kanya at kita ko rin ang tila naka-ambang pag-iyak niya.
"It's okay... Ahm, Roxanne, I really can't join your swimming. I need to study for my entrance exam saka I need to see Don Demetriou." I said with an apologetic look.
She lowered her face as she started to sniff. Doon ako napakagat-labi dahil sa pagsibol ng konsensya sa dibdib ko.
"Psh! Such a good actress..." I heard Blythe murmured.
"Hey, easy! Sige ka papangit ka." Biro pa ni Tyrell saka inakbayan si Blythe.
"No way! Mas pangit ang babaeng yan. That b***h!" She rolled her eyes at her.
Mas lalo lang sumasakit ulo ko dahil dito. Mukhang ako pa ang makakasira sa kasiyahan nila.
"I-it's okay. I know you don't want to befriend me... I know..." She sniffed. Umiyak na nga siya ng tuluyan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan pinakawalan ko. Kahit pa maglupasay ang babaeng to, wala akong balak na makisama sa kanila o lumangoy sa pool.
"I'm sorry..."
Yumuko ako saka tumalikod. Wala na akong balak magtagal dito at baka mamaya ano pa ang mangyari. Importanteng mahanap ko si Don Demetriou dahil siya naman ang totoong pakay ko rito.
Hindi na ako nagpaalam sa lahat. I started to take steps when someone grabbed my arm.
Nakangisi na si Roxanne sa akin nang harapin ko dahil siya ang humila sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa ngisi niyang iyon. Sinubukan ko pang bawiin ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak pero hindi ko magawa.
She made me walk backward. Nilingon ko pa ang inaaatrasan ko at nakitang isang hakbang nalang ay mahuhulog na ako malamig na tubig.
Mabilis kong hinarap si Roxanne at takot na nagpumiglas. But the next thing she did was beyond everyone's idea.
In one swift move, she pushed me into the pool.
"Holy s**t!"
"Geordane!"
The cold water embraced me immediately. I was slowly falling into the deep pool with a blank mind.
Bukas ang mga mata ko habang humahangos na hinahawi ang tubig. Ramdam ko ang biglaang paninikip ng dibdib ko. Yung mga paa ko tila may nakakaedang bolang bakal roon na kahit anong gawin kong pag-ahon ay hindi ko magawa.
Hindi ako tumigil sa pagkumpas ng aking kamay upang hindi tuluyang higupin ng tubig pailalim pero sa kalagitnaan nang aking pagpupursigi na makaligtas ay narinig ko ang mga sigaw mula sa taas. Iba ang ingay na iyon. Hindi ko naririnig ang boses ng mga kaibigan ni Bryce at maging ang boses ni Blythe.
All I can hear is a deafening peal of laughter for me. Lahat sila sobrang saya na nakikita akong nalulunod. From my blurry sight, I could see tomatoes and other trash being thrown at me.
Oh, God! This scenario is very much familiar.
Suddenly, my body became weak. Unti-unti ko na ring hinihinto ang pagkumpas ng aking kamay. Ramdam ko na rin ang pagod at ilang beses na rin akong nakainom ng tubig. The worst part? I have leg cramps reason why I can't move my legs to swim.
Napapikit nalang ako while silently crying. My heartbeat is slowly deteriorating.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, walang pasintabi na bumalik sa alaala ko ang nangyari anim na taon na ang nakalipas.
The reason why I am afraid of the swimming pool.
I was in my grade school in Brent International, where Blythe and Bryce used to study before. Given na isang mayaman at mahal na paaralan iyon, I expected bullies there, and I am one of their favorite targets.
Naging biktima ako ng bullying dahil kaibigan ko ang mga Montreal. Dahil ang isang hampas lupa na kagaya ko ay naging kaibigan ang mga anak ng mga pinakamayang pamilya sa Pilipinas.
Noong una, simpleng verbal abuse lang ang natatanggap ko mula sa kanila not until they plan to bullied me physically.
It was 4 pm. I am walking around the pumunta sa carpark pathway at hintayin doon si Ludwig, ang driver ng mga Montreal. While on my way, bigla nalang may humatak sa akin. Tinakpan nito ang bibig ko at mabilis na tinakpan ng itim na panyo ang mga mata ko.
I heard them laugh. Mga lalaki sila at alam ko na isa sa mga alipores ng isang taong mahilig mambully sa akin. I screamed and shout for help pero sa tuwing tatangkain ko iyon ay sinasampal nila ako at tuluyang binusalan ng panyo ang bunganga ko.
They dragged me somewhere. Rinig ko ang boses ni Alexandria — the Queen B, the main bully. She moved towards me kaya ako napaatras kasabay ng mga humahawak sa akin.
She took off the handkerchief on my eyes, and there I saw where I was. Nasa pool area kami ng school. Ang daming estudyante sa paligid at lahat ay may hawak na cellphone. They are recording what is happening to me at that time.
"Hello, there ugly poor freak!" Alexandria greeted me in her most sarcastic tone.
Tinitigan ko lang siya. No way in hell na iiyak ako. If before, pinapalampas ko lahat ng pambubully niya sa akin then I will do the same thing again basta wala lang mangyaring masama sa akin ngayon.
"Alam mo, it so matagal na that I plan this for you. Para naman... Malaman mo where you're going to put yourself."
She moved towards me. May dala siyang baso, and by the smell, it was a tomato juice or sauce. When she stopped, wala siyang sinayang na oras at tinapon yun sa akin.
She even shouted that anyone can throw anythings to me. Napapikit nalang ako habang dinadama ng katawan ko ang mga likido at matitigas na bagay na binabato nila sa akin kasabay ng kahihiyan na dinadanas ko sa kamay nila.
Nang hindi ako makatiis ay sumigaw na ako para tigilan na nila ang ginagawa nila sa akin but it didn't happened. As I opened my eyes, mukha na akong bata sa puso n***o dahil sa sobrang baho at dumi ko. Tinignan ko lang silang lahat. I can feel the anger inside me pero kahit ganun hindi ko magawang lumaban. Wala akong nagawa kundi impit na umiyak.
May dalawang lalaki pa ang lumapit sa amin saka ako tinalian ng kadena na may bolang bakal sa isang paa ko. That thing was so heavy that I can't move my feet.
"Please Alexa, tama na..." Sobrang hina ng boses ko sa pagmamakaawang iyon.
But instead of answering me, she smiles devilishly. Pumalakpak pa siya bilang senyas sa dalawang lalaki na may hawak sa akin. They dragged me to the edge of the pool.
"It time to clean yourself, freak! Enjoy!"
Sa huli ay tinulak ako ng malakas Alexandria sa pool. Nagsitawanan lang sila habang ako ay unti-unting nalulunod. Ilang minuto ang lumipas bago ako tuluyang lumubog ay nawala rin sila sa aking paningin. Tuluyan na nila akong iniwan dito mag-isa at naghihintay na kunin ni kamatayan.
When I'm in the middle of death, someone shouted my name.
"Geordane!"
I can't take it anymore. My body is numbing. I can't feel my lower body, and I already drunk an excessive amount of water.
Naririnig ko pa rin ang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko pero sobrang hina na. Before I could run out of air, I heard the water splashed and an arm wrapped around my belly.
"Fvck! Geordane wakes up. s**t!"
"Damn it!"
I can feel someone is shaking me. I want to open my eyes, but my body won't allow me.
I choked up after I felt something soft touched my lips. Water spilled out my mouth as I grasp for some air to inhale. Gumaan ang aking dibdib nang mailabas ko lahat ng nainom kong tubig. Ramdam ko pa rin yung panginginig ng katawan kalamnan ko nang maalala ang nangyari sa akin.
A pair of hazel eyes caught my attention. I can't help but be mesmerized by those beautiful eyes owned by the guy I know wholeheartedly.
"Thank God you're awake..." Bryce said.
Yung boses niya namamaos. He hugged me tightly while caressing my hair. Wala akong nagawa kundi yumakap pabalik.
Again, he saved me.
Hindi ko na napigilang umiyak. Muntik na akong mamatay kanina. Yung alaala ng pambubully sa akin ng kaklase ko noon nangyari ulit ngayon. Sa ikalawang pagkakataon, muling akong niligtas ni Bryce.
"Oh s**t! Hey, don't cry."
He faced me. Kitang-kita ko kung gaano siya nag-alala sa akin. Marahan niyang pinahid ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.
No! No one can't stop these tears.
Hindi tumigil ang mga luha ko kaya mas napahigpit lang ang yakap niya sa akin. Parang muli ay bumalik sa alaala ko ang pangyayaring ito noon.
The fear in me was still there. My body keeps on shaking because of the cold breeze and being soak in wet.
"C'mon, you need to get out of here,"
Maingat niyang ginaya ang mga kamay ko sa kanyang leeg at pinalupot. He positioned himself to carry me.
I saw how he eyed everyone. Nang tumapat ang tingin niya kay Roxanne ay nakita ko kung paano nag-iba ang aura ni Bryce.
Wala akong nagawa kundi ang isiksik ang mukha ko sa dibdib niya. Natatakot ako para kay Roxanne dahil ramdam ko ang pagiging mapanganib ng mga tingin na iyon.
"Prepare yourself for a talk." Every word sent horrible chills for me as he said that while glaring at Roxanne.