“Aradelle, what is my perimeter?” Jenza asked as she set her foot on Moscow, Russia. Kausap niya si Aradelle sa bluetooth headset na nasa kanyang tainga. Kasalukuyan siyang naka-upo sa isang bench na nasa park ng nasabing lugar. Wearing her furry coat and knee-length boots na binagayan niya ng pekeng blondie niyang buhok, mapapagkamalan siyang turista lamang sa lugar.
“Half kilometer to your north is the Astoria hotel where your subject always go out at exactly six pm. The guards are extremely strict and the car is heavily bulletproofed,” pagbibigay impormasyon nito sa kanya habang dinig niya sa kabilang linya ang tunog ng mabilis na pagpindot ng keyboard.
“That’s a rough work,” she commented as she rolled her fake blondie hair on her finger.
“Yeah, it is. Pero nakakita ako ng butas. The roof of his car has a rectangular opening. He’s smoker and I think he doesn’t want to suffocate himself.”
Hindi siya umimik sa sinabi ni Aradelle sapagkat tumatakbo ang isipan niya sa isang plano.
“There was a high building in the intersection one kilometer apart from the hotel. You can take your shot there,” Aradelle suggested. “I will tap the CCTV’s and guide you throughout.”
Dinilaan niya ang kanyang labi bago tumayo. Lumapit siya sa isang itim na basurahan kung saan niya inilagay ang parihaba niyang bag na ang laman ay ang kanyang Mk-11 riffle, grenades and GLOCK 23 hand gun. “No need for the high building, Aradelle. Just guide my way and be my eyes.”
Naglakad siya patungo sa kanyang puting kotse na nakaparada sa medyo tagong bahagi ng park at saka pumasok roon.
“Wait, what? You’re not going to take a long range?” bakas ang pagtataka sa boses ni Aradelle sapagkat long range shooting is her specialty. She doesn’t call scope witch for nothing. Sa mga normal na pagkakataon ay mas pipiliin niyang gamitin ang kakayahan kung saan siya magaling. Ngunit iba ang nasa isip niya ngayon lalo pa’t mas tumibay ang kagustuhan niyang mawala ang sariling katauhan sa mundo dahil sa patuloy na pagtulak sa kanya ng kanyang mga magulang sa isang sitwasyon na makakasira ng kanyang kasayahan sa hinaharap.
“Nope. Trust me on this, Aradelle,” wika niya at saka inapakan ang accelerator ng kotse para mas mapabilis ang takbo niyon. Kinabig niya ang manibela ng kotse upang lumiko iyon sa shortcut na sinabi ni Aradelle upang mas madali niyang maabutan ang kotseng sinasakyan ng kanyang targert. Nang makalabas siya sa eskinitang iyon ay namataan na niya ang itim na limousine na kinalululanan ng kanyang target, sampung metro ang layo mula sa kanya.
“May iba pa bang daan na ang lalabasan ko ay eksaktong sa harapan nila?” tanong niya habang lumulusot sa mga naglalakihang truck na kasabay niya sa kalsada.
“Yes, there is. Two blocks away from you and based on my calculation you will appear in front of them with a speed of one hundred twenty,” pagbibigay impormasyon nito sa kanya na agad niya namang sinunod. Mabuti na lamang at kayang imonitor ni Aradelle ang paligid niya kahit ilang milya ang layo nito sa kanya. Thanks to the satellite owned by Funtellion’s.
Muli niyang kinabig ang manibela nang makita ang isang eskinita na tinutukoy ni Aradelle. It was a night market in Moscow. Maraming tao ang naroroon na namimili sa iba’t-ibang tindahan ngunit hindi niya alintana ang mga iyon. Ang nasa isip niya lamang ay maabutan ang kanyang target upang maisakatuparan ang kanyang plano.
Medyo madulas ang kalsada sapagkat malapit ng magtapos ang winter season ng nasabing bansa. Kaya naman ay unti-unti ng natutunaw ang mga nyebe sa daan dahilan upang maging basa ang kalsada. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya ay minumura na siya ng mga taong halos mabangga niya ngunit wala siyang pakialam. Ilang metro ang layo niya sa labasan ng eskinitang iyon nang may batang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Mabilis niyang kinabig ang manibela at inapakan silinyador ng kotse ngunit huli na dahil nang iiwas niyang mahagip ang bata ay tuloy-tuloy naman ang kotse niya papalabas ng eskinita habang nagpapagewang-gewang. Kasabay ng paglabas ng kanyang kotse sa eskinita ay ang pagsulpot ng sasakyan ng kanyang target dahilan para sumalpok siya doon.
Her head smashed in the drive wheel because of the strong sudden impact. At sa nanlalabong paningin ay inapakan niya muli ang accelerator ng kotse dahilan para umangat ang likuran na bahagi niyon at tumilapon ang kanyang sasakyan sa ere. Halos magslow motion ang lahat ng nasa kanyang paligid habang itinutok niya ang kanyang baril sa lalaking nasa late fifties na ang edad. She pulled the trigger of her GLOCK 23 hand gun and she could almost see the travelling bullet that pierce on man’s skull.
Sigawan ng mga tao ang at malalakas na kalampag ang sumunod na narinig sa paligid. The white Lada granta smashed on the ground with strong potency. Nagpagulong-gulong iyon sa kalsada bago muling sumalpok sa isang establisyemento na naroroon. The light of the establishment sparks because of the damage that cause the ignition of fuel of the white car. Makalipas ang ilang segundo, isang nakakayanig na pagsabog ang nasaksihan ng mga taong naroroon. Shriek of people, siren of the ambulance and firefighters are visible in the place.
Ngunit isang bluetooth headset ang nasa kalsada at maririnig ang boses mula sa kabilang linya. “Jenza, what happened? Answer the d*mn phone, Weinstein!”
“What will happen now?” Delta asked Aradelle as she took a seat in front of the big picture of one of the greatest reapers in Funtellion mafia.
“I don’t know, everything was a mess,” pigil ang luha ni Aradelle habang tinitingnan ang malaking larawan ni Jenza sa harapan. Her body was cremated dahil na rin sa sobrang sunog na iyon nang ma-recover mula sa sumabog na kotse.
“I will miss her,” Delta said and wipe her invisible tears on her eyes.
They are in Northshire chapel to attend the funeral of their friend. Bakas ang lungkot ng mga taong naroroon kahit hindi man iyon pinapakita. Zacarias and Amber Weinstein have stoic face as they staring at their daughter’s picture. Maraming mafia guard sa paligid na nakasuot ng pangsibilyan. Pinadala sila ng Funtellion mafia bilang gwardya sa mag-asawang Weinstein na nawalan ng anak. It is a gesture of condolence and respect of heads of Funtellion mafia for their great reaper.
Nang sumapit ang gabi ay nagpakita si Zeon Funtellion ngunit hindi ang ama nito. Abacus is also present together with other reapers or two. Wala man luha na nakita sa mata ng mga naroroon bakas naman ang kalungkutan sa pagkawala ng isang anak, kaibigan at tagapagligtas.
Nakatuon ang mga mata ng isang babae sa harapan habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. She’s wearing tight skinny jeans, a simple t-shirt and black jacket with hood. Tahimik lamang siyang naka-upo kasama ang ilan pang pasahero na nag-aantay sa paparating na barko. Ang kanyang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang hood kung saan nakalagay ang kanyang paboritong baril. Wala siyang dalang malalaking bagahe katulad ng mga kasabayan niyang pasahero sapagkat bunga ng katusuhan kung bakit siya napunta dito.
Dinilaan niya ang kanyang labi at mahinang sinalat niya ang benda sa kanyang noo dulot ng huling misyon na kanyang ginawa. She doesn’t have anything with her but a small backpack that contains gun, hundred thousand cash and some documents of her new identity.
Maya-maya pa ay dumating na ang barkong hinihintay niya. Tumayo siya mula sa kina-uupuan nang mag-anunsyo na ma-aari ng sumakay ang mga pasahero. She doesn’t know where this ship will land. She doesn’t have any idea where she should start spending this freedom of her’s that she waited for a very long time. Isa lang ang alam niya, sa oras na sumakay siya sa barkong ito at kung saan man siya dalhin ng alon, she will make sure that she will live her life to the fullest. She looked back at the entrance of the seaport and a smirk formed in her lips as she set her foot in the ship.