Chapter 5

2930 Words
“Wala nga kaming kita ngayon. Ibinigay na namin sa’yo kahapon,” narinig niyang wika ni Aling Erma na umiiyak. “Kahapon iyon, iba ang ngayon. Ang ta*nga nito, hindi maka-intindi,” sagot naman ng isa. Hindi pamilyar ang boses nito sa kanya. Panglalaking boses, malalim. Sinundan iyon ng mga tawa ng ilan pang kalalakihan. “Bakit kasi hindi kayo magtrabaho, ang lalaki niyong tao, ang tatamad niyo!” Boses naman ni Mang Pedring ang narinig niya. “P*ta, sumasagot ka pa!” galit ang boses ng lalaki sa pagkakataong ito. Hindi na napigilan ni Jenza ang maki-alam sa nangyayari. Tuluyan siyang lumapit sa mga ito at nakita niyang nakasabunot sa buhok ni Mang Pedring ang isang balbas-saradong lalaki. “Anong ginagawa mo?” Nagsilingunan sa kanya ang mga ito nang magsalita siya. Limang lalaki ang naroroon maliban sa mag-asawa. They are look like a goons dahil sa mga tattoo ng mga ito sa katawan at mga balbas sa mukha. Ngumisi ang lider ng mga ito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Gumuhit ang manyak na ngiti sa labi nito nang tumuon ang mga mata nito sa kanyang legs. “Wow, Pare. Jackpot! May pulutan,” mahalay na wika nito sa mga kasama. Nagtawanan naman ang mga ito. “Zaza, tumakbo ka na, bilis!” Kita niya ang takot sa mga mata ni Mang Pedring nang malakas na isigaw iyon sa kanya. “Manahimik ka, Tanda!” bulyaw ng lider. “Hindi mo naman sinabi na may masarap na ulam ka pala dito.” Muli siya nitong tiningnan at bakas ang pagnanasa sa mga mata nito. “Hi, Miss! Ang ganda mo naman, ang kinis pa. ‘Di ba mga Pare?” “Hindi sinasagot ng pagiging bolero mo ang tanong ko? Anong ginagawa mo?” ulit niya sa tanong at sinulyapan ang mag-asawa na takot na magkayakap sa sulok. Lumapit ang lider sa kanya. “Ang talas ng bibig mo, pakipot ka pa. Tingnan natin kung saan mapupunta ang angas mo sa gagawin ko.” Hinipo ng kamay nito ang expose niyang hita dahil nakasuot lamang siya ng maikling cotton shorts. Ngunit bago pa man makahipo ito ng dalawang pulgada ay itinaas niya ang paa at malakas na sinipa ang p*********i nito. “P*tang*ina!” malutong nitong mura habang namimilipit sa sakit. “H*yop kang babae ka!” Na-alaerto ang mga kasamahan nito at sinugod siya. May iba pang naglabas ng patalim mula sa likod ng mga ito. Napailing siya, they are taller and stronger than her but she’s faster and skillful than them. The man with mustache attacked her. Mabilis niyang hinawi ito at saka sinipa sa tiyan. The man groaned in pain, bumagsak iyon sa sahig at sinipa niyang muli bago inatake ang ilan pang papalapit. She punched the other man face while she kicks the other man’s feet dahilan para mapaluhod ito. Hindi pa siya nakuntento, hinawakan niya ang buhok nito at malakas na inuntog ang ulo sa pader. “Puta!” malutong na mura ng isa at galit na galit na sumugod sa kanya. Naka-amba ang patalim nito papunta sa kanya. Sumabay rin ang isa pa nitong kasama na may patalim rin. Ngunit sa halip na ma-alerto ay ngumisi lamang siya, itinagilid ang ulo at saka hinugot ang suot-suot niyang shawl. Ipina-ikot niya ang dulo niyon sa kanyang kamay. Nang sumugod ang isang lalaki ay sinalo niya ang patalim nito gamit ang shawl sa kanyang kamay bago malakas na binigyan ng side kick ang patalim ng isa pang lalaki na sasaksak sa kanya dahilan para tumilapon ang kutsilyo nito. Hinila niya ang kanyang shawl na nakapulupot sa kutsilyo ng naunang umatake sa kanya at sinalubong ito ng suntok sa mukha. Ganon din ang ginawa niya sa isa pa. Sinalo niya ang kamao nito at pinilipit bago niya binali ang braso gamit ang kanyang siko. Napasigaw ito sa sakit. “Punyeta, hindi niyo ba mapapatumba ang babaeng iyan?” galit na galit na sabi ng lider at saka muli siyang sinugod. Tumakbo siya pasalubong dito at sunod-sunod na pina-ulanan ng suntok at sipa sa katawan. She makes sure that she hits the delicate spots. Isang malakas na sipa sa dibdib ang nagpatumba rito. She can hear the crack sound of his ribs. She caresses her fist and stared at the men who’s now laying on the ground, squirming in pain. Umuklo siya sa lider na halos mawalan na ng malay habang sapu-sapo ang dibdib nito. She grabbed a handful fist of his hair and made him stared at her. “Wala akong pakialam kung sino ka? Ang laki-laki ng katawan mo, nangungutong ka,” mahina ngunit matigas niyang wika dito. “Sa oras na pakialaman mo pa ang mag-asawa, hindi lang iyan ang gagawin ko sa’yo,” sinulyapan niya ang mag-asawang bakas ang gulat sa mukha bago inilapit ang bibig sa tainga ng lalaki. “Sisiguraduhin kong ipaparanas ko muna sa’yo ang impyerno bago mo harapin si Satanas,” puno ng pagbabanta ang boses niya. Pabalya niyang binitawan ang ulo nito at tumalikod. Hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay pautal-utal itong nagsalita. “A-Akala mo ba, panalo ka na? K-Kapag nalaman ito ng boss, s-siguraduhin niyang mararanasan mo rin ang i-impyerno.” Walang ekspresyon na nilingon niya ito. May lumalabas ng dugo sa bunganga nito ngunit nagawa pa rin ng hudas na ngumisi sa kanya na para bang sinasabi nito na may araw rin siya. At sa araw na iyon, ay hindi siya nito hahayaang mabuhay pa. Isang nakakakilabot na ngisi ang isinagot niya sa lalaki bago muling tumalikod at pinulot ang nahulog na plastic bag na naglalaman ng jacket para sa mag-asawa. Bahala na ang lalaking iyon sa pag-intindi kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ngisi. She’s not Jenza Weinstein for nothing. She’s not one of the best reapers for nothing. Nilapitan niya ang mag-asawa na gulat na gulat pa rin sa nangyari. Itinaas niya ang plastic bag at ibinigay sa mga ito. “Here, I bought this for you,” wika niya at nakagat ng lihim ang sariling dila dahil sa pagi-ingles niya. “Ibig kong sabihin, binili ko po ito para sa inyo,” bawi niya at ngumiti ng pilit sa mga ito. Nakita niya ang unti-unting pagbangon ng mga lalaki at halos gumapang papalapit sa lider ng grupo na tuluyan na nawalan ng malay sa kinalalagyan. Ini-iwas niya ang paningin sa mga ito at inakay ang mag-asawa sa papunta sa bahay na tinutuluyan niya. Mas mabuting doon muna mamalagi ang mga ito kasama siya dahil malaki ang posibilidad na balikan ito ng mga kasamahan ng mga gunggong na iyon. Pina-upo niya ang mga ito sa lumang sofa na nasa maliit na sala ng bahay. “May first aid kit po ba kayo?” tanong niya nang makitang sugat sa braso si Mang Pedring na halatang dahil sa tumama sa matulis na bagay. “N-Nasa banyo ng bahay,” sagot sa kanya ni Aling Erma na bahagyang nanginginig na ngayon. Nakabawi na yata ito sa pagkagulat kanina at nagsink-in na sa utak nito ang nangyari. Tumayo siya. “Dito muna po kayo, kukunin ko lang.” Nanigas ang kanyang panga nang mahalatang namumula ang pisngi nito. Paniguradong sinampal ng hudas na iyon ang babae. Pati ba naman matanda at walang laban, pinapatulan nito? Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Dapat pala ay tinuluyan na niya ang lalaking iyon. Hindi sapat ang ginawa niyang pambabali sa ribs nito para sa kabayaran na ginawa ng mga ito sa dalawang matanda. Kapag nakita niya talaga ulit ang mga ‘yon ay sisiguraduhin niyang dodoblehin niya ang sakit na naranasan ng mga ito ngayong gabi. Wala na ang mga lalaki nang makabalik siya sa harapan ng bahay na ikinabuti dahil baka kapag nandoon pa ang mga iyon ay tinuluyan na niya. She can work cleanly without a trace, after all. Hindi nakalock ang front door kaya naman ay madali siyang nakapasok. Hinanap niya ang first-aid kit na agad naman niya nakita. Kumuha rin siya ng yelo sa maliit na refrigerator at ibinalot iyon sa panyo. Pagkabalik niya sa bahay na tinutuluyan ay umiiyak na si Aling Erma sa habang yakap-yakap ito ng asawa. Si Mang Pedring naman ay namumula na ang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng pagguhit ng lungkot sa kanyang dibdib sa nasaksihan. Kawawa naman ang dalawa. Nasaan ba ang anak ng mga ito at nagawang iwan ang mga magulang sa gayong matatanda na ang mga ito? Nakagat niya ang kanyang labi dahil pumasok sa kanyang isipan na iniwan niya rin ang kanyang mga magulang katulad ng ginawa ng anak ng mag-asawa. Ngunit iba naman siya, her parents can protect themselves very well. Bukod sa may mga bodyguards ang mga ito, walang rin magtatangkang manakit sa mag-asawang Weinstein sapagkat makapangyarihan ang mga ito. And she leaves them because she’s already suffocated at their ways of manipulating her. Nilapitan niya ang mag-asawa nang mahimasmasan pareho ang mga ito. Ibinigay niya ang first-aid kit kay Mang Pedring at siya naman ang naglagay ng cold compress sa pisngi ni Manang Erma. Nanatili lamang tahimik ang mga ito na hindi niya inaasahan. Inaasahan niya kasing magtatanong ang mga ito tungkol sa nangyari kanina. “Hindi po ba kayo magtatanong?” hindi nakatiis niyang tanong sa mga ito. Napatigil naman ang mag-asawa at nagkatinginan. “Ayaw naming maki-alam. Kung gusto mong malaman namin ay sinabi mo na sana kahit hindi kami magtanong,” tahimik na wika ni Mang Pedring. Lihim siyang humanga sa dalawang ito sapagkat ito ang klase ng tao na nire-respeto ang buhay ng bawat isa. “Maraming salamat, Zaza!” Hinawakan ni Manang Erma ang kanyang kamay. “Pero nag-aalala kami ni Pedring sa kaligtasan mo. Paniguradong babalikan ka ng mga ‘yon,” puno ng pag-aalala ang boses nito. Umiling siya. “Sino po ba ang mga iyon at bakit nila kayo tinatakot?” Muli niyang idinampi ang cold compress sa pisngi ng babae. “Tauhan silang anak ng mayor.” Si Mang Pedring ang sumagot. “At dahil makapangyarihan ang ama ni Ismael ay walang nakakakontra sa kanya na mangolekta ng pera sa mga maliliit na tindahan dito sa bayan.” “At kinukunsinti niyo siya?” Hindi niya alam na nangyayari rin pala sa mga maliliit na bayan ang paggamit ng kapangyarihan sa gahaman na paraan. Sinners…sinners…sinners…I collect their souls “Hindi mo ba ako narinig? Anak siya ng mayor ng bayan na ito. Kahit ang mga alagad ng batas ay hawak nila. Paano pa kaya kaming mahihirap at walang kapangyarihan.” Muling napuno ng takot ang mga mata nito. “Kaya ikaw, ngayon pa lang ay umalis ka na. Paniguradong babalikan ka ng mga iyon.” Tumayo ito at saka hinila siya patayo. “Halika na, ihahatid kita sa pantalan ngayon din. May papa-alis na barko ngayong alas-otso,” natatarantang sabi nito sa kanya na sinang-ayunan naman ng babae. Umiling siya at maingat na inalis ang kamay ni Mang Pedring na nakahawak sa braso niya. “Kaya ko po ang sarili ko.” “Hindi mo ba kami naiintindihan, Zaza.” “Naiintindihan ko po kayo. Alam ko po ang ginagawa ko.” Hindi na muling nakipagtalo pa ang mga ito nang makitang buo ang kanyang disisyon kahit pa nakikitaan pa rin niya ng takot at pag-aalinlangan ang mukha ng mga ito. Doon niya na rin pinatulog ang mga ito. Sinigurado niyang lock ang buong kabahayan bago siya pumasok sa kanyang kuwarto. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama at binalikan ang pangyayari kanina. Hinaplos niya ang kanyang kamao at napapikit ng mariin. Nang umapak ang kanyang paa sa islang ito ay ipinangako niya sa sarili na magbabagong buhay siya. Na iiwan niya ang mga nakasanayan niya kagaya ng mga bayolenteng gawain. Ngunit mukhang nasira niya ang pangakong iyon because she just got into fight. At batid niyang hindi iyon ang huling beses na makikipagbugbugan siya. Inis niyang tinampal ang kanyang noo. “Hay! Weinstein, ang tanga mo!” “Dismiss.” Nang marinig iyon ni Jenza mula sa kanyang professor ay agad niyang isinilid ang notebook sa kanyang bag at nakipagsabayan sa mga kaklase niya papalabas ng classroom na iyon. Mag-iisang lingo na rin siyang pumapasok sa Molave State University bilang freshman college sa kursong Information Technology. Eversince she was a kid, she has something in computers, database, system, networks and likes. Iyon ang gusto niyang kunin na kurso nang college siya ngunit dahil ayaw niyang madagdagan ang disappointment ng kanyang mga magulang sa kanya ay business ang kinuha niya gaya ng gusto ng mga ito. Sa isang linggong pamamalagi niya dito ay iilan pa lang ang kumaka-usap sa kanya at kadalasan ay tungkol lamang sa school works. Pabor iyon sa kanya dahil bukod sa magagawa niya ang gusto niya nang walang mga matang manghuhusga ay tahimik rin ang kanyang buhay. Matapos ma-ilagay ang ilang gamit niya sa locker niya ay lumabas na siya ng campus. Alas-tres pa lang ng hapon ngunit dahil wala na siyang susunod na pasok ay lumabas na siya ng paaralan. Tinungo niya ang La Felda Café na kanyang pinagtatrabahuhan. Malapit lang iyon sa Molave State University kaya naglakad na lamang siya. Nang makarating doon ay binati siya ng cashier na si Jude na tinanguan lamang niya. Hanggang ngayon ay sinasanay niya pa rin ang sarili na makisama sa mga tao sa kanyang paligid. Isinuot niya ang uniform ng café na puting polo shirt at saka apron na kulay green. Ipinusod niya ang kanyang buhok at nilagyan iyon ng hairnet. Lumabas siya ng dressing room at tinulungan si Luisa sa pagseserve ng mga order. Kadalasan ay mga estudyante rin ng unibersidad ang kanilang mga kostumer. Kaka-unti pa lang ang kostumer ngayon dahil halos hindi pa labasan ng mga estudyante. Alas kuwatro hanggang ala-sais ang dagsaan. Her shift is five to eight. Kapag napapa-aga siya ng pasok o kaya ay overtime siya ay may dagdag sa kanyang sweldo. Iyon ang napag-usapan nila ng may-ari ng La Felda Café na si Fel. Inirekomenda siya ni Aling Erma kay Fel kaya niya nakuha ang trabahong ito na hindi naman mahirap. Ang ginagawa niya lang naman dito ay magserve ng order ng mga costumer. Minsan ay nagka-cashier din siya at nagbabantay sa stall. Nang gabing iyon ay pinag-overtime siya ng may-ari dahil may nagrenta ng La Felda Café para sa isang birthday party. Kinailangan niyang tumulong para sa pagseserve ng pagkain. Inabot siya ng alas-dose ng madaling araw sapagkat tumulong pa siya sa paglilinis ng lugar. Nangangalay ang kanyang mga braso at pagod ang kanyang katawan habang naglalakad siya pabalik sa bahay na tinutuluyan niya. Nakapatay na ang ilaw nina Mang Pedring at Aling Erma ng dumaan siya doon. Mabagal ang kanyang mga hakbang dahil pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nakipag-sparring siya kay Abaccus o kay Ekis na siyang trainor nila noong nagte-training pa lamang siya. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa sala at tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa hagdanan. Ngunit napatigil siya sa paghakbang nang may maramdaman siyang hindi pamilyar na presensya sa paligid. Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag nang maramdaman niya ang isang pigura malapit sa kanya. Wala siyang naririnig na yapak ngunit malakas naman ang pakiramdam niya sa paligid lalo na kapag madilim. She was trained to feel any living creature around her. Umigkas ang kanyang braso nang maramdaman ang isang pigura sa kanyang likuran. Ngunit hindi niya inaasahang masasalo ng kung sino ang kanyang siko. She jerked up her body and give him turn around kick at binigyan ito ng sunod-sunod na suntok. Pero sadyang mabilis din ang kung sino mang intruder na ito at naiwasan lahat ng kanyang mga atake dahilan para matamaan niya ang ilang kagamitan na naroroon. Narinig niya pa ang pagkabasag ng ilan. “Stop!” A deep voice of a man ordered. “Ano ba?” reklamo nito nang hindi siya nakinig at akmang aatakehin niya ulit. Hinuli nito ang mga kamay niya at itinulak siya sa pader. She was caught off guard because no one ever did this to her. Sadyang mabilis ang lalaki at parang alam na alam ang mga galaw niya sa pakikipaglaban. Idiniin siya nito sa pader gamit ang sariling katawan nito. “I said stop!” his voice is husky when he murmured that word in her ears. Pumasag si Jenza, gustong maka-alis sa pagkakahawak nito. But the man is strong. Ang kamay nito ay tila bakal na nakahawak sa kanyang palapulsuhan, pinipigilan siyang makawala dito. “Bitawan mo ako," mariin niyang utos dito. “Not until you stop attacking me.” “Why would I? Intruder ka!” bintang niya dito at muling pumasag. Sa oras na makawala talaga siya dito ay lagot ito sa kanya. “I’m not. I live here.” “At sinong niloloko mo? Wala akong housemate,” she hissed at him. Ngunit bago pa man ito makasagot sa kanya ay bumukas ang front door ng bahay at bumaha ng liwanag ang buong sala. “Anong nangyari dito?” gulat na tanong ni Aling Erma habang nakamasid ang mga mata sa buong sala. Nasira ang center table, wala sa ayos ang mga sofa at may mga basag na furniture. Lumipat ang tingin sa kanila ng mag-asawa at mas lalong bumakas ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. “Dyoskong mga bata ito,” bulalas ni Aling Erma at napa-antada pa. “Gagawa na nga lang ng kababalaghan hindi pa sa kanilang kuwarto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD