Chapter 1
DISCLAIMER
THIS IS WRITTEN IN TAGLISH (TAGALOG and ENGLISH) LANGUAGE.
This story is purely work of fiction. All of the characters mentioned in this book are all products of the writer’s imagination. Any resemblance to actual person, he or she may be living or dead, are purely coincidental. All events, places, business and incidents in this work are fiction and are in no way related to anyone who is known/ unknown to the writer.
.45 Caliber, I love you is exclusively written in Dreame/ Stary Writing flatform. It is originally written by pariahrei.
No parts of this story may be illegally publish, distribute, display, modify or transmit without the writer’s permission. Any forms of reproduction are forbidden unless done with the proper consent. PLAGIARISM IS A CRIME.
This story is unedited and consist of grammatical and typographical errors. This story contains some mature words and scenes that are not suitable for young readers.
Feedbacks are much appreciated!
******
With her fake blondie hair and eyes that has blue contact lens, Jenza Weinstein walk in the grand hall where the party for elites held. She’s wearing red off-shoulder gown that has a high slit exposing her long-legged legs. And the six inches red stilettos that she’s wearing make it sexier.
Kasalukuyang ginaganap ang selebrasyon para sa anniversary ng Mariano Hotel. And she’s here not to enjoy but to steal someone’s life. She get a glass of champagne that the waiter offers and sip on it seductively as she saw her target for tonight.
Gaudici Mariano, a corrupt politician and a leader of big syndicate in the Philippines. Ang sindikato nito ang dahilan kung bakit sunod-sunod ang pagkawala ng mga babae sa bansa. They are kidnapping women for cybersex and slavery. Ligtas sana ito sa grupong kinabibilangan niya, but Gaudici Mariano crossed the line. Naki-alam na rin ito sa bentahan ng droga at mga armas sa madayang paraan. He’s tricking the other groups, kill them and get the guns and drugs afterward. And the Funtellion mafia doesn’t like the idea. That’s why they sent one of their best reaper to end the life of poor Gaudici.
Jenza walk sexily confident towards the old man that is now surrounded with bodyguards. She made sure that she looks seductive to get the man’s attention. At hindi nga siya nabigo sapagkat nang magawi ang tingin nito sa kanya ay natuod ito sa kinatatayuan at sinundan pa siya ng tingin nang lumiko siya salungat sa kinaroroonan nito and wink at him.
She smile devilishly as soon as she turned her back on him. The lust on man’s eyes are evident. No wonder because he loves blondies.
Huling pagnanasa mo na iyan, Tanda!
Dumiretso siya sa comfort room ng lugar. Good thing there’s no one in there. Pumasok siya sa isang cubicle at kinuha roon ang isang parihabang bag na inilagay niya roon kaninang tanghali bago pa man magsimula ang kasayahan. Maingat siyang lumabas ng comfort room at pasimpleng naglakad papunta sa mataas at tagong bahagi ng lugar.
“Jenza, one minute starts now,” dinig niyang wika ni Aradelle sa kabilang linya dahil sa suot niyang earpiece. Aradelle is her eyes on every mission she got. Hindi siya nag-aalala sa CCTV sapagkat sinigurado nitong hindi iyon gagana sa oras na gawin niya ang kanyang misyon.
“I can finish it at twenty seconds,” she murmured. Inilabas niya ang MK-11 riffle mula sa loob ng bag na dala-dala. Sumilip siya sa teleskopyo niyon at dinilaan ang sariling labi. Wind, distance and target’s movement—a smirked formed on her lips as she pulled the trigger. A bullet digs on Gaudici’s forehead.
“Whoa, that’s nineteen seconds,” wika ni Aradelle. “A record breaker!”
She smirks even more as she put the riffle inside the bag habang tinatanaw na nagkakagulo na sa kasayahan na iyon. Alertado na rin ang mga bodyguard ng lalaki na nagsilabasan na ng kanya-kanyang baril. Ang iba naman ay tumatakbo patungo sa lokasyon niya. But she’s faster enough to escape. Binasag niya ang ceiling to floor na bintanang salamin na naroroon and jump fiercely out of the building like she doesn’t know the word death for herself. When she was halfway to the ground, she jerked up her body para maabot ang kawad ng kuryente na naroroon at doon niya pinadausdos ang sarili. She land as swift as a cat into the ground.
Isinuklay niya ang sariling daliri sa kanyang pekeng buhok bago pinara ang paparating na taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na bus station. This is her life, an obedient daughter at day and a soul stealer at night. Bata pa lamang siya ay pumasok na siya sa Funtellion mafia upang magsanay bilang mafia reaper. Her family is one of the legal partners of Funtellion mafia in terms of businesses. Ang kanyang mga magulang ay isa sa mga pader na tumatayo bilang sandigan ng mafia. And she, as their daughter serve the mafia and pledge her loyalty to them.
Nang makarating sa pinakamalapit na bus station ay agad siyang pumunta sa palikuran at nagbihis ng simpleng damit. Hinubad niya rin ang suot-suot na wig at binura ang makapal na make-up na nasa kanyang mukha. Inilagay niya sa bag na dala-dala ang kanyang hinubad at saka muling lumabas. Nang nadaanan niya ang itim na trash can ay inihulog niya roon ang dala-dala. Someone will pick it up later.
Sumakay siya ng bus at pinili ang pinakahulihang bahagi ng upuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at isinandig ang sariling ulo sa bintana niyon. She should be in Crystal Nights High School and guarding Zeon’s girlfriend. But she’s here, stole someone’s life as per order of her boss. At least kapag nagbabantay siya sa kasintahan ng isa sa kanyang mga boss ay nakakahanap siya ng kapayapaan. Kahit pa palagi lamang siyang mag-isa sa nightwoods ng paaralan na iyon ay ayos lang sapagkat pansamantalang nagkakaroon ng kapayapaan sa kanyang sarili. Pansamantala siyang nakakahinga mula sa nakakasakal na pamamalakad ng kanyang mga magulang.
Her parents—Zacarias and Amber Weinstein, demand perfection from her. Mula pa pagkabata niya ay itinatak na sa kanyang isipan na siya ang magmamana ng Weinstein Empire. She should be prim and proper at all time, be perfect in all possible way. Ginawa naman niya ang lahat ng makakaya ngunit sadyang sobrang taas ng standards ng kanyang mga magulang at hindi niya maabot-abot iyon.
From kindergarten to college, she always made sure that she’s on top of her class. She became one of the Funtellion’s best mafia reaper and even make her own name at the young age, but still hindi niya pa rin makuha-kuha ang tiwala at maranasan na ipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.
Nang matanaw na niya ang kanto nang daan patungo sa kanilang mansion ay agad niyang pinara ang bus. Sa mga normal na pagkakataon ay nagpapasundo siya sa isa sa kanilang driver, ngunit ngayon ay hindi niya ginawa sapagkat bukod sa ala-una na ng madaling at ayaw niyang istorbohin pa ang mga ito, ay mas gusto niyang matagal siyang makarating siya sa kanilang bahay. She still wants to feel the cold wind that lingered on her skin.
Tumingala siya sa langit na may ilang bituin na nagkikislapan. Mabibilang na lang niya sa daliri ang nakikita niyang bituin dahil sa mga ilaw ng mga establisyemento at streetlight ng Northshire town. Watching stars, sunset and sunrise is her therapy from all the stress that she experienced. Kaya medyo nakaramdam siya ng lungkot sapagkat kakaunti lang ang bituin na nakita niya ngayon. Ngunit gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang isang shooting star na dumaan. Pumikit siya at sinabi sa isipan ang kanyang tanging hiling.
I wish, Mommy and Daddy finally see my worth.
Masakit ang ulo ni Jenza nang magising kinabukasan dahil sa tumutunog niyang cellphone. Nakapikit ang mga matang kinapa niya iyon sa bedside table at itinapat sa kanyang tainga.
“This should be important,” malamig niyang bungad sa kabilang linya.
“Young Lady, it’s already eleven thirty in the afternoon. Your parents wants to talk to you at lunch at twelve,” mabilis ngunit malinaw ang boses ni Mr. Garcia—ang butler ng mansion, nang ipaalam iyon sa kanya.
Mariin siyang napapikit at hinilot ang kumikirot na sentido. “I’ll be there!” wika niya at saka walang paalam na ibinaba ang telepono. Kahit masakit ang ulo ay napilitan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang king sized bed na nalalatagan ng kulay lila na bedsheet. It is incorporating a luxurious purple fabric in clever spots—the bed coronet, curtains and a few pillow, against a neutral background. The space is sophisticated without being overwhelming girly.
Her bedroom is exquisite that everyone could wish for. She has her own bathroom, a big walk-in closet that contains branded bags, shoes, dresses, and accessories. Her bedroom has two floors. Her bed and closet are in the second floor while her mini library and computers and other things for her extravagance are in first floor.
Matapos makapag-ayos ay bumaba na siya sa dining room ng kanilang mansion. She’s wearing a blue royal dress na umabot hanggang tuhod niya. Ipinuyod din niya sa ang kanyang mahabang buhok na itim na itim. She also applied a light make up for a presentable looks. Kahit nasa bahay lamang siya, kailangan niya maging presentable ang itsura kapag kaharap ang kanyang mga magulang. Lalo na kung ibang tao.
She saw her parents sitting with confidence on their respective chair in front of their expensive dining table. Her mother, Amber Weinstein was wearing a silver fitted dress that curves on her body. Kahit nasa early fifties na ang edad nito ay bakas pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. Same goes with his dad, Zacarias Weinstein. He’s wearing a suit like he always do, that made him looks respectable and dangerous.
The two of them look at her as she take her sit in front of her mother. Nasa kabisera ang kanyang ama habang nasa kaliwa nito ang ina at siya naman ay nasa kanan.
“How’s your mission?” tanong sa kanya ng kanyang ama nang maihain ng mga tagasilbi ang pagkain. Batid niyang may alam ang mga ito sa mga aktibidad niya sa mafia.
“Well done,” tipid niyang sagot.
“It should be,” nakataas ang kilay na singit ng kanyang ina. “There is no room for failure in this family.”
Lihim niyang nakagat ang labi dahil sa sinabi nito. Mula pa pagkabata ay madalas ng ganito ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga magulang ngunit masakit pa rin para sa kanya iyon hanggang ngayon. Hindi na siya nasanay.
“Your mom is right,” segunda ng kanyang daddy. “Anyway, do you have a plan for this evening? Cancel it if you have. The Melosivic’s are coming for dinner. We will talk about your upcoming marriage with their son,” wika nito sa kanya.
Natigil siya sa paghiwa ng kanyang steak sa narinig mula sa kanyang ama. Tama ba ang narinig niya? Magpapakasal siya? Bakit ngayon niya lang nalaman iyon? Wala siyang natatandaan na may usapan sila ng kaniyang mga magulang o kahit kanino man.
“Marriage?” tanong niya at humigpit ang hawak niya sa kubyertos. “I don’t remember having a boyfriend to marry,” dugtong niya kahit alam niya na kung ano ang ibig ipakahulugan ng ama. Ipinagkasundo siya ng mga ito ng hindi niya nalalaman sa taong kahit dulo ng kuko ay hindi niya kilala.
“It's fixed marriage, Idiota!” matalas ang bibig na sikmat sa kanya ng kanyang ina. “The Melosivic’s are the magnates on steel, malaki ang maitutulong nila kung sakaling mag-merge ang Weinstein Empire with them.”
“Your mother is right. It would be—“ her father stated but he cut her off.
“No!” matigas ang naging pahayag niya nang sabihin iyon ngunit alam niyang nagririgodon ang kanyang puso dahil sa kaba. This is the first time defying her parents. Nanginig ang kanyang mga kamay na hawak-hawak ang kubyertos.
“Excuse me?” her mother brows lift.
“I said no. I won’t marry anyone,” matatag niyang sabi sa mga ito. Halos magdalawang isip siya sa kanyang disisyon nang padaskol na tumayo ang kanyang ama at malakas na hinampas ang mesa dahilan upang mahulog ang ilang kubyertos na naroroon.
“Bullsh*t! You have no rights to refuse, Jenniea Zanrei Weinstein. Whatever we decided will happen!” bakas ang galit sa mukha ng kanyang ama nang sabihin nito iyon.
Gusto niyang manatiling magalang sa harap ng mga ito katulad ng nakasanayan niya para lamang makuha ang approval ng mga ito. Pero pagod na siya. Hindi siya papayag na pati kasiyahan niya sa hinaharap ay paki-alaman pa ng mga ito. She dreamed of marrying a man that she loves. She dreamed of having her own happy family and raise a children that will give colors to her dark life.
Kaya ngayon ay susugal siya. Matapang at diretso ang tingin na tumayo siya sa kanyang kinauupuan. “I won’t marry anyone,” matapang niyang ulit sa sinabi kanina. Nilingon niya ang kanyang ina na gulat sa mga nangyayari at muling itinuon ang tingin sa kanyang ama. “Mula pagkabata ko, sinusunod ko kayo. I became valedictorian, summa cumlaude and best servant in Funtellion’s. But you didn’t see that.” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses sa mga ito.
“Don’t raise your voice to us, young lady!” Dinuro siya ng kanyang ama. “You are a Weinstein. It is your responsibility to do what you did. How dare you na sumbatan kami ng mommy mo? Wala kang respeto!”
“Respeto? Why? Did you even respect me by fixing a marriage to someone I don’t know? Hindi niyo inisip na nasasaktan ako sa mga ginagawa niyo. Wala kayong kwentang magulang!”
Nagulat ang mga ito sa sinabi niya. Ngunit mas nagulat siya nang dumapo ang palad ng kanyang ama sa kanyang pisngi.
“Zacarias!” gulat na wika ng kanyang mommy at tuluyan ng napatayo.
Malakas iyon kaya napabaling ang ulo niya sa kaliwa. This is the first time that her father hurt her physically. Tuluyang naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilan.
Sinapo niya ang kanyang namumulang pisngi. Masakit iyon ngunit mas sakit ang nararamdaman niyang kirot sa kanyang dibdib. Lumuluha ang mga matang ngumisi siya sa kanyang ama.
“Wow,” sarkastikong wika niya.
“Jenza, stop!” pigil ng kanyang mommy at nilapitan ang asawa nito na puno pa rin ng galit ang mga mata.
“Sana hindi ko na lang kayo naging magulang!” sigaw niya sa mga ito bago lumabas ng dining room na puno ng luha ang mga mata. Sa halip na magkulong siya sa kanyang kuwarto katulad ng nakagawian kapag pinapagalitan siya ng mga ito, ay lumabas siya ng bahay. Sumakay siya sa kanyang kotse at mabilis na pinaharurot iyon palabas.
Napahigpit ang kapit niya sa manibela nang matanaw niya sa rearview mirror ang papasarang gate ng mansion nang makalabas siya sa kalasada. Alam niyang nang oras na umapak siya sa labas ng kanilang mansion ay magbabago na ang takbo ng kanyang buhay. Mararanasan na rin niya ang kalayaan na inaasam. Napahikbi siya ngunit may ngiti sa kanyang mga labi.