“Are you sure of this, Jenza?” nababahalang tanong ni Aradelle sa kanya. Mula sa pagkakatingin niya sa mga dokumentong hawak-hawak ay nag-angat siya ng tingin dito. Bakas sa mukha ni Aradelle ang pag-aalinlangan sa gagawin. Ganon din ang nararamdaman niya ngunit pilit niyang nilalabanan dahil disidido siya sa gagawin.
“I mean, hindi ba masyadong risky? Hindi lang magulang mo ang pagsisinungalingan natin. Pati na rin ang mafia,” paglalabas ulit ng hinaing nito. Aradelle was with her eversince she became a mafia reaper. Ito na ang mata niya sa lahat ng kanyang misyon at itinuturing niya itong kaibigan. She’s one of those person na pinagkakatiwalaan niya.
“I have no choice. I don’t want to get married with some faceless man na kahit dulo ng daliri niya ay hindi ko pa nakikita,” sagot niya dito at inilapag ang binabasang dokumento tungkol sa magiging bago niyang pagkatao kung sakali man na magtagumpay sila sa kanilang plano.
Sumandig siya sa kinauupuan at huminga ng malalim. “Since I was a kid sinusunod ko na lahat ng gusto nila. Kasi gusto kong maging proud sila sa akin at ipagmalaki rin nila ako. Pero bakit kahit ginawa ko naman na ang lahat, they still don’t see my worth.” Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at muling humugot ng malalim na hininga.
“They treat me like I’m some kind of a robot, a puppet na kung kailan nila pwedeng pagalawin ay doon lang gagalaw. Na kung anong i-utos nila ay iyon ang masusunod. I can’t take it anymore. Hindi ako papayag na pati pangarap kong magpakasal at bumuo ng sarili kong pamilya kasama ang mamahalin ko ay kukunin pa nila sa akin.”
Bumuntong-hininga ang kaibigan at pabagsak na na-upo sa tabi niya. “You are aware that we are gonna go against the mafia rule, right? At alam mong hindi nagpapatawad ang mafia. Death is the punishment,” pa-alala nito sa kanya.
“I know. I am not forgetting that.” Nilingon niya ito. “Don’t worry, hindi ka madadawit dito kung sakali man na magka-alaman.”
“Hindi iyan ang iniisip ko. Ikaw ang ina-alala ko, ayaw kitang mapahamak,” pagtatapat nito na naghatid ng haplos sa puso niya. Iilang tao lang kasi ang nagsasabi niyon sa kanya kahit palaging malamig ang pakikitungo niya sa mga ito.
“Hindi ako mapapahamak!” paninigurado niya dito at hinawakan niya ang kamay ni Aradelle. “Just trust me on this, okay?”
Mukhang nagdadalawang isip pa ang kaibigan ngunit sa huli ay pumayag rin ito. Inilatag niya ang kanyang plano para sa peke niyang pagkamatay.
“I will still kill my target. Doon ko isasabay ang pagkamatay ko. If you heard me saying the word ‘trust me on this’, iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng plano,” pagbibigay alam niya dito. Alam niya kasing sa bawat misyon nila ay may matang nakatutok sa kanila galing sa tauhan ng Funtellion. Recorded lahat ng mga galaw nila sapagkat ang bawat teknolohiya na ginagamit ng kanilang mga mata sa misyon ay may nakatagong bug.
Kasabay ng paglabas ng kanyang kotse sa eskinita ay ang pagsulpot ng sasakyan ng kanyang target dahilan para sumalpok siya doon. Her head smashed in the drivewheel because of the strong sudden impact. At sa nanlalabong paningin ay inapakan niya muli ang accelerator ng kotse dahilan para umangat ang likuran na bahagi niyon at tumilapon ang kanyang sasakyan sa ere. Halos magslow motion ang lahat ng nasa kanyang paligid habang itinutok niya ang kanyang baril sa lalaking nasa late fifties na ang edad. She pulled the trigger of her GLOCK 23 hand gun and she could almost see the travelling bullet that pierce on man’s skull.
Sigawan ng mga tao ang at malalakas na kalampag ang sumunod na narinig sa paligid. The white Lada granta smashed on the ground with strong potency. Nagpagulong-gulong iyon sa kalsada bago muling sumalpok sa isang establisyemento na naroroon.
Hilong-hilo si Jenza nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Duguan ang kanyang ulo dahil sa tinamong sugat sa pagkaka-untog sa manibela. Marami rin siyang sugat sa kanyang katawan na hindi niya ininda ang pagkirot dahil na-amoy na niya ang gas na tumagas. Mabagal na gumapang siya palabas ng kotse at dahil maraming tao ang natataranta papalabas ng establisyementong nabangga niya ay walang nakapansin sa kanya. Kung sa mga normal na pagkakataon ay mabilis siyang makaka-alis doon ngunit hindi niya kaya ngayon. Nagkamali yata siya ng kalkulasyon.
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa nang isang babae ang lumapit sa kanya at tinulungan siyang maka-alis ng kotse. Halos ka-edad niya lamang ito. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nila nang tumigil ito sa paglalakad. Nakita niyang nakatingin ito sahig na nagkalat ang mga Russian ruble o pera sa Russia. Ngayon niya lang napansin na isa sa mga nabangga niya ang cashier ng establisyemento.
“Let’s go,” pag-aaya niya sa babae.
“mne nuzhny den’gi,” wika nito sa wika ng mga taga Russia na sa pagkaka-intindi niya ay ‘I need money’.
“N-No…Just take this,” pigil niya dito at saka ibinigay ang gold bracelet niya. Mabilis nito iyon kinuha at muli siyang inalalayan. Ngunit tatlong hakbang pa lamang ang nagagawa nila ay malakas siya nitong itinulak at saka tumakbo sa pabalik sa mga pera na malapit sa nagliliyab na kotse.
“N-No,” mahinang usal niya at saka nagtago sa likod ng makapal na pader na naroroon upang hindi siya matamaan ng pagsabog. Makalipas ang ilang segundo, isang nakakayanig na pagsabog ang nasaksihan ng mga taong naroroon.
Tumilapon pa rin siya sa isang sulok dahil sa pagsabog at nabagsakan ng mga gamit. Ngunit makalipas ang halos sampung minuto ay nagkamalay siya. Nanghihina na inalis niya ang mga bumagsak sa kanya at mabilis na umalis sa lugar.
Iika-ika siya nang makalabas at namamanhid na rin ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat na natamo. Ngunit waka siya doon paki-alam dahil naisip niyang pagkakataon na niya iyon. Nakita niya ang mga paparating bumbero at mga ambulansya.
Pasimple niyang kinuha ang malaking coat na itinitinda sa gilid ng kalsada at bonnet. Hindi siya napansin ng tindero sapagkat nakiki-usyoso ito sa nangyari. Halos inabot siya ng siyam-siyam para makarating lang sa pinakamalapit na eskinitang naroroon kung saan nakatira ang isang doctor na kilala niya.
Halos hindi na niya mai-angat ang kanyang kamay para kumatok kaya isinandig na lang niya ang ulo sa bakal na pinto na naroroon at hinayaan ang sarili na hilahin ng kadiliman.
Ikinurap-kurap ni Jenza ang kanyang mga mata matapos magbalik-tanaw sa mga nangyari sa kanya dalawang buwan na ang nakalilipas. Nawalan siya ng malay sa labas ng apartment ni Dr. Torecilli. Ang doctor na tinulungan niyang makatakas sa mga taong gustong pumatay dito noon and the rest is history.
Ginamot siya nito at inalagaan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya. Nangako rin ito na hindi siya nito kilala o nakita man kung may magtanong. Nang gumaling na siya ay kinuha niya ang isang bag sa isang locker ng isang malaking university. Naglalaman iyon ng kanyang passport at ilan dokumento na naglalaman ng bago niyang pagkatao.
Zaza Allegro, ang bago niyang pangalan. Ulila at lumaki sa isang ampunan. Twenty years old at nakapagtapos lamang ng high school. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa ni Aradelle ngunit hindi na siya nagtaka sapagkat sa talas ng utak ng babae pagdating sa teknolohiya ay paniguradong hindi man lang ito pinagpawisan.
Huminga siya ng malalim at dinama ang sarap ng hangin na nagmumula sa dagat. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa railing ng barko at tinanaw ang alon ng dagat na minsan ay mahina at minsan ay malakas.
Hatinggabi na rin at sa palagay niya ay malapit na rin silang dumaong kung saan man sapagkat halos walong oras na rin silang naglalakbay. Narinig niya kanina sa ilang pasahero ang pangalan ng islang dadaungan ng barkong sinasakyan niya. Ang Isla Molave.
Hindi nga siya nagkamali ng hinuha sapagkat nang pumatak ang ala-una ng madaling araw ay inanusyo na dadaong na sila sa pantalan ng Isla Molave. Ilang sandali pa ay nakipagsabayan na siya sa mga pasaherong bumababa ng barko.
Buhay na buhay pa rin ang lugar dahil sa mga establisyemento na maiingay parin kahit madaling-araw na. Kaliwa’t kanan rin ang mga nakikita niyang kamag-anak na sumasalubong sa mga bagong dating. Medyo nakadama siya ng lungkot sapagkat na-alala niya ang kanyang mga magulang. Ngunit sandali lamang iyon sapagkat na-alala niyang malaya na siya. Magagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin at makakagalaw na siya na hindi ina-alala kung ano ang magiging konsekwensya niyon, maging ang reaksyon ng kanyang mga magulang.
“Okay! This is the life you’ve been waiting for. Let’s go,” wika niya sa sarili at nakangiting ipinagpatuloy ang paglabas sa nagkukumpulang mga tao.
Nakita niyang pumara ng taxi ang isang pasahero na kasabay niya kaya iyon din ang kanyang ginawa.
“Sa pinakamalapit na hotel, Manong,” sagot niya nang tanungin siya ng may katandaan ng driver kung saan siya nito ihahatid.
“Ineng, ang pinakamalapit na hotel dito ay nandiyan lang sa kantong iyan,” wika nito at saka itinuro ang lugar na tinutukoy. “Magsasayang ka lang ng pamasahe mo at gasolina ko kung magpapahatid ka sa akin.”
Sumilip siya sa bintana ng taxi at nakita nga niya ang mataas na building na nakatayo roon at pwede lang lakarin mula sa kinalalagyan nila.
“How about apartment po?” tanong niyang muli.
Nilingon siya nito at pansin niya ang mga puting buhok nito na naglalabasan sa pagitan ng mga itim nitong buhok. Sa tantiya niya ay lampas singkwenta na ang edad nito.
“Turista ka ba rito o dito ka na maninirahan?” tanong nito sa kanya.
“Dito na po maninirahan,” sagot niya.
“O sige, mukhang mabait ka naman na bata. May pinaparentahan kaming bahay ng asawa ko. Malapit iyon sa Unibersidad kaya lang ay umalis na ang dating mga ninirahan,” offer nito sa kanya na ikinatuwa niya.
“Sige po, maraming salamat.”
Tumango lamang ito at saka nagsimulang paandarin ang sasakyan.
“Alam mo, hindi sana kami nagpaparenta sa mga estranghero. Kadalasan ay mga estudyante ang pinapapayagan namin kasi alam mo na, matanda na kami ng asawa ko at wala kaming laban kapag masamang tao ang nakuha naming magrerenta,” panimula nito ng kuwento.
Tumango naman siya kahit napangiwi siya dahil na-alala niyang hindi pala siya anghel at isa siya sa mga masasamang tao na tinutukoy nito. Ngunit sinigurado naman niya sa sarili na wala siyang gagawin dito at sa asawa nito kung wala rin ang mga itong gawin sa kanya ng masama. Sa tingin niya naman ay mabait ang lalaki.
“Ako nga pala si Pedring. Ikaw anong pangalan mo?” tanong nito sa kanya.
“Je—Zaza po. Zaza Allegro,” pakilala niya rin sa sarili.
Sa mga sumunod na sandali ay nagkwentuham na silang dalawa. Medyo nagi-guilty siya sapagkat puro katotohanan ang mga sinabi nito sa kanya samantalang puro kasinungalingan naman sa kanya. Nang makarating sila sa bahay na sinasabi nito ay halos kilala na niya ang buong pamilya nito.
Ito at ang asawa na lamang ang magkasamang naninirahan sa bahay dahil ang nag-iisang anak nito ay nakipagsapalaran sa siyudad.
“Erma, may bisita tayo,” tawag ni Mang Pedring sa asawa nito. Lumabas naman sa isang simpleng bahay ang babaeng may edad na rin. Halatang kagigising pa lamang nito dahil pupungas-pungas pa ang babae.
“O, sino iyang kasama mo?” tanong nito at saka pinasadahan siya ng tingin.
“Si Zaza, bagong magrerenta sa bahay,” pakilala ni Mang Pedring sa kanya. Matapos ang ilang pag-uusap ay ipinakita ng dalawa sa kanya bahay na tutuluyan niya. Two-storey house iyon na nasa likod-bahay lamang ng mga ito. May sementadong daan papunta roon at napansin niya ang kalinisan ng bahay nang makapasok sila.
“Renta lang ba ng bahay ang babayaran mo, Zaza?” tanong ni Manang Erma sa kanya.
“Opo, marunong naman po akong magluto.” Totoo iyon sapagkat pinag-aralan niya iyon sa kanyang etiquette class.
Ipinaliwanag nito sa kanya ang kanyang buwanang renta. Pandalawahang tao pala ang bahay dahil dalawa naman ang kuwarto. Wala naman problema sa kanya kung may kasama siya sa bahay.
Walang-wala sa laki ang kuwarto ng bahay kung ikukumpara niya iyon sa kuwarto niya sa mansion. At walang-wala rin sa karangyaan. Pero hindi na bale sapagkat malaya at masaya naman siya sa bago niyang buhay. Iyon ang kanyang iniisip na kanyang ikinatulugan.
Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya kinabukasan. Tumatagos iyon sa nakasarang bintana ng inu-ukopa niyang kuwarto. Kulay brown na kisame ang unang bumungad sa kanya nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Nalito pa siya ng ilang sandali kung nasaan siya ngunit nang ma-alala ang kanyang kinalalagyan ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
Nag-unat siya at bumangon mula sa pagkakahiga sa kamang may tamang sukat lang para sa kanya. Manipis rin ang kumot na ginamit niya at iisa lamang ang unan. Matapos niyang ayusin ang kanyang hinigaan ay lumabas siya ng kanyang kuwarto at pumasok sa nag-iisang CR na nasa unang palapag. Naghilamos siya ng tubig galing sa gripo na naroroon. Napakagat-labi siya sapagkat wala man lang sabon roon.
Kaya naman ay nagdisisyon siyang mamili ng ilan niyang gamit. Kahit damit ay wala siyang pamalit. Ramdam niya rin ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil pasado alas-nuebe na ng umaga. Napalingon siya sa pinto ng bahay nang may kumatok roon nang paakyat siya sa pangalawang palapag. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Aling Erma. May dala-dala itong plato na naglalaman ng pagkain.
“Magandang umaga, Zaza,” magiliw nitong bati sa kanya. “May dala akong pagkain para sa’yo, alam ko kasing hindi ka pa nag-aalmusal,” wika nito at saka inabot sa kanya ang platong dala-dala. Kinuha naman niya iyon at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.
Hindi kasi pamilyar sa kanya ang dala nitong pagkain at hindi siya basta-basta nagtitiwala. Sa klase ba naman ng trabaho na meron siya ay nasanay na siyang maging maingat sa mga taong nakakasalamuha. Paano na lang kung may lason ang estrangherong pagkain na ibinigay nito sa kanya.
Pinapasok niya ito at inaya sa kusina. “Salamat po,” wika niya dito at binigyan ng pekeng ngiti. Halos manigas pa ang panga niya sa pagkangiti dito sapagkat hindi siya sanay gawin iyon. Ngunit dahil iba na nga ang buhay niya ngayon at gusto niyang gugulin iyon sa maganda, maayos at normal na paraan ay kinakailangan niyang matutong pakibagayan ang mga tao sa kanyang paligid.
“Pwede ko po bang malaman kung ano ito?” tanong niya sa ginang at itinuro ang pagkain sa plato.
Kumunot naman ang noo nito na para bang labis itong nagtataka kung bakit hindi niya alam kung anong pagkain ang ibinigay nito. “Sinangag ‘yan at saka pritong itlog. Bakit, ngayon ka lang ba nakakita niyan?” tanong nito.
Narinig na niya ang sinangag sa isa nilang kasambahay sa mansion ngunit hindi pa siya nakakita at nakatikim niyon sa tanang buhay niya. She also knows eggs but her meal is not just a fried egg. Iba’t ibang putahe ng itlog ang inihahain sa kaniya ng chef nila sa mansion. Like lobster scrambled egg, California Hangtown Fry, Frisee Salad with Vinaigrette and likes…
Muli niyang binigyan ng pekeng ngiti si Aling Erma. “Hindi po, iba po kasi iyong pagkakaluto niyo,” dahilan niya para hindi ito magduda sa pagkatao niya. Hindi na man na ito nagsalita pa ngunit batid niyang hindi ito naniwala sa dahilan niya. She knows how to read people, after all.
Gayunpaman, ay nakipagkwentuhan pa ito sa kanya ng ilang sandali habang kumakain siya. Ito ang halos nagsasalita at nakikinig lamang siya. Kung may itatanong ito ay saka lamang siya magsasalita. The food was great. Hindi niya inexpect na ang simpleng prinitong itlog at kanin ay masarap pala. So, this is the feeling of having a simple life.
Pinahiram din siya ni Aling Erma ng tuwalya at sabon kaya nakaligo siya. Wala itong damit na kasingsukat niya kaya sinuot niyang muli ang dating damit. Matapos makapagbihis ay lumabas siya ng bahay. Nang mapadaan siya sa bahay ni Aling Erma ay nagpaalam siya rito na bibili lang siya ng mga gamit niya. Gusto pa nga siya nitong samahan ngunit tumanggi siya sa alok nito.
Hindi siya sanay na may taong napakabait sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin na may hidden agenda ito. Ipinilig niya ang ulo at muling ipina-alala sa sarili na kailangan niyang makibagay sa mga tao sa kanyang paligid.
Nang makarating siya sa kalsada ay marami ng sasakyan at tao ang paroo’t parito. Pumara siya ng dumaang traysikel at nagpahatid sa pinakamalapit na shopping mall. Habang nagbabyahe ay inobserbahan niya ang lugar. Marami na rin establisyemento ang isla. At sa palagay niya ay sentro ng Isla ang kinalalagyan ng shopping mall. Nang makarating kasi sila doon ay maraming tao ang namimili sa mga tindahan sa gilid ng kalsada.
Tumingin siya ng mga damit sa isang stall ngunit nagbago ang kanyang isip nang makita ang mga presyo niyon. She only has one-hundred thousand. Nabawasan na niya iyon ng twelve thousand kagabi bilang advance payment niya sa apat na buwang renta.
Kung magtatagal pa siya sa islang ito na sisiguraduhin niyang mangyayari ay hindi praktikal na bumili siya ng damit na ang halaga ay one thousand five hundred ang isa. Lumabas siya ng mall at tumawid sa kabilang kalsada kung saan maraming nagtitinda ng kung anu-ano. May nakita siya roon na tatlo sa halagang one-hundred pesos. At dahil nagustuhan niya ang tela at disenyo niyon ay bumili siya.
Bumili rin siya ng ilang gamit sa bahay gaya ng hygiene kit, tuwalya, walis-tambo at iba pa. Malaki ang kanyang ngiti matapos niyang makapamili. Hapon nang maka-uwi siya sa tinutuluyan. Hindi niya nakita si Manang Erma sa maliit na sari-sari store nito sa harapan ng bahay nito nang dumaan siya doon.
Nakapaghapunan na siya bago pa siya umuwi kaya matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit ay naghanda na siya upang matulog. Plano niyang maghanap ng trabaho kinabukasan upang kahit paano ay may mapagkukunan siya ng gastusin. Pinaplano niya rin na pumasok sa Unibersidad na malapit lang.
Hihiga na sana siya sa kanyang kama nang makita niya ang dalawang couple sweatshirt na nabili niya kanina. Nang makita niya iyon kanina sa pamilihan ay sina Mang Pedring at Aling Erma agad ang pumasok sa isip niya. Hindi niya nga rin alam kung bakit niya iyon binili. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na nagbabayad sa tindera para doon.
Muli siyang tumayo at kinuha iyon. Pasado alas-syete pa lamang ng gabi, gising pa naman siguro ang mag-asawa. Binalot niya ang sarili ng kulay pulang shawl na nabili niya rin dahil nagustuhan niya ang kulay bago lumabas.
Napatigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang ingay mula sa sari-sari store ng mag-asawa. Bukas pa naman iyon nang dumaan siya roon kanina. Ngunit nagduda siya sa kakaibang ingay na naririnig.