“Ang ganda talaga dito!” nakangiti niyang bulalas nang buksan ni Cale ang pintuan nang kwartong inukupa nila sa pananatili nila sa Mirabeles Beach Resort. Dinamba niya ang kama na nakaharap sa ceiling to floor na sliding door kung saan kitang-kita ang dagat ng Isla Molave. Cale chuckled and put their bags above the couch at saka ito naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ang paa niya at saka hinila para makaayos siya ng pwesto. Nang magkaroon ng bakanteng pwesto ang higaan ay ibinagsak din nito ang sarili doon. Kinuha nito ang kanang kamay niya at pinaghugpong ang kanilang mga daliri. At saka nito pinagmasdan iyon. Partikular na ang kanyang mga daliri. Bumitaw ito sa pagkakahugpong ng kanilang mga daliri at hinaplos nito ang kanyang pa

