Chapter 2

2458 Words
Jenza is hitting the punching bag with multiple punches and kicks. Her every hits are strong with same level of ferocity. Pawis na pawis na siya at namamanhid na rin ang kanyang kamao na wala man lang gloves, ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pagsuntok at sipa sa kawawang punching bag na iyon. Lahat ng frustration niya ay ibinubuhos niya doon kaya hindi nakakapagtakang halos mabutas na iyon. “Ahh!” malakas niyang sigaw sabay malakas na sinipa ang punching dahilan upang mapigtas ang tali nito at tumilapon sa isang sulok. Dinig sa buong kuwarto ang tunog ng paglagapak nito sa sahig at pagkalat ng laman nito dahil nabutas iyon ng tuluyan. Hingal na hingal siyang napa-upo sa sahig at ipinatong ang dalawang braso sa magkabila niyang tuhod na nakatiklop. Namumula na ang kanyang mga kamao ngunit hindi niya alintana iyon sapagkat maraming alalahanin ang pumapasok sa kanyang isipan. It’s been a week since the last time she talked with her parents. At simula ng araw na iyon ay hindi pa siya umuuwi sa mansion. At hindi rin niya sinasagot ang tawag ng kahit sinong tao mula sa mansion. “Jenza, the masters call for an emergency meeting,” narinig niyang wika ni Aradelle matapos bumukas ang pinto ng training room na kinaroroonan niya. Kasalukuyan siyang naglalagi sa Funtellion manor na ginawang training ground ng mga tao ng mafia. At bilang isa sa pinakamagagaling na reaper ng grupo, isa sa mga prebilihiyo niya ang magkaroon ng sariling espasyo roon. Hindi niya ito nilingon at nanatili lamang ang kanyang blangkong paningin sa sirang punching bag. “Susunod ako,” malamig niyang sagot dito. Napahiga siya sa malamig na sahig nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Pilit niyang itinatanong sa sarili kung bakit ganon ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga magulang. Mula pa ng bata siya ay parang robot kung ituring siya ng mga ito. Para siyang naka program na sundin ang gusto ng mga ito. Madalas siyang ka-inggitan ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa yaman at kapangyarihan ng kanyang pamilya. Her classmates and acquaintance always envy her for having a perfect life that everyone could wish for. Hindi alam ng mga ito na kulungan ang mansion na kanyang tinitirahan at isa siyang robot na walang magagawa kundi sundin ang gusto ng mga magulang upang makuha lamang ang aproval ng mga ito sa kanya. Matapos makapagpahinga saglit ay pumasok na siya sa shower room na naroroon at naligo. She wore a fitted jeans and black sando na pinatungan niya ng leather jacket. Isinuot din niya ang ankle knee boots niya bago lumabas sa inuukupang suite. The hacienda of Funtellion’s are wide enough for the trainees to train well. Ngunit sa halip na mansion o kaya ay ancestral house ang nakatayo sa pinakagitnang bahagi ng hacienda katulad ng mga normal na Manor ay isang eighty-two story building ang naroroon. Para itong hotel sa tema ng pamamalakad at serbisyo. Ang pinagka-iba lang ay hindi mga guest ang namamalagi roon kundi mga tauhan ng Funtellion Mafia. Mga kawal ng kaharian na handang magbuwis ng buhay para sa pinagsisilbihan. She rode the elevator and went to fiftieth floor where the big hall is located. Doon madalas ginaganap ang mga pagtitipon. Marami ng tao ang naroroon nang dumating siya. Mostly ay mga katulad niya rin na reaper na nagsisilbi sa mafia. Namataan niya sina Milky and White Horados. They are twins and both good at hand to hand combat. Ngunit ayaw niya sa dalawang ito dahil palagi na lang siyang pinag-iinitan kahit pa noong trainees pa lamang sila. She also saw Abacus, another reaper. He’s good at knives and anything that considers slashing. “My favorite, girl!” magiliw ang boses na tawag mula sa kanyang likuran. She glanced at her over her shoulder and saw Delta. The reaper with unreadable personality. She seems so friendly and lively all the time but her smiles are so sweet that it turns out creepy. Kumapit ito sa braso niya at inaya siya sa isa sa mga upuan na naroroon. Maya-maya pa ay dumating na rin ang hinihintay nila. Zeon Funtellion—the oldest son of Amedeus Funtellion. Ito ang madalas na humaharap sa kanila sa mga pagtitipon. Malimit lamang nilang makaharap ang ama nito na siyang pinuno ng mafia. “The transaction last night has been sabotage,” diretsahang panimula nito habang blangko ang ekspresyon ng mukha. “I hate snakes, people,” he tilt his head. “I skin them alive,” mapanganib nitong banta. Walang nagsalita at nanatiling tahimik lamang ang mga naroroon. “The Sigma starts to question the capability of the group as their assets.” Ang Sigma na tinutukoy nito ay isang legal na organisasyon na nagpapatupad ng batas sa underground society. At dahil hindi basta-basta nabubuwag ang isang mafia o sindikato na lumalabag sa batas nito, ay kinakailangan ng Sigma ng mafia upang gamitin na panglaban ng mga ito. At ang Funtellion kasama ang iba pang makakapangyarihan na mafia sa underground society ay may pribelihiyo bilang assets ng Sigma. Matapos pagbantaan ang kung sino man na tumatraydor sa grupo at mamahagi ng mga misyon ay tinapos na nito ang patitipon. “Except you, Jenza,” wika ni Zeon nang akmang lilisanin na niya ang lugar. Napatigil siya sa paghakbang at walang ekspresyon na muling nilingon si Zeon. “I’ll go first, Favorite girl. Let’s just catch-up over coffee some other time,” wika ni Delta na nakakapit sa braso niya kanina dahil sabay na raw silang lumabas. Aside from sharp weapons and gothic styles, Delta was also addicted in coffee. Bumalik siya sa dating kina-uupuan na nasa harap lamang ng kinaroroonan ni Zeon. “What is it, Boss?” malamig ngunit may paggalang ang boses niyang tanong. Ngumisi sa kanya si Zeon at sumandal ito sa kina-uupuan. “What’s with the calling me boss?” Zeon asked and his eyes have an expression now compare earlier. She rolled her eyes. “Fine! What is this all about, Z? Hindi mo naman siguro ako pina-iwan dahil pinagbibintangan mo na ako ang sumabotahe ng transaksyon kagabi, 'di ba?” matalas ang bibig niyang tanong na hindi naman alintana nito. Zeon is her cousin on mother side and grew up together. Ngumisi ito sa kanya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “I didn’t say anything! Unless you are guilty and your conscience will surely burn to hell,” mapanlinlang nitong sabi na ikina-ikot ng mga mata niya. Kahit kanino ay hindi ito nagtitiwala, well nagtitiwala pala ito sa iisang nga lang. Kay Mirethea—his girlfriend. “Anyway, I have a new mission for you,” he said seriously before giving her the envelope. Binuksan naman niya iyon at saka tiningnan ang laman. It is a profile of her new mission. A powerful Russian businessman. Walang nakalagay kung ano ang dahilan ng pagpapatay dito kaya muli niyang ibinalik ang tingin kay Zeon. “From mafia?” she asked to confirm. Kapag may nakalagay na dahilan kung bakit kailangang mawala ang isang indibidawal sa mundo, awtomatikong alam niya na galing iyon sa sigma. Ngunit dahil ang profile na iyon ay walang dahilan, sigurado siyang sa mafia iyon galing. “Yes. The reason is confidential. Sir Amedeus give that to me this morning and personally demand you to do so.” “And one thing more,” dagdag ni Zeon na ikina-angat ng tingin niya dito. “Your parents called me, they are asking me if I could force you to send you home. They are expecting your presence this night at Weinstein mansion to meet the Melosivic’s.” Hindi siya umimik sa sinabi nito at sa halip ay muli niyang binalikan ang profile ng lalaki na nasa late fifties na ang edad. The Russian features are evident on his face. Napataas ang kilay niya nang mabasa na palagi itong may mga kasamang bodyguard at mailap itong hagilapin. Kasama rin na nakasulat doon na isa ang pamilya nito sa pinakamakapangyarihan sa Russia. A politicians as a backer, ex-navy seal as bodyguard and highly secured ang mga bahay, buildings at kotse nito. Agad umarangkada ang isip niya sa pagbuo ng plano, hindi lamang sa pagpatay sa lalaking ito kundi pati na rin sa kung paano niya mabubura ang sarili sa mundo. “I’ll go now,” paalam niya kay Zeon na hindi ito binibigyan ng kumpirmasyon kung pupunta ba siya o hindi. Isang tipid na tango lamang ang itinugon nito sa kanya bago siya tumalikod dito at saka lumabas ng lugar na iyon. Didiretso na sana siya sa kanyang suite ngunit nakita siya ni Delta. Nakasandig ito sa tabi ng elevator na wari ba ay hinihintay talaga siya. “At last, nandito ka na rin. You made me wait for almost twenty minutes that’s why you need to buy me a coffee,” she said while smiling big at her like it’s her fault that she waited for minutes. Amd it was a long time of waiting for this girl. Hindi niya naman ito sinabihan na maghintay, ah! Hindi siya sumang-ayon o tumanggi man sa sinabi nito. Basta na lang siya nito hinila papasok sa elevator. Tahimik lamang siya habang nakasakay sa elevator papuntang second floor dahil nandoon ang kitchen, cafeteria at dining room ng lugar. Si Delta lang ang nagsasalita at kine-kwentuhan siya ng kung anu-ano. Good thing is that Delta doesn’t mind if she’s interested or not. “Aren’t you tired of talking while obviously, no one is listening?” payak niyang tanong dito. Ngunit sa halip na ma-offend sa sinabi niya ay ngumisi ito sa kanya. “You are not nosy, not interested whatever I am talking about that’s why I tell you everything, Favorite Girl.” And Delta laugh loudly but her eyes are blank. Napa-iling siya. “Anyway, I have a new knife collection and it’s so cool. I get it from the auction in Germany,” daldal pa rin nito. Hindi siya umimik o nilingon man lang ito. “I spend nothing but an effort with my hand.” Blanko niya itong tiningnan. “Duh? I killed the man who won the auction. Oh, poor soul!” she said and dramatically trace her long violet hair. “But his blood spit on my face as I slit her troat and it was like, ew! Disgusting!” maarte nitong ipinorma ang mga kamay na parang diring-diri talaga. Nang makarating sila ng cafeteria ay wala siyang nagawa nang umorder ito ng kape at pastries nilang dalawa. Wala na rin naman siyang magagawa dahil kahit tumutol siya o kaya ay takasan ito, she wil still pay for Delta’s coffee. Because every expenses of Delta was charge on her. Hindi niya alam kung paano nangyayari iyon but knowing this little cunning girl, she can do whatever she wants. Good thing with Delta is that, lahat ng pera na nakukuha nito sa Funtellion Mafia ay inilalagay nito sa isang card na sapilitan na ibinigay sa kanya. And just like that, she became an instant accountant of this brat! “So this is what the lossers' leisure time looks like,” Milky said as they get near on them. Kasama nito ang fraternal twin na si White Horados. Hindi na siya nagtaka sa pambungad nito sapagkat simula pa lamang ay sadyang mainit na ang dugo ng mga ito sa kanya. They see her as a competitor on everything. Both of the Horados’ are also valuable in Funtellion mafia as a reaper. Napalingon siya kay Delta nang malakas itong tumawa habang nakatingin sa dalawa. “Oh my doomsday!” Delta said and cover her mouth like she was so shock on what the twins said. “Oh Milky, you poor soul. How stupid you are to assume that this is our leisure time? This what you call catching-up!” nakaka-insultong wika ni Delta ngunit ang mukha nito ay nababanaagan ng ekspresyon ng pagka-inosente itong nagtatanong. Milky’s face became red as a signed that she was in rage. Hindi naman iyon pinansin ni Delta bagkus ay muli itong nagsalita. “You know what, you little bratty nitwit. You should let your twin smack your head off or better yet just kill yourself.” The twins were enrage and ready to smack Delta’s head on the table. But Delta is fast as ever, before any of them could reach her, she already pull out her guns and point it on their skulls. “Try bitches, it will be an honor if I could plant some bullets in your useless f*cking head,” wika nito na may malaking ngiti sa labi. It was a big and sweet smile that it turned out creepy. Naiinip naman na sumandal si Jenza sa kanyang upuan. Nakuha pa niyang kunin ang kanyang kape at dahan-dahan na hinigop iyon habang tinitingnan si Delta na nakatutok ang baril at ang kambal na halatang hindi inaasahan ang nangyayari. She can’t wait to see them smashing each other faces. “You know what? I hate bitches like you two. I feel like your dethroning me,” wika ni Delta at saka malakas na tumawa. She put down her guns seconds later because some mafia guards approach them with respect. They still higher than them. “We’re not yet done!” the twins threat them—Delta to exact. “Oh we are not and I’ll wait for you two. Witch little bitchy witch…” Pakanta-kanta pa si Delta ng sabihin iyon at saka muling humalakhak. Nang maka-alis ang mga ito ay parang walang nangyari na bumalik sa kinauupuan si Delta at kumain ng cake nito. “That’s boring,” she commented as she sip her cup of coffee. “Hell, yeah! Do you think I should pull the trigger the moment I pull out my guns?” inosenteng tanong nito sa kanya na hindi naman niya sinagot. “You know what? I think that’s what should I do next time. Or better yet, I’ll just slit their throat using my new collector’s knife. Oh, that’s right. They will thank me because it is a privilege to them because they are the first one who can taste its sharpness. What do you think? Brilliant isn’t it?” tanong nito sa kanya na halos kumislap ang mga mata sa kapilyuhan na wari ba ay isang malaking biro lamang ang sinabi nito. “It’s a brilliant idea.” At saka humalakhak ito na parang baliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD